Kabanata 19
Author: Simple Silence
Linggo na, at hindi bumangon si Avery sa kama hanggang sa ika-sampu at tatlumpu ng umaga.

Ito ang unang pagkakataon na nakatulog siya sa bahay ni Elliot.

Noong lumabas siya sa kwarto, isang grupo ng mga lalaki ang tumingin sa kanya.

Si Avery ay nakasuot ng mahabang pantulog na may magulong buhok hanggang sa kanyang balikat, napapagitnaan ang kanyang malinis na mukha.

Hindi niya inaasahan na may mga bisita si Elliot sa araw na iyon.

Si Elliot at ang kanyang mga bisita ay napatitig sa kanya na tila ba hindi nila inaasahan ang pagsulpot niya.

Biglang may sumagi sa isip ni Avery.

Napagtanto niya na nasa nakakahiyang sitwayson siya ngayon, umikot siya at bumalik sa kanyang kwarto.

Biglang naglakad si Mrs. Cooper at pumunta sa hapagkainan.

“Gutom ka na siguro, Madam. Mahimbing ang iyong tulog noong pumunta ako sa kwarto mo kanina, kung kaya hindi na kita ginising.”

“Yung mga taong iyon… Sino sila?” tanong ni Avery.

“Kaibigan sila ni Master Elliot. Pumunta sila para bisitahin siya. Huwag kang mag-alala. Ayos lamang kahit na hindi mo sila batiin.” sagot ni Mrs. Cooper.

“Sige,” sagot ni Avery.

Hindi niya nga binati si Elliot nang makita niya ito, bakit naman niya babatiin pa ang ga kaibigan niya?

Kung alam niya darating ang mga kaibigan ni Elliot, sana ay bumangon siya ng maaga at umalis buong araw.

Ang mga kaibigan ni Elliot sa sala ay interesado kay Avery.

“Elliot, bakit kasama mo sa bahay ay babaeng iyon? Tagapag-alaga ba siya ng bahay? O baka naman…”

“Matatanda na tayo dito. Lalaki si Elliot. Normal lamang na may batang babae sa kanyang bahay! Ha ha!”

Nang hindi sumagot si Elliot, tumikom ang bibig ng lahat at iniba na ang usapan.

“Kilala ninyo ba si Avery Tate ng Tate Industries? Ang sabi nila ay ang anak daw ni Jack Tate ay—”

“Alam ko. Tumawag siya sa akin noong Biyernes upang manghingi ng puhunan, ngunit binaba ko bago pa man siya matapos magsalita.”

“Iba talaga siya. Anong kinalaman ng utang ng tatay niya sa kanya? Nawawalan na yata siya ng bait sa pagsali niya sa kaguluhang iyon!”

“Ang mga bata talaga ay ganon mag-isip! Tiningnan ko ang bago nilang produkto, ngunit hindi ito maganda! Magandang ideya ang self-driving system ngunit ang mga kondisyon ay komplikado at mahirap makontrol. Kung sino man ang interesado doon ay tanga!”

Sa hapagkainan, nakikinig si Avery sa pag-uusap nila sa sala at halo-halo ang kanyang emosyon.

Pagkatapos niyang kumain ng agahan, kinuha niya ang kanyang laptop at pumunta sa malapit na kapihan upang tapusin ang kanyang thesis.

Sa panahong ito, limitado lang ang kanyang abilidad. Kailangan niyang tutukan ang kanyang pag-aaral at ang kanyang buhay.

Nakatanggap siya muli ng email nang alas kwatro ng hapon.

Nilagay niya ang tasa ng kape sa kanyang mesa pagkatapos basahin at binasa niya itong muli.

May pirma itong ‘Mr. Z’.

Ang nilalaman ay ang kanyang interes ukol sa bagong produkto ng Tate Industries. Gusto niyang malaman ang iba pang impormasyon at siya amy mamumuhunan kung magkakasundo sila.

Ang utak ni Avery ay puno ng katanungan.

Wala siyang alam tungkol sa taong ito bukod sa ang tawag sa kanya ay Mr. Z.

