Kabanata 11
Inilabas ni Elliot ang braso niya sa bintana ng sasakyan.

Nakaipit sa mga daliri niya ay pakete ng tissue.

Nagulat si Avery. Aayaw na sana siya pero tinanggap niya ito.

“Salamat.”

Ang init ng palad nito ay nasa tissues pa rin.

Kaagad namang iniiwas ni Elliot ang tingin niya mula sa mukha nito at isinara ang bintana tsaka umalis.

Ten ng umaga sa Tate industries, at ang lahat ng employess niya ay nagtatrabaho sa mga stations nila.

Isang buwan na rin simula nung nagpasweldo ang company. Pero, ang Tate Industries ay isa ng matagal na player sa industry. Kahit na maraming negative na balita ang umiikot sa internet, ayaw itong isuko ng mga employees nila hanggang sa huling pagkakataon.

Kung hindi niya alam ang tungkol sa maraming utang ng company, hindi niya iisipin na ilusyon lang ang kalmadong atmosphere sa harap niya.

Pumasok siya sa meeting room kasama ang vice president ng company, si Shaun Loclyn.

Straight to the point ang lawyer nung nakita niya si Avery at sinabi, “Sorry for your loss, Miss Tate. Ipinagkatiwala sakin ng tatay niyo ang pag-aanunsyo ng will niya, na gagawin ko ngayon.

Tumango si Avery.

Binuksan ng lawyer ang file at firm na sinabi, ang tatay mo ay may anim na pirasong real estate na nasa… Ito ang file. Basahin mo ito.”

Kinuha ni Avery ang document at inexamine ito ng maigi.

“Ang tatay mo ay may tatlong parking lots din,” sabi ng lawyer habang pinapasa ang dokumento sa kanya, “may walo din siyang shop lots, at twelve na kotse.”

Walang kaalam-alam si Avery sa yaman ng pamilya niya.

Nung una, wala siyang interest dito.

Pangalawa, kailanman ay hindi ito ipinaliwanag ng tatay niya sa kanya.

Ngayong dinedescribe ng lawyer ang mga yaman nila sa kanya, hindi niya mapigilan na hindi makampante.

Wala siyang idea na ganito kayaman ang tatay niya.

Dahil madami siyang fixed assets, bakit hindi niya ito binenta at ginamit ang pera para magpaggamot?

“Maliban sa mga nabanggit na mga assets, kasama din ang company na kinakaupuan natin ngayon,” sabi ng lawyer. Pagkatapos ng saglit na pause, dagdag niya, pero ang company ay kasalukuyang nag-ooperate ng lugi.”

Tumingin si Avery sa lawyer at sinabi, “Magkano?”

Inadjust ni Shaun ang salamin niya at sinabi, “Ang kasalukuyang deficit ay one hundred twenty-five million. Kapag ikaw na ang nagtakeover sa company, mamamana mo rin ang utang niya. Kailangan mo ibenta ang lahat ng properties at kotse niya na kakabanggit lang ngayon para mapunan ang nawala na ito.”

Nagulat si Avery.

One hundred twenty-five million!

Kahit na ibenta niya ang lahat ng assets ng tatay niya, hindi pa rin ito sapat!

“Pwede mo namang hindi tanggapin ito, Avery. Sa paraang ito, hindi mapupunta sayo ang utang ng tatay mo,” malungkot na sabi ni Shaun. “Pero, sana ay seryoso mo itong ikonsidera. Ang company na ito ay buhay ng papa mo. Kakayanin ba ng puso mo na makita ito na bumagsak?”

“Paano sila Wanda at Cassndra?” Tanong ni Avery pagkatapos huminga ng malalim.

“Huwag mong banggitin ang stepmother mo! Medyo kasalanan niya din kung bakit naghihirap ang company. Siya ang naglagay sa kapatid niya sa finance department mga ilang taon lang ang nakakaliaps. Nag-embezzle ito ng maraming pera sa loob ng maraming taon. Ni hindi nga namin alam kung nagtatago pa rin ba siya hanggang ngayon,” napabuntong hininga si Shaun.

Inilagay ni Avery ang kamay niya sa noo niya at nanginig ang boses niya habang sinasabi, “Ayokong makita na bumagsak ang company ng papa ko, pero saan ko naman makukuha ang ganyang kalaking pera—“

“Magloan ka!” Sabi ni Shaun. “Narating na naman ang end ng bagong product research at development. Kapag nakakuha tayo ng loan at nailaunch ang product, medyo mababawasan natin ang problema natin pera.”

“Kanino naman tayo uutang? Sino ang makakapagbigay sa akin ng ganun kalaki?” Tanong ni Avery habang hindi makapaniwala.

“Ang mga bangko,” sagot ni Shaun. “Kapag hindi nagbigay ang mga bangko, hahanap tayo ng investor. Kailangan nating subukan. Kapag nagawa natin, edi mabuti. Kapag hindi, edi suko na tayo. Ano sa tingin mo?”

……

Sa may office ng president sa top floor ng Sterling Group, ang araw at nagniningning mula sa spotless na floor-to-ceiling windows.

Habang nakatalikod siya sa araw. Ang chiseled na features ni Elliot ay mukhang extraordinary.

