Kabanata 6
Ang pagdurugo niya ay senyales na nagdedelikado ang buhay ng baby nila, kaya may mga procedure na kailangan nilang gawin para mailigtas ang baby.

Nang marinig ito ni Avery, para siyang sinakluban ng langit at lupa - sobrang natakot siya.

“Doc, paano kung huwag ko nalang kayang ituloy ang baby na ‘to?”

Magdidivorce na rin naman sila ni Elliot kaya ano bang saysay ngayon ng baby na dinadala niya?

Nakakunot ang noo ng doktor na tumitig sakanya sa mga mata, “Bakit ayaw mong buhayin ang bata? Alam mo ba na may mga babaeng gustong gusto na magkaroon ng baby pero hindi sila makabuo? Tapos ito ikaw, gusto mong ipalaglag ang bata?”

Napayuko si Avery at hindi na nakasagot.

“Bakit hindi mo kasama ang asawa mo? Kung talagang ayaw mo ng baby na yan, karapatan pa rin ng tatay niyan na malaman ang plano mo.”

Kumunot ang noo ni Avery.

Nang makita ng doktor ang reaksyon niya, kinuha nito ang kanyang medical record, at muli siyang tinignan. “21 ka palang? So, hindi ka pa kasal?”

“O…opo” Sagot ni Avery. Magdidivorce na rin naman sila, ganun na rin yun.

“Hindi basta basta ang procedure ng abortion. Kung talagang desidido ka na, hindi pa rin kita kayang isingit sa schedule ko ngayonjg araw. Umuwi ka muna at pag-isipan ng maigi. Ito lang ang masasabi ko… Anumang nangyari sainyo ng boyfriend mo, walang kasalanan ang bata.”

Iniabot ng doktor kay Avery ang medical record nito at nagpatuloy, “Ngayong dinudugo ka, isang malaking sign yan na may posibilidad kang makunan. Kung hindi natin aagapan, yun talaga ang mangyayari.

Noong puntong ‘yun, biglang lumambot ang puso ni Avery. “Ano pong kailangan nating gawin para masave ang baby?”

“Akala ko ba gusto mong ipaabort ang baby? Bakit bigla atang nagbago ang isip mo? Alam mo iha, ang ganda ganda mong bata kaya sigurado akong sobrang ganda din ng magiging baby mo. Kung desidido ka ng ituloy ang pagbubuntis mo, may mga irereseta ako sayong gamot at kailangan mong mag bed rest ng isang linggo. Pagkatapos, babalik ka sa akin para sa follow-up.”

Nasisilaw si Avery sa sobrang liwanag ng sinag ng araw at habang naglalakad siya palabas ng ospital, basang basa siya ng malamig na pawis, at halos hinihila nalang niya ang kanyang mga paa sa sobrang bigat ng mga ito.

Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung saan siya pupunta at kanino magkukwento…

Pero isa lang ang sigurado niya… hindi pwedeng malaman ni Elliot ang tungkol dito.

Dahil sa oras na ‘yun, sigurado siya na kakaladkarin siya ng mga bodyguard nito para magpalaglag.

Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakapag desisyon kung itutuloy niya ang bata. Sobrang gulo ng isip niya at gusto niyang gumawa ng desisyon sa oras na mas kalmado na siya.

Pumara siya ng taxi at tinuro sa driver ang papunta sa bahay ng kanyang Uncle Ron.

Mula nang mag divorce ang kanyang mga magulang, ang nanay niya na si Laura Jensen ay nakitira sa bahay ng kapatid nito.

Ang pamilya ng Uncle niya na si Ron Jensen ay hindi man kasing yaman ng mga Tate, ngunit may kaya at nakaka’angat pa rin kumpara sa iba.

“Avery! Mag’isa ka lang?” Tanong ng asawa ni Ron, si Miranda Jensen. Halata sa boses nito ang pagkainis nang makitang wala siyang dala na kahit ano.

“Balita ko ang dami mo raw inuwing paslaubong noong dumalaw ka sa bahay ng tatay mo. Ahh… ganun pala yun… kapag hindi mo bahay ang binibisita mo, nawawala na ang etiquette.”