Kung talagang interesado siya na magtrabaho sa Tate INdustries, maaari naman siyang makipag-usap sa opisina.

Pagkatapos ng ilang konsiderasyon, sumagot si Avery sa email.

[Ito ang bagong kalokohan?]

Agarang sumagot si Mr. Z.

[Nakakatawa ka, Miss Tate. Ito ang pruweba ng aking mga assets.]

May larawang dokumento na nakadikit sa email.

Nang buksan ni Avery ang dokumento, nanlaki ang mata niya sa gulat.

Ang larawan ay screenshot mula sa bangko na ipinapakitang malapit sa dalawang daang milyong dolyares ang kanyang pera.

Dahil malaki ang halaga nito, tinitigan ni Avery ang larawan at gumawa ng kalkulasyon sa kanyang isipan bago niya napagtanto ang totoong halaga.

Namula ang kanyang pisngi at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nagta-type ng sagot.

[Magaling kang mag-edit ng litrato, hindi ba ito sobra? Sino nga ba ang may dalawang daang milyong dolyares sa kanilang acoount?]

[Ano ba ang dapat kong gawin upang paniwalaan mo ako? Bakit hindi mo ibigay sa aking ang iyong account sa bangko at dedepositohan kita biglang patunay sa’yo?]

[Ganito na ba talaga manloko ngayon? Ang kailangan na lamang ay ang account number sa bangko para makakuha ng pera ng iba?]

Hindi sumagot si Mr. Z sa email ni Avery.

Pagkatapos na mag-isip, ibinigay ni Avery ang screenshot ng kanyang account number.

Ang account number na ito ay maaari lamang makakuha ng pera, ngunit hindi nakakawithdraw, kung kaya walang mawawala kung si Mr. Z ay isang manloloko.

Tinikom ni Avery ang kanyang bibig at naghintay sa sagot.

Nakakuha siya ng transfer notification sa kanyang telepono.

Binuksan niya ang nptipikasyon ay nakitang binigyan siya ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares.

Dumating sa kapihan si Shaun kalahating oras ang nakalipas.

“Anong nangyayari, Avery? Binigyan ka talaga ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares?”

Ipinakita ni Avery ang kanyang telepono kay Shaun at sinabing, “Ang balanseng ito na “Anong nangyayari, Avery? BInigyan ka talaga ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares ay galing sa kanya.”

Natuwa si Shaun.

“Saang kumpanya siya galing? Kailangan mong makipagkita sa kanya upang makipagusap ng harapan!”

Si Avery ay tila ba hindi mapalagay na ekspresyon sa kanyang mukha at sinabing, “Ang tanging binigay niya sa akin ay address at tinatanong niya kung maaari ba kaming magkita sa BIyernes ng gabi.”

“Maganda iyan! Ibigay mo rin sa akin ang address. Sasamahan kita sa Biyernes,” sabi ni Shaun.

“Sige,” sagot ni Avery.

Sa paglitaw ni Mr. Z ay pansamantalang naisantabi ang isyu tungkol sa pagsasara ng Tate Industries.

Ngunit hindi niya maiwasang mag-isip tungkol sa katauhan ni Mr. Z at kung saan siya nanggaling.

Binigyan siya ng walong daang libong dolyares, kahit na hindi pa niya ito nakikita. Sadyang marami lang ba talaga siyang pera, o talagang interesado siya sa Tate Industries?

Kung ano man iyon, sa tingin ni Avery ay hindi ito kapani-paniwala.

Agarang dumating ang Biyernes.

Habang nag-aagahan, sabi ni Elliot, “May oras ka ba para maghapunan sa mansyon ngayong gabi?”

Nanahimik si Avery ng ilang segundo, nag-isip ng palusot at sainabing, “Mayroon akong kailangang gawin sa campus ngayon, kaya gabi na ako makakauwi.”

Sumimangot ng kaunti si Elliot. Tinikom ang kanyang bibig at hindi na nagsalita.

Lumuwag ang paghinga ni Avery.

