Chapter 3
Masakit na ang mga paa ni Lyzza nang makarating siya sa bahay nila. Four inches kasi ang taas ng takong na kanyang suot-suot na sapatos. Ni-require sila na magsuot niyon para daw masanay sila kapag nasa field training na sila.
Pasado alas-sais na nang gabi nang maka-uwi siya sa bahay nila. Nagkaroon pa kasi sila ng orientation para sa interview nila sa Vesarius airlines next week. Alas-singko na iyon natapos, at dahil rush hour na, na-stuck pa siya sa traffic.
“Mommy,” masiglang bati sa kanya ni Summer nang hubarin niya ang kanyang suot na sapatos at ilagay iyon sa shoe rack nila na nasa likuran ng pintuan.
Yumuko siya para maabot ni Summer ang kanyang pisngi. Kumunyapit ang anak sa kanyang leeg at hinalikan siya sa pisngi.
“Kumusta ang school, hmnn?” malambing na tanong niya rito at tuluyan na itong kinarga matapos niyang ilapag ang kanyang school bag sa mumurahin nilang sofa sa sala.
Ipinakita nito sa kanya ang mga star na nasa likod ng kamay nito hanggang kalahati ng bisg nito. “I’ve got eight stars, Mommy. Look oh. Tapos Tito Cai give me pasalubong,” binuntunan nito iyon ng hagikhik.
At alam na alam niya kung ano ang pasalubong na tinutukoy nito rito ng kapatid niya. Kung hindi isang pack ng gummy bears, ay pink military stickers. Kadalasan ay mga baril na kulay pink at army uniform. Alam niyang mahal iyon dahil personalized. Binibili ni Caius sa kaklase nitong magaling gumuhit.
At dahil dakilang spoiled ni Caius ang kanyang anak, wala itong paki-alam kung halos maubos ang allowance nito sa stickers na iyon.
Nahagip ng kanyang paningin ang gummy bears na nakapatong sa center table nila katabi ng pad paper nito at lapis.
“Baby, ‘di ba sabi ko, hinay-hinay lang sa matamis. Gusto mo bang masira lahat ng teeth mo? Open your mouth nga,” utos niya at nag-aktong sinisilip ang bibig nito.
Ngumanga naman ang anak niya at tumingala pa para ipakita sa kanya ang bibig nito. Ngumuso siya at kunyaring naningkit ang mga mata.
“Tingnan mo, wala na ang isa mong ngipin. Gusto mo bang lahat ‘yan mawala? Kapag marami kang kinain na matamis, pupunta diyan ang worms tapos diyan sila titira,” pananakot niya rito.
Nanlalaki ang mga mata ni Summer at tinakpan ang bibig. “Really?”
Mabilis siyang tumango bilang sagot dito. “Tapos kakainin nila ang ngipin mo. Kapag wala ka ng ngipin, dila mo naman ang kakainin.”
Muntik na siyang mapahalakhak nang mas nanlalaki ang mata nito dahil sa sinabi niya. Nilipat nito ang tingin sa gummy bears na nasa center table pagkatapos ay tumingin sa kisame at nag-aktong nag-iisip.
Nakangiwi na ang mga labi nito nang muling ibalik sa kanya ang paningin. “But…but I like gummy bears. They’re soft.” Pinaglaruan nito ang mga daliri at gusto niyang panggigilan ang pisngi nito dahil sa ka-cute-an.
Pero pinigilan niya ang sarili. Baka mahalata na tinatakot lang niya ito. Yeah, there is a part na pwedeng maubos ang ngipin ng kanyang anak dahil sa kakakain nito ng matamis. But her main concern is baka makasama iyon sa kalusugan nito. Baka madala nito sa paglaki ang matamis at maging obese ito.
“Pero, I don’t like the worms to eat my teeth. My classmate will tease me.” Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. “Can I still eat gummy bears, Mommy? Pero little amount na lang tapos magba-brush ako ng mabuti ng teeth ko para mawala ang sugars. Is that okay?”
Summer bats her eyelashes and pout her lips. Nagpapaawa na naman sa kanya. Wala siyang nagawa kundi tumango tanda na pumapayag siya.
Ngumiti nang malaki ang kanyang anak at muli siyang binigyan ng matunog na halik sa pisngi.
“Bakit naglalambing na naman ang bubuwit na iyan?” tanong ng mama niya na lumabas ng kusina habang dala-dala pa ang sandok. Hula niya ay nagluluto ito ng hapunan nila.
Nagpababa si Summer mula sa pagkakakarga sa kanya at tumakbo sa mama niya. Naglalambing na yumakap ito sa binti ng mama niya at nagpa-cute.
Napa-iling na lang siya nang walang nagawa ang kanyang ina kundi halikan sa ulo si Summer.
“Kumusta ang eskwela, Anak?” tanong nito nang bumalik si Summer sa harap ng pad paper nito. Nasilip niya na nagsusulat ito ng English alphabet.
“Ayos lang po, Ma. Sasalang po kami next week sa interview para sa on-the job-training namin. May orientation po kami kanina kaya medyo ginabi na ako,” sagot niya.
“Nabanggit nga sa akin ni Caius.” Si Caius kasi ang pinasundo niya kay Summer kanina nang ipagbigay alam sa kanila ni Quincy na may orientation sila.
“Si Caius po?” she asked as she plant a softt kiss to her mother’s forehead and hugged her.
“Nasa tindahan. Siya na muna ang pinagsara ko, medyo napagod kasi ako kanina, Anak.”
Bahagya siyang naalerto sa sinabi nito. “May masakit po ba sa inyo?” Bahagya siyang tumikal mula sa pagkakayakap dito. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo—”
“Ayos lang ako, Anak,” putol nito sa kanya at bahagya pang natawa. Hindi naman siya nito masisisi kung ganon ang reaksyon niya. Nadala na niya yata ang takot at pag-aalala dahil sa nangyari noon. Bigla na lang natumba dahil inatake sa puso ng madaling araw. Wala silang pera.
“Ma, magsabi kayo sa akin o kay Caius kung may iba kang nararamdaman.” Medyo nakahinga siya nang maluwag nang tumango ito sa kanya.
“Ako na po ang magluluto. Magpahinga ka na, Ma,” wika niya at tinangkang agawin dito ang sandok na hawak-hawak.
Ngunit inilayo nito iyon sa kanya. “Ako na, Anak. Pinapalambot ko na lang ang karne sa sinigang. Madali na ‘yon. Ikaw ang magpahinga muna at magbihis. Mukhang pagod ka.”
“I love your sinigang, Mamila,” singit ni Summer sa kanila.
“Lahat naman ng luto ko, love mo.”
Mabilis at sunod-sunod na tumango ang anak niya at bumingisngis habang hawak ang lapis nito.
Napa-iling ang ina niya habang natatawa. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito na babalik sa kusina. Habang siya naman ay pumanhik na sa itaas matapos niyang bigyan ng halik sa ulo ang anak.
Pagod na ibinagsak niya ang sariling katawan sa ibabaw ng kama nila ni Summer at wala sa sarili napatitig sa kisame. Four years ago, wala pang second floor ang bahay nila. Maliit lamang iyon dati na tanging kusina, banyo at sala lamang.
Tapos nangyari ang gabing iyon kung saan binenta niya ang sarili sa estranghero. Hindi lamang buhay ng ina niya ang nailigtas. Pati rin ang buhay nilang pamilya ay nabago.
***FLASHBACK***
Ang liwanag na tumatagos glasswall ng hotel ang gumising sa kanya. Masakit at latang-lata ang kanyang katawan nang nagmulat siya nang kanyang mga mata.
Pakiramdam niya ay nagwork-out siya maghapon ng walang stretching para sa Physical Education subject nila ng mga oras na iyon. Mahapdi din ang bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita.
Napaawang ang kanyang bibig nang matanto niya kung nasaan siya at kung ano ang nangyari nang nagdaang gabi. Pinilit niya ang sariling bumangon kahit halos mapa-iyak na siya sa hapdi ng kanyang kaselanan.
Wala ng bakas ng lalaking nakakuha ng kanyang virginity nang nagdaang gabi. Ngunit naa-amoy niya pa rin ang magkahalong natural na amoy nito at pabango sa loob ng suite na iyon. At ang pulang mantsa sa kobre kama ang nagpapatunay na hindi iyon panaginip lamang.
She gave her virginity—her body to the man who bought her for three million last night. Pumasok sa isip niya ang mama niya at si Caius na nasa hospital. Bumaba siya sa kama at nagmamadaling tinungo ang banyo upang maglinis ng katawan.
Napa-iyak pa siya nang mabasa ang pagkababae niya dahil halos marindi siya sa hapdi niyon. Ngunit sinikap niyang magmadali para makapunta siya agad sa hospital. Baka kung ano na ang nangyari sa ina niya.
May nakita siyang paperbag sa ibabaw ng sofa na naaroroon. May laman iyong damit at underwears. Agad niya iyon sinuot at hinagilap ang maliit na shoulder bag na dala-dala niya kagabi.
Binuksan niya ang kanyang mumurahing cellphone at nakita niya roon ang text sa kanya ni Danielle.
‘Nasa OR na ang nanay mo. Ako na ang nagbigay ng down payment gaya ng sinabi ni Mama Lovie.’ Text niyon sa kanya.
Nakahinga siya nang maluwag nang mabasa iyon. Alas-tres nang madaling araw nito iyon ni-text sa kanya.
Muli niyang binuksan ang pangalawang text nito. ‘Ang laki ng commission ko sau. Sa u2litin.’
Napa-iling siya. Hindi na siya uulit. Tama na ang pagbibigay niya ng sarili kagabi sa estranghero kapalit ang malaking halaga.
Ibinalik niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag at akmang aalis na nang mahagip ng kanyang mga mata ang pulang sobre sa ibabaw ng bedside table, sa tabi ng lampshade.
Nag-atubili pa siya no’ng una, ngunit dala na rin ng kuryusidad, kinuha niya iyon.
Napaawang ang kanyang bibig nang makita ang isang cheque roon na naglalaman ng limang milyon. Bukod pa roon, may isang pang papel na naglalaman ng sulat.
‘Take the cheque. I know you just did that because you needed to. I need to leave early for emergency meeting. Don’t leave, wait for my driver. He will fetch you. We need to talk.’
Iyon ang nakasulat doon. Medyo magulo ang penmanship ngunit naintindihan niya naman. Napa-iling siya, nagtataka kung bakit gusto siya nitong makausap. Para saan pa? Malinaw ang usapan na isang gabi lang ang serbisyo niya.
Isinuksok niya sa kanyang bag ang sobreng pula walang lingon-likod na lumabas ng hotel suite na iyon.
Gaya ng sabi ni Danielle, na-operahan na ang kanyang ina nang dumating siya sa hospital. Nailipat na rin ito sa pribadong kwarto ngunit kailangan pang obserbahan.
“Ate!” tawag sa kanya ni Caius nang makita siya nito. Sinalubong siya nito nang mahigpit na yakap. “Na-operahan na si Mama. Gagaling na siya.”
Ngumiti siya rito. “Sabi ko naman sa ‘yo di ba? Si Ate ang bahala.”
Nanatili pa ang kanyang ina sa hospital para sa pagpapagaling at obserbasyon. Katulad ng sabi ng doctor, malaki-laki din ang binayaran nila.
***
Ilang linggo lang matapos makalabas ng kanyang ina sa hospital, saka naman niya natuklasan na buntis siya. Saka na naghinala ang ina niya kung saan niya kinuha ang pampagamot dito.
Nang magtapat siya sa kanyang ina, nag-iyakan sila. Sinisi nito ang sarili kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Muntikan pa itong bumalik sa hospital. Mabuti na lang at nagawa niya itong pakalmahin at sabihin na hindi nito iyon kasalanan.
Kung gagawin lahat ng ina para sa anak, ganon din dapat ang anak. The child must do anything for his or her mother. Mahal na mahal niya ito at hindi niya pa kayang mawala ito.
Nagka-ayos silang mag-ina at pinangaralan siya nito tungkol sa batang dinadala niya. Sinabi nito sa kanya na karapatan ng ama ng batang nasa sinapupunan niya na malaman ang tungkol doon. Kaya naman ay bumalik siya sa hotel noon. Ngunit hindi nagbigay ng impormasyon ang management ng hotel. Confidential daw ang identity ng lalaking na sa pangalan lang niya kilala. Gideon.
Halos magdadalawang linggo rin siya nagpapabalik-balik doon. Itinigil lang niya nang dinugo siya. At dahil wala na rin naman siyang mapapala roon, nagdisisyon siyang palakihin na lang ng mag-isa ang kanyang anak.
Tumigil siya sa pag-aaral. Mabuti na lamang at meron pang natirang pera galing sa pinapampa-ospital ng kanyang ina. Nagtabi siya para sa kanyang panganganak at ang natira pa ay ipinampatayo nila ng malaking tindahan sa kanilang bayan.
Lumago iyon dahil iyon ang pinakamalaking tindahan sa barangay nila. Maging ang mga taga-kabilang barangay ay sa kanila dumadayo. Pina-ayos niya rin ang bahay nila, pinadagdagan niya ng palapag at kwarto. Ayaw niya kasing lumaki ang kanyang anak sa maliit na espasyo. Ayaw niyang magkulang dito.
“Ate, kakain na raw,” narinig niya ang boses ni Caius sa may pintuan ng kwarto, nakasulpot ang ulo sa pinto. Naka-uwi na pala ito mula sa tindahan nila.
Nilingon niya ito at iningusan. “Susunod ako. At bakit binigyan mo na naman si Summer ng gummy bears? Hindi ba sabi ko sa ‘yo, baka masobrahan ang batang ‘yon ng matamis.”
Napakamot ito sa batok at hilaw na ngumisi sa kanya. “Hindi ko matanggihan, eh.”
She rolled her eyes on her brother. “Umalis ka na nga, susunod na lang ako.”
Tatawa-tawang iniwan siya nito. Napa-iling siya, ang lalaki talagang iyon, masyadong ini-ispoil ang anak niya.
SAKAY ng service van na ipinadala ng Vesarius Airlines, natatawa si Lyzza sa kakulitan ni Quincy Mae na nasa tabi niya. Panay ang tingin nito sa maliit na salamin na dala-dala nito at chi-ne-check ang sarili kung maganda at maayos ba ang mukha nito.
Hindi niya alam kung ginagawa lang ba nito iyon to distract herself dahil kinakabahan din ito katulad niya o talagang may pinapagandahan ang babae?
“Ate Lyzz, ayaw mo talagang make-upan kita?” tanong nito sa kanya matapos ibaba ang salamin na hawak-hawak. Pangtatlong beses na siya nitong tinanong niyon.
“Hindi nga, ayos na ako. Presentable naman akong tingnan di ba?” Ngitian niya ito at ipinakita pati ang suot niyang white long sleeve at pencil skirt na pinaresan niya ng sapatos niyang four inches ang taas ng takong. Lipstick at blush on lang ang inilagay niyang kolorete sa mukha.
“Oo, ang ganda-ganda mo nga, eh. Hindi halatang may super cute ka ng baby. Pero kasi,” pabebeng humagikhik ito at tinakpan pa ang bibig. “Ang gwapo daw ng may-ari ng airlines. Usap-usapan iyon sa buong batch natin.”
“Baka naman may asawa na,” wika niya na ikinabusangot at tinampal siya sa braso.
“Panira ka talaga ng moment, Ate Lyz. Kinikilig ako dito, eh.”
“Paano nga kung meron? O kaya sabi-sabi lang na guwapo ang boss. Di ba kapag CEO, kadalasan ay experienced sa field na iyon? Ibig sabihin, matanda na at puti na ang buhok.”
Nanghihilakbot na tiningnan siya ni Quicy Mae. “Mapanglait ka, Ate Lyz!”
Natawa na lang siya sa reaksyon nito na nagmamaktol sa kanya. Kulang na lang ay maglupasay ito sa kinauupuan.
Natigil lang ito nang pumasok ang sevice van na sinasakyan nila sa compound ng Vesarius Airlines. Pare-pareho sila ng naging reaksyon nang makita nila kung gaano kagara ang mga establisyemento ng Vesarius Airlines. Gawa sa salamin ang dingding ng building at kumikislap iyon sa bawat tama ng sinag ng araw.
Nadaanan din nila ang mga naglalakihang eroplano na ang iba ay papalipad na.
“Ang ganda!” patiling bulalas ni Quincy Mae na sinang-ayunan ng mga kasama nila. “Sasakay ako diyan! Ang sosyal.” Tinuro-turo pa nitong ang eroplanong nadaanan nila na nagtake-off.
Sosyal nga! At ang yaman din. Biro mo, nagpadala pa ng service van para sa kanila. Sa tantya niya, halos isang daan sila sa batch nila. Marami-rami din na service van ang ipinadala ng Vesarius Airline.
Pinagbukas sila ng ng pinto ng isang guard. Nginitian sila nito at iginiya sila papasok.
Nakabuntot lang siya kay Quincy at katulad nito ay panay ang masid niya sa paligid. Kung maganda na sa labas, mas maganda sa loob. Sa refreshener pa lang na unang sumalubong sa kanila nang pumasok sila, alam niyang hindi pangkaraniwan ang paliparan ng Vesarius.
“Ay,” mahinang tili niya nang bigla na lang tumigil sa paglalakad si Quincy. At dahil nasa unahan niya ito, bumangga ang katawan at ulo niya sa likuran nito.
“Bakit ka tumigil, Quincy Mae?”
Hindi siya nito sinagot bagkus ay nakatingin lamang ito sa kung saan habang nakanganga at halos maghugis puso ang mga mata.
“Hoy,” untag niya rito at nakakunot ang noong sinundan ang direksyon na tinitingnan nito. Nagtataka siya dahil doon din nakatingin ang mga kaklase niyang babae.
“Lumuluwag ang garter ng panty ko,” narinig niyang bulong Quincy Mae sa tabi niya. Ngunit hindi na niya iyon napagtuonan ng pansin dahil literal na natuod siya sa kinatatayuan nang makita niya kung sino ang tinitingnan ng mga ito.
Standing firmly meters away from them was a man that she never expected to see at this moment.
With his bossy aura and Olympian God physique, it was the man who bought her four years ago at the auction. Gideon.
Chapter 4 Gideon was talking to a middle-aged man. Wala na ang mahabang balbas nito na siyang nagbigay ng mas malakas na appeal sa lalaki. Maangas pa rin ang pagkakaman-bun ng buhok. Ang mukha ay seryoso pa rin pati na rin ang pagkakatindig ay lalaking-lalaki na para bang ipinapakita nito na ang ka-angasan sa lahat. “Students, this way!” narinig niyang anunsyo ng kung sino dahilan upang maalis ang paningin niya sa lalaki. Gayundin ang mga babae niyang kaklase na naghagikhikan pa habang naglalakad sila paalis sa main entrance ng building. “We will divide you in to two gr
Chapter 5 Gideon stares blankly at the closed door after Rona—Lyzza, went out. Umigting ang mga panga niya at halos masabunutan ang sarili dahil sa inakto ng babaeng umukopa sa kanyang isipan mula nang magising siya mula sa pagkaka-coma sa loob ng apat na buwan matapos ang gabing binili niya ito. Napadpad siya auction na iyon dahil sa sulsol ng kanyang kaibigan na mag-unwind din siya paminsan-minsan. Ipinahatid siya sa lugar na iyon ng tar*ntadong si Alejandro Almeradez. He is one of his best friends since they were in military school. Nasa leave siya nang mga oras na iyon dahil inasikaso niya ang divorce nila ng kaniyang ex-wife. His slut ex-wife na hindi nakontento sa kanya at na
Chapter 6 "Ano? Nagkita ulit kayo ng daddy ni Summer?” Literal na magkasabay na tanong nina Jessica at Qyla nang magkita-kita sila kinagabihan sa bar na dati niyang pinagtatrabahuhan. “Kailangan talaga sabay kayo? Sige, lakasan niyo pa,” sarkastikong wika niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawang babae sa harap niya at nang muling ibinalik ang paningin sa kanya ay kapwa ito natawa. “Sorry, nagulat lang kami,” Qyla started as she poured a mild alcoholic drink in her own glass. Nagkibit-balikat si Jessica at ginaya din ang ginawa ni Qyla. She even offered to her na tinanggihan niya. “You know na hindi ako umiinom. Hanggang alas-dyes lang ang paalam ko kay Mama. Kailangan kong maka-uwi bago mag-alas dyes, hahanapin ako ni Summer,” wika niya at kinuha sa mesa nila ang soft drink na iniinom niya. Tinapik-tapik siya ni Qyla sa balikat at tumango-tango habang si Jessica naman ay nakangiti. “Bakit?”
Chapter 7 “Mommy, I like that pencil case po,” wika sa kanya ni Summer habang nakatingala sa kanya at ang isang kamay ay nakaturo sa isang estante na may mga naka-display na lapis at pencil case na may iba’t-ibang kulay at design. Linggo ng araw na iyon at katatapos pa lamang nilang magsimba nang napagdisisyunan niyang ipasyal ang anak sa mall. Kahit papano ay sinisiguro niya na nagkakaroon siya ng oras para makasama at ipasyal ang kanyang anak kahit pa nag-aaral siya at tinutulungan ang kanyang ina sa tindahan nila. “Di ba may pencil case ka pa na bago? Hindi mo pa iyon nagagamit,” striktong sabi niya rito at bahagya pang niyuko. Chapter 8 “Kuya, sino ‘yan?” tanong ng babaeng may mahaba at kulot-kulot na buhok. Napagkasya ni Lyzza ang kanyang sarili sa likod ng malaking estante ng mga naka-display na bag, malapit sa kinaroroonan ng anak. Pasilip-silip siyang sa eksenang nasa harap niya habang walang tigil sa pagrigodon ang kanyang puso dahil sa pagkataranta at kaba. “What’s your name, Baby Girl?” Narinig niyang tanong ni Gideon sa anak niya. “I’m Summer. Why didn’t you know my name? You are my dad.” “Daddy? Kuya, may anak ka?” Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Gideo habang nakatayo ito sa harap ni Summer na nakatingala ngayon sa ama nito. Chapter 9 “Sir!” “Huwag matigas ang ulo mo!” he hissed and deposited her at the passenger seat of the car. Bubuka pa sanang muli ang bibig niya nang bigla na lang siyang pagsarhan ng pinto ng hudyo. Nakaawang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin nang mag-jog ito patungo sa kabilang side ng kotse. He placed himself at the driver’s seat and starts the engine of the car. Bumalik ito sa gate ng compound at mabilis na pinausad ang sasakyan palabas. Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang ilan niyang ka-batch mate na nakatingin sa kotse. Malamang nakita rin ng mga ito nangyari kanina. Hindi na siya magtataka kung laman na siya ng tsismis kinabukasan. Chapter 9 (Part 2) Gideon tightens his grip on his steering wheel. He was clenching his jaw and doing his best to stop himself from taking a U turn and drive back to the jeep's terminal and drag that woman to his car. He should be in hospital at this point of time or in his office, working his as* off with piles of paper that he needs to study and sign. His father was in the hospital. Nagkaroon ito ng minor heart attack kahapon. He and Carollete drag their ass out of the mall and rushed towards the hospital when his mother called. Matanda na ang daddy niya, naghahanap na ng apo. Akala yata ng matanda ay hinuhugot lang sa tadyang ang bata. Nasa meeting siya kanina kahit kulang siya sa tulog dahil inasikaso niya ang kanyang ama kahapon. Sinamahan niya ang mommy niya sa pananatili nito sa hospA Night with Gideon Chapter 8
A Night with Gideon Chapter 9 (Part 1)
A Night with Gideon Chapter 9 (Part 2)
Chapter 9 (Part 3) Napatanga si Lyzza sa papel na hawak-hawak kung saan nakalagay ang bago niyang schedule. Alas-singko pa lamang nang umaga nang binulahaw siya ni Ms. Helen para sabihing may bago siyang schedule at kailangan na nasa Vesaruis Airlines na siya ng alas-sais dahil maagang aalis ang eroplanong nakatoka sa kanya patungong Davao. At ngayon nga ay nakatanga siya sa papel na hawak-hawak dahil private plane pala iyon at hindi public. Higit sa lahat, super VIP ang nakasakay sa eroplano kaya kailangan talagang maganda ang serbisyo niya. Gusto niyang mapakamot ng kilay dahil hindi niya maintindihan ang trip ni Ms. Helen kung bakit siya inilagay nito roon? Wala pa nga siyang kahit isang experience sa actual field dahil baguhan pa lang siya at nagte-training. Nasaan ba ang mga senior fli
BONUS CHAPTER: SUMMER VESARIUS (Another sneak peek for Summer Vesarius’ story of Second Generation) It was their wedding anniversary. Ilang oras na siyang naghihintay sa pagdating ng asawa niya. Ilang raw niya ring pinagplanuhan ang candle light dinner para sa celebration ng first wedding anniversary nila. Subalit, halos makapangalahati na niya ang wine, wala pa rin Giovanni na sumusulpot sa harap niya. Her husband promised he will come. Akala niya ay ayos na silang dalawa ngunit nasaan ito? Ilang beses niya ng tinawagan si Ivanovich ngunit walang sumasagot. No’ng una ay sinabing male-late ito ng ilang minuto. Tinanggap niya ang dahilan na iyon. Giovanni never really loved her. Siya lang naman itong habol nang habol sa lalaki. She even stalked him! Nagpakasal lang naman sila dahil sa daddy niya. Oh, her dad who loves her so much! Naabutan sila nito sa kama matapos ang isang gabing p
BONUS CHAPTER: A NIGHT WITH GIDEON (Honeymoon) She groaned when Gideon’s mouth created lines at the side of her neck. Isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan. “Gideon, I’m sore.” She heard him chuckled and continue kissing her bare back. Ang mainit at may kagaspangan nitong kamay ay humaplos sa kanyang baywang. Nawala ang pagkakasubsob niya sa unan nang hilahin siya nito. Tinigilan na nito ang pagh alik sa kanya kaya humarap siya sa asawa. “Good morning,” namamaos ang boses nitong malalim. “’morning.” Kusa niyang iniyakap ang mga braso sa leeg ng kanyang asawa. “Strawberry, your breast is tempting me.” Mas idiniin pa niya ang dalawang bundok na pinangigilan ni Gideon kanina. Umungol ito kasabay ng pagpisil sa kanyang baywang. “You’re sore and yet you’re being a tease.” Humagikhik siya at pa-cute na tiningnan ito. “Sorry, Sir. Kasalanan mo naman. Kapa
BONUS CHAPTER: THE CEO’S SPOILED WIFE “Daddy, look me,” ngising-ngisi ang tatlong taong gulang na si Jermanine Cathleen nang sinalubong siya nito sa living room. “What happened to you, Baby Kat?” Puputi na talaga ang buhok ni Alejandro sa pinaggagawa ng bunso niya. Kalat-kalat ang nakapahid na lipstick nito sa lips na umabot na hanggang pisngi. May bahid din ng powder ang pisngi. “Dydy, petty me.” Proud na proud pang inilagay nito ang likod ng palad sa kaliwang pisngi. Umuklo siya para maabot ang bulilit. “You look like a clown, Baby.” Pinunasan niya ang lipstick na nagkalat sa bibig ni Katkat gamit ang hinlalaki. Subalit, natigilan siya nang mapansing papangiwi na ang bibig nito. Nang bumuka na ang bibig nito, nataranta na siya. “Sh!t, I’m sorry.” Mas umatungal ng iyak si Katkat at nagpapalag sa yakap niya. “Not me clown naman pu. Bad, Daddy. Petty m
EXTRA CHAPTER 2: EL GRECO—LASKARIS NUPTIAL “Daddy, alive po si Lolo ko? I though he’s dead.” Hinigit-higit ni Amber ang laylayan ng kanyang damit habang ang mga inosenteng mata ay nakatingala sa kanya. “Your Lolo is alive because he’s a good man.” “If dead na ba, pwede pang maging alive?” Mahina siyang tumwa at inabot ng kanyang bibig ang tuktok ng ulo ni Amber para patakan ito ng h alik doon. “No, Baby. Your Lolo is not dead.” “Is it a joke lang po? But Mommy and I cried. So ugly naman ng joke. I don’t like that joke.” Inayos niya ang pagkakahawak kay Raegan bago hinarap ang panganay. “It calls white lies, Baby. We are lying for good reasons.” Lumabi si Amber at tumingala na parang nag-iisip. Kapagkuwan ay muli nitong ibinaling ang tingin kay Chelary at Luigi na nag-uusap sa dalampasigan. “Why Mommy is crying now?” “Because she’s happy. Tears of joy,” mapagpasensya
EXTRA CHAPTER 1: DINNER AT NORTHSHIRE Northshire village is peaceful. Iyon ang napansin ni Chelary nang ipinasok ni Riguel ang kotse nito sa malaking tarangkahan. Marami pa ring puno kahit hindi niya na mabilang kung ilang establisyemento na ba ang nakatayo. Nang unang beses niyang makapunta sa bahay nina Jenza, wala pang village roon. Tanging malaking mansyon pa lamang ng pamilyang Weinstein ang nakatayo sa malawak na lupain. Almost three fourth of the Northshire Land is owned by the Weinstein Family. Cale Ivanovich and his wife decided to make a village since their cousin—Funtellions wants to live near them. Funtellion and Rocc’s were the one of the pioneers in the village. Hanggang sa marami ng nagkainteres katulad nina Vesarius, Almeradez at Ralvan. “You okay there, my Love?” malumanay niyang tanong sa anak sa backseat. Inosente ang mga mata nitong tumingin sa kanya. “Aaway ba ako ni Su
SPECIAL CHAPTER(A sneak peek of Amber El Greco’s Story of Second Generation) “Who are you?” takang tanong ni Amber sa lalaking nakaupo sa harap ng pinto ng kanyang dormitory. Mula sa pagkakayuko nito, gulat ang mga matang napatayo. A nerd—braces, oily skin, pimples… He seems familiar to her. Nanginginig ang kamay na inabot sa kanya nito ang dalang palumpon ng bulaklak. Ang iba ay nabali na ang tangkay. “I-I’m—” Yumuko ulit, kinagit ang labi. Bahag na ang buntot lalo pa’t hindi niya kinuha ang bulaklak. “You need something?” she asked, kind as she can. “I-I just want to say t-that I-I like you,” anito sa matigas na ingles. Nginig na nginig ang boses na parang takot yata na ipahiya niya. Well, hindi naman iyon ang unang beses na may nagkagusto sa kanya. Simula nang lumipat siya sa Catherine International School sa Russia, hindi na niya mabilang kung ilan na ang nabast
EPILOGUE Lumipad si Riguel papunta Australia, ilang linggo bago siya manganak, para sabihin sa Daddy niya na gusto niyang kasama niya rin ito kapag nanganak na siya. Pero hindi iyon nangyari dahil bukod sa hindi pa ito sigurado kung ligtas na bang lumabas, matagal rin itong nawala. Chelary understands that. Isa pa, hindi niya na naman kasi makontak si Maude. Nang huling beses niya itong nakausap, pupunta raw ito sa Morocco. Ilang buwan na ang nakalilipas ay wala pa rin siyang nakukuhang balita tungkol rito. Tama nga talaga si Jenza sa sinabi nitong masyado siyang inosente sa mundong ginagalawan ng kanyang kapatid. She can’t imagine herself leaving the country and her family to deal with dangerous criminals. Sinabi niya kay Riguel na gusto niyang si Luigi ang maghahatid sa kanya kapag ikinasal sila sa simbahan. He understands and told her that he can wait. Nahulog na naman ang loob niya asaw
CHAPTER 71 “Pag-uuntugin ko kayo ni Daddy,” sigaw niya sa asawa na napakamot-kamot na lang sa ulo. Hanggang sa makauwi kasi sila at nagmumuryong pa rin siya. “I hate you.” “You don’t, Cherry.” Sumipa-sipa ang kanyang mga paa habang sinusuotan siya nito ng damit pangtulog. “Just wait bukas kapag gising na si Amber. Kakampihan niya ako.” Sa kanyang pagkapikon, tumawa lang si Riguel. Sinabunutan niya tuloy. “Nakita mo kung paano kami umiyak ni Amber nang malaman namin na patay na si Daddy. Tapos ikaw, alam mo pala.” “Dad wants me to do that.” “Nakiki-daddy ka na ngayon. Kapag narinig ka no’n, lagot ka.” Umungol ito sa pagkadisgusto, kapagkuwan. Na para bang naalala nitong ayaw nga ni Luigi. ““I’ll marry you again para payagan niya na ako.” “Okay,” aniya at nagtaas ulit ng kilay. “Nasaan si Daddy.” Tinabihan siya ni Riguel sa kama at paulit-ulit n
CHAPTER 70 Walang pag-iingat na hinablot ni Riguel ang braso ni Ingrid nang maabutan niya ito sa parking lot ng mall. “Regulus! Bitawan mo ako. I’m your mom, you disrespectful jerk!” “What did you tell to my wife?” galit niyang singhal rito. “What? Totoo naman ang sinasabi ko. Kahit anong sabihin mo, anak pa rin kita. Sa akin ka nanggaling.” “You’re not my mother. Hindi ka nagpaka-ina sa akin. You and Rufino dispose me like a f ucking dog.” Gumuhit ang galit sa mga mata ng babae. Lumagapak ang palad nito sa kanyang pisngi bago galit na galit siya nitong dinuro. “Hindi mo alam kung ano ang sinakrispisyo ko para sa ‘yo! Kung hindi ko tinuloy ang pagbubuntis sa ‘yo, wala ka sana sa mundong ito. You owe me your li—” “Ginusto mong dalhin ako. Rufino paid you to carry his f ucking heir. Ibinigay niya sa ‘yo lahat ng luho mo para ituloy mo ang pagbubuntis mo sa akin. Don’t act like you were the vi