Kabanata 56
Author: Suzie
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Samantala, hindi talaga mahanap ni Sabrina ang katahimikan sa sarili niya. Alam niyang ipit siya sa gitna ng kapahamakan sa bawat kilos na gawin niya. Lahat gagawin ng mga miyembro ng Lynn Family para siguradong mahirapan at magdusa siya.

Alam niya na yung pagiging mabuti sa kanya ni Nigel ay dahil lang naaawa ito sa kanya. Sigurado din siya na para lang din sa kapakanan ng nanay niya kaya tinuloy pa rin ni Sebastian ang kontrata nila kahit nalaman nitong buntis siya.

Isa na naman siyang kaawa-awang babae na walang ibang karamay sa mundong ito. Kailangan niya lang paalalahanan ang sarili niya na mag-ingat nang paulit ulit. Dumeretso na siya sa kwarto niya nang pumasok siya sa apartment ni Sebastian at hindi na siya lumabas dito, kahit para sa pagkain, kahit ang totoo niyan, nagugutom na siya.

Naghintay siya hanggang mag 11 na ng gabi at lumabas na din ito na may dalang palanggana. Inakala niya na wala na ang dalawa sa sala at papunta na siya sa banyo para kumuha ng mainit na tubig p
Continue to read this book on the App

Related Chapters

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 57

    Hindi nakilala ni Sabrina ang babaeng nasa harap niya na si Mindy, pero nakilala niya agad si Marcus."Excuse me," magalang siyang nagsalita, dahil nakaharang ang dalawa sa dadaanan niya papunta sa counter. Lumusot siya sa kanila at naglakad papunta sa counter."Excuse me, nakatanggap ako ng ilang tawag galing kay Master Tong at nandito ako...para ibalik ang camera...ay para bayaran pala ito ibig kong sabihin.""Sa anong pangalan ko po kayo tatawagin ma'am?" Tanong ng babae sa cashier."Ms. Sabrina. Nag arkila ako sa inyo ng digital camera na halagang $1,500 USD nung nakaraang apat na araw, at nandito ako para ibalik ito...ay bayaran pala ito," inulit ni Sabrina."Ms. Sabrina!" para bang natuwa ang babae na makita siya at sumagot ito, "Pagpasensyahan niyo lang po ako saglit. Pinaghahanap ka ng boss namin kung saan saan."... Sumama ang sikmura niya dahil alam niya na late siya ng tatlong araw at nag-alala ito na baka akusahan siya ng paglabag sa napag-usapan nila.'Okay lang s

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 58

    Kung hindi naman pala nawala yung camera, hindi niya na kailangan yung perang hiniram niya kay Nigel."So...Wala po akong kailangan bayaran?" Masayang tinanong ni Sabrina."Wala, kahit yung bayad sa arkila," sabi ni Master Tong."Salamat, salamat po, maraming salamat po. Pwede...pwede na po akong umalis?" kinumpirma ulit ni Sabrina."Oo naman, Miss Scott."Nagbuntong hininga nang mahaba si Sabrina dahil sa kaginhawaan at lumabas na siya ng Leasing Center, pakiramdam niya ay naiwan niya na lahat ng problema."Miss Scott, kung pwede sana akong makahingi ng konting oras mo," tinawag siya ni Marcus na nasa likod niya. Naalala niya bigla na humiram sa kanya si Sabrina ng $2,000 USD doon sa party para sana ipambayad sa nawala niyang camera, at yung $2,000 USD ay wala lang naman kumpara sa ginagastos ni Marcus sa isang kainan."Anong kailangan mo, Mr. Shaw?" tanong ni Sabrina."Kailangan mo pa ba yung pera?" tanong ni Marcus, nahihirapan ito kung paano siya magsisimulang ipaliwanag an

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 59

    Sa paningin ni Sebastian, parang nakikipag landian lang si Sabrina kay Marcus at nung naisip niya ito, tahimik siyang sumimangot."Master Shaw..." sabi ni Kingston, "Si Master Shaw ay galing sa isang striktong pamilya. Ang old Master ng Shaw Family ay hindi kailanman makakapayag na madawit siya sa kahit anong eskandalo.""Bukod dito, disiplinado rin masyado si Master Shaw, paano nangyari..." Tumingin si Kingston kay Sebastian at pinigilan niya agad ang sarili sa pagsasalita. Ang ibig niyang sabihin ay sobrang maparaan ni Sabrina dahil nagtagumpay na nga siyang makapasok sa buhay ni Master Sebastian, nagawa din makipaglandian kay Master Nigel at ngayon naman sa isang disiplinadong tao katulad ni Master Shaw.Malayo siya sa isang ordinaryong babae. Pero, hindi na siya nagsalita pa nung nakita niya ang nakakatakot na reaksyon sa mukna ni Sebastian.Samantala, sila Sabrina at Marcus ay parehong walang alam na nakita ni Sebastian ang bawat detalye ng interaksyon nila galing sa kotse nit

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 60

    Binisita siya ng anak niya nung tanghali at dinalhan siya nito ng iba't ibang klaseng pagkain para sa tanghalian niya na ngayon ay busog na siya. Wala siyang gustong kainin kundi isang normal na lutong bahay lang at ngayon, natupad ang hiling niya."Ang manugang ko talaga ang pinaka sweet sa lahat," buong puso siyang pinuri ni Grace."Kung nagustuhan niyo po talaga ito, dadalhan ko pa po kayo ng tanghalian araw-araw. Sapat na po siguro ang nakuha kong maliit na bonus, para makabili ng pagkain para satin," masayang ngumiti si Sabrina galing sa puso niya, pakiramdam niya ang swerte niya na parang nakapulot siya ng pera sa daan."May sasabihin ako sayong sikreto. Hindi ko magustuhan ang mga pagkaing dinadala sakin ng anak ko na gawa pa raw ng mga kilalang cook. Mas gusto ko pang kainin yung dinala mo sakin. Sasabihin ko kay Sebastian na wag niya na kong dalhan ng lunch, ang kakainin ko na lang yung dadalhing pagkain ng Sabbie ko!" Inasar ni Grace ang anak niya sa harap ni Sabrina."De

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 61

    ‘Anong gusto mo?’ Nanatiling may komposisyon at malayo ang tono ni Sabrina‘Hindi mo ba naisip na ikaw ay walang kabuluhan, Sabrina? Dinakip kita at halos pinatay ka. Maaaring pinalaya ka ni Master Sebastian, ngunit wala siyang puso na parusahan ako kahit na alam niya na ako ang nasa likod ng lahat ng ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasaktan, napakatalunan mo naman bilang asawa!’ Si Selene ay nagbulalas sa pagkabigo na mayabang.‘Guluhin mo pa ako lalo sa telepono at sasabihin ko sa ina ni Master Sebastian ang tungkol dito. Kaya sa susunod na hanapin ka niya at ang iyong ina, hindi ito para makakuha sa nanay mo na sampal, ngunit upang tuluyang sirain iyon mukha mo. Inaasahan kong malaman kung paano mo mapakasalan si Sebastian na may nasirang mukha!’‘Bakit ka …’ Si Selene ay nasa kumpletong pagkawala ng mga salita mula sa kabangisan ng tono ni Sabrina. Huminto siya ng ilang sandali bago mahiwaga ang pagtawa at nagpatuloy, ‘Maghintay ka lang, Sabrina. Sa lalong madaling panahon

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 62

    Ang pagsunog ng langis sa hatinggabi at magdisenyo ng mga draft ay ang paboritong libangan ni Sabrina at siya rin ang pangunahing pinag-aralan niya sa unibersidad. Ang kanyang pakikipagtagpo kay Tiya Grace sa bilangguan ay naging mas mabunga habang si Tiya Grace ay isang propesyonal sa arkitektura; ang dalawa ay nag-click kaagad gamit ang karamihan sa kanilang mga pag-uusap na nakatuon sa paksa. Si Tita Grace ay naranasan sa larangan at nagturo kay Sabrina ng higit sa dalawang taon na magkasama sila sa bilangguan, na siyang dahilan kung bakit pinayaman ni Sabrina ang kanyang kaalaman sa larangan kahit na nasa bilangguan.Kinumpleto niya ang mga draft ng kanyang panukala nang mag-isa sa tatlong araw, na ginagamit ang oras na mayroon siya pagkatapos ng trabaho. Ang pinagkaiba niya ay na-draft niya ang mga disenyo nang manu-mano, dahil wala siyang access sa isang computer. Sa silid-tulugan na halos hindi maluwang magsimula, ang mga gumuho na papel ng kanyang mga draft ay nagsimulang palib

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 63

    ‘Mangyaring umalis ka sa daan!’ Naiinis na hiningi ni Sabrina, hindi nag-aabala na tingnan ang babaeng nasa harapan niya. Hindi niya kailanman nagustuhan ang mga batang babae mula sa mayayamang pamilya, palaging dumidikit ang kanilang mga ilong sa kung saan hindi sila kabilang.Hinarang ni Mindy ang daan ni Sabrina at nagpatuloy na nagtanong, ‘Ikaw ay nasa desperadong pangangailangan ng pera?’‘Pakelaman mo ang sarii mong buhay!’ Sagot naman ni Sabrina.‘Alam kong ikaw ay isa pang batang babae na nais umakyat hanggang sa itaas ngunit walang bakas kung paano mo ito magagawa. Pagpili na maging isa sa mga weytres sa pista na ginanap ng Form Family para sa hangaring makahanap ng Master Si Sebastian ay isang asawa, at ang paggamit nito bilang isang stepping stone ay lubos na ambisyoso. Sa kasamaang palad, natapos ka lang na ginamit ni Sebastian.’Walang balak si Sabrina na sayangin ang oras niya sa babaeng ito at wala nang ibang nais kundi umalis na kasama ang lahat ng pagkain na kanyang bi

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 64

    ‘Bakit mo ako tinutulungan?’ Tanong ni Sabrina.‘Pagtulong sa iyo? Haha!’ Si Mindy ay tumawa sa paghamak at sinabi, ‘Bakit kita tutulungan? Magiging matapat ako sa iyo, mas maganda ka kaysa sa karamihan sa mga batang babae sa paligid, at ikaw ay isang uri lamang ng ooze tulad ng uri ng murang skank na natural na naaakit ng mga kalalakihan. Hinalikan ka ni Master Sebastian sa publiko at ang aking pinsan ay gumawa ng pagkusa upang makausap ka. Parehong katibayan na ikaw ay isang babae na may kakayahang akitin ang mga kalalakihan ng elite na komunidad! Hiniling ko sa iyo na gampanan ang papel, upang ang aking pinsan, Master Sebastian at ang iba pa ay maaaring makita ka kung sino ka. Isang mura, nakakadiri na mababang-anak.’Napatingin si Sabrina kay Mindy ng sa wakas ay napagtanto niya kung ano ang nasa isip ng babae, nais niyang gumawa ng kalokohan si Sabrina sa pagdiriwang. Ngunit kay Sabrina, ano ang kinakatakutan kung may makikitang pera mula rito?‘Okay! Kukunin ko!’ Desidido na sago

Latest Chapter

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2077

    "Lahat kayo ay inakusahan ako! Ako, at si Ryan Poole, at iiyak na lang dito!"Sa sandaling iyon, wala kang mapapansing bahid ng pagkapiyok sa tinig ni Ryan. Alam ni Sabrina na nagmamalaki lang siya. Siya'y lubos na nagmamalaki."Dalhin mo kami agad kay Ruth! Kung hindi mo kami ipapakita ang daan, bubugbugin kita ng husto!" sabi ni Sabrina na puno ng inis."Sige ba! Aunt Sabrina!" Tumalikod si Ryan at tumungo papunta sa ward."Sandali, Ryan. Sandali!" Tawag muli ni Sabrina. Lumingon si Ryan at tumingin kay Sabrina. "Anong mayroon?""Sabihin mo muna sa akin, mayroon ka bang mga lalaki, babae, o kambal?""Hindi ko sasabihin! Hindi ko muna sasabihin! Hindi ko lang sasabihin sa iyo!" Sinabi ni Ryan na may walang katulad na bastos na ekspresyon.Napakayabang ni Ryan na nagawa pa niyang humini sa tono. Nainis doon si Sabrina at kahit ang grupo ng tao sa likod niya ay sobra rin nakaramdam ng galit at gulat. Gayunpaman, nang makitang naging ama lang si Ryan noong araw na iyon, hindi ni