Makikipagkita siya kay Mr. Z ng ala-sais ng gabi.

Ang kapalaran ng Tate Industries at nakadepende sa pag-uusap mamayang gabi.

“Asawa pa rin kita sa ngayon,” nilagay ni Elliot ang tasa ng kape sa mesa. “Kapag nalaman ko na nagsusunungaling ka sa akin, patay ka sa akin.”

Ang itim na mga mata niya ay tila tumagos sa kanya, ngunit ang kanyang boses ay niyutral.

Ang buong katawan ni Avery ay nanlamig.

Limitado lamang ang kanilang interaksyon noong mga nakaraang araw.

Akala ni Avery ay magandang ipagpatuloy na ganito ang kanilang relasyon, ngunit bakit bigla siyang magsasabi ng ganun?”

She was about to say something when he left the dining room.

She watched his back and mumbled to herself, "Weirdo."

Magsasabi palang siya ng kung ano nung umalis siya ng dining room.

Pinanuod niya ang likod nito at sinabi sa sarili niya, “Weirdo.”

Nakarating si Avery sa Twilight Bar ng ala-singko’t kwarenta ng gabi.

Tinawagan niya si Shaun, at narinig niya ang tarantang boses ni Shaun sa kabilang linya.

“Natrapik ako at hindi ko alam kung anong oras ako makakarating diyan. Pumunta ka na ng wala ako! Pupunta ako agad diyan.”

Tila ba nababalisa si Avery.

.

Ang pakikipagkitang ito ay naka-iskedyul isang linggo ang nakalipas, at si Mr. Z ang nag-iskedyum ng pribadong silid.

Dinala siya ng attendant papunta sa pribadong silid V606.

Nagbuntong hininga siya at bunuksan ang pinto.

Sa hindi inaasahan, naroon na si Mr. Z.

Hindi niya gaanong makita ang hubog ng lalaking nasa wheelchair sa madilim na silid.

Nandilat ang kanyang mga mata.

Si… Si Elliot!

Anong ginagawa niya rito?!

Hindi kaya siya…

Related Chapters

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 20

    Naramdaman ni Avery na tila ba may sumakal sa kanya.Nakaramdam siya ng hirap sa paghinga na para bang umiikot ang mundo sa kanya.Paano naging si Elliot si Mr. Z?!Binigyan siya ni Mr. Z ng walong daang libong dolyares at gusto niyang mamuhunan sa Tate Industries. Paano ito nagagawa ni Elliot?Ngunit, kung hindi siya si Mr. Z, anong ginagawa niya doon?Nalilito ang kanyang isipan habang nakatingin sa lalaking nasa harapan niya. Ang kanyang wheelchair, itim na damit at ang maputla niyang balat ay nagsasabi na ang lalaki sa kanyang harapan ay si Elliot Foster. Naglabas ng malamig na hininga si Avery at walang-malay na umatras ng kaunti, ngunit ang pinto ng pribadong silid ay nakasara.“Aalis ka bago pa man din mangamusta?”Nang makita ni Elliot na kinabahan si Avery, tinikom niya ang kanyang bibig.“Anong ginagawa mo sa ganitong lugar?”Itinaas ni Avery ang kanyang kamay at hinawi ang kanyang buhok papunta sa likod ng kanyang tenga. Pinilit niyang maging kalmado at sinabing,

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 21

    Ito ay isang mahaba at masakit na gabi. Nang matapos ang lahat, pagod na pagod si Avery kaya nahimatay siya. Kinaumagahan, nagpakita si Elliot sa Sterling Group bandang alas -diyes ng umaga gaya ng dati. Nang makapasok siya sa kanyang opisina, pumasok si Ben. "Pumunta ako sa Twilight para makita ka kagabi, pero hindi kita naabutan. Maaga ba kayong umalis ni Avery Tate?" Napataas ang kilay ni Elliot at sinabing, "Iyan ang gusto mong pag- usapan?" Ngumiti ng mapait si Ben at inilagay ang file sa kamay niya sa desk ni Elliot. "Ito ang mga ulat sa pananalapi para sa Tate Industries mula sa nakalipas na ilang taon. Nagtagal ako para tingnan ito. Medyo malalim ang problema nila." Huminto si Ben, pagkatapos ay idinagdag, "Ang kanilang direktor ng pananalapi ay nagnakaw ng hindi bababa sa tatlong daang milyong dolyar. Nabalitaan ko na siya ay bayaw ni Jack Tate." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Elliot. Kung totoo ang sinabi ni Ben, hindi lang ang pagbuo ng bagong produk

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 22

    Nagpasya si Chelsea na magdagdag ng panggatong sa apoy nang makita niya ang matinding galit ni Elliot. "Bago ka niya pakasalan, lumalabas na sila Avery Tate at ang iyong pamangkin na si Cole. Hindi na ito malaking problem pa dahil lahat naman tayo ay may nakaraan ngunit magkasama sila ng pamangkin mo na matulog pagkatapos ng inyong kasal! Pinaglaruan ka lang niya. Pupusta ako na ginawa nila ito. Akala mo mamamatay ka noon!" Nakakuyom ang mga kamao ni Elliot at napakalamig ng mukha. Bakas sa mukha niya ang nagbabagang galit. Galit na galit na nanlilisik ang kanyang malamig na mga mata sa maternal health file sa kanyang mesa. "Sa tingin ko ginawa nila ito para makuha ang mana mo. Noong nag- issue ang doktor ng notice of critical illness, inisip naming lahat na hindi ka na magtatagal. Kung nabuntis niya ang anak mo noon, babagsak ang estate mo. Mapapasa- kamay niya lahat. Pinlano nilang lahat ito. Nang hindi mo inaasahan na matauhan ka, nasira nito ang mga plano nila." "Labas

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 23

    Walang humpay na hinampas ni Elliot ang kamay ni Avery at malamig na bumulong, "ang hayaan na mabuhay ka ay sapat na bulang awa sa iyo. Manahimik ka at tigilan mo na ang pang- aasar sa akin!" Tiningnan ni Avery ang walang puso niyang ekspresyon at nilunok lahat ng sakit niya. Wala siyang masabi o magawa para magbago ang isip niya. Idiniin niya ang sarili sa upuan at tumingin ng masama sa labas ng bintana. Nang huminto ang sasakyan sa harap ng ospital, pilit na hinila palabas ng sasakyan si Avery at kinaladkad papunta sa gynecology clinic. Nanatili si Elliot sa isang kotse at nagsindi ng sigarilyo. Paulit- ulit na nagre- replay sa kanyang ulo ang naluluhang mga mata ni Avery at ang mapoot na ekspresyon na ipinutok nito sa kanya. Tumanggi siyang magmadali sa kanya! Ang lahat ng nagtaksil sa kanya ay kailangang magbayad para sa mga kahihinatnan. Ang malalaking pinto sa operating room ay dahan- dahang nagsarado matapos itulak si Avery sa operasyon. Bumukas muli ang mga

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 24

    Kumunot ang noo ni Elliot. Halos maniwala siya sa mga salita ni Cole kung hindi niya nakita ang form na pinunan ni Avery ng sarili niyang mga mata. "Sabi ni Avery sayo na ang bata, tapos sayo na!" Saway ng bodyguard. "Ang lakad ng loob mong hawin ang mga bagay na iyon! Hindi sapat ang pagbayaran mo kahit siyam na buhay mo!" Sumigaw si Cole, "Nagsinungaling si Avery! Tiyo, ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya ay hindi niya ako hinayaang hawakan siya. Ibinasura ko siya, at kinaiinisan niya ako! Sinadya niyang sabihin na akin ang bata sa kanyang sinaoupunan! Siya. Gustong maghiganti sa akin! Tiyo, dapat maniwala ka sa akin! Kahit sinong pag-aari ng bata sa kanyang tiyan, hindi ito maaaring maging akin!" Napatingin si Elliot sa lalaking nakahandusay sa lupa na puno ng takot ang mukha. Bigla siyang nawalan ng kahulugan at layunin na ituloy pa ito. Ito ang lalaking nagustuhan ni Avery. Ang duwag at walang spine na lalaking ito ay madaling magtaksil sa kanya kapa