Wala naman talagang plano si Miranda na sungitan si Avery,m sadyang nainis lang siya nang makitang wala itong dala.

Sa kabilang banda, hindi inaasahan ni Avery na ganun ang sasalubong sakanya kaya hiyang-hiya siyang humingi ng tawad. “Pasensya na po, Aunt Miranda. Hindi ko po sinasadya. Pangako po na sa susunod na dadalaw ako, magdadala po ako ng pasalubong.”

“Wag na. Base sa itsura mo ngayon, mukhang pinalayas ka na sa mansyon ng mga Foster.” Tuloy-tuloy na sabi ni Miranda. “Balita ko nagising na raw si Elliot Foster. Kung may pakielam siya sayo, uuwi ka ba rito para magsumbong sa mommy mo?”

Avery's cheeks flushed as she was chastised.

Hindi alam ni Avery kung paano niya tatanggapin ang mga sinabi ng tita niya kaya napayuko nalang siya.

Nang makita ni Laura na binubully ang anak niya, dali-dali niyang ipinagtanggol ito, “Kahit na pinalayas ang anak ko sa mansyon ng mga Foster, wala kang karapatang pagsalitaan siya ng kung anu-ano.”

“Bakit? Ano bang sinabi ko? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah! Bakit ba sobrang drama mo sa buhay, Laura?” Ngunisi si Miranda at nagpatuloy, “Baka nakakalimutan mong nandito ka sa pamamahay ko. Sige lumayas ka kung gusti mo!”

Galit si Laura, pero alam niyang hindi siya mananalo kay Miranda.

Sa eksenang nakita ni Avery, lalo lang siyang nasaktan.

Alam niya na mas maganda ang bahay nila kumpara sa bahay ng kanyang Uncle Ron, pero sa akala niya mas okay pa rin dito dahil makakasama nito ang kapatid nito.

Ang hindi niya alam ay ayaw din pala ng Auntie Miranda niya sa nanay niya.

“Ma, sa tingin ko mas maganda kung umalis ka nalang dito. Magrenta nalang kaya tayo kung saan man? May pera naman ako….” Pangungumbinsi ni Avery sa kanyang nanay.

Sumang-ayon naman kaagad si Laura at sinabi, “Osige, mageempake na ako.”

Sa loob lang ng kalahating oras, magkasamang umalis sina Avery at Laura sakay ng isang cab.

“Wag kang mag’alala sa akin, Avery” Ngumiti si Laura sa anak at nagpatuloy. “May naipon naman akong pera. Kaya lang naman ako nagtiiis dun dahil may sakit ang lola mo at ako ang gusto niyang mag’alaga sakanya. Kaya kung hindi dahil sakanya, matagal na akong umalis dun.

Yumuko si Avery, at makalipas ang ilang segundo, nagsalita siya na halos pabulong na sa sobrang hina, “Tama naman po si Aunt Miranda. Magdidivorce na kami ni Elliot.”

Nagulat si Laura sa sinabi ng anak at pinakalma ito.,

“Okay lang yan, anak! Hindi ka pa naman graduate eh. Ngayon, mas makakapag focus ka sa paghahanda sa graduation mo pagkatapos ng divorce niyo.”

“Opo,” Sagot ni Avery habang sumasandal sa balikat ng kanyang nanay. “Ma, hinding hindi po ako babalik sa bahay kahit pagkatapos ng divorce. Magsama nalang tayo.”

Wala siyang plano na sabihin sa nanay niya ang tungkol sakanyang pagbubuntis dahil alam niyang sobrang mag’aalala ito.

Pagkabalik ni Avery sa mansyon ng mga Foster noong gabing ito, sinalubong siya ng hindi makabasag pinggan na katahimikan.

Kaya ng biglang sumulpot si Mrs. Cooper ay napatalon siya sa gulat.

“Kumain ka na ba ng dinner, Madam? Tinirhan kita ng pagkain. Hinandaan na rin kita ng tampon.

“Salamat, Mrs. Cooper. Kumain na ako. Bakit parang sobrang tahimik? Hindi pa ba siya umuuwi?” Tanong ni Avery bago siya pumunta sa guest room.

“Hindi pa umuuwi si Master Elliot. Ang sabi ng doktor, magpahinga raw muna siya sa bahay pero ayaw niyang makinig.” Nagbuntong hininga si Mrs. Cooper at nagpatuloy, “Parang palaging sobrang daming tumatakbo sa isip niya. Hindi siya nakikinig sa kahit kanino.”

Tumungo lang si Avery.

Alam niyang may malalim na dahilan si Elliot kahit pa ilang beses palang silang nagkakausap.

Talagang pasaway, walang puso at sobrang yabang nito para sakanya.

Kaya yung awa na naramdaman niya noong mga panahong hindi pa ito nagkakamalay ay nawala.

Dumiretso si Avery sa kama noong gabing yun.

HIndi mawala sa isip niya ang batang nasa loob ng kanyang sinapupunan. Mula noong umalis siya sa ospital kanina, hindi na siya mapakali.

Mabilis na lumipas ang gabi at umaga na ulit.

Ayaw munang makita ni Avery si Elliot kaya hindi siya lumabas kaagad ng kwarto.

Bandang alas-nuebe imedya, kumatok si Mrs. Cooper sa pintuan niya ay sinabi, “Nakaalis na si Master Elliot, Madam. Pwede ka ng bumaba para kumain.”

HIndi inaasahan ni Avery na naiintidihan siya ni Mrs. Cooper, kaya sobrang nahiya siya rito.

Pagkatapos niyang mag umagahan, nakatanggap siya ng isang tawag.

Ito ay isa sa mga kaklase niya sa college. Inaalok siya nito ng side line kung saan magttranslate lang siya.

“Alam kong sobrang busy mo sa thesis mo ngauyon, pero sisiw lang naman sayo tong ipapagawa ko. Maganda ang bayad pero medyo rush kasi kailangan ko kaagad bukas, bago magtanghali.”

Kapos si Avery sa pera ngayon kaya pumayag siya.

Natapos niya ang pagttranslate sa mau bandang alas onse imedya, pero noong isesend niya na ang file sa kaklase niya, biglang namatay ang laptop niya at ayaw ng bumukas.

Kaya para siyang sinakluban ng langit at lupa…. Anong gagawin niya?!

Pero buti nalang at nasave niya ito sa USB niya.

Huminga siya ng malalim bago niya bunutin ang USB mula sakanyang laptop.

Kailangan niya lang maghanap ng ibang computer na pwede niyang pagsalpakan ng USB nang maisend niya na ang file sa kaklase niya.

“Mrs. Cooper, may nangyari kasi sa laptop ko at mejo nagmamadali ako. Mayroon kayang computer dito sa mansyon? May kailangan lang sana akong isend na file.

“Meron, pero kay Master Elliot yun.”

.

Natigilan si Avery.

Siyempre, ayaw niyang pakielaman ang computer ni Elliot.

“Isang file lang naman diba? Ibig sabihin mabilis ka lang?” Nang makita ni Mrs. Cooper na hindi mapakali si Avery, gusto niyang tulungan ito. “Nakakatakot lang si Master Elliot, pero hindi naman talaga siya masdamang tao., Kung talagang nagmamadali ka, sa tingin ko okay lang naman yun sakanya.”

Tinignan ni Avery ang oras.

11:50 na at kailangan niyang maisend ang file bago mag alas dose.

Nasa second floor ng mansyon ang study room ni Elliot.

Mula noong ma bed-ridden ito, wala ng nagtangkang pumasok sa study room nito, maliban sa mga maglilinis.

Takot na takot si Avery na mahuli ni Elliot, pero kailanganj niya rin kais talaga ng pera.

Kung talagang itutuloy niya ang abortion, kakailanganin niya ng pera para sa operasyon.

Hindi lang naman sakanya ang bata, kay Elliot din.

Kaya itong pagpapahiram niya ng computer ay ang ambag niya para sa mga babayaran sa ospital.

Pumasok si Avery sa study room, at dumiretso sa lamesa para buksan ang computer.

Habang iniisp niya ang posibleng password, biglang nag’ilaw ang screen.

Related Chapters

Latest Chapter