All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 61 - Chapter 70
7044 chapters
Kabanata 61
”Anong klase ng pill ito?” Nacucurious na itinanong ni Megan. Gusto na sanang sabihin ni Darryl na isa itong Godly Pill, pero unang beses pa lang niya nakagawa ng pill na ito kaya hindi pa niya alam kung tatalab ba ito o hindi, kaya sinabi niyang “Hindi ko alam. Ibinigay lang sa akin iyan ng kaibigan ko.” Hindi na nakapagsalita sa kaniyang narinig si Megan. “Hindi mo manlang alam kung ano ba ang isang ito pero gusto mo pa rin itong ipainom sa akin?” Kahit nagkaroon ng ilang mga pagaalinlangan si Megan, ininom pa rin niya ang pill na ibinigay sa kaniya ni Darryl. Tiningnan siyang maigi ni Darryl nang may kaunting pagasa sa kaniyang mga mata. Isang minute na ang nakalilipas, dito na nagtanong si Darryl ng, “Anong nararamdaman mo ngayon?” Iniling ni Megan ang kaniyang ulo at sinabing “Wala akong nararamdaman na kahit ano.” “Buwisit.” Mura ni Darryl. Isang Godly Pill na tumutulong sa mga cultivators na makalampas sa bottleneck na bahagi ng kanilang pagpapalakas? Kasinun
Read more
Kabanata 62
Nagtipon tipon ang pamilya Lyndon sa paligid ni Wentworth para kundinahin ito na parang isang preso.“Kasalanan mo ang lahat ng ito, Wentworth!” “Nangako kang kikita tayo nang malaki rito, pero anong nangyari?” “Hindi ko alam na ganito pala kahindi katiwatiwala si Wentworth. Kaya siguradong ganito talaga ang mangyayari…” “Kinakailangan mong magpaliwanag ngayon sa harapan naming kahit na ano pa ang mangyari.” Mas tumindi nang tumindi ang galit ng mga ito habang isa isang nagsasalita. Makikita na nagliliyab ang kanilang mga mata na para bang gusto na nilang patayin si Wentworth. “Huwag kayong magalala, siguradong masosolusyunan din natin ang problemang ito.” Sabi ng nababagabag na si Lily sa isang tabi.Hindi nila nagawa pang pakalmahin ang kanilang mga sarili! Malulugi ang kilalang pamilya Lyndon nang dahil sa kaniyang ama!Nagmamadali namang sinabi ni Samantha na, “Isa tayong pamilya. Kaya huwag kayong masyadong magpadala sa inyong mga nararamdaman.” Pero walang kahit na
Read more
Kabanata 63
Iniling ni Grandma Lyndon ang kaniyang ulo. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Magagawa pa bang parusahan pa ng langit ang pamilya Lyndon!? Sa mga sandaling ito, isang lalaki na nakasuot ng smart business attire ang pumasok sa hall.Agad na napatingin ang mga miyembro ng pamilya Lyndon sa binatang ito. “Sino ka naman?” Napakunot dito ang mga kilay ni Grandma Lyndon. Hindi nila kilala ang taong ito dahil hindi pa niya ito nagagawang makita bago ang araw na iyon. At hindi rin siya mukhang isang ordinaryong tao. Magalang na ngumiti at tumango ang binata sa harapan ni Grandma Lyndon. “Ako nga pala si Paul James, ako ang presidente ng Dragon Tech.” “Wow!” Natahimik sa sobrang gulat ang lahat nang ipakilala ni Paul James ang kaniyang sarili. Dito na naging emosyonal si Grandma Lyndon. At matapos ng isang sandali, tumayo ito sa kaniyang inauupuan nang may nanginginig na mga mata. Ang Dragon Tech ay isa sa mga nangungunang kumpanya sa industriya ng new media. Nagkaroon din ng mg
Read more
Kabanata 64
Hindi makaupo nang diretso si Grandma Lyndon habang emosyonal na nagtatanong kay Paul. “Maaari ko bang tanungin kung sino ang Mr. Darby na ito, Mr. James…”Iniling ni Paul ang kaniyang ulo at pinutol ang pagsasalita ng matanda. “Mas maigi kung iisipin mo muna ang problemang kinaharap ninyo ngayon, Grandma. Mahalaga ang oras ko. Kaya bibigyan lang kita ng limang minuto.”Tumigil na sa pagsasalita si Grandma Lyndon.Desperado na sa mga sandaling ito ang pamilya Lyndon. Siguradong maglalaho sila sa sandaling hindi nila mabayaran ang kanilang mga utang.Kahit na hindi pabor sa kanila ang kondisyong ibinigay ni Paul, atleast ay mabibigyan silang mga Lyndon ng oras para ibangon ang kanilang mga sarili.Pero walang kasiguraduhan ang magiging kinabukasan ng mga negosyo ng kanilang pamilya sa sandaling makipagpartner sila sa Dragon Tech.Matapos ang ilang pagdadalawang isip, nagbuntong hininga si Grandma Lyndon at tumango kay Paul. “Sige papayag na kami sa gusto mo.”“Hindi tayo pupuwede
Read more
Kabanata 65
Ngumiti si Drake at sinabing, “Ikakasal na ang kapatid mong si Jackson bukas. Sinabi ko ito sayo para makapunta ka sa kasal niya bukas.”“Ano?!”Nasurpresa at natuwa si Darryl nang marinig niya iyon at halos mapatalon sa kaniyang kinauupuan.“Walang problema, pupunta ako riyan bukas ng umaga.” Agad na sumagot si Darryl at pagkatapos ay kaniya nang ibinaba ang tawag. Hindi niya maexpress kung gaano siya kasaya nang marinig niya iyon.Oo, isa nga iyong magandang balita. Hindi lang ito isang magandang balita kundi isa ring nakakatuwang pangyayari sa kaniyang buhay.Si Jackson ang nakababata niyang kapatid na mas bata kay Darryl ng dalawang taon.Pero hindi pa rin nito naging kadugo si Darryl. Lumaki ito sa pamamahay ng mga Darby at isa rin sa mga inaanak ni Drake. Si Jackson ang pinakamalapit kay Darryl sa buong pamilya Darby.Nang itakwil nang pamilya si Darryl, agad na umuwi si Jackson na kasalukuyan noong nagaaral sa kolehiyo para suportahan ang kaniyang kuya.Pero isa lang amp
Read more
Kabanata 66
Mukhang sinuwerte nga lang siya. Isang nakikitirang manugang na itinakwil ng kaniyang pamilya ang sinuwerte nang tumaas nang husto ang mga shares na binili niya. Kaya mayroon pa siyang dapat na ipagmalaki rito?Hindi maiwasang matawa ng karamihan sa mga bisita kay Darryl. Matagal na nilang narinig kung paano pinatalsik ang ikalawang young master ng pamilya Darby sa pamilya na siya ring naging nakikitirang manugang ng mga Lyndon. Pero hindi inasahan nag anito magiging kakapal ang kaniyang mukha matapos bumalik sa pamilyang nagtatakwil sa kaniya.Sa mga sandaling ito, naglakad palapit ang kuya ni Darryl na si Florian at tumatangong sinabi rito na. “Mabuti at nakabalik ka na rin, Darryl. Huwag mo na siyang pansinin.”Nagmukhang bukas sa pagtanggap ang tono ni Florian pero makikita ang kawalan nito ng pakialam sa kaniyang mukha.Kahit na magkapatid silang dalawa, wala silang naging kahit na anong pagkakapareho mula noong mga bata pa lang sila. Madalang na rin silang magusap mula noong
Read more
Kabanata 67
Kumunot ang mga kilay ni Shelly habang sinusukat sa tingin si Darryl. “Ikaw naman ay si…”Bago pa man makasagot si Darryl, isang boses na ang maririnig mula sa mga bisita, “Ang batang iyan ay ang nakikitirang manugang ng mga Lyndon. Isa lang siyang boy toy kaya huwag niyo po siyang pansinin, Director Sullivan.”“Hahaha!”Nang marinig ang mga salitang ito, agad na sumabog sa katatawa ang mga tao sa paligid.Hindi pinansin ni Darryl ang pangungutya ng mga bisita at sianbing, “Ako nga iyon, ako ng apala si Darryl, at si Jackson na siyang ikinasal ay ang nakababata kong kapatid.”Napakurap si Shello bago magsalita nang may walang pakialam na tono, “Nagaral ka ba ng medisina noon?”Iniling naman ni Darryl ang kaniyang ulo.“Ano ang ginawaga mo Darryl? Sinabi n ani Director Sullivan na kinakailangan siyang dalhin sa ospital. Ano ba ang gusto mong mangyari? Alam mo ba kung paano siya gamutin? Kung gusto mon ang mamatay, huwag mo nang idamay ang mga Darby,” sabi ni Yumi habang tumatayo
Read more
Kabanata 68
Nagulat si Jackson nang makita niya ang confidence sa mga mata ni Darryl at agad na tumango. Sa ilalim ng mga mapanghusgang mata ng mga tao sa paligid, tumungtong si Jackson sa isang upuan at ibinaba ang eight-diagram na salaming nakasabit sa dingding.“Nahihibang ka na rin ba, Jackson? Paano mo nagawang maniwala sa nakikitirang manugang na ito?” Reklamo ni Yumi sa isang tabi.Hindi siya pinansin ni Jackson. Naniwala nang husto si Jackson kay Darryl dahil sa napakalalim nilang pinagsamahan mula noong mga bata pa lamang sila.“Dalian ninyo. Bilisan ninyong buhatin si President Guy sa tabi ng maliit na lawa.” Utos ni Jackson sa mga waitress matapos ibaba ang eight diagram na salamin.Natigilan nang isang sandali ang mga waitress at agad na binuhat si Abby palabas.Matapos makita ang pangyayaring ito, mahinhing iniling na lang ng mga tao sa paligid ang kanilang mga ulo.Tama nang si Darryl na lang ang magsalita ng mga walang kabuluhang bagay sa mga sandaling ito, pero nagawa rin mag
Read more
Kabanata 69
”Isa bai tong coincidence o talagang alam lang ng nakikitirang manugang na ito ang tungkol sa bagay na iyon? Isip ng mga bisita.”Bahagyang ngumiti si Darryl at tumango kay Abby. “Tama nga iyan. Kahit isa sa magagandang uri ng antique ang eight diagram na salaming iyon, kinocontradict pa rin nito ang Feng Shui ng villa na ito. Ito ang dahilan kung bakit nahimatay si President Guy. Kahit na gaano pa kagaling si Ms. Sullivan sa larangan ng medisina, hindi pa rin niya magagawang gamutin ang nangyari kay President Guy.”Napayuko nang paunti unti si Shelly sa mga sinabing ito ni Darryl. Minaliit niya noong una si Darryl pero agad din nilang nalaman na isa itong binata na maraming kaalaman sa mga bagay na katulad nito. Hindi rin niya nagawang gamutin si Abby kanina kaya natuto siyang magpakumbaba sa mga sinabing ito ni Darryl.Habang nagsasalita si Darryl, pasimple niyang tiningnan ang katawan at ganda ni Abby.Kahit nasa 30 years old na ang babaeng ito, naalagaan pa rin niya nang husto
Read more
Kabanata 70
Pero wala ritong pakialam si Darryl. Bahagya lang siyang ngumiti at sinundan ang mga lalaki papasok sa isang sasakyan.Matapos ang ilang minute, nakarating na sila sa isang pribadong manor.Kahit na malayo ito sa dagat, nagawa pa ring makipagsabayan ng naging dekorasyon nito sa mga villa na nakatayo sa tabing dagat. Mas naging metikuloso at maayos din ang naging layout ng manor na itong naghighlight sa napakalakas na aura ng taong nagmamayari nito.Naglabas ng makalumang pakiramdam sa paligid ang buong manor na itong mayroong vintage na uri ng style.Agad na umalis ang dalawang mga nakaitim na lalaki pagkatapos nilang samahan si Darryl papasok sa front hall ng manor.Dito makikitang nakaupo si Brandon sa isang eleganteng upuan na gawa sa kahoy. Nang makita niya ang pagdating ni Darryl, tumayo siya at itinuro ang isang box na naglalaman ng regalo sa kaniyang tabi. “Isa itong regalo galing sa aking kapatid bilang pagpapasalamat sa iyong ginawa sa kaniya. Kunin mo ito.”Buong pagpap
Read more