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 25

    "May isang malapit na kaibigan na kilala ko noon. Kailangan niya ng yaya na mag- aalaga sa kanyang mga apo, at napakataas ng suweldo. Napaisip ako. Ang trabaho ay isang trabaho lang, kaya sinubukan ko ito. Ngayon ay ang ikatlong araw ng trabaho, at ang lahat ay maayos sa ngayon. Maaari akong kumita ng isang libo at limang daan sa isang buwan!” “Wala na ang iyong ama, at hindi ka niya iniwan ng anumang ari- arian. Hindi kita hihilain pababa,” dagdag ni Laura. Hindi napigilang bumagsak ang mga luha ni Avery nang marinig niya iyon. "Ang isang malapit mong kaibigan ay medyo mayaman, hindi ba?" Medyo paos ang boses niya, pero ngayong umiiyak na siya, lalo pang namamaos ang boses niya. "Ang pagiging yaya ng isang kaibigan... mahirap talaga!" “Hindi ito matigas! Ngayon hangga't maaari akong kumita, kuntento na ako. Walang halaga ang pride ko! Bukod dito, ang mayayaman ay hindi nangangahulugang mananatiling mayaman sa kanilang buong buhay. Siguro hindi ako kasing yaman ng k

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 26

    Patayin siya? Kumunot ang noo ni Avery. Kahit na kinasusuklaman niya si Elliot, hindi niya naisip na patayin siya. Kahit na wala na ang bata sa kanyang tiyan, imposibleng magkaroon siya ng ganitong kaisipan. At saka, kaya ba niya talagang patayin siya? Nang makitang nag -aalangan si Avery, sinabi ni Cole, “Nasa business trip ngayon ang tiyuhin ko. Bumalik ka at pag-isipan ito. Avery, basta mapatay mo si Elliot, mapapangasawa na agad kita. Ibibigay ko ang gusto mo. Sinabi ko na sa mga magulang ko ang tungkol sa amin at very supportive sila.” Sinsero ang ugali ni Cole at maalab ang kanyang mga mata. Noong naiinlove siya sa kanya noon, gusto niyang kilalanin siya ng kanyang mga magulang. Gayunpaman, nag-aatubili siyang ibunyag ang kanilang relasyon. Ngayon, hindi na niya kailangan ang pagsang-ayon ng iba. "Paano kung mabigo ako?" tanong ni Avery sa kanya. “Kung nalaman niyang gusto ko siyang patayin, sa tingin mo ba bubuhayin niya ako? Cole, duwag ka noon, at ng

  • Nang Namulat Ang Kanyang Mata   Kabanata 27

    "Hindi naman baby mo ang ina-abort, syempre hindi ka pabigla- bigla!" Nang makita ng doktor na si Avery Tate ay napaka- emosyonal at na ang bagay na ito ay talagang seryoso, kailangan niyang baguhin ang kanyang tono, "Miss Tate, I'm so sorry. Ngayon lang po ako gumamit ng maling salita. Maaaring maupo ka muna at uminom ng tubig, titingnan ko." Binuhusan siya ng doktor ng isang basong tubig at saka agad na pinuntahan ang kanyang mga nakatatanda. Makalipas ang halos kalahating oras, bumalik ang doktor. "Miss Tate, kilala mo ba si Chelsea Tierney? Siya yung pumunta para tingnan yung file mo." Nang makuha ang sagot, umalis si Avery Tate sa ospital. Hindi naisip ni Chelsea Tierney na siya ay isang peste at tinik sa laman! Gayunpaman, walang paraan na siya ay bugbugin nang pasibo. Talagang gagawa siya ng paraan para bayaran si Chelsea Tierney! Tate Industries. Pumasok si Avery Tate sa opisina ng presidente ng kanyang ama. Matagal nang naghihintay ang bise pr

Latest Chapter

  • Kabanata 3177

    Pagkalipas ng tatlong taon…Habang nakatayo si Ivy at Robert sa airport ng Aryadelle, kinakabahan silang nagghihintay,"Tapos na ang tatlong taon! Sa wakas, nandito na yung boyfriend mo para bisitahin ka!" Masayang sabi ni Robert bago baguhin ang topic. "Hindi naman siya nagbakasyon dito para hiwalayan ka, 'di ba? Naisip ko lang naman yun kasi tatalong taon din kayong hindi nagkita, alam mo na…. maraming pwedeng nagbago."Nagbuntong hininga si Ivy, "Robert, pwede bang wag mong imanifest? Kahit hindi kami nagkikita sa loob ng tatlong taon, araw-araw kaming nag-uusap sa phone at video call!"Sumagot si Robert, “Ohhh Digital Romance.”“Ipinangako niya sa akin na darating ang araw at magmimigrate na siya dito sa Aryadelle at hindi na kami magkakalayo ulit.” Sagot ni Ivy. Pang asar na ngumiti si Robert. “Aba, parang ang yabang ng boyfriend mo na yan ha! Tignan lang natin kapag nagkakilala sila ni Dad, baka mapabalik siya kaagad sa pinanggalingan niya!”Hindi na sumagot si Ivy. HI

  • Kabanata 3176

    Hindi inaasahan ni Mr. Woods na magiging ganun ka-direkto si Hayden, at nadama niyang na-off balance pansamantala.Pumunta siya upang humingi ng pera kay Hayden, ngunit hindi niya pinag-isipan ang eksaktong halaga na gusto niya. Sa wakas, sobrang yaman ng pamilya ni Hayden, at ayaw niyang humingi ng kaunti at maramdaman na kulang, o ayaw niyang sumubok humingi ng sobra at tanggihan siya ni Hayden. Mahirap itong desisyunan.Matapos ang maikling pakikipaglaban sa kanyang sarili, tumingin si Mr. Woods kay Hayden at sinabi, "Alam ko na ang pamilya mo ay isa sa pinakamayaman sa Aryadelle, kaya't bakit hindi mo tukuyin ang presyo? Tiwala ako na hindi mo aabusuhin ang aking anak at ang aming pamilya."Bahagyang kunot-noo si Hayden.Napansin ito ni Shelly at agad siyang nagsalita, "Tito, bakit hindi ka na lang magbigay ng alok? Hindi kami gaanong pamilyar sa prosesong ito. Kung ipipilit mo sa amin na magtukoy ng presyo, baka kailanganin naming konsultahin ang aking biyenan.""Si Elliot Fo

  • Kabanata 3175

    "Sige. Hanap tayo ng malapit na lugar para umupo at mag-usap."Huminga ng malalim si Mr. Woods sa ginhawa. "Mabuti! Malapit lang ang aming bahay. Gusto mo bang bumisita? Si Ivy ay kasama namin sa loob ng maraming taon, at malapit ang relasyon ng aming mga staff sa kanya."Tumingin si Hayden kay Shelly at tinanong, "Pupunta ba tayo?""Sige!" sabi ni Shelly.Agad na inimbita ni Mr. Woods sina Hayden at Shelly sa kanyang kotse at dinala sila sa mansyon ng mga Woods.Pagdating, inutos ni Mr. Woods sa mga alila na maghanda ng tsaa at mga pampalamig.Itinuro niya ang kanilang butler at sinabi kay Hayden, "Ito ang aming butler. Siya ang nag-hire sa lola ni Ivy."Tumango si Hayden.Pagkatapos ay ipinakilala ni Mr. Woods si Hayden: "Ito si kuya ni Irene, ang kilalang negosyante na si Mr. Hayden Tate.""Magandang araw, Mr. Tate. Si Irene ay isang magandang binibini," sabi ng butler. "Lahat kami dito ay sobrang gusto siya. Nang malaman namin ang kanyang pagkamatay, kami ay tunay na nalun

