Chapter 52 (Part 1)“H-yop ka, huwag mong gagalawin ang anak ko.”Itinaas niya ang mga paa para sana sipain ang babae. Subalit, para lang itong nababaliw na umiwas sa kanya habang tumatawa. Para lang itong nakikipaglaro sa kanya sa pagkakataong iyon, tuwang tuwa na hindi niya ito maabot para saktan. Gigil na gigil siya sa kinauupuan. Kung hindi lang siya nakatali, ay hahablutin niya ang buhok ng babaeng ito at ingungodngod niya sa sahig. Natigilan siya sa pagpapasag nang bumukas ang pinto ng makipot na kwartong kinaroroonan niya. Sa pangalawang pagkakataon, hindi na siya nagulat nang makita niya si Ian Moscoso. Nasa likod nito ang mga tauhan ng mga ito na alam niyang hindi basta-basta dahil sa mga dala nitong matataas na de-kalibreng baril. His me
Last Updated : 2022-02-12 Read more