Kabanata 7
Author: Suzie
Alam ni Selene na talagang ayaw sa kanya ni Sebastian.

Pakiramdam niya 10,000 na karayom ang tumusok sa puso niya. Sobrang sakit, nakakahiya at nakakainis.

Pero, takot din siya kay Sebastian.

Magsasalita pa sana siya tungkol sa ibang bagay, pero biglang naputol ang tawag.

Nadurog ang puso ni Selene.

"Anong problema, Selene?" nagtanong agad si Jade.

"Ma... Si Master Sebastian... Hindi siya pumayag na pag-usapan ang kasal namin... Hindi...naman niya yun malalaman, di ba?

Nagsimula umiyak si Selene sa takot. "Hindi niya malalaman na nagpapanggap akong si Sabrina, di ba? Ma, ano bang dapat natin gawin? Marami nang pinatay na tao si Sebastian, natatakot ako..."

Kahit si Jade at Lincoln ay natakot dahil sa mga ginawa nila.

Buong hapon na nakakaramdam ng takot ang buong pamilya hanggang sa pumunta ang katulog at sinabi, "Sir, Madam, nandito po si Sabrina. Sabi niya pumunta siya dahil gusto niya kunin yung mga litrato nila ng mama niya."

"Sabihin mo umalis na siya!" Binuhos agad ni Selene kay Sabrina ang galit niya.

Sa oras na ito, takot at galit lang ang nararamdaman ni Selene. Nakalimutan niyang sinabihan niya si Sabrina kahapon na pumunta sa bahay nila para kunin yung mga lumang litrato ng nanay niya.

Ang intensyon naman talaga niya eh para ipakita sa harap ni Sabrina ang pagiging malapit nila ni Sebastian, para mainis at maasar lang si Sabrina!

Pero, hindi niya inasahan na tatanggihan agad siya ni Sebastian nung inimbita niya ito.

Walang nasabi ang katulong.

"Saglit lang! Ako na ang kakausap sa kanya!" Tumayo si Selene at lumabas ng bahay.

Buong hapon umiyak si Selene kaya namaga ang mga mata nito, ang buhok niya ay sobrang gulo din. Nakalimutan niyang humarap muna sa salamin at nagmadaling lumabas.

"Pokpok! Isa kang pokpok na may ganung trabaho din. Dinudumihan mo ang bahay ko sa tuwing pupunta ka dito, at hindi ka welcome dito! Umalis ka na!" Galit na sinabi ni Selene.

Ngumiti si Sabrina. "Selene di ba ikaw ang nagpapunta sakin dito para makuha ko yung mga litrato ng mama ko."

"Alis! Alis! Dun ka sa impyerno! Umalis ka na dito!" Sumigaw si Selene.

Sa sobrang galit ni Sabrina tumawa ito.

Tinignan niya si Selene.

At naisip bigla ni Sabrina na wala naman talagang dahilan ang pagwawala si Selene.

Si Sabrina ay walang kaalam alam sa nangyayari at kalmadong nagtanong, "Selene, nakikita ko na maga ang mga mata mo, at yung buhok mo parang pugad na ng manok sa sobrang gulo. Hindi kaya nabuntis ka ng kung sinong lalaki pero iniwan ka din?"

Sa sobrang galit ni Selene nakakatakot na ang kilos niya at gusto niya nang sugurin si Sabrina. "Bubugbugin na kita hanggang sa mamatay ka..."

Hindi man lang gumalaw si Sabrina at kalmado lang na sinabi, "Talagang gusto mo kong subukang patayin sa harap pa ng bahay niyo. Gusto mo rin bang mabulok sa kulungan?"

Sumigaw si Selene, "Ikaw... Ikaw! Pumunta ka na sa impyerno! Dali! Ngayon na! Bilis..."

Ngumiti si Sabrina, tumalikod ito, at umalis na.

Wala na siyang oras para makipag-away pa kay Selene.

Nagugutom siya at kailangan niya nang kumain.

Madali na siyang magutom simula nung nabuntis siya. Gusto niya sana ng masustansyang pagkain pero wala siyang pera para makabili ng ganun.

Wala siyang nagawa kundi bumalik na lang sa tinitirhan niya at kumain ng ilang mushroom sandwich na binili niya sa isang tindahan.

Habang kinakain ang sandwich niya, may nakita siyang lalaki na nakatayo sa harap niya.

Ang lalaking yun ay ang assistant ni Sebastian na si Kingston.

Natigilan siya saglit, pero tinuloy niya lang ang pagkain sa sandwich niya. Naglakad siya at nilagpasan niya lang si Kingston nang walang sinasabi at bumalik na sa kwarto niya.

Ang namamagitan lang sa kanila ni Sebastian ay isang contractual deal. Bukod sa pagkukunwari nila sa harap ni Grace, wala na silang ibang kailangan sa isa't isa.

Hindi kailanman ginusto ni Sabrina na magkaroon ng koneksyon na siya lang ang makikinabang.

"Miss Scott," Tinawag siya ni Kingston na nasa likod niya. Hindi niya inaasahan na hindi siya papansinin ni Sabrina.

Lumingon si Sabrina. "Tinawag mo ba ako?"

"Pumasok kayo sa kotse." sabi ni Kingston.

Natigilan si Sabrina.

"Tatawag si Madam ngayon sa bahay para magtanong. Kapag nalaman niyang hindi kayo magkasama ni Master Sebastian sa isang bahay..."

"Naintindihan ko." Dahil nagsimula na silang magkunwari, kailangan nilang gampanan ito. Pumasok na si Sabrina sa kotse.

Ang lugar na pinuntahan nila ay hindi sa Ford Residence, pero isang magandang lugar sa loob ng city center. Hinatid ni Kingston si Sabrina sa ground floor ng building, at umalis na rin pagkatapos niyang ibilin si Sabrina sa isang babaeng kasambahay na nasa mga 40s na.

"Ikaw siguro yung bagong Young Mistress, tama ba? Nakangiti ang babae habang nakatingin kay Sabrina.

Na-awkward si Sabrina sa kanya. "...Ikaw si?"

Nagpakilala ang babae ng sarili niya, "Ako si Aunt Quinton, ako yung kasambahay na nagsisilbi kay Madam ng mahigit sampung taon na. Tumawag si Madam para sabihin at ibilin na alagaan ko daw mabuti ang manugang niya. Halika na, sundan mo 'ko."

Isa itong mamahaling duplex suite, at hindi na kailangan pang sabihin kung gaano kagarbo ang itsura ng loob nito. Pero, yung ganitong klaseng tirahan ay hindi talaga kayang bilhin ng mga ordinaryong pamilya.

Tinanong ni Sabrina si Aunt Quinton,"Ang bahay na 'to..."

"Ito ang dating tirahan ni Young Master Sebastian," sabi Aunt Quinton.

Naintindihan ni Sabrina. Si Kingston ang sumundo sa kanya, kaya siguro hindi pupunta si Sebastian dito.

Sobrang perfect nito. Hindi niya na kailangan isipin na baka wala na siyang lugar na pwedeng tirhan.

Balak niyang dalhin bukas ang kaunting bagahe niya galing sa bed space na nirerentahan niya.

Tumunog ang telepono sa may sala pagkaupo niya palang sa sofa. Sinagot ni Aunt Quinton ang tawag, ngumiti ito, at sinabi, "Si Madam. Opo, nandito siya. nandito siya. Kakaupo lang ni Young Mistress sa sofa."

Inabot ni Aunt Quinton ang telepono kay Sabrina. "Si Madam yung nasa kabilang linya."

Kinuha ni Sabrina ang telepono at sinabi, "Ah...Ma, okay ka lang po ba dyan?"

Nagtanong si Grace nang mahinahon, "Sabbie, sabihin mo sa akin, okay ba sayo yung bahay na yan?"

Sumagot si Sabrina, "Okay po ito sakin, kahit kailan hindi pa ko nakakatira sa ganito kagandang bahay."

"Nasaan ang pasaway kong anak? Kasama mo ba siya dyan?" Nagtanong ulit si Grace.

Alam talaga ni Sabrina na kung nandito siya, siguradong hindi pupunta si Sebastian. Pero, sinabi niya pa rin, "Papunta na rin po si Sebastian dito. Hinihintay ko po siya para makapag hapunan kami nang sabay."

"Mabuti, mabuti naman, sige na hindi ko na kayo aabalahin pa. Ibaba ko na 'to.."

