A Night with Gideon
A Night with Gideon
Author: pariahrei
Chapter 1
Author: pariahrei
last update2021-07-23 14:59:47

Chapter 1

Suot ang maikling palda at crop top na hindi umabot sa kanyang pusod, lumabas si Lyzza sa dressing room na pinagamit sa kanya ni Danielle. Pilit niyang hinihila pababa ang suot niyang maong na palda dahil halos makita na ang suot niyang panty sa sobrang ikli niyon.

            Napatigil lamang siya sa kanyang ginagawa nang may tumampal sa kanyang kamay.

            “Huwag mo ng hilahin, masisira ‘yan,” nakabusangot ang mukha ni Danielle nang sabihin iyon. Ngumunguya pa ito ng bubble gum nang pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sumilay ang ngisi sa labi nito nang tuluyan siyang mapagmasdan. “’Yan. Sabi ko na, hindi talaga ako nagkamali ng pagkilatis sa ‘yo.”

            Nakuha pa siyang nitong paikutin sa kinatatayuan. “Ang ganda mo! Siguradong pag-aagawan ka mamaya.” Kapagkuwan ay pinindot nito ang dibdib niya. “Totoo ba ‘yan?”

            Napaatras siya sa gulat dahil sa ginawa nito. “Oo.” Parang tanga naman ang babaeng ito. Wala nga siyang pera pampagamot sa mama niya tapos may iisipin nito na nagpagawa siya ng dibdib?

            Pero sa kabilang banda, hindi niya naman ito masisi. At the age of nineteen-years old, malaki na ang kanyang dibdib kumpara sa mga ka-edaran niya. May pagkamestisa rin siya.

            Half-british at half-Pilipino kasi ang tatay niya. Habang ang mama niya naman ay purong Pilipino. Namatay ang tatay niya nang tatlong taong gulang pa lamang si Caius, ang nakababatang kapatid. Simula noon, ang mama na niya ang nagtaguyod sa kanila.

            Her father is a businessman. May maliit silang mga business noon. But when he died, bumagsak na rin ang mga negosyo nito. Wala rin naman silang inasahan sa mga kamag-anak nila dahil nilayuan sila ng mga ito nang nalugi ang kumpanya ng papa niya at naghirap.

            They choose to stay away and live in peace and harmony. Kaya ngayong nasa hospital ang ina niya para ma-operahan sa puso, wala siyang mahingian ng tulong kundi ang sarili niya. 

            Umingos si Danielle at inayos ang buhok niya. “Basta mamaya, alam mo na ang gagawin mo. Alalahanin mo na nasa hospital ang nanay mo at kailangan mo ng pera. Kung gusto mong umatras, sabihin mo na ngayon para hindi tayo sumabit.”

            Napalunok siya at mabilis na umiling. “H-Hindi…hindi ako aatras.”

            “Sigurado ka?”

            Sunod-sunod siyang tumango at kinagat ang pang-ibabang labi.

            Iyon lamang ang hinintay nito at tuluyan na siyang hinila papunta sa likod ng make-stage ng lugar.

            Sa isang hotel siya dinala ni Danielle nang sabihin niyang pumapayag na siya sa alok nito. May auction daw ng mga babae na magaganap at isa siya sa mga ipagbibili. Ipinakilala siya ni Danielle kanina sa mistulang organizer ng event—si Mama Lovie. The guy who looks like a wrestler than a beautician and organizer.

            Ipinaliwanag nito sa kanya na isang gabi lang ang magiging usapan nito at ng kliyente. Nagtataka pa siya noong una kung bakit tinanong siya nito kung birhen pa ba siya. Hindi siya nakasagot dahil inunahan siya ni Danielle. Nagsinungalin ito na may karanasan na raw siya.

Hindi na niya iyon tinama dahil naisip niya na baka isa sa mga requirement’s ay may karanasan sa pakikipagtalik. Kailangan niya ng pera, iyon lamang ang dapat niyang i*****k sa kukote niya.

            Pinapila siya ni Danielle kasama ang mga babaeng pareho ang kasuotan sa kanya. Those girls were beautiful. Mukha itong mga supermodels na naligaw sa lugar na iyon. Sa tantiya niya ay siya ang pinakabata sa mga naroroon.

            Binundol siya ng kaba nang narinig niya ang boses ng baklang organizer ng event na nagbibigay ng paunang salita sa mga taong nasa harapan ng make-stage.

            Kinailangan pa siyang itulak ng babaeng nasa likod niya—nang tawagin sila, paakyat sa stage.

            Literal na hindi siya nakagalaw nang bumungad na sa kanyang paningin ang mga taong magbi-bid sa kanila para sa isang gabi.

            Panay ang ngiti at paganda ng kanyang mga kasama habang siya ay hindi niya makuhang kumaway man lang. Gusto niyang gayahin ang ginagawa ng mga kasama pero wala siyang lakas ng loob. Ang usapan pa naman nila ng organizer ay hati sila sa kikitain.

            Paano magbi-bid sa kanya ang mga taong ito kung hindi man lang siya ngumingiti?

            Nagsimula ang auction. Panglima siya sa pila. Halos malula siya sa mga halagang binibitawan ng mga lalaki para lamang sa isang gabi. May umaabot pa ng isang milyon. Sobra-sobra na iyon para sa pampa-opera ng kanyang ina.

            “And for our next woman, the Aphrodite and face of an angel herself, Rona.” Siya ang tinawag.

            Naglakad siya papunta sa gitna.

            “Thirty thousand!”

            Napapikit siya. Thirty-thousand? Kulang na kulang iyon.

            “Sixty-thousand. She seems young,” wika ng isang lalaki na may puting buhok at malaking tiyan.

            “I bid one hundred thousand.” Isang lalaking may lahing Arabo naman ang nagsalita.

            The bids go on and on hanggang sa umabot na iyon ng halos ng isang milyon. Ang lalaking may lahing Arabo ang may pinakahuling bid which is nine-hundred thousand.

           Nagtama ang mata nila ng matanda at halos pangatugan siya ng tuhod nang binigyan siya nito ng ngisi at pinasadahan ng tingin ang buo niyang katawan. At hindi siya tanga para hindi niya makuha kung anong klaseng tingin iyon.

            It was a perverted stare. Na para bang sinasabi nito na hindi siya nito tatantanan at wala itong paki-alam kung masasaktan siya. Naiiyak na siya sa kinatatayuan at halos pangapusan na siya ng hininga. Ano ba itong pinasok niya?

            But when everything is almost settled, a man from the far side of the seats stands up and raised his number.

            “Three million for that lady,” buong-buo ang boses nito.

            Luhaang nagtaas siya ng paningin. A man in his late twenties was raising his number kaya nakumpirma niyang ito ang nagsalita. He’s staring at her intently na para bang kapag kumurap ito ay mawawala siya bigla.

            “Number fifty-seven offers three million. Going once, going twice? Sold!”

            Bumakas ang pagka-irita sa mata ng matanda na para bang hindi nito nagustuhan ang nangyari.

            Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan. Literal siyang nanigas nang magtama ang mata nila ng lalaking iyon. He has these dangerous brown eyes and his face has beards. Mukha itong pulubi sa ayos nito ngunit nagsusumigaw ng kapangyarihan kung paano ito tumindig. 

            Lalo na ang paraan ng pagtitig nito na para bang sinasabing akin ka! Which is true dahil binili siya nito. Pag-aari siya ng lalaking ito ngayong gabi. Ito ang lalaking makaka-una sa kanya.

            Alam niyang mali. Ngunit maililigtas ba ng kanyang prinsipyo ang kanyang ina na nag-aagaw buhay sa ospital? Kung ito lamang ang tanging paraan para madugtungan niya ang buhay ng babaeng nagluwal sa kanya, hindi niya pagsisisihan ang gagawin niya.

            Siya ang unang nag-iwas ng tingin nang sinenyasan sila ng staff na umalis na. Ngunit nanatiling nakasunod ang tingin ng lalaking iyon nang isa-isa silang bumaba ng stage para bumalik sa dressing room.

            Batid niya ang inggit sa mga mata ng kanyang mga kasama nang makabalik sila sa dressing room. Who wouldn’t envy her? A night with her was sold in three million. At higit pa roon ay hindi pa masyadong matanda o makunat ang bumili sa kanya.

            “Sh*t!” Malaking ngiti ang sinalubong sa kanya ni Danielle. “Three million, ang laki ng commission ko sa ‘yo!” Napasuntok pa ito sa hangin na para bang naka-jackpot ito.

            Malamang nanood ito dahil hindi naman ito kasali sa auction. 

            “Hindi talaga ako nagkamali,” bungingis ni Danielle. Hindi siya ngumiti o gumawa ng kahit anong reaksyon.

            Maya-maya pa ay isa-isa na silang tinawag tanda na “bayad” na sila. Siya ang pinakahuling tinawag ng baklang manager. Nakita niyang tila haring naka-upo sa harapan ni Mama Lovie ang lalaking iyon.

            Katulad ng mga tingin nito kanina, tagusan pa rin siya nitong tinitigan. Hindi niya alam kung bakit ganon ito kung tumingin sa kanya. Kinakabahan tuloy siya. He is on his leather jacket and rugged jeans. Naka-man bun ang buhok nitong sa tantiya niya ay hanggang balikat ang haba.

            “Nandito na siya!” tili ni Mama Lovie nang makita siya.

            Tumayo ang lalaki at nahiya siya sa tangkad nito. He was literally towering her. Nagmistula siyang batang paslit sa tabi nito. Hanggang dibdib lang siya ng lalaki at hindi na siya magtataka kung kayang-kaya siya nitong buhatin gamit lamang ang isang kamay.

            Those intimidating veiny arms and rugged appearance just increased the power that surrounds him. Yumuko ito sa kanya upang magpantay ang kanilang mga mukha. Nakita niya sa malapitan ang kulay brown na mata nito. It was a pair of beautiful brown eyes but there was a danger behind it. Napagdisisyonan niyang ayaw niyang malaman kung ano ang nakatago sa likod ng mga mata nito.

            Inilapat nito ang tungki ng ilong sa kanyang pisngi. She felt the electrifying touch but she hides it. Ngunit sabay silang napasinghap ni Danielle nang suminghot ito, inaamoy siya.

            “Strawberry,” he murmured that only she could hear. Even his voice was deep and dangerous. Lalaking-lalaki.

            “I like strawberry now,” he continued. Pumapaypay ang mainit nitong hininga sa kanyang pisngi.

            Perfume niya yata ang tinutukoy nito. Nabili niya lang iyon sa supermarket na malapit sa bahay nila. Mumurahin lang iyon. Bakit gusto na nito?

            Tumuwid ito sa pagkakatayo at seryosong binalingan si Mama Lovie. Tinanguan nito iyon at nakapamulsang naunang naglakad palabas sa opisina.

            Pumaalinlangan ang tili nina Danielle at Mama Lovie sa buong opisina nang mawala sa opisina ang lalaki.

            “Go na, Girl!” Halos ipagtulakan pa siya ng dalawa.

            Napalunok siya at atubiling sumunod palabas. Nakita niya ang lalaki na nakasandal sa kotse nitong itim na alam niyang hindi biro ang presyo. Nakita na niya iyon minsan sa magazine na binabasa ng kapit-bahay niya.

            Umayos ito ng tayo at nilapitan siya. Pumulupot ang kamay nito sa kanyang baywang at hinapit ang maliit niyang katawan.

            Her petite body bumped on his broad physique.

            “You’re nervous!” he stated.

            “H-Hindi,” pagsisinungalin niya kahit ang totoo ay kanina pa siya pinagpapawisan at tumatambol ang kanyang dibdib dahil sa kaba—no, dahil sa labis na kaba. She was really nervous with the thought of finally doing ‘it’, with him. Mawawala ang iniingatan niyang virginity ngayong gabi,

            Tumaas ang kamay nito at dumapo iyon sa kanyang panga. His hands were calloused like he was doing a hard job with that hand.

            His thumb trace her lower lips and he stared into her eyes. Reading her mind and watching her soul.

            “You don’t know how to lie, Strawberry.” His voice was deep and husky.

            Isa pang pasada ng haplos sa kanyang pang-ibabang labi, binitawan siya nito at pinagbuksan siya ng pinto.

            Walang salitang pumasok siya roon at nakitang may nakapwestong driver sa driver’s wheel. Maya-maya pa ay pumasok na ang lalaki sa loob ng kotse.

            “What’s your name?” tanong nito sa kanya nang nagsimulang paandarin ng driver ang sasakyan.

            “Ly…Rona. My name is Rona.” Walang dahilan para sabihin niya ang tunay niyang pangalan dito sapagkat ngayong gabi lang naman sila magkakasama.

            Ilang segundo siya nitong tinitigan. Kinabahan pa siya dahil alam yata nito na nagsisinungalin siya. Ngunit ilang sandali lang ay tumango ito.

            “I’m Gideon,” he looked straight into her eyes, “and tonight, you are mine.”

Next Chapter

Related Chapters

  • A Night with Gideon   Chapter 2

    Chapter 2 Four Years Later “Nasaan si Mama?” tanong ni Lyzza sa nakababatang kapatid pagkababa niya ng hagdanan ng kanilang bahay. “Nauna na sa tindahan. May aasikasuhin daw kasi siyang mga listahan,” sagot nito sa kanya at tumayo mula sa pakaka-upo sa sofa nila. “Aalis na tayo, Ate?” tanong nito sa kanya. Tumango siya matapos makita sa suot-suot niyang mumurahing relo na malapit nang mag-alas-syete ng umaga. “Oo, Cai,” sagot niya sa trese-anyos na kapatid at inipon ang buhok par

  • A Night with Gideon   Chapter 3

    Chapter 3 Masakit na ang mga paa ni Lyzza nang makarating siya sa bahay nila. Four inches kasi ang taas ng takong na kanyang suot-suot na sapatos. Ni-require sila na magsuot niyon para daw masanay sila kapag nasa field training na sila. Pasado alas-sais na nang gabi nang maka-uwi siya sa bahay nila. Nagkaroon pa kasi sila ng orientation para sa interview nila sa Vesarius airlines next week. Alas-singko na iyon natapos, at dahil rush hour na, na-stuck pa siya sa traffic. “Mommy,” masiglang bati sa kanya ni Summer nang hubarin niya ang kanyang suot na sapatos at ilagay iyon sa shoe rack nila na nasa likuran ng pintuan.

  • A Night with Gideon   Chapter 4

    Chapter 4 Gideon was talking to a middle-aged man. Wala na ang mahabang balbas nito na siyang nagbigay ng mas malakas na appeal sa lalaki. Maangas pa rin ang pagkakaman-bun ng buhok. Ang mukha ay seryoso pa rin pati na rin ang pagkakatindig ay lalaking-lalaki na para bang ipinapakita nito na ang ka-angasan sa lahat. “Students, this way!” narinig niyang anunsyo ng kung sino dahilan upang maalis ang paningin niya sa lalaki. Gayundin ang mga babae niyang kaklase na naghagikhikan pa habang naglalakad sila paalis sa main entrance ng building. “We will divide you in to two gr

  • A Night with Gideon   Chapter 5

    Chapter 5 Gideon stares blankly at the closed door after Rona—Lyzza, went out. Umigting ang mga panga niya at halos masabunutan ang sarili dahil sa inakto ng babaeng umukopa sa kanyang isipan mula nang magising siya mula sa pagkaka-coma sa loob ng apat na buwan matapos ang gabing binili niya ito. Napadpad siya auction na iyon dahil sa sulsol ng kanyang kaibigan na mag-unwind din siya paminsan-minsan. Ipinahatid siya sa lugar na iyon ng tar*ntadong si Alejandro Almeradez. He is one of his best friends since they were in military school. Nasa leave siya nang mga oras na iyon dahil inasikaso niya ang divorce nila ng kaniyang ex-wife. His slut ex-wife na hindi nakontento sa kanya at na

  • A Night with Gideon   Chapter 6

    Chapter 6 "Ano? Nagkita ulit kayo ng daddy ni Summer?” Literal na magkasabay na tanong nina Jessica at Qyla nang magkita-kita sila kinagabihan sa bar na dati niyang pinagtatrabahuhan. “Kailangan talaga sabay kayo? Sige, lakasan niyo pa,” sarkastikong wika niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawang babae sa harap niya at nang muling ibinalik ang paningin sa kanya ay kapwa ito natawa. “Sorry, nagulat lang kami,” Qyla started as she poured a mild alcoholic drink in her own glass. Nagkibit-balikat si Jessica at ginaya din ang ginawa ni Qyla. She even offered to her na tinanggihan niya. “You know na hindi ako umiinom. Hanggang alas-dyes lang ang paalam ko kay Mama. Kailangan kong maka-uwi bago mag-alas dyes, hahanapin ako ni Summer,” wika niya at kinuha sa mesa nila ang soft drink na iniinom niya. Tinapik-tapik siya ni Qyla sa balikat at tumango-tango habang si Jessica naman ay nakangiti. “Bakit?”

  • A Night with Gideon   Chapter 7

    Chapter 7 “Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design. Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila. “Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko.

    A Night with Gideon   Chapter 8

    Chapter 8 “Kuya, sino ‘yan?” tanong ng babaeng may mahaba at kulot-kulot na buhok. Napagkasya ni Lyzza ang kanyang sarili sa likod ng malaking estante ng mga naka-display na bag, malapit sa kinaroroonan ng anak. Pasilip-silip siyang sa eksenang nasa harap niya habang walang tigil sa pagrigodon ang kanyang puso dahil sa pagkataranta at kaba. “What’s your name, Baby Girl?” Narinig niyang tanong ni Gideon sa anak niya. “I’m Summer. Why didn’t you know my name? You are my dad.” “Daddy? Kuya, may anak ka?” Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Gideo habang nakatayo ito sa harap ni Summer na nakatingala ngayon sa ama nito.

    A Night with Gideon   Chapter 9 (Part 1)

    Chapter 9 “Sir!” “Huwag matigas ang ulo mo!” he hissed and deposited her at the passenger seat of the car. Bubuka pa sanang muli ang bibig niya nang bigla na lang siyang pagsarhan ng pinto ng hudyo. Nakaawang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin nang mag-jog ito patungo sa kabilang side ng kotse. He placed himself at the driver’s seat and starts the engine of the car. Bumalik ito sa gate ng compound at mabilis na pinausad ang sasakyan palabas. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang ilan niyang ka-batch mate na nakatingin sa kotse. Malamang nakita rin ng mga ito nangyari kanina. Hindi na siya magtataka kung laman na siya ng tsismis kinabukasan. Latest Chapter

    • Bonus Chapter: Summer Vesarius

      BONUS CHAPTER: SUMMER VESARIUS (Another sneak peek for Summer Vesarius’ story of Second Generation) It was their wedding anniversary. Ilang oras na siyang naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Ilang raw niya ring pinagplanuhan ang candle light dinner para sa celebration ng first wedding anniversary nila. Subalit, halos makapangalahati na niya ang wine, wala pa rin Giovanni na sumusulpot sa harap niya. Her husband promised he will come. Akala niya ay ayos na silang dalawa ngunit nasaan ito? Ilang beses niya ng tinawagan si Ivanovich ngunit walang sumasagot. No’ng una ay sinabing male-late ito ng ilang minuto. Tinanggap niya ang dahilan na iyon. Giovanni never really loved her. Siya lang naman itong habol nang habol sa lalaki. She even stalked him! Nagpakasal lang naman sila dahil sa daddy niya. Oh, her dad who loves her so much! Naabutan sila nito sa kama matapos ang isang gabing p

    • Bonus Chapter: A Night with Gideon

      BONUS CHAPTER: A NIGHT WITH GIDEON (Honeymoon) She groaned when Gideon’s mouth created lines at the side of her neck. Isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan. “Gideon, I’m sore.” She heard him chuckled and continue kissing her bare back. Ang mainit at may kagaspangan nitong kamay ay humaplos sa kanyang baywang. Nawala ang pagkakasubsob niya sa unan nang hilahin siya nito. Tinigilan na nito ang pagh alik sa kanya kaya humarap siya sa asawa. “Good morning,” namamaos ang boses nitong malalim. “’morning.” Kusa niyang iniyakap ang mga braso sa leeg ng kanyang asawa. “Strawberry, your breast is tempting me.” Mas idiniin pa niya ang dalawang bundok na pinangigilan ni Gideon kanina. Umungol ito kasabay ng pagpisil sa kanyang baywang. “You’re sore and yet you’re being a tease.” Humagikhik siya at pa-cute na tiningnan ito. “Sorry, Sir. Kasalanan mo naman. Kapa

    • Bonus Chapter: The CEO's Spoiled Wife

      BONUS CHAPTER: THE CEO’S SPOILED WIFE “Daddy, look me,” ngising-ngisi ang tatlong taong gulang na si Jermanine Cathleen nang sinalubong siya nito sa living room. “What happened to you, Baby Kat?” Puputi na talaga ang buhok ni Alejandro sa pinaggagawa ng bunso niya. Kalat-kalat ang nakapahid na lipstick nito sa lips na umabot na hanggang pisngi. May bahid din ng powder ang pisngi. “Dydy, petty me.” Proud na proud pang inilagay nito ang likod ng palad sa kaliwang pisngi. Umuklo siya para maabot ang bulilit. “You look like a clown, Baby.” Pinunasan niya ang lipstick na nagkalat sa bibig ni Katkat gamit ang hinlalaki. Subalit, natigilan siya nang mapansing papangiwi na ang bibig nito. Nang bumuka na ang bibig nito, nataranta na siya. “Sh!t, I’m sorry.” Mas umatungal ng iyak si Katkat at nagpapalag sa yakap niya. “Not me clown naman pu. Bad, Daddy. Petty m

    • Extra Chapter 2

      EXTRA CHAPTER 2: EL GRECO—LASKARIS NUPTIAL “Daddy, alive po si Lolo ko? I though he’s dead.” Hinigit-higit ni Amber ang laylayan ng kanyang damit habang ang mga inosenteng mata ay nakatingala sa kanya. “Your Lolo is alive because he’s a good man.” “If dead na ba, pwede pang maging alive?” Mahina siyang tumwa at inabot ng kanyang bibig ang tuktok ng ulo ni Amber para patakan ito ng h alik doon. “No, Baby. Your Lolo is not dead.” “Is it a joke lang po? But Mommy and I cried. So ugly naman ng joke. I don’t like that joke.” Inayos niya ang pagkakahawak kay Raegan bago hinarap ang panganay. “It calls white lies, Baby. We are lying for good reasons.” Lumabi si Amber at tumingala na parang nag-iisip. Kapagkuwan ay muli nitong ibinaling ang tingin kay Chelary at Luigi na nag-uusap sa dalampasigan. “Why Mommy is crying now?” “Because she’s happy. Tears of joy,” mapagpasensya

    • Extra Chapter 1

      EXTRA CHAPTER 1: DINNER AT NORTHSHIRE Northshire village is peaceful. Iyon ang napansin ni Chelary nang ipinasok ni Riguel ang kotse nito sa malaking tarangkahan. Marami pa ring puno kahit hindi niya na mabilang kung ilang establisyemento na ba ang nakatayo. Nang unang beses niyang makapunta sa bahay nina Jenza, wala pang village roon. Tanging malaking mansyon pa lamang ng pamilyang Weinstein ang nakatayo sa malawak na lupain. Almost three fourth of the Northshire Land is owned by the Weinstein Family. Cale Ivanovich and his wife decided to make a village since their cousin—Funtellions wants to live near them. Funtellion and Rocc’s were the one of the pioneers in the village. Hanggang sa marami ng nagkainteres katulad nina Vesarius, Almeradez at Ralvan. “You okay there, my Love?” malumanay niyang tanong sa anak sa backseat. Inosente ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “Aaway ba ako ni Su

    • Special Chapter

      SPECIAL CHAPTER(A sneak peek of Amber El Greco’s Story of Second Generation) “Who are you?” takang tanong ni Amber sa lalaking nakaupo sa harap ng pinto ng kanyang dormitory. Mula sa pagkakayuko nito, gulat ang mga matang napatayo. A nerd—braces, oily skin, pimples… He seems familiar to her. Nanginginig ang kamay na inabot sa kanya nito ang dalang palumpon ng bulaklak. Ang iba ay nabali na ang tangkay. “I-I’m—” Yumuko ulit, kinagit ang labi. Bahag na ang buntot lalo pa’t hindi niya kinuha ang bulaklak. “You need something?” she asked, kind as she can. “I-I just want to say t-that I-I like you,” anito sa matigas na ingles. Nginig na nginig ang boses na parang takot yata na ipahiya niya. Well, hindi naman iyon ang unang beses na may nagkagusto sa kanya. Simula nang lumipat siya sa Catherine International School sa Russia, hindi na niya mabilang kung ilan na ang nabast

    • Epilogue

      EPILOGUE Lumipad si Riguel papunta Australia, ilang linggo bago siya manganak, para sabihin sa Daddy niya na gusto niyang kasama niya rin ito kapag nanganak na siya. Pero hindi iyon nangyari dahil bukod sa hindi pa ito sigurado kung ligtas na bang lumabas, matagal rin itong nawala. Chelary understands that. Isa pa, hindi niya na naman kasi makontak si Maude. Nang huling beses niya itong nakausap, pupunta raw ito sa Morocco. Ilang buwan na ang nakalilipas ay wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol rito. Tama nga talaga si Jenza sa sinabi nitong masyado siyang inosente sa mundong ginagalawan ng kanyang kapatid. She can’t imagine herself leaving the country and her family to deal with dangerous criminals. Sinabi niya kay Riguel na gusto niyang si Luigi ang maghahatid sa kanya kapag ikinasal sila sa simbahan. He understands and told her that he can wait. Nahulog na naman ang loob niya asaw

    • Chapter 71

      CHAPTER 71 “Pag-uuntugin ko kayo ni Daddy,” sigaw niya sa asawa na napakamot-kamot na lang sa ulo. Hanggang sa makauwi kasi sila at nagmumuryong pa rin siya. “I hate you.” “You don’t, Cherry.” Sumipa-sipa ang kanyang mga paa habang sinusuotan siya nito ng damit pangtulog. “Just wait bukas kapag gising na si Amber. Kakampihan niya ako.” Sa kanyang pagkapikon, tumawa lang si Riguel. Sinabunutan niya tuloy. “Nakita mo kung paano kami umiyak ni Amber nang malaman namin na patay na si Daddy. Tapos ikaw, alam mo pala.” “Dad wants me to do that.” “Nakiki-daddy ka na ngayon. Kapag narinig ka no’n, lagot ka.” Umungol ito sa pagkadisgusto, kapagkuwan. Na para bang naalala nitong ayaw nga ni Luigi. ““I’ll marry you again para payagan niya na ako.” “Okay,” aniya at nagtaas ulit ng kilay. “Nasaan si Daddy.” Tinabihan siya ni Riguel sa kama at paulit-ulit n

    • Chapter 70

      CHAPTER 70 Walang pag-iingat na hinablot ni Riguel ang braso ni Ingrid nang maabutan niya ito sa parking lot ng mall. “Regulus! Bitawan mo ako. I’m your mom, you disrespectful jerk!” “What did you tell to my wife?” galit niyang singhal rito. “What? Totoo naman ang sinasabi ko. Kahit anong sabihin mo, anak pa rin kita. Sa akin ka nanggaling.” “You’re not my mother. Hindi ka nagpaka-ina sa akin. You and Rufino dispose me like a f ucking dog.” Gumuhit ang galit sa mga mata ng babae. Lumagapak ang palad nito sa kanyang pisngi bago galit na galit siya nitong dinuro. “Hindi mo alam kung ano ang sinakrispisyo ko para sa ‘yo! Kung hindi ko tinuloy ang pagbubuntis sa ‘yo, wala ka sana sa mundong ito. You owe me your li—” “Ginusto mong dalhin ako. Rufino paid you to carry his f ucking heir. Ibinigay niya sa ‘yo lahat ng luho mo para ituloy mo ang pagbubuntis mo sa akin. Don’t act like you were the vi

Scan code to read on App