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2076

    Nakatayo mag-isa si Ryan sa labas ng delivery room at kakaiba ang kanyang ekspresyon. Takot na takot si Sabrina at sobra ang kalabog ng kanyang puso. Hinawakan niya si Ryan at nagtanong, "Nasaan si Ruth? Bakit hindi ko naririnig ang sigaw niya? Sabihin mo sa akin, kumusta si Ruth?"Tinaas ni Ryan ang mga kilay niya at tumingin kay Sabrina. "Alam mo ba, Aunt Sabrina?""Ano?" tanong ni Sabrina. "Si Ruth... pagkatapos niyang madala sa delivery room, inabot ng hindi aabot... hindi aabot ng isang oras at pinanganak niya ang dalawang bata!"Hindi nakapagsalita si Sabrina. Napatigil din si Sebastian."Walang sakit na naramdaman si Ruth, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako kailanman nakakita nang ganoong kabilis na pagpapanganak, Aunt Sabrina. Talagang nirerespeto ko noon noong ikaw, si Aunt Jane, at ang asawa ni Zayn na si Hana, noong nanganak, lahat kayo ang pineke ang mahirap na proseso. Hahaha..."Walang masabi si Sabrina. Pagkatapos ng mahabang panahon, tinaas niya ang kanyang kamay at

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2075

    Bago pa malaman ng kahit na sina, agad binuhat ni Ryan ang asawa niya at nagmadali palabas nang nagmamadali. Ang lahat sa kasal at masasabi na agad kung anong nangyayari. Tumabi sila nang sa dalawang grupo kasama ang isang grupo na umatras sa kasal ni Yvonne at ang iba ay sinundan si Ryan sa kasal. Doble ang saya ni Yvonne sa araw na iyon. Hindi dahil sa kasal niya lang, pero pati na rin dahil manganganak na ang kaibigan niya. Nadala pa rin ang kasal sa isang sobrang buhay kasiyahan. Pagkatapos matapos ang kasal at hinatid na nila si Yvonne at Marcus paalis para matapos na nila ang kasal pagkatapos ay si Sabrina at ang iba pang mga tao ay pumunta sa hospital. Hindi maikukumpara ang pag-alala ni Sabrina sa buong biyahe niya papuntang hospital. Dahil iyon din ang unang pagkakataon na manganganak si Ruth at kambal pa ito, hindi lang alam ni Sabrina kung magiging maayos ang magiging delivery ito at kung cesarean na seksyon ba ang kailangan. Sa buong paglalakbay, pinipilit ni Sabrina si

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2074

    Hindi makapaniwalang tumingin si Old Master Shaw kay Yvonne. "Anak ko, pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti? Hindi ka na ba... natatakot sa akin? Hindi ka na ba... galit sa akin?"Nakaramdam ng hiya si Yvonne. "Alam mo po 'yon?""Siyamnapung taon na ako. Magiging matandang halimaw na ako. Ano pa ba ang hindi ko malalaman? Inisip ko na ito. Kung ayaw mo sa akin, pupunta ako sa nursing na pabahay pagkatapos niyang makasal ni Marcus..." sabi ni Old Master Shaw. "Hindi..." Hindi ganoo'ng kawalang puso si Yvonne. "Pasensya na. Malapit ako kay Sabrina at natuklasan ko ang maraming tao na abusuhin at pahiyain siya. Mula nung mga impostora mo pong mga apo na patuloy siyang sini-set up para paulit-ulit na abusuhin si Sabrina. Talagang galit ako sayo nang sobra mula noon. Hindi mo maiisip kung paano tumakas si Sabrina at ang kanyang ina nang may ngipin sa mga balat nila. Sobrang nakakaawa sila. Kaya, sa mahabang panahon, natatakot po ako sa'yo dahil...""Simula ngayon, nag-iba na ang opinyon

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2073

    Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2072

    Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2071

    ”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2070

    Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   

    Kabanata 2069

    Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu