Kabanata 128
Sa ilalim ng ulan, nakaluhod si Sabrina sa harap ng puntod ni Grace at may hawak na itim na payong sa ulo niya. Sa harap ng puntod ni Grace ay mayroong isang bungkos ng dilaw at puting bulaklak. Umagos ang luha sa mga mata ni Sabrina habang sinasabi niya kay Grace, "Pasensya na Aunt Grace kung hindi kita naihatid sa huling hantungan mo nung inilibing ka. Alam kong patuloy ka lang sumasabay sa agos ng buhay at alam ko rin na lagi kang naghihirap. Pero, ngayon nasa maayos na kalagayan ka na. Nakalibing ka sa tabi ng mga magulang at kapatid mo. Hindi ka na mag-iisa ngayon sa kabilang buhay.

"Aunt Grace, naiinggit po ako sayo. Nung namatay ang nanay ko, ikaw na lang ang nag-iisang pamilya ko, pero ngayon nawala ka na rin."

Humikbi si Sabrina.

Mahina ang pag-iyak ni Sabrina, at kahit sila Kingston at Sebastian ay hindi ito narinig nung lumapit pa sila dito. Si Sabrina ang unang nakarinig ng mga yabag nila. Nakita ang malamig at seryosong si Sebastian, pati na rin si Kingston, na hindi ma
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter