Chapter 2
Author: pariahrei
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 2

Four Years Later

            “Nasaan si Mama?” tanong ni Lyzza sa nakababatang kapatid pagkababa niya ng hagdanan ng kanilang bahay.

            “Nauna na sa tindahan. May aasikasuhin daw kasi siyang mga listahan,” sagot nito sa kanya at tumayo mula sa pakaka-upo sa sofa nila.

            “Aalis na tayo, Ate?” tanong nito sa kanya.

            Tumango siya matapos makita sa suot-suot niyang mumurahing relo na malapit nang mag-alas-syete ng umaga. “Oo, Cai,” sagot niya sa trese-anyos na kapatid at inipon ang buhok para itali. Kapagkuwan ay napatingin siya sa hagdanan nang hindi niya makita si Summer.

            “Nasaan na ang bulilit na ‘yon?” tanong ni Caius na nakisilip na rin sa mga baitang ng hagdan.

            “Sunduin ko nga,” wika niya sabay panhik sa hagdan. Iniwan niya kasi ito kanina para magsapatos dahil big girl na daw ito kaya hinayaan niya na lang.

            Binuksan niya ang kwarto kung saan iniwan niya ito kanina. Naka-upo pa rin ito sa lapag habang nakasuot na ang sapatos sa mga paa nito.

            “Summer, bakit hindi ka pa tumatayo diyan? Mahuhuli ka na sa school,” wika niya at tuluyan na itong nilapitan.

            Tiningala siya ni Summer—ang tatlong taong gulang niyang anak. Bumaba ang tingin niya sa mga maliliit nitong kamay na may hawak-hawak na larawan.

            Gulat na nahablot niya ang na larawan na iyon mula sa kamay nito. Dala ng gulat, nanubig ang mga matang napatungo ito.

            Napaluhod siya sa sahig nang ma-realize niya ang kanyang ginawa. Sinapo niya ang maliit na pisngi ng kanyang anak at pinatingin ito ng diretso sa kanya.

            “Are you mad at me, M-Mommy?” nangatal ang boses nito nang tanungin siya. Tuluyan na niyang narinig ang hikbi nito nang kandungin niya ang bata.

            “Hindi,” umiling siya, “hindi galit si Mommy. Nagulat lang ako.”

            “I-I’m sorry,” hikbi nito, umi-ingles na naman. Hindi niya alam kung saan ito natutong magsalita ng english gayong bilang lamang sa mga daliri niya ang mga pagkakataon na nagsasalita sila ng wikang iyon ng kanyang mga kasama sa bahay.

            Ngunit na-isip niya na, baka nasa genes ng anak niya na fluent magsalita ng wikang iyon. Englishero din kasi ang ama nito, sa pagkakatanda niya.

            “I’m not mad. Nagulat lang ako,” alo niya dito at hinaplos-haplos ang likod nito.

            Tuluyan na siya nitong niyakap pabalik at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg.

            “Mommy, is he my daddy? We have the same eyes,” maya-maya ay wika nito habang nanatili pa rin nakabaon ang mukha sa leeg niya.

            Napalunok siya at napakagat-labi. Tatlong taong gulang pa lamang ito ngunit matalas ng mag-isip. Alam naman niya na darating ang araw na magtatanong ito tungkol sa ama. But she didn’t expect that it will be this soon. Ano nga bang alam niya tungkol sa ama nito? Wala maliban sa pangalan nito, makalaglag garter ng panty na itsura at mga galaw at haplos nito ng gabing iyon.

            “He is so handsome po,” sabi pa nito na nakatingala na pala sa kanya. “Where is he po?”

            Hinaplos niya ang buhok nito at sinapo niya ang malambot nitong mga pisngi. “Hindi ko rin alam, Baby.” There is no point na magsinungalin siya. Matalino ang anak niya, alam niyang maiintindihan siya nito kahit tatlong taon gulang pa lamang ito.

            “Bakit po? ‘Di ba dapat together ang mommy at daddy katulad ng mga classmate ko?”

            “Complicated kasi, Baby. At saka malayo siya eh.”

            Hindi na sumagot ang kanyang anak bagkus ay tinitigan na lamang siya habang nakalapat ang mga labi. Her daughter’s eyes were very much alike with the man who bought her at the auction four years ago. It was deep brown eyes. Malalim kung tumingin at parang palaging tagusan kung tumitig.

            Hinaplos ng malilit na mga kamay ni Summer ang kanyang magkabilang pisngi at hinalikan siya sa tungki ng ilong. Isa lang ang ibig sabihin niyon, tapos na itong magtanong sa araw na iyon.

            Maya-maya pa ay inaya na niya ito para lumabas. Ibinulsa niya ang larawan na tinitingan nito kanina na nahulog niya yata mula sa wallet niya. Kinuha niya ang pink fur backpack na nasa ibabaw ng kama nila. Favorite ng anak niya ang kulay na iyon. Halatang-halata naman dahil kulay pink ang damit nito maging ang sapatos.

            Tatlong taong gulang pa lamang si Summer ngunit ipinasok na niya sa pre-school bilang sit-in lamang. Hindi ito opisyal na enroll sa paaralang iyon. Madalas kasi itong maboring at wala naman kasama sa bahay kaya mas minabuti niya na lamang na ipasok ang anak sa eskwela.

            Isa pa, gustong-gusto naman nito. Kwento nga sa kanya ng kaibigan niyang teacher nito ay sadyang bibo raw ang kanyang anak sa klase.

            Binigyan siya ni Summer ng matunog na halik sa pisngi nang makarating sila sa harap ng classroom ng bata. 

            “Pakabait ka, ha!” sabi ng kanyang kapatid at hinalikan sa ulo ang pamangkin.

            “Yes po, Tito Cai. But don’t mess my hair,” maarteng anito at ngumuso pa.

            “Naku! Umiiral na naman ang kaartehan mo, Bulilit.”

            Mas ngumuso ang kanyang anak at yumakap sa hita ng kapatid niya. “I’m not maarte po, Tito. Love mo po ko ‘di ba?”

            “Ay, oo naman,” mabilis na sagot ng kapatid at binuhat pa ang kanyang anak. “Bigyan kita ng pasalubong kapag marami ka na naman na star.”

            Nagningning ang mga mata ng kanyang anak at ngumiti ng malaki. May ibinulong pa ito sa tainga ng kapatid niya na halos kapantay na niya at tumango-tango.

            “Nandito na pala ang baby,” wika ng bagong dating.

            Nginitian niya si Jessica na kaibigan niya at teacher ni Summer.

            “Good morning, Teacher,” bati ni Summer at nagpababa mula sa pagkakarga ni Caius.

            “Good morning. Pasok ka na?” aya nito sa anak niya.

            Binigyan niya ng halik sa sintido ang baby niya bago ito pumasok sa loob ng classroom.

            “Ampunin ko na nga ‘yang anak mo,” ani ni Jessica. “Ang cute na bata. Bibong-bibo.”

            Sumimangot siya at pinandilatan ito. “Gumawa ka nga ng sarili mo. Akin ‘yan.”

            Natawa ito sa sinabi niya. Kahit naman kasi hindi inaasahan ang pagdating ni Summer sa buhay niya, mahal na mahal niya pa rin ito. She fell in love with her daughter the very first time she knows that Summer was in her womb.

            “Ikaw na ang bahala sa baby ko, ha! Pakitawagan ako kung may problema.”

            “Oo naman. Ako pa ba?  Parang anak ko na rin ‘yan, eh. Sige na, baka mahuli na kayo ni Caius sa eskwela.”

            Niyakap niya ang kaibigan at kinawayan ang kanyang anak bago siya umalis. Nasa Grade nine pa lamang ang kanyang kapatid habang siya naman ay fourth year college na sa kursong tourism. Nagpatuloy siya sa pag-aaral. Dahil hindi naman nagiging hadlang ang anak niya para makapag-aral siya ulit, itinuloy na niya iyon.

            Gusto niya talagang makapagtapos dahil alam niyang importante ang diploma sa kalakaran ng mundo ngayon. Mas mapapanatag siya na maganda ang kinabukasan ni Summer kung tapos siya at may stable na trabaho.

            Si Jessica, kaklase niya ito at kaibigan no’ng high school. Nagkahiwalay sila nang tumuntong ng college dahil education ang kinuha nito habang siya naman ay tourism. Muli silang nagkita ng babae nang buntis siya sa anak niya. Katulad din ito ng isa pa niyang kaibigan na si Qyla, hindi siya nito hinusgahan. Ni hindi nagtanong at nagkusa na lang siyang magkwento.

            Qyla and Jessica were her best friends since then. Ninang ito ni Summer at hindi siya pinabayaan.

            “Mag-ingat ka, ha!” paalala niya sa kapatid nang makaring sila sa university. Kahit naman kasi sa iisang paaralan lang sila pumapasok, hindi siya nagkukulang sa pagpapa-alala dito.

            Tumango si Caius at niyakap siya bago ito naglakad papunta sa high school department ng unibersidad.

            Pinagmasdan niya ang kanyang kapatid habang naglalakad ito papalayo sa kanya. Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ay siyam na taong gulang ito at umiiyak dahil kailangan operahan ang ina nila at wala silang pera.

            Apat na taon na rin ang nakakalipas simula ng gabing ibinigay niya ang sarili sa estrangherong nakabili sa kanya sa auction. It was wonderful night kahit pa sabihing binayaran siya para sa gabing iyon. Wala siyang pinagsisihan na nagawa niyang ibenta ang sarili dahil nadugtungan niyon ang buhay ng mama niya. At mas lalong hindi niya pinagsisihan na dumating sa buhay niya si Summer. Her baby girl is the greatest unplanned gift in her life.

            She was nineteen nang pinagbuntis niya ang anak. Ang bata niya pa at akala niya ay hindi niya kaya. But her family and friends were there for her. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral dahil natakot siya na malaglag ang bata nang minsang dinugo siya nang pumasok siya sa eskwela. Nang maipanganak naman niya si Summer, ay mas pinili niyang hindi muna bumalik sa pag-aaral para matutukan niya ang anak at makatulong na rin sa ina niya na nagtayo ng sari-sari store sa kanilang bayan.

            “Ate Lyz, bakit ngayon ka lang?” tanong sa kanya ni Quincy, ang class president ng block nila. Ate ang tawag nito sa kanya dahil matanda siya rito ng dalawang taon. Quincy Mae is twenty-two while she is twenty-three.

            “Hinatid ko pa kasi si Summer?” sagot niya at sinabayan ito papasok sa classroom para sa una nilang klase.

            “Oo nga pala. Nami-miss ko na ang ka-cute-an no’n,” wika nito habang may kinakalkal sa bag na nakasukbit sa balikat nito. Nang nahanap na nito ang kinakalkal sa bag ay inilahad nito iyon sa kanya.

            “Hindi ko iyan naibigay sa ‘yo kahapon kasi maaga kang umuwi. Para ‘yan sa internship natin. Next week na ang interview natin sa Vesarius Airlines. Pili lang daw ang pwede magtraining diyan kaya dapat galingan natin.”

            Pinagmasdan niya ang papel na ibinigay sa kanya ni Quincy kung saan nakalagay ang pangalan ng airlines na binanggit nito. Iyon ang airlines na palagi niyang naririnig sa mga kaklase niya. Halos lahat sila ay gustong makapasok roon dahil bukod sa maganda at nangungunang airlines sa bansa, malaking bagay na mailalagay sa credentials nila kapag doon nag on-the-job training. Narinig pa niya ay instant may trabaho raw doon kapag nagustuhan ng management ang performance ng estudyante.

            Well, isa siya sa mga nanalangin na sana ay matanggap siya na maging intern doon. She promised herself na kapag doon siya nalagay, gagawin niya ang lahat para maging maganda ang record niya sa Vesarius airline. Para sa pamilya niya…lalong lalo na para sa baby niya.

           

Related Chapters

  • A Night with Gideon   Chapter 3

    Chapter 3 Masakit na ang mga paa ni Lyzza nang makarating siya sa bahay nila. Four inches kasi ang taas ng takong na kanyang suot-suot na sapatos. Ni-require sila na magsuot niyon para daw masanay sila kapag nasa field training na sila. Pasado alas-sais na nang gabi nang maka-uwi siya sa bahay nila. Nagkaroon pa kasi sila ng orientation para sa interview nila sa Vesarius airlines next week. Alas-singko na iyon natapos, at dahil rush hour na, na-stuck pa siya sa traffic. “Mommy,” masiglang bati sa kanya ni Summer nang hubarin niya ang kanyang suot na sapatos at ilagay iyon sa shoe rack nila na nasa likuran ng pintuan.

  • A Night with Gideon   Chapter 4

    Chapter 4 Gideon was talking to a middle-aged man. Wala na ang mahabang balbas nito na siyang nagbigay ng mas malakas na appeal sa lalaki. Maangas pa rin ang pagkakaman-bun ng buhok. Ang mukha ay seryoso pa rin pati na rin ang pagkakatindig ay lalaking-lalaki na para bang ipinapakita nito na ang ka-angasan sa lahat. “Students, this way!” narinig niyang anunsyo ng kung sino dahilan upang maalis ang paningin niya sa lalaki. Gayundin ang mga babae niyang kaklase na naghagikhikan pa habang naglalakad sila paalis sa main entrance ng building. “We will divide you in to two gr

  • A Night with Gideon   Chapter 5

    Chapter 5 Gideon stares blankly at the closed door after Rona—Lyzza, went out. Umigting ang mga panga niya at halos masabunutan ang sarili dahil sa inakto ng babaeng umukopa sa kanyang isipan mula nang magising siya mula sa pagkaka-coma sa loob ng apat na buwan matapos ang gabing binili niya ito. Napadpad siya auction na iyon dahil sa sulsol ng kanyang kaibigan na mag-unwind din siya paminsan-minsan. Ipinahatid siya sa lugar na iyon ng tar*ntadong si Alejandro Almeradez. He is one of his best friends since they were in military school. Nasa leave siya nang mga oras na iyon dahil inasikaso niya ang divorce nila ng kaniyang ex-wife. His slut ex-wife na hindi nakontento sa kanya at na

  • A Night with Gideon   Chapter 6

    Chapter 6 "Ano? Nagkita ulit kayo ng daddy ni Summer?” Literal na magkasabay na tanong nina Jessica at Qyla nang magkita-kita sila kinagabihan sa bar na dati niyang pinagtatrabahuhan. “Kailangan talaga sabay kayo? Sige, lakasan niyo pa,” sarkastikong wika niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawang babae sa harap niya at nang muling ibinalik ang paningin sa kanya ay kapwa ito natawa. “Sorry, nagulat lang kami,” Qyla started as she poured a mild alcoholic drink in her own glass. Nagkibit-balikat si Jessica at ginaya din ang ginawa ni Qyla. She even offered to her na tinanggihan niya. “You know na hindi ako umiinom. Hanggang alas-dyes lang ang paalam ko kay Mama. Kailangan kong maka-uwi bago mag-alas dyes, hahanapin ako ni Summer,” wika niya at kinuha sa mesa nila ang soft drink na iniinom niya. Tinapik-tapik siya ni Qyla sa balikat at tumango-tango habang si Jessica naman ay nakangiti. “Bakit?”

  • A Night with Gideon   Chapter 7

    Chapter 7 “Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design. Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila. “Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko.

    A Night with Gideon   Chapter 8

    Chapter 8 “Kuya, sino ‘yan?” tanong ng babaeng may mahaba at kulot-kulot na buhok. Napagkasya ni Lyzza ang kanyang sarili sa likod ng malaking estante ng mga naka-display na bag, malapit sa kinaroroonan ng anak. Pasilip-silip siyang sa eksenang nasa harap niya habang walang tigil sa pagrigodon ang kanyang puso dahil sa pagkataranta at kaba. “What’s your name, Baby Girl?” Narinig niyang tanong ni Gideon sa anak niya. “I’m Summer. Why didn’t you know my name? You are my dad.” “Daddy? Kuya, may anak ka?” Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Gideo habang nakatayo ito sa harap ni Summer na nakatingala ngayon sa ama nito.

    A Night with Gideon   Chapter 9 (Part 1)

    Chapter 9 “Sir!” “Huwag matigas ang ulo mo!” he hissed and deposited her at the passenger seat of the car. Bubuka pa sanang muli ang bibig niya nang bigla na lang siyang pagsarhan ng pinto ng hudyo. Nakaawang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin nang mag-jog ito patungo sa kabilang side ng kotse. He placed himself at the driver’s seat and starts the engine of the car. Bumalik ito sa gate ng compound at mabilis na pinausad ang sasakyan palabas. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang ilan niyang ka-batch mate na nakatingin sa kotse. Malamang nakita rin ng mga ito nangyari kanina. Hindi na siya magtataka kung laman na siya ng tsismis kinabukasan.

    A Night with Gideon   Chapter 9 (Part 2)

    Chapter 9 (Part 2) Gideon tightens his grip on his steering wheel. He was clenching his jaw and doing his best to stop himself from taking a U turn and drive back to the jeep's terminal and drag that woman to his car. He should be in hospital at this point of time or in his office, working his as* off with piles of paper that he needs to study and sign. His father was in the hospital. Nagkaroon ito ng minor heart attack kahapon. He and Carollete drag their ass out of the mall and rushed towards the hospital when his mother called. Matanda na ang daddy niya, naghahanap na ng apo. Akala yata ng matanda ay hinuhugot lang sa tadyang ang bata. Nasa meeting siya kanina kahit kulang siya sa tulog dahil inasikaso niya ang kanyang ama kahapon. Sinamahan niya ang mommy niya sa pananatili nito sa hosp

Latest Chapter

  • A Night with Gideon   

    Bonus Chapter: Summer Vesarius

    BONUS CHAPTER: SUMMER VESARIUS (Another sneak peek for Summer Vesarius’ story of Second Generation) It was their wedding anniversary. Ilang oras na siyang naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Ilang raw niya ring pinagplanuhan ang candle light dinner para sa celebration ng first wedding anniversary nila. Subalit, halos makapangalahati na niya ang wine, wala pa rin Giovanni na sumusulpot sa harap niya. Her husband promised he will come. Akala niya ay ayos na silang dalawa ngunit nasaan ito? Ilang beses niya ng tinawagan si Ivanovich ngunit walang sumasagot. No’ng una ay sinabing male-late ito ng ilang minuto. Tinanggap niya ang dahilan na iyon. Giovanni never really loved her. Siya lang naman itong habol nang habol sa lalaki. She even stalked him! Nagpakasal lang naman sila dahil sa daddy niya. Oh, her dad who loves her so much! Naabutan sila nito sa kama matapos ang isang gabing p

  • A Night with Gideon   

    Bonus Chapter: A Night with Gideon

    BONUS CHAPTER: A NIGHT WITH GIDEON (Honeymoon) She groaned when Gideon’s mouth created lines at the side of her neck. Isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan. “Gideon, I’m sore.” She heard him chuckled and continue kissing her bare back. Ang mainit at may kagaspangan nitong kamay ay humaplos sa kanyang baywang. Nawala ang pagkakasubsob niya sa unan nang hilahin siya nito. Tinigilan na nito ang pagh alik sa kanya kaya humarap siya sa asawa. “Good morning,” namamaos ang boses nitong malalim. “’morning.” Kusa niyang iniyakap ang mga braso sa leeg ng kanyang asawa. “Strawberry, your breast is tempting me.” Mas idiniin pa niya ang dalawang bundok na pinangigilan ni Gideon kanina. Umungol ito kasabay ng pagpisil sa kanyang baywang. “You’re sore and yet you’re being a tease.” Humagikhik siya at pa-cute na tiningnan ito. “Sorry, Sir. Kasalanan mo naman. Kapa

  • A Night with Gideon   

    Bonus Chapter: The CEO's Spoiled Wife

    BONUS CHAPTER: THE CEO’S SPOILED WIFE “Daddy, look me,” ngising-ngisi ang tatlong taong gulang na si Jermanine Cathleen nang sinalubong siya nito sa living room. “What happened to you, Baby Kat?” Puputi na talaga ang buhok ni Alejandro sa pinaggagawa ng bunso niya. Kalat-kalat ang nakapahid na lipstick nito sa lips na umabot na hanggang pisngi. May bahid din ng powder ang pisngi. “Dydy, petty me.” Proud na proud pang inilagay nito ang likod ng palad sa kaliwang pisngi. Umuklo siya para maabot ang bulilit. “You look like a clown, Baby.” Pinunasan niya ang lipstick na nagkalat sa bibig ni Katkat gamit ang hinlalaki. Subalit, natigilan siya nang mapansing papangiwi na ang bibig nito. Nang bumuka na ang bibig nito, nataranta na siya. “Sh!t, I’m sorry.” Mas umatungal ng iyak si Katkat at nagpapalag sa yakap niya. “Not me clown naman pu. Bad, Daddy. Petty m

  • A Night with Gideon   

    Extra Chapter 2

    EXTRA CHAPTER 2: EL GRECO—LASKARIS NUPTIAL “Daddy, alive po si Lolo ko? I though he’s dead.” Hinigit-higit ni Amber ang laylayan ng kanyang damit habang ang mga inosenteng mata ay nakatingala sa kanya. “Your Lolo is alive because he’s a good man.” “If dead na ba, pwede pang maging alive?” Mahina siyang tumwa at inabot ng kanyang bibig ang tuktok ng ulo ni Amber para patakan ito ng h alik doon. “No, Baby. Your Lolo is not dead.” “Is it a joke lang po? But Mommy and I cried. So ugly naman ng joke. I don’t like that joke.” Inayos niya ang pagkakahawak kay Raegan bago hinarap ang panganay. “It calls white lies, Baby. We are lying for good reasons.” Lumabi si Amber at tumingala na parang nag-iisip. Kapagkuwan ay muli nitong ibinaling ang tingin kay Chelary at Luigi na nag-uusap sa dalampasigan. “Why Mommy is crying now?” “Because she’s happy. Tears of joy,” mapagpasensya

  • A Night with Gideon   

    Extra Chapter 1

    EXTRA CHAPTER 1: DINNER AT NORTHSHIRE Northshire village is peaceful. Iyon ang napansin ni Chelary nang ipinasok ni Riguel ang kotse nito sa malaking tarangkahan. Marami pa ring puno kahit hindi niya na mabilang kung ilang establisyemento na ba ang nakatayo. Nang unang beses niyang makapunta sa bahay nina Jenza, wala pang village roon. Tanging malaking mansyon pa lamang ng pamilyang Weinstein ang nakatayo sa malawak na lupain. Almost three fourth of the Northshire Land is owned by the Weinstein Family. Cale Ivanovich and his wife decided to make a village since their cousin—Funtellions wants to live near them. Funtellion and Rocc’s were the one of the pioneers in the village. Hanggang sa marami ng nagkainteres katulad nina Vesarius, Almeradez at Ralvan. “You okay there, my Love?” malumanay niyang tanong sa anak sa backseat. Inosente ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “Aaway ba ako ni Su

  • A Night with Gideon   

    Special Chapter

    SPECIAL CHAPTER(A sneak peek of Amber El Greco’s Story of Second Generation) “Who are you?” takang tanong ni Amber sa lalaking nakaupo sa harap ng pinto ng kanyang dormitory. Mula sa pagkakayuko nito, gulat ang mga matang napatayo. A nerd—braces, oily skin, pimples… He seems familiar to her. Nanginginig ang kamay na inabot sa kanya nito ang dalang palumpon ng bulaklak. Ang iba ay nabali na ang tangkay. “I-I’m—” Yumuko ulit, kinagit ang labi. Bahag na ang buntot lalo pa’t hindi niya kinuha ang bulaklak. “You need something?” she asked, kind as she can. “I-I just want to say t-that I-I like you,” anito sa matigas na ingles. Nginig na nginig ang boses na parang takot yata na ipahiya niya. Well, hindi naman iyon ang unang beses na may nagkagusto sa kanya. Simula nang lumipat siya sa Catherine International School sa Russia, hindi na niya mabilang kung ilan na ang nabast

  • A Night with Gideon   

    Epilogue

    EPILOGUE Lumipad si Riguel papunta Australia, ilang linggo bago siya manganak, para sabihin sa Daddy niya na gusto niyang kasama niya rin ito kapag nanganak na siya. Pero hindi iyon nangyari dahil bukod sa hindi pa ito sigurado kung ligtas na bang lumabas, matagal rin itong nawala. Chelary understands that. Isa pa, hindi niya na naman kasi makontak si Maude. Nang huling beses niya itong nakausap, pupunta raw ito sa Morocco. Ilang buwan na ang nakalilipas ay wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol rito. Tama nga talaga si Jenza sa sinabi nitong masyado siyang inosente sa mundong ginagalawan ng kanyang kapatid. She can’t imagine herself leaving the country and her family to deal with dangerous criminals. Sinabi niya kay Riguel na gusto niyang si Luigi ang maghahatid sa kanya kapag ikinasal sila sa simbahan. He understands and told her that he can wait. Nahulog na naman ang loob niya asaw

  • A Night with Gideon   

    Chapter 71

    CHAPTER 71 “Pag-uuntugin ko kayo ni Daddy,” sigaw niya sa asawa na napakamot-kamot na lang sa ulo. Hanggang sa makauwi kasi sila at nagmumuryong pa rin siya. “I hate you.” “You don’t, Cherry.” Sumipa-sipa ang kanyang mga paa habang sinusuotan siya nito ng damit pangtulog. “Just wait bukas kapag gising na si Amber. Kakampihan niya ako.” Sa kanyang pagkapikon, tumawa lang si Riguel. Sinabunutan niya tuloy. “Nakita mo kung paano kami umiyak ni Amber nang malaman namin na patay na si Daddy. Tapos ikaw, alam mo pala.” “Dad wants me to do that.” “Nakiki-daddy ka na ngayon. Kapag narinig ka no’n, lagot ka.” Umungol ito sa pagkadisgusto, kapagkuwan. Na para bang naalala nitong ayaw nga ni Luigi. ““I’ll marry you again para payagan niya na ako.” “Okay,” aniya at nagtaas ulit ng kilay. “Nasaan si Daddy.” Tinabihan siya ni Riguel sa kama at paulit-ulit n

  • A Night with Gideon   

    Chapter 70

    CHAPTER 70 Walang pag-iingat na hinablot ni Riguel ang braso ni Ingrid nang maabutan niya ito sa parking lot ng mall. “Regulus! Bitawan mo ako. I’m your mom, you disrespectful jerk!” “What did you tell to my wife?” galit niyang singhal rito. “What? Totoo naman ang sinasabi ko. Kahit anong sabihin mo, anak pa rin kita. Sa akin ka nanggaling.” “You’re not my mother. Hindi ka nagpaka-ina sa akin. You and Rufino dispose me like a f ucking dog.” Gumuhit ang galit sa mga mata ng babae. Lumagapak ang palad nito sa kanyang pisngi bago galit na galit siya nitong dinuro. “Hindi mo alam kung ano ang sinakrispisyo ko para sa ‘yo! Kung hindi ko tinuloy ang pagbubuntis sa ‘yo, wala ka sana sa mundong ito. You owe me your li—” “Ginusto mong dalhin ako. Rufino paid you to carry his f ucking heir. Ibinigay niya sa ‘yo lahat ng luho mo para ituloy mo ang pagbubuntis mo sa akin. Don’t act like you were the vi