Ang putok ng baril ay tumagos sa gabi sinundan agad ng tunog ng gulong ng kotse papunta sa walang humpay na hiyaw. Pakiramdam ni Avery ay sasabog na ang kanyang tainga habang nakahawak ng mahigpit kay Elliot. Bumuhos ang luha sa kanyang mukha habang walang tigil ang panginginig ng kanyang katawan. Sumabog ang mga gulong ng itim na sedan. Lumihis ito at bumangga sa kung saan naka-puwesto ang cotton candy na binilhan kanina ni Avery. Niyakap ni Elliot si Avery habang pinapanood ang kotse mula sa gilid ng kanyang mga mata.May gustong pumatay sa kanya pero hindi nagtagumpay. Tapos ay may pagputok ulit ng baril sa kung saan. Sa oras na ito ay nakatutok na ang baril sa kanila mula sa upuan ng nagmamaneho. Napalibutan ng iyak at takot sina Avery at Elliot habang nagkawatak-watak ang mga tao para makahanap ng masisilungan mula sa kapahamakan. Malamig ang balat ni Avery. Hinele ni Elliot ang mukha niya sa kanyang mga kamay, tumitig sa natatakot niyang mukha, at namamaos na
Binaba ni Avery ang kanyang telepono sa lamesa. Agad na nanuyo ang kanyang bibig kaya kinuha niya ang mangkok ng sabaw na pinasa sa kanya ni Ben. Kinatok ni Ben ang lamesa at sinabi, "Hoy! Pa-sikreto ba kayong nagpapadala ng mensahe ngayon?"Natatakot si Avery na may ibulalas na nakakagulat si Elliot ang, kaya agad niyang sinabi, "Busog na kami pareho, kaya uuwi na kami!""Sige! Busog na rin kami," panunuya ni Ben. "Napuno kakanood ng PDA niyo!"...Narinig ni Rosalie ang pagtangkang pagpatay na balita kay Elliot at agad na nagmadali sa buong kagabi papunta sa mansyon ng mga Foster. Nanlamig ang mukha niya nang makita si Avery. "Nang muntik nang masagasaan ng kotse si Mr.Foster kanina, tumalon si Miss Avery sa kanya at niyakap niya sa kanyang bisig!"Nakita ng gwardiya ang buong pangyayari at naramdaman na obliga siyang i-ulat ang kung anong nakita niya kay Rosalie. "Kung hindi ko binaril ang mga gulong, babangga ang kotse diretso sa kanila. Malamang ay mapipisa si Miss
"Ako lang mag-isa," sagot ni Elliot nang may mahinahon na tono, "Pero, pwede mo akong tulungan kung nag-aalala ka."Pakiramdam ni Avery na binungkal niya ang sarili niyang hukay. Syempre, mag-aalala siya kung inaalagaan ba ni Elliot ang sarili niyang kalinisan, pero anong pinagkaiba sa pagitan ng pagpapaligo sa kanya, at ang pagsabay nilang pagligo?Pumasok sila sa kwarto, at sinarado ni Avery ang pintuan sa likuran niya. "Pwede mo bang ibigay sa akin ang tungkod ko, pakiusap?" tanong ni Elliot na may malalim at mababang boses. Tatanungin na sana ni Avery kung saan nakalagay ang tungkod niya nang nakita niya ito at binigay ito sa kanya. Kinuha ni Elliot ang tungkod at ginamit ito bilang suporta habang nahihirapan siyang tumayo sa kanyang wheelchair. "Ayos ka lang?" natatarantang tanong ni Avery. "Ayos lang ako. Naliligo ako mag-isa ng ilang araw," sagot ni Elliot nang may himig ng kapilyuhan sa kanyang boses. "Tinakot ba kita?"Namula si Avery tapos ay sinabi, "Inaasar m
Muling pumasok si Avery sa kwarto dala ang pang-unang lunas sa kanyang kamay. Lumuhod siya sa paa ni Elliot at sinimulang hubarin ang benda sa mga sugat niya. Malala pa kaysa sa inaasahan niya ang mga natamo niyang pinsala. Ang malaking piraso ng balat ay nawawala mula sa kanyang paa, pinapakita ang madugong laman nito. Labis siguro ang paghihirap niya!Halos hindi kumibot si Elliot habang ginagamot at binibihisan ni Avery ang sugat. Napansin niyang naging mabigat ang kanyang hininga. "Mukha lang 'yang malala. Hindi 'yan masakit," sinabi niya, ang boses niya ay gumuhit sa katahimikan. Gusto niyang bumuti ang pakiramdam ni Avery, pero hindi niya gusto ang maling kaaliwan ni Elliot. Sinundot ni Avery ang sugat niya gamit ang kanyang darili, dahilan kung bakit napaigtad si Elliot. "Sabihin mo ulit sa akin na hindi masakit," sinabi niya habang namumula ang kanyang matang nakatitig kay Elliot. Nilagay ni Elliot ang kanyang mga braso sa likod niya, tapos ay pinasingkit a
Ang balita sa pagkamatay ni Cassandra ay umabot ng bandang ala-siyete ng umaga. Tumalon siya sa bintana ng kanyang silid sa hotel kung saan siya nanatili at namatay mula sa pagkahulog. Nabalik ng mga pulisya ang contact na impormasyon ni Avery mula sa pagkakakilanlan na iniwan ni Cassandra sa kanyang silid. Patay na si Jack at nasa ibang bansa naman si Wanda. Ang tanging tao lang na makakakilala sa katawan ni Cassandra ay si Avery. Halos tulog pa rin si Avery nang sinagot niya ang tawag. Kahit pagkatapos niyang ibaba ito, akala niya ay nananaginip pa rin siya. Hanggang sa bumalik ang ulirat niya at tiningnan ang kanyang phone call history at doon niya napagtanto na hindi siya nananginip. Bumangon siya sa kama, kinaligtaan ang almusal, at nagmadali sa hotel kung saan nangyari ang insidente. ..."Tumalon siya, Sir. Nang binuksan namin ang pinto, tumakbo siya sa bintana at tumalon bago pa kami may magawa. Halata na punong-puno siya ng pagsisisi."Inulat ng tauhan ni El
Kinuha ni Avery ang kanyang telepono at tinawagan si Cole."Hello? Avery?" sagot ni Cole. "Patay na si Cassandra. Alam mo ba 'yon?""Ano?! Anong ibig mong sabihin na patay na siya?! Nasa ospital ako ngayon para magpatingin...Maayos lang siya kanina nang nakausap siya sa telepono kagabi-""Nag-away ba kayo?""Hindi!" sigaw ni Cole.Ilang segundo ang lumipas, halos may naalala siyang kung ano, dagdag niya, "Naalala ko na. Nandito si Cassandra nang umuwi si Tito Elliot sa bahay para maghapunan 'nong nakaraan. Hindi naging maganda ang gabi 'non. Sinabihan siya ni Tito Elliot na wala na siyang oras para mabuhay, at natatakot siya simula 'nong pag-uusap na iyon-""Imposible! Kasama ko si Elliot buong gabi. Wala siyang ginawa na kahit ano!"Bumuntong hininga si Cole, tapos ay sinabi, "Bakit ba nawawala ang lahat ng rason mo sa tuwing kasali si Tito Elliot dito? Sinasabi ko lang ang alam ko. Ikaw lang ang sinabihan ko nito. Kung tatanungin ako ng mga pulis, hindi ko ito babanggitin...
Ang tensyon sa pagitan nina Elliot at Avery ay lumaki ng husto. Nakaupo sila tabi ang isa't-isa pero mukhang nasa bingit sila ng giyera. Takot na mag-away sila, agad na nagdala si Mrs.Cooper isang buong plato ng sariwang prutas."Kumain na ba kayo ng tanghalian, Madam? Nag-iwan ako ng pagkain para sa'yo."Tinapak ni Avery ang kanyang mga paa at nagmartsa papunta sa kusina. Pinanood siya ni Elliot umalis. Hindi niya matukoy ang mga iniisip ni Avery. Kung galit na galit siya, malamang ay hindi siya mananatili para mag-tanghalian. Pero, ang galit sa mga mata ang imposibleng itanggo na galit siya. Kinaligtaan ni Avery ang kanyang almusal at tanghalian, kaya nagsisimula nang manakit ang tiyan niya sa gutom. Inabot siya ng halos isang oras bago matapos ang kanyang pagkain dahil ang pagkagutom sa kanyang tiyan ang magiging dahilan ng hindi pagkatunaw ng pagkain at ang magdadagdag sa kanya sa kasalukuyang kahirapan. Nang naglakad siya sa kusina, wala na si Elliot sa sala. "
Kung natuluyan nga kagabi si Elliot, masisiguro bang mapaparusahan ang may salarin?Kahit na binayaran ng isang mamamatay tao ang kanyang mga krimen, maibabalik ba nito ang buhay ni Elliot?Syempre hindi. "Hindi kita sinisisi, Elliot...Hindi ko lang agad matanggap kung paano panghawakan ang mga bagay bagay..." sinabi ni Avery sa tono na kasing lambot ng bulak. "Hindi mo kailangang tanggapin. Kailangan mo lang malaman na hindi ako mananakit ng inosente.""Okay.""Magpahinga ka na," sinabi ni Elliot, tapos ay dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ni Avery para makatulog. Balot sa kanyang mga bisig at pinalibutan ng kanyang kakaibang amoy, agad na nakatulong ng mahimbing si Avery. Ala-singko ng hapon, nakatanggap ng tawag si Avery sa pulis para hingin ang kanyang presensya sa istasyon agad agad. Binaba niya ang kanyang telepono at nagmadaling lumabas ng bahay nang hindi sinasabihan si Elliot. Nang makarating siya sa istasyon, agad na bumaling ang tingin niya sa mapulang ma
Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI
Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo
"Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun
Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa
Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko
Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong
Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari
Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m
Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan