All Chapters of Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont : Chapter 101 - Chapter 110
1898 chapters
Kabanata 102 Ang Pagbisita sa Ospital
Napaisip si Tiffany hanggang sa puntong ito at pumunta siya sa dulo ng pasilyo para tinawagan si Ethan. Matagal na tumunog ang ringtone bago niya ito sinagot. Walang pakialam na sagot ni Ethan. "Anong meron?" Wala na talagang pakialam si Tiffany sa ugali niya. Maaari niyang tanggapin ang isang taong malamig sa labas ngunit mabuti loob. "Salamat." Si Ethan ay nakadikit sa kanyang computer screen at hindi talaga pinansin ang kanyang mga salita. "Para saan?" Nakangiti si Tiffany. "Itigil mo ang pagpapanggap mo. Ikaw ang nag-donate ng pera para sa tatay ko di ba? Bakit mo pinili na manatiling anonymous? Humihingi ako ng tawad dahil pakiramdam mo na nag-iisa ka nitong mga nakaraang araw. Napakaraming nangyayari sa pamilya namin ngayon. Huwag kang magagalit sa akin. Makikipagkita ako kapag may libre na akong oras." Sumimangot si Ethan. Gusto niyang tanggihan ito ngunit hindi niya sinabi ang mga salitang umabot sa kanyang labi. Ang kanyang atensyon ay nasa kanyang computer, at hindi
Read more
Kabanata 103 Wendy Galena
Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap, bumukas ang pintuan ng ward. Dalawang beses na umubo si Tiffany at hinawakan ang laylayan ng blusa ni Arianne. Paglingon niya, ang mga mata ni Arianne ay sinalubong ang banayad na mga mata ni Will Sivan. "Oh, nandito ka rin." Ito ay isang simpleng pagbati lamang, ngunit maraming mga nakatagong damdamin na nakalibing sa ilalim. Inilagay ni Will ang mga suplemento na binili niya sa bedside table. "Nandito ako para bisitahin si uncle. Hindi ko inaasahan na nandito ka rin. Ang paligid na ito… ay hindi maayos. Tiffie, bakit hindi mo siya ilipat sa private ward?" Nang sabihin iyon ni Will Sivan, ang mga miyembro ng pamilya ng pasyente na nakaaway ni Tiffany kahapon ay sumabad. “Sa private ward? Baon pa rin sila sa utang…"Tinapik ni Tiffany ang kanyang dibdib, pagkatapos ay isinara ang mga kurtina. "Mga aso lang sila. Wag mo silang pansinin." Ang isang miyembro ng pamilya ay hinila ang mga kurtina at sinigawan sila, “Sino ang tinatawag mong
Read more
Kabanata 104 Nagbabago ang mga Pangyayari sa Paglipas ng Panahon
Kinagat ni Tiffany ang kutsara niya, mukhang siyang isang usa na nakakita ng headlights. Inilipat niya ang kanyang tingin kayla Will at Arianne, pagkatapos ay pinili niyang manahimik. Hindi ito ang isang bagay na kaya niyang malutas. Sumimangot si Will kay Wendy. "Paano mo nalaman na nandito ako?" Ngumiti si Wendy at umupo sa tabi niya. "Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi ko sayo na dumadaan lang ako?" Hindi na nagsalita si Will, ngunit sa halip ay nagsalita si Arianne. "Kumain ka na ba? Kung okay lang sayo, pwede kang sumali sa amin." Nginitian siya ni Wendy saka inutusan ang waiter na dalhan siya ng isang plato at isang hanay ng mga kubyertos. "Wala naman kayong plano pagkatapos ng tanghalian 'di ba? Iniisip kong mag-shopping kasama si Will. Gusto mo bang sumali girls?" Si Arianne ang unang sumagot sa kanya. "Kailangan kong maghanap ng trabaho mamaya." "Kailangan kong bumalik sa ospital at alagaan ang tatay ko. Mag-enjoy na lang kayong dalawa! ” Mabilis na sumunod si Ti
Read more
Kabanata 105 Paghahanap ng Trabaho
Maaaring sabihin ni Tiffany na pinipilit ni Arianne ang sarili na sabihin ang lahat ng iyon ngunit ayaw niyang ilantad siya. “Ngayon, pakiramdam ko talagang masama ang pakikitungo sayo ni Mark. Tatlong taon na kayong kasal, pero hindi ka man lang niya binilhan ng singsing. Ang mga tamang tao ay hindi maaaring magkasama sa huli at ang mga maling tao ay mahigpit na nakagapos sa bawat isa hanggang sa mamatay sila. Sino nga ba talaga ang pinapahirapan dito?" Hindi na tinuloy ni Arianne ang usapan. Naghiwalay na sila ni Tiffany, at sa pag-uwi ay nai-post na niya ang kanyang resume sa Internet. Kung may pagpipilian siya, ayaw niya ng trabaho na kinakailangan niyang mag-ikot iba't ibang lugar. Ang kanyang karanasan sa trabaho sa ngayon ay hindi pa nailalabas sa kanya ang pagiging outgoing niya. Ngayon na naisip niya ito, natagpuan niya ang kanyang sariling pagkatao na katawa-tawa, isinasaalang-alang ang katotohanang lumaki siya sa isang tulad ni Mark Tremont. Hindi ulit umuwi si Mark nga
Read more
Kabanata 106 Paulit-ulit na Pagkahilo
Tumigil si Mary, pagkatapos ay nagsalita siya, "Pwede mo siyang tawagan at tanungin kung babalik siya para mag-hapunan. Ang mag-asawa ay dapat na makipag-usap sa isa't isa, hindi ka pwede magpatuloy na mabuhay ng ganito. Alam kong pareho kayong nagpakasal dahil sa isang kadahilanan... kung magiging prangka ako, batay sa personalidad ni sir, ang katotohanan na kakalimutan niya ang nakaraan at pinakasalan ka pa rin niya ay nangangahulugang mahal ka niya talaga. Hindi ka umasta na parang wala kang pakialam sa kanya. Alam mo naman ugali niya, kaya bakit hindi mo lang siya pakinggan? Hangga't ang dalawang tao ay maaaring mabuhay nang magkasama, mahalaga ba kung sino ang unang magpapakumbaba?" Nararamdaman ni Arianne na para bang narinig niya ang pinaka walang kwentang payo. “Binibiro mo ba ako, Mary? Mahal niya ako? Eight years old pa lang ako nang pumasok ako sa pamilyang Tremont, at siya ay eighteen na. Siguro nga baka may na girlfriend na siya noon. Bata pa ako. Paano siya posibleng na
Read more
Kabanata 107 Pautang ako ng Pera
Biglang napaisip si Mary. "Ari, kailan ka huling nagkaroon ng regla?" Saglit na nag-isip si Arianne. "Hindi ako regular na nagpapahinga, kaya na-delay ang regla ko. Halos isang buwan na ang huli, pero nakakakuha ako ng mga sintomas kamakailan, kaya dapat darating na ito kaagad. Sa palagay ko magiging maayos ako pagkatapos ng pagbisita sa doktor kapag malaya akong kumuha ng ilang mga gamot para maiayos ito." Sinubukan ni Mary na pag-isipan ito nh mabuti. "Sa palagay mo ba buntis ka?" Nagbago ang mukha ni Arianne at mabilis niya itong tinanggi. "Imposible!" Bukod sa kauna-unahan niyang pakikipagtalik kay Mark, minsan lamang niya ito nagawa mula noon. Kaya naramdaman niya na malamang na hindi ito posible. Nakikita ni Mary kung gaano ka-taas ang kumpiyansa ni Arianne na tanggihan ang posibilidad na iyon, kaya lalo pang nag-alala si Mary. “Kung ganon, malamang may problema. Huwag maghintay hanggang magkaroon ka ng bakanteng oras. Dapat kang magmadali at mapa-check ito sa ospital."
Read more
Kabanata 108 Ang Gynecology Department
Kinuha ni Mark Tremont ang isang card mula sa kanyang pitaka at itinapon sa coffee table. Hindi niya pinansin ang presensya ni Arianne at pumili ng isang magazine na babasahin. Kinuha ni Arianne ang card, nagpasalamat sa kanya, saka tumalikod at umakyat. Partikular niyang ipinaalam kay Mary na hindi siya kakain ng hapunan. Sa ngayon, ang gusto lang niyang matulog. Labis na mabigat ang pakiramdam ng kanyang mga mata, na para bang may humihila sa kanila. Sa oras na inihain ang pagkain sa mesa, medyo nainis si Mark nang malaman na wala si Arianne sa kanyang paningin. "Nasaan siya?" "Hindi maganda ang pakiramdam niya at ipinaalam niya sa akin na hindi siya kakain ng hapunan. Sir, naduwal si madam kani-kanina lang. At… late... late na ang regla niya. Sinabihan ko siyang pumunta para magpatingin sa ospital,” sagot ni Mary. Ang mga pupils ni Mark ay biglang lumaki. "Ano ang sinabi mo?" Inisip ulit ni Mary ang kanyang mga sinabi. Matapos matiyak na wala siyang sinabing mali, nagpatul
Read more
Kabanata 109 Blood Test Result
Pagkalabas ng consultation room, sinubukan ni Arianne na makatakas. "Sa tingin ko okay lang ako ngayon, Brian. Bumalik na tayo sa bahay." Naisip ni Brian na natatakot lang siya na ma-inject ​​kaya pinakalma niya ito. "Magiging okay lang ang lahat. Ito ay isang blood test lamang. Matatapos agad ito bago mo pa malaman." Hindi makapagsalita si Arianne. Naglakad sila papasok sa phlebotomy department. Napatingin siya sa nurse at pinanood niya na pinapasok ang karayom ​​sa kanyang ugat. Halos dalawang test tubes ang napuno ng kanyang maliwanag na pulang dugo. Hindi mapigilan ni Brian na kausapin ang kanyang sarili. Mukhang hindi natakot si Arianne... ngunit bakit siya hindi mapakali kanina? Ang resulta sa blood test ay mabilis na lumabas. Hindi mahulaan ni Arianne ng kung ano ang ibig sabihin ng mga numero sa papel. Nang bumalik sila sa consultation room hawak ang slip, biglang nag-ring ang cellphone ni Brian. "Madam, aalis muna ako para sagutin ang tawag." Tumingin ang doktor sa
Read more
Kabanata 110 Ang Pagbabalik sa Glide Design
Hindi makapaniwala si Eric. "Ano ang kailangan mong isipin? Kung babalik ka, kakalimutan ko ang tungkol sa iyong resignation at isasaalang-alang ang pahinga mo bilang isang paid vacation leave. Okay ba? Hayaan mong linawin ko muna sa iyo, hindi kita binabantayan para kay Mark. Kailangan ko lang ng isang may talento na designer na tulad mo na nagtatrabaho sa akin." Sa katotohanan, si Arianne ay bahagyang sumalungat. Upang makatanggap ng suweldo sa panahon na hindi siya nagtrabaho ay tiyak na isang kaakit-akit na alok. Gayunpaman, hindi niya matanggal ang pakiramdam na may iba pang itinatago sa kanya si Eric. Malinaw na alam ni Eric ang kanyang kakayahan. Tiyak na hindi nagkulang si Eric sa mga empleyado na tulad niya. "Sabihin mo sa akin ang totoo... Ginagawa mo ba ito dahil mayroon kang ibang motibo?" Napahinto si Eric sa tanong niya. "Anong motibo ang meron ako? Naging kaibigan ko si Mark ng ilang dekada, hindi ko naman liligawan ang asawa niya. Iniimbitahan lang kita na bumali
Read more
Kabanata 111 Ang Kaguluhan sa Dining Room
Marahil ay abala lang si Tiffany, kaya hindi ito inisip ng husto ni Arianne. Bigla niyang narinig ang boses ni Butler Henry na nagmula sa baba. Mukhang bumalik na si Mark... Mukhang hindi niya balak pumunta sa ibang lugar ngayong gabi. Naligo siya at nagpalit ng damit pagkabalik niya. Kahit sino sa kanila ay hindi nagsalita sa mesa sa hapunan. Medyo tense ang kapaligiran. Inihain ni Mary ang ulam at soup. "Madam, mula noong nagkasakit ka nitong mga nagdaang araw, sinabihan ko ang mga tauhan sa kusina na maghanda ng nutritious soup para sayo. Kahit na medyo malansa ito, mabuti ito para sa tiyan mo. Sana kainin mo ito kahit kaunti lang.” Nag-aalala si Arianne na baka maduwal siya, kaya mabilis niyang tinakpan ang kanyang ilong. "Ayoko talaga… Mary, sinabi ko sayo na 'wag ka maghanda ng kahit anong may amoy na malansa. Hindi ko ito kayang kainin." Inilagay ni Mary sa kanyang harapan ang isang maliit na mangkok ng soup. “Takpan mo na lang ang ilong mo at inumin mo. Magiging okay
Read more