"Bye, Mama."

Nung kinagabihan, masarap ang hapunan ni Sabrina at pinaghanda pa talaga siya ni Aunt Quinton ng mga kailangan niya sa pagligo.

"Young Mistress, ito po yung mga essential oil, bath milk, at rose petals. Kapag ginamit niyo po ang mga ito sa pagligo, mas gaganda pa ang kutis niyo.

"Hinanda ko na rin ang bathrobe para sa inyo at nilagay ko na sa labas ng banyo. Kunin niyo na lang doon pag labas ng banyo. Ihahanda ko na muna ang tutulugan niyo."

Si Aunt Quinton ay isang maalagang kasambahay.

Medyo hindi pa siya makapaniwala sa maayos na pag-aalaga at pagsisilbi sa kanya.

Nagandahan si Sabrina sa maluwag na banyo, sa isang malaking bathtub na maraming gamit, sa mabangong essential oils, at sa rose petals.

Nakatira lang siya sa bedspace na tulugan lang ang nirerentahan, kaya kailangan niyang gamitin ang pampublikong liguan tuwing kailangan niyang maglinis ng sarili.

Hindi pa siya nagkakaroon ng maayos na ligo simula nung lumabas siya sa kulungan.

Kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito ngayon.

Pagkatapos lumubog sa bathtub, naramdaman ni Sabrina na sobrang komportable ang buong katawan niya, at nagsimula na siya antukin.

Inaantok na siya nung umahon siya galing sa bathtub, basang basa pa ang katawan niya, at binuksan niya ang pinto para abutin ang bathrobe. Pero, meron siyang nabangga na matangkad at maganda ang katawan.

"Ah...!" napasigaw nang malakas si Sabrina sa sobrang gulat niya.

Related Chapters

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 8

    Natigilan din si Sebastian habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya.Walang saplot ang katawan ni Sabrina, at namula nang kaunti ang balat niya pagkatapos maligo. Magulo at basa pa ang maikli niyang buhok, at ang maliit niyang mukha ay basang basa pa rin ng tubig at steam.Makikita na agad ang buong katawan niya sa isang tingin palang habang nakatayo siya sa harap ni Sebastian. Nanginig siya at tinakpan na lang sarili niya dahil wala na siya nagawa.Wala rin masyadong suot na damit si Sebastian.Matangkad siya, maganda at malaki ang katawan na kita ang muscles nito, makinis na balat, makisig ang balikat, at maliit ang balakang. Ang kamay niyang matigas at parang bakal ay merong dalawang nakakatakot na peklat, pero dahil dito mas nakita ang pagkakalaki niya at malakas ang dating nito.Nung nakita ni Sabrina ang mga peklat niya, parang tumiklop ang puso niya at natakot ito.Pero, nahiya din siya dahil nakita na ni Sebastian ang buong katawan niya.Nagpanic siya at tinakpan ang

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 9

    Nasaktan nang kaunti ang puso ni Sabrina.Syempre, hindi mawawalan ng girlfriend ang isang lalaking katulad ni Sebastian na galing sa mayaman at marangal na pamilya. Kaya lang naman nagpakasal si Sebastian sa kanya ay para pagbigyan ang kagustuhan ng nanay niya na malapit nang mamatay.Pero, hindi talaga inakala ni Sabrina na ang girlfriend pala ni Sebastian ay si Selene.Para kay Sabrina, napakarami talagang nangyayari sa buhay na di inaasahan.Yung mga taong umapi sa kanya ay mas lalo pang sumasaya at nagiging marangal. Sa kabilang banda, si Sabrina naman sira na ang kinabukasan, buntis at hindi kasal, at hindi nga rin alam kung anong pangalan ng ama ng anak niya.Pakiramdam ni Sabrina ay para siyang payaso habang nakatingin siya sa dalawa na para bang itinadhana talaga para sa isa't isa.Para bang ginawa lang dahilan ni Selene ang pagsabi niya kay Sabrina na kunin ang mga litrato ng mama niya. Ang totoong intensyon ni Selene ay para harapan niyang ipagmalaki ang boyfriend niya

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 10

    Natigilan si Sabrina sa paglalakad.Narinig niya ang insulto ni Selene. Gusto niya sana kalmutin at sirain ang mukha ni Selene.Pero, hindi niya kayang gawin 'yun basta basta.Kung gagawa man siya ng kung ano, hindi siya makakapagpigil na maging matindi ang away. Natatakot siya na baka masaktan ang bata sa sinapupunan niya.Tumawa siya at nagtanong, "Interesado ka ba sa ganitong negosyo?""Tsk!" naasar na ngumiti si Selene. "Nag-alala lang ako sa kalusugan mo, wag ka sanang mahawaan ng kung anong maruming sakit! Dudumihan mo pa ang bahay ko at babaho ang amoy dito.""So bakit mo ko inimbitahan dito sa bahay mo, at pinilit mo pang dito ako maghapunan? Akala ko tuloy interado ka sa ganung klase ng negosyo," kalmadong nagsalita si Sabrina, pero sapat na yun para masakal ang buong Lynn family hanggang mamatay sila.Walang nakapansin nung oras na yun na nakatitig lang si Sebastian kay Sabrina at nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.Pagkatapos ng ilang saglit, kinuha ni Sebastian a

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 11

    "Ano?" Inisip ni Sebastian na mali ang kanyang narinig. "Bigyan mo ako ng 50,000 USD! At gagarantiyahan ko na hindi ko na ulit guguluhin ang pamilya Lynn." Kalmado ang tono ni Sabrina na para bang handa siyang tanggapin ang kamatayan. Galit na galit si Sebastian, tumawa siya. 'At talagang naiintindihan niya paano sumakay.' "Sino ang nangako sa akin kahapon na hindi na siya hihingi pa ng pera?" Pabiro niyang tanong sa kanya. "Sa palagay mo ba ang isang maruming babae na tulad ko, na naglalaro nang husto upang makasama ka nang maraming beses, ay magkakaroon ng natitirang integridad?" Nanunuyang sagot niya. Walang imik si Sebastian.​​Halos nakalimutan niya kung gaano siya ka walanghiya. Malupit niyang biniro, "Kung kaya kitang mailabas mula sa bilangguan, hindi mo ba naisip na kayang kaya kita ibalik ulit?" Walang imik si Sabrina. Alam niya na talo lang siya kung makikipagkumpitensya kay Sebastian sa mga tuntunin ng pagiging walang awa. Gayunpaman, kailangan niyang m

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 12

    Nang marinig niya ang balita, biglang naramdaman ni Sabrina na sumakit ang puso niya sa kalungkutan. Si Sebastian at Sabrina ay mag-asawa, ngunit sila ay parang hindi magkakilala. Sadyang nangyari lang na ang taong makakasalamuha ni Sebastian ay ang kanyang kaaway. Oo! Kaaway niya ito! Hindi pa alam ni Sabrina ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ina. Nais niyang siyasatin, ngunit wala siyang pera upang maglakbay pauwi, at siya ay nagdadalang-tao ng isang bata. Wala na siyang magagawa ngayon. Nagtiis lang siya. Nagmamadaling lumakad si Jade kay Lincoln at hinawakan ang kamay niya sa sobrang kaba. ‘Lincoln, totoo ba ang sinabi mo? Si Sebastian ay magkakaroon ng isang pakikipagsapalaran kasama si Selene? Hindi ba dapat magkaroon ng meet-up muna ang parehong magulang mula sa bawat pamilya? Tinanggap ng lolo at ama ni Sebastian si Selene? Hindi nila inisip na si Selene ay ampon?’Nang marinig niya ang salitang "ampon" na binanggit, lumaki ang kalungkutan ni Sabrina sa kanyan

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 13

    Sobrang gulo ng kwarto ni Sabrina. Pagbukas ng pinto, makikita ang isang malaking bag ng duffel na naiwang hindi nakasarado. Mukhang bahagi ito ng mga kuwadra sa merkado ng isang tiangge. Ang mga damit sa duffel bag ay magulo, at ang kama ay nakakalat din ng mga damit. Sinilip ito ni Sebastian, at ang mga damit ay alinman sa hindi kapani-paniwalang mura o pagod na tulad ng mga lumang basahan. Sa sobrang gulo ng silid, maaaring tumakas si Sabrina sa 50,000 USD na ibinigay sa kanya? Nanatiling kalmado ang titig ni Sebastian. Sinara niya ang pinto, kinuha ang kanyang mga susi, at dumiretso sa ospital kung nasaan ang kanyang ina. Si Sabrina ay wala sa ospital. Kinuha ni Sebastian ang kanyang telepono at tinawagan ang numero ni Sabrina. Kaya niyang tiisin kung siya lang ang niloko ni Sabrina, pero ang lokohin niya ang kanyang nanay na mayroon na lamang dalawang buwan para mabuhay ay sadyang pagsasagad sa kanyang limitasyon. Pagdating ng oras, kahit na kailangan niyang maligo s

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 14

    Natigilan si Sabrina. Napag-isipan lang ni Sabrina na ngayon ay ang engagement party nina Sebastian at Selene. Kasing aga lamang noong araw, narinig ni Sabrina na binanggit ito ni Lincoln nang pumunta siya sa bahay ng pamilya Lynn upang ibalik ang pera. Nakita niya si Selene na nakasuot ng isang napakagandang damit-pangkasal, isang kuwintas na brilyante sa leeg, mga hikaw na brilyante, at isang korona ng bulaklak sa kanyang ulo. Si Selene ay kasing ganda ng isang anghel mula sa langit. Si Selene talaga ang pangunahing tauhan. Hindi tulad niya, ano ba ang ginagawa niya rito? Tiningnan niya ang suot niya─ isang puting blusa na natakpan ng alikabok ng cinder block at isang itim na palda na gasgas at natatakpan ng mga bola ng lint. Nandito ba siya upang humingi ng pagkain?‘Anong uri ng mga ideya ang mayroon si Sebastian?’ 'Ano ang kinalaman sa kanya ni Selene at ng kanyang engagement party, at bakit hiniling sa kanya dito na gumawa ng kalokohan?' Isang malaking alon n

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 15

    Si Sabrina ay natigilan, nakatayo lang siya na parang yelo. “Ano ... Ano ang sabi mo?’Kahit na palagi siyang kalmado at may pag-uugali na hindi alintana ang lahat, laking gulat niya nang marinig niya ang sinabi ni Sebastian. ‘Babae! Pinatagal mo ang mga bagay bagay!’ Walang balak na magpaliwanag ni Sebastian na kay Sabrina. Pilit niya itong hinila sa braso papunta sa mas malalim na mga dulo ng restawran. Sa likuran niya ay natigilan si Nigel─ ang taong nagtulak kay Sabrina dito mula sa lugar ng konstruksyon at nagpanggap na kasosyo ni Sabrina. Hawak ni Nigel ang noo habang nagmumukmok siya upang ilabas ang kanyang telepono at kinakabahan na nag-dial ng isang numero. ‘Di nagtagal, kinuha ng nasa kabilang dulo ang kanyang tawag. ‘Zayn, baka mamatay na ako kaagad.’ Nanginginig ang boses ni Nigel. Si Zayn, na nagmamaneho, ay nanunukso at tinanong, ‘Ano ang nangyari? Master Nigel, huwag mong sabihin sa akin na nakasama mo na ang batang babae na dinukot mo isang oras na ang nakak

Latest Chapter

  • Kabanata 2077

    "Lahat kayo ay inakusahan ako! Ako, at si Ryan Poole, at iiyak na lang dito!"Sa sandaling iyon, wala kang mapapansing bahid ng pagkapiyok sa tinig ni Ryan. Alam ni Sabrina na nagmamalaki lang siya. Siya'y lubos na nagmamalaki."Dalhin mo kami agad kay Ruth! Kung hindi mo kami ipapakita ang daan, bubugbugin kita ng husto!" sabi ni Sabrina na puno ng inis."Sige ba! Aunt Sabrina!" Tumalikod si Ryan at tumungo papunta sa ward."Sandali, Ryan. Sandali!" Tawag muli ni Sabrina. Lumingon si Ryan at tumingin kay Sabrina. "Anong mayroon?""Sabihin mo muna sa akin, mayroon ka bang mga lalaki, babae, o kambal?""Hindi ko sasabihin! Hindi ko muna sasabihin! Hindi ko lang sasabihin sa iyo!" Sinabi ni Ryan na may walang katulad na bastos na ekspresyon.Napakayabang ni Ryan na nagawa pa niyang humini sa tono. Nainis doon si Sabrina at kahit ang grupo ng tao sa likod niya ay sobra rin nakaramdam ng galit at gulat. Gayunpaman, nang makitang naging ama lang si Ryan noong araw na iyon, hindi ni

  • Kabanata 2076

    Nakatayo mag-isa si Ryan sa labas ng delivery room at kakaiba ang kanyang ekspresyon. Takot na takot si Sabrina at sobra ang kalabog ng kanyang puso. Hinawakan niya si Ryan at nagtanong, "Nasaan si Ruth? Bakit hindi ko naririnig ang sigaw niya? Sabihin mo sa akin, kumusta si Ruth?"Tinaas ni Ryan ang mga kilay niya at tumingin kay Sabrina. "Alam mo ba, Aunt Sabrina?""Ano?" tanong ni Sabrina. "Si Ruth... pagkatapos niyang madala sa delivery room, inabot ng hindi aabot... hindi aabot ng isang oras at pinanganak niya ang dalawang bata!"Hindi nakapagsalita si Sabrina. Napatigil din si Sebastian."Walang sakit na naramdaman si Ruth, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako kailanman nakakita nang ganoong kabilis na pagpapanganak, Aunt Sabrina. Talagang nirerespeto ko noon noong ikaw, si Aunt Jane, at ang asawa ni Zayn na si Hana, noong nanganak, lahat kayo ang pineke ang mahirap na proseso. Hahaha..."Walang masabi si Sabrina. Pagkatapos ng mahabang panahon, tinaas niya ang kanyang kamay at

  • Kabanata 2075

    Bago pa malaman ng kahit na sina, agad binuhat ni Ryan ang asawa niya at nagmadali palabas nang nagmamadali. Ang lahat sa kasal at masasabi na agad kung anong nangyayari. Tumabi sila nang sa dalawang grupo kasama ang isang grupo na umatras sa kasal ni Yvonne at ang iba ay sinundan si Ryan sa kasal. Doble ang saya ni Yvonne sa araw na iyon. Hindi dahil sa kasal niya lang, pero pati na rin dahil manganganak na ang kaibigan niya. Nadala pa rin ang kasal sa isang sobrang buhay kasiyahan. Pagkatapos matapos ang kasal at hinatid na nila si Yvonne at Marcus paalis para matapos na nila ang kasal pagkatapos ay si Sabrina at ang iba pang mga tao ay pumunta sa hospital. Hindi maikukumpara ang pag-alala ni Sabrina sa buong biyahe niya papuntang hospital. Dahil iyon din ang unang pagkakataon na manganganak si Ruth at kambal pa ito, hindi lang alam ni Sabrina kung magiging maayos ang magiging delivery ito at kung cesarean na seksyon ba ang kailangan. Sa buong paglalakbay, pinipilit ni Sabrina si

  • Kabanata 2074

    Hindi makapaniwalang tumingin si Old Master Shaw kay Yvonne. "Anak ko, pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti? Hindi ka na ba... natatakot sa akin? Hindi ka na ba... galit sa akin?"Nakaramdam ng hiya si Yvonne. "Alam mo po 'yon?""Siyamnapung taon na ako. Magiging matandang halimaw na ako. Ano pa ba ang hindi ko malalaman? Inisip ko na ito. Kung ayaw mo sa akin, pupunta ako sa nursing na pabahay pagkatapos niyang makasal ni Marcus..." sabi ni Old Master Shaw. "Hindi..." Hindi ganoo'ng kawalang puso si Yvonne. "Pasensya na. Malapit ako kay Sabrina at natuklasan ko ang maraming tao na abusuhin at pahiyain siya. Mula nung mga impostora mo pong mga apo na patuloy siyang sini-set up para paulit-ulit na abusuhin si Sabrina. Talagang galit ako sayo nang sobra mula noon. Hindi mo maiisip kung paano tumakas si Sabrina at ang kanyang ina nang may ngipin sa mga balat nila. Sobrang nakakaawa sila. Kaya, sa mahabang panahon, natatakot po ako sa'yo dahil...""Simula ngayon, nag-iba na ang opinyon

  • Kabanata 2073

    Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a

  • Kabanata 2072

    Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito

  • Kabanata 2071

    ”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas

  • Kabanata 2070

    Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak

  • Kabanata 2069

    Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu

Scan code to read on App