Hawak niya ang document na dinala ng assistant niya g si, Chad Rayner.

“Mr. Foster, ang Tate industries ay kasalukuyang may hinaharap na utang na nagkakahalaga ng one hundred twenty-five million dollars. Ang asawa ni Jack Tatr at ang bunso nigo ay sumakay sa early flight palabas ng bansa this morning. Mukhang hindi sila babalik hangga’t di naayos ang problema ng company. Sa ringin ko naman ay mukhang isusuko ni Miss Tate ang Tate Industries. Imposible ang halagang ito sa kanya,” paliwanag ni Chad.

Nanghingi sa kanya si Elliot ng information tungkol sa Tate Industries, kaya naman nalaman niya na interesado ang boss niya tungkol dito.

“Magpustahan tayo, Chad!”

Ang chief financial officer ng Sterling Group, si Ben Schaffer, ay hinahalo ang coffee niya habang ang mga mata niyo ay lumiit na parang isang fox.

“Pusta ko. Si Avery Tate ay lalapit kay Elliot para mangutanh. Siya ay nasa magandang position para maenjoy ang benefits. Kapag nanghingi siga ng pera kay Elliot, hula ko ay magpapahiram ito.”

Umiling si Chad at sinabi, “Duda ako na may lakas siya ng loob para gawin yan.”

Uminom si Ben ng kape at tumawa, “Hindi mo siya nakita kagabi. Binasag niya ang bote ng wine mula pa ng 1947 sa haro ng mga mukha namin at kinalaban si Chelsea. Mukha man siyang gentle, pero mas palaban siya kaysa kay Chelsea.”

“Ano naman ang pagpupustahan natin?”

“Kapag natalo ako, bibilhan kita ng kape every month. Kapag natalo ka, kailangan mo bilhan ng kape ang lahat sa president’s department every month. Ano? Okay ba ito?”

“Okay.”

……

Nung tanghaling yun, tinawagan ni Avery ang bawat major na bangko.

Hindi ganun kasimple ito gaya ng pagsabi ni Shaun.

Tumawag siya sa walong banks, dalawa sa mga ito ay may utang pa ang company.

Syempre, anv iba pang banks ay hindi siya pinautang din.

“Avery, ito ang detailed introduction ng bago nating product. Sobrang ganda ng product na ito. Hahanap ako ng paraan para makapagset up tayo ng meeting kasama ang managers ng dalawang bangko. Magsuot ka ng maganda at pagkatapos, kikitain natin sila,” sabi ni Shaun habang nag-aabot ng makapal na file kay Avery.

“Bakit ko kailangan mag-ayos? Hindi ba pwedeng ganuto nalang ako?” Tanong ni Avery.

“Wala kang suot na makeup, kaya hindi pa best ang itsura mo. Baka akalain nila na hindi mo sila ginagapang sa business world,” sagot ni Shaun.

“Tingnan ko muna ang product file muna,” sabi ni Avery.

“Sige. Tatawagan ko ang mga bank managers. Sasabihan kita pag may naset up na ako.” Sabi ji Shaun.

Nakatanggap si Chad ng information ng mga six ng gabi.

“Mukhang parehas tayo nawalan ng the best, Mr. Schaffer,” sabi ni Char. “Nakakagulat na hindi sinukuan ni Avery Tate ang Tate Industries. Tsaka, kikitain niya ang mga managers ng River City Bank at Silver Linings Bank ngayong gabi.”

Disappointed si Ben.

“Ang dalawang matandang dun ay kilala bilang bastos! Papunta siya sa kulangan ng lion! Siguro ay hindi niya alam ang panganib sa society dahil hindi pa siya nakakagraduate ng college pa. Hindi ko alam kung bakit hindi nalang siya lumapit kay Elliot? Siya ay asawa niya kahit sa pangalan pang. Hindi niya ba naisip na mas okay si Elliot kaysa sa dalawang matanda na yun?”

Sinilip ni Chad ang mukha ni Elliot.

Madilim ito.

Sa katapusan kasi ng araw. Si Avery ay asawa pa rin ni Elliot sa pangalan.

Kapag kinita nito ang dalawang matandang lalaki ngayong gabi, magiging suntok ito sa pride nita.

Hindi makahinga si Chad kapag naiisip niya na napaglalaruan ang boss niya.

Sa pasensya ni Elliot, kapag nagcheat talaga si Avery, siya ay magkakaroon ng hindi magandang ending.

“Tawagan ko ba si Avery Tate, Mr. Foster?” Sabi ni Chad pagkatapos mag-isip.

Mahigpit na napakuyom ng kamao si Elliot hanggang sa mamuti ito.

“Huwag mo siyang tawagan!” Sigaw nito.

Gusto niya makita kung carelessly na aakto talaga si Avery sa likod niya.

Light na umubo si Ben, at sinabi, “Gusto mo ba makiinom samin? Treat ko!”

Naging malicious ang expressed ni Elliot. Pinatay niya ang laptop at umalis gamit ang wheelchair.

Kaagad naman sumunod ang bodyguard niya at inihatid siya palabas.

Related Chapters

Latest Chapter