  • Kabanata 3174

    Ang mga mata ni Ivy ay pula habang sinasabi niya, "Hayden, namatay ang ina ni Lucas, kaya hindi ko kayo masasamahan ng ilang araw.""Okay lang. Sa nangyari, kami rin ay hindi sa mood para mag-saya. Matapos namin dumalo sa libing ng kanyang ina, babalik kami ni Shelly," sabi ni Hayden.Tumango si Ivy."Paano ba ang mga libing dito?" tanong ni Hayden. Dahil sa relasyon ni Lucas kay Ivy, ang kanyang nakababatang kapatid, nararamdaman niya ang responsibilidad na tulungan si Lucas sa mga paghahanda para sa libing."Katulad lang sa ginagawa sa atin. Ang mayayaman ay maaaring magkaroon ng bonggang libing, at yung mga may kaunting pera ay pwede pumili ng mas simpleng seremonya. Yung mga hindi makaka-afford ng marami ay pwede mag-opt out sa seremonya at pumili ng simpleng paglibing," sabi ni Ivy."Eh paano kung may gusto ng mas bonggang libing?""Hayden, gusto mo bang tumulong sa libing ng ina niya? Wala siyang malalapit na kamag-anak dito, kaya walang kailangan ng bonggang seremonya," pa

  • Kabanata 3173

    Binaba ni Lucas ang tawag, at lumuha ang kanyang mga mata.Nakatayo si Ivy sa kanyang tabi at tanong, "Ano'ng nangyari, Lucas?""Pumanaw na ang aking ina. Samahan mo muna ang iyong kapatid! Kailangan kong bumalik sa ospital.""Sasama ako! Mukhang maayos naman si Tita kanina, bakit bigla siyang pumanaw?"Mabilis na tumakbo papunta sa kotse ang dalawa, nakalimutang si Hayden at Shelly ay naiwan.Nanood si Hayden at Shelly habang umaalis ang dalawa ng medyo nakakatawa, at sabi ni Shelly, "Honey, tara na sa ospital. Mukhang pumanaw na ang ina ni Lucas.""Sige."Sumakay ang dalawa sa isang taksi at minadaling sumunod kay Lucas.Samantala, sa ospital, unang nakatagpo ni Lucas ang doktor at pagkatapos ay ang kanyang ama.Sinubukang sumipsip si Mr. Woods sa kanyang anak, sabi, "Lucas, pumunta ako sa ospital para bisitahin ang iyong ina, pero noong dumating ako, pumanaw na siya. Nakakalungkot!""Sigurado ka bang pumanaw na siya bago ka dumating? Nandito ako kanina, at noong nakita ko

  • Kabanata 3172

    Naiinis na sabini Mr. Woods, "Ano ang ibig mong sabihin? Iniinsulto mo ba ako? Bagamat naghirap na ang pamilya Woods, kami pa rin ay kilala sa Taronia! Baka tanga si Lucas, pero mas matalino ka ba? Kung hindi dahil sa akin na sumusuporta kay Lucas, papansinin pa kaya siya ng mga Foster?""Tumahimik ka! Hindi kasing-kitid ng utak ng pamilya Foster ang pamilya mo! Hindi kinamumuhian ng pamilya ni Ivy si Lucas, kaya huwag kang maghanap ng gulo! Ayaw ka nilang makita!" Sagot ng ina ni Lucas.Umismid si Mr. Woods. "Ganun ba? Sa tingin mo ba talaga, hindi siya minamaliit? Bakit hindi? Plano ba nilang pasalihin si Lucas sa pamilya nila imbes na kabaligtaran?""Wala kang pakialam! Hindi mo naman inintindi si Lucas, at ngayon na siya'y independiyente, hindi na niya kailangan pa ang tulong mo! Hindi ka ba paulit-ulit na lumapit sa akin kung hindi lang anak ni Elliot Foster si Ivy at kung hindi siya interesado kay Lucas. Sa tingin mo ba hindi ko alam ang balak mo?"Sagot ni Mr. Woods, "Anong

