Bumaba agad ako ng mound pagkatapos kong ibato 'yong bola. Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng excitement noong naibato ko yung bola. Para bang nakasuntok ako sa kalaban ng solid na kanan na kamao ko. