All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 51 - Chapter 60
7044 chapters
Kabanata 51
Nang makita niyang tumango si Darryl, lumingon si Giselle kay Grandma Lyndon at mahinang sinabi na, “Well, tapos na ang problemang ito.”Nakahinga na nang maluwag ang matanda matapos nitong sumangayon sa ginawa niyang desisyon.Magiging madali para sa kanila ang lahat hangga’t magagawang palampasin ni Giselle ang tungkol sa bagay na ito.Pero, matapos nito, agad na nagsalita si Giselle sa matanda, “Pero may isa akong kundisyon!”“Anong kondisyon ang hinihingi mo, Ms. Lindt?” Mabilis na sagot ng matanda.Naglakad si Giselle papunta kay Lily at tumayo sa tabi nito. Pagkatapos ay tumingin si Giselle sa paligid ng meeting room at sinabing, “Mula sa araw na ito, tanging si Lily lang ang magiging in charge sa public image ko at sa anumang bagay na may kaugnayan sa akin. Sa kaniya lang ako nagtitiwala. Kaya walang sinuman sa inyong pamilya ang mangingialam sa kaniyang mga ginagawa. Naiintindihan niyo baa ko?”“Ano?!”Natigilan ang lahat nang marinig nila iyon.Binigyan ni Giselle si L
Read more
Kabanata 52
Agad na nagpunta si Darryl sa Pearl Pavilion matapos ibaba ang tawag.Nang makababa siya sa kaniyang sasakyan, agad niyang nakita ang napakaraming tao sa harapan ng Pearl Pavilion. Mukhang punong puno ng pagkasabik ang mga taong nakikiusyoso sa paligid.Nang maglakad si Darryl sa loob nito, nakita niyang nasa gitna ng mainit na usapan ang mga mayari ng iba’t ibang mga antique store sa buong Donghai City.“Peke ang isang ito!”“Oo nga, mukhang peke nga ito!”Nang maglakad si Darryl sa gitna ng maraming tao papasok sa store, nakita niya ang isang kalbong lalaki na nasa harapan ng counter na mayroong yakap na isang makulay at gawa sa porselanang vase. Mukhang gusto niyang ibenta ang vase na ito pero nagduda ang mga tao sa pagiging orihinal ng hawak niyang item.Ang mga taong nasa harapan ng kalbong lalaki ay sina Yvonne Young, Peter Williams at isa pang middle aged na lalaki.Nakasuot ang middle aged na lalaking ito ng isang tradisyunal na kasuotan ng mga Chinese at isang salamin s
Read more
Kabanata 53
Napakunot ang mga kilay ni Elsa Lyndon habang nakatauyo sa isang tabi.Kahit na hindi siya gaanong nakikipagusap kay Darryl, isa pa rin siyang miyembro ng pamilya Lyndon. Kaya sa sandaling magmukhang tanga si Darryl sa harapan ng lahat, hindi ba’t agad din siyang mapapahiya sa mga ito?Nang malaman ni Kingston ang pagkatao ng binata, at matapos ang isang sandaling pagtingin niya riyo, sinabi niya na. “Hindi ba’t ikaw ang manugang ng pamilya Lyndon?”Bago pa man ito magpatuloy, mahinang pinutol ni Yvonne ang pagsasalita ng kaniyang ama, “Dad, siya ang kinikilalang tagakilatis ng antique na kinuha ko!”“Ano?!”Sinubukan ng lahat na pigilan ang kanilang tawa. “Ano? Isa siyang kilalang tagakilatis ng antique? Mukhang mas kilala siya sa pagiging basura. Hidni na makapaghintay ang pamilya Lyndon na mapaalis siya dahil sa kawalan niya ng silbi sa mga ito! Pero ginawa siyang isang kinikilalang tagakilatis ng mga antique ni Yvonne? Nakakatawa!”Napahinga na lang nang malalim si Kingston n
Read more
Kabanata 54
Napahinga nang malalim si Kingston, hindi na rin naging maganda ang kaniyang itsura sa mga sandaling ito. Lumingon siya at bumulong kay Yvonne, “Ito ba ang kinikilalang tagakilatis ng antique na kinuha mo? At binigyan mo ng 50,000 dollars na sahod kada buwan?”“Kahit na may pera ang ating pamilya, hindi pa rin tayo dapat gumastos nang ganoon ganoon na lang.”Wala namang nasabi rito si Yvonne habang makikita ang kaunting bakas ng kahihiyan sa kaniyang mga mata.Tumawa ang kalbong lalaki na para bang wala nang bukas, tinapik niya ang balikat ni Darryl at sinabing, “Mukhang marami nang alam ang batang ito!”Bahagyang ngumiti lamang dito si Darryl.Tumitig si Kingston kay Darryl at nanlalamig na sinabing, “Sabihin mo sa akin, paano nagkaroon ng presyong 500,000 dollars ang isang iyan?”“Hindi, mas malaki pa nga dapat ang halaga nito! Nagkakahalaga dapat ito ng 5 milyong dolyar! Kaya siguradong kikita ka nang malaki sa sandaling bilhin mo iyan.” Isip ni Darryl sa kaniyang sarili.At
Read more
Kabanata 55
Nanginig ang mga tuhod nina Yvonne at Elsa sa sobrang pagkagulat!“Nagagawa ba talaga niyang masabi kung isang talagang antique ang isang vase?”Agad na tinanggal ng namamanghang mukha ni Kingston ang kanilang pagtataka.“Hoy, andami na ninyong pinagkuwentuhan, gusto niyo bai tong bilhin o hindi?”Nauubos na ang pasensya ng kalbong lalaki.Palihim namang ngumiti rito si Darryl.“Siguradong utusan lang ang lalaking ito. Nagawa niyang magdala ng isang walang katumbas na halagang kayamanan dito sa Pearl Pavilion para ibenta sa halagang umaabot lang sa kalahating milyon!”Nang maisip niya ang tungkol sa bakas ng putik sa ilalim ng porselanang vase, naging confident si Darryl na kahuhukay hukay lang sa vase na ito. “Napakamisteryoso ng kalbong ito. Saan niya kaya nakuha ang vase na ito?” Simangot ni Darryl habang nagiiisip sa kaniyang sarili.“Oo! Bibilhin ko na ito!”Walang tigil na tumango si Kingston na para bang pagsisisihan ng kalbo ang kaniyang naging desisyon.At pagkatapos
Read more
Kabanata 56
”Dito pala nila nahukay ang Xueyan Promenade Vase. Mukhang may mga itinatagong lihim ang libingang ito.”“Pero mukhang hindi nagiingat sa paghuhukay ang mga lalaking iyon. Paano kung masira nila ang mga cultural relics ng ating bansa? Iniwan ang mga kayamanang iyon ng ating mga ninuno! Ano na ang dapat kong gawin?”Nang isipin ni Darryl ang mga susunod niyang gagawin, narinig niya ang galit na pagsigaw ng bigotilyong lalaki, “Sino iyon? Anong ginagawa mo riyan? Lumabas ka na ngayundin!”Nagulat dito si Darryl.“Buwisit! Nakita niya ako!”Maglalakad na sana mula sa likuran ng isang puno si Darryl nang makita niyang magdilim ang itsura ng bigotilyong lalaki habang direktang naglalakad sa isa pang puno na may 10 metrong layo mula sa kaniya.“Paano niyo nagawang bastusin ang mga nakalibing dito! Puwede kayong makasuhan sa ginagawa ninyo kaya dapat niyo na iyang itigil ngayundin!”Bago pa man makarating ang bigotilyong lalaki sa puno, isang mahinhing boses ang maririnig mula sa punon
Read more
Kabanata 57
”Huwag kang matakol Baby, hindi lason ang ipinainom ko sa iyo. Ito ay ang Weak Bones Elixir. Manghihina lang ang buong katawan mo rito.” Sabi ng nakangiting bigotilyong lalaki na parang isang demonyo.Dito na nawala sa kaniyang sarili si Megan at hindi na nakapagsalita pa.“Weak Bones Elixir?”“Naloko na!”Sigaw ni Darryl. Mukhang isang nakawalang pasyente ng isang mental hospital ang bigutilyong lalaki na ito na nagsasabi ng kung ano anong kahibangan.“Hoy, Bata! Bakit mo ako sinundang hayop ka? Ano bang gusto mo? Nagbebenta ako ng mga vase na binabayaran ninyo sa akin kaya bakit mo ako kailangan pang sundan?” Pinaligiran ng buong grupo ng kalbong lalaki si Darryl habang galit itong tinatanong.“Ako lang ang nakapagsabi na malaki ang halaga ng vase na dinala mo. Ayaw mo ba akong pasalamatan para roon? Nagkunwaring humihinga nang malalim si Darryl bago maglakad palapit sa mga ito nang paisa isa.Nabahala rito nang kaunti si Darryl. Isang taon siyang nagaral ng Wing Chun Kung Fu
Read more
Kabanata 58
Ang ikalawa namang bahagi ng libro ay tungkol sa Yang Feng Shui, na nagsasaad ng pagpili ng tahanan nang naaayon sa Yang, ang tirahan ng mga nabubuhay.Parehong nagkaroon ng detalyadong diskripsyon at ilang mga illustration ang pagtuturo ng libro tungkol sa Yin at Yang.“Buwiset, hindi ba’t parang ganito ang itsura ng bahay ko?” Nagulat si Darryl nang makita ang mga pictures na makikita sa lubro.At pagkatapos ay agad niyang binasa ang detalyadong diskripsyon nito sa sumunod na page. [Kulang sa elementong kumukuha ng tubig ang layout na ito kaya maaapektuhan nito ang sinumang nabubuhay na tumira rito na makapagpapahirap sa kanilang mga buhay.]Dito na naliwanagan si Darryl sa lahat.Hindi na kataka taka kung bakit napuno ng problema ang pamilya Lyndon. Palaging kinukulang sap era ang kumpanya ni Lily. Mukhang hindi ito dahil sa pagkakamali sa pamamahala nila sa kumpanya kundi sa pangit na pagkakalayout ng Feng Shui sa kanilang tirahan.Nang simulan nang basahin ni Darryl ang tun
Read more
Kabanata 59
”Nagmamaang maangan ka ba?” Sumangot ni Megan habang pinagaaralan ang reaksyon ni Darryl.“Bakit hindi niya ako sinagot at sa halip ay nagawa pa niyang ibalik sa akin ang aking tanong?”“Ano ang ginamit mo para talunin ang mga kriminal na iyon kanina?”Kinamot ni Darryl ang kaniyang ilong at sinabing. “Wala lang iyon. Matagal na rin ang panahong lumipas mula noong magsanay ako sa Wing Chun.”“Hindi iyan totoo!”Iniling nang husto ni Megan ang kaniyang ulo. “Masyadong naging malawak ang paggalaw ng iyong mga braso kanina. Hindi iyon Wing Chun.”Hindi na rito nakapagsalita pa si Darryl.Tama nga si Megan. Tinuruan nito ang kaniyang sarili sa Wing Chun, pero agad niya ring naisip na hindi niya ito magagamit dahil isa lang itong technique na magagamit sa mga suntukan sa kalye.Iniling ni Darryl ang kaniyang ulo at sinabing. “Anong sekta ng Wing Chun ang sinasabi mo? Ano ba ang nangyayari?”“Hindi mo pa rin ba alam?” Nagsususpetsang tanong ni Megan.Nang mapansing hindi na nagkuku
Read more
Kabanata 60
Mukhang nagmula nga sa Universal Pill ang hindi maipaliwanag niyang lakas.Habang mas parami nang parami ang nababasa niya sa libro ay mas pamanga nang pamangha ang kaniyagn nararamdaman sa mga nilalaman nito!Maraming mga uri ng elixir ang nakarecore sa librong ito. Halimbawa, ang Divine Power Pill ay may kakayahang palakasin nang husto ang sinumang iinom nito at narito rin ang Light Spirit Pill na magpapagaan sa katawan ng isang tao na parang isang balahibo.Pero ngayon lang narinig ni Darryl ang pangalan ng mga pills na iyon at sa napakamisteryoso nitong mga epekto.Isang halimbawa lang nito ay ang Soul Piercing Pill na ipinapainom sa kalaban at sinasamahan ng training ayon sa pamamaraan ng pagpapalakas dito na may epekto na kumontrol sa kaniyang mga kalaban.“Talaga? Ganoon iyon kalakas?”Nang mabasa niya ang tungkol sa Soul Piercing Pill, napansin ni Darryl ang sangkap na kinakailangan para gawin ang pill na ito at nagulat nang mabasa ang ilan sa mga ito.“Heaven Spiritual
Read more