  • Kabanata 3171

    Hindi nag-atubiling umiling si Ivy. "Hindi ako aalis. Huwag mo akong alalahanin; mag-concentrate ka lang sa sarili mo.""Sayang lang ang oras dito.""Matagal na akong nag-aaral at nag-iintern. Ano bang masama kung magpapahinga ako ngayon?" sagot ni Ivy.Bago magtagal, natapos na mag-shopping sina Hayden at Shelly, at agad silang sinalihan ni Ivy at Lucas papunta sa ospital.Wala sa kaalaman ni Ina ni Lucas na pupunta sina Kuya at Hipag ni Ivy para bisitahin siya, kaya medyo naiilang siya nang dumating sila.Tinangka niyang umupo, ngunit hindi makayang gawin ng kanyang katawan.Itinaas ni Ivy ang ulunan ng hospital bed. "Tita, dinalaw ka ng aking kuya at hipag. Gusto ka nilang makita pati na rin si Lucas.""Naku, nakakahiya naman. Swerte na nga ng anak ko kay Ivy..." bulong ni Ina ni Lucas ng may kahihiyan.Pina-kalma siya ni Shelly, "Tita, wag po kayong magsalita ng ganyan. Napakagaling po ni Lucas. Kung hindi, hindi po siya magugustuhan ni Ivy."Patuloy si Ina ni Lucas, "Nari

  • Kabanata 3170

    Sa buong kainan, nahirapan si Ivy na masiyahan sa kanyang pagkain.Pinagusapan ni Lucas at Hayden ang mga bagay-bagay, at hindi kagaya ng inaasahan ng marami, naging maayos sng takbo ng usapan ng dalawa. Hindi nagalit si Hayden, gayundin si Lucas.Mas maganda ito kumpara sa inaasahan ni Ivy, ngunit pakiramdam pa rin niya ay malungkot siya."Lucas, nais ng aking asawa at ako na bisitahin ang iyong ina. Ayos lang ba?" tanong ni Shelly matapos kumain."Sige," sagot ni Lucas."Kailangan ba nating itanong muna sa iyong ina?" tanong ni Ivy."Ayos lang. Pwedeng diretso na tayong pumunta doon at ipakilala sila pagdating natin."Araw-araw, hina ng hina si Ina ni Lucas at itinigil na niya ang paggamit ng kanyang telepono, kaya ang kanyang nurse, na na-hire ni Lucas, ang nag-uulat ng kalagayan ng kanyang ina araw-araw."Muling binuksan mo ang iyong negosyo at kailangan mong alagaan ang iyong ina sabay; napakalakas mo. Baka bumigay na ang karamihan sa presyon," komento ni Shelly."Mas m

  • Kabanata 3169

    Matapos sabihin iyon ni Ivy, dagdag pa ni Lucas, "Gusto kong mag-focus muna sa aking career. Pangalawa lang ang kasal hanggang sa mas maging matagumpay ako."Inirapan siya ni Hayden. "Hindi ganoon kasimple ang pagpapatakbo ng isang negosyo. Paano kung mabigo ka o hindi makamit ang kahit na ano na kakaiba?""Kung mangyayari iyon, hindi ko hahatak pababa si Ivy," sagot ni Lucas."Kahit papaano, alam mo ang iyong lugar."Ramdam ni Ivy na para bang nag-aapoy ang kanyang mga pisngi. "Hayden, kahit mabigo si Lucas, hindi ko siya susukuan. Hindi ko siya bibitawan dahil lamang sa kanyang kalagayang pinansyal."Muli na namang hinawakan ni Shelly ang kamay ni Hayden, isinasenyas na kontrolin ang kanyang galit; pwede siyang maging masungit sa iba, pero hindi niya pwedeng hingan ng sobra si Ivy.Naramdaman ni Ivy na medyo lumabis siya, at lumambot ang tono niya. "Hayden, hindi natin dapat husgahan ang mga tao batay sa kanilang kayamanan. Mayaman na tayo, at talagang wala masyadong tao diyan

Scan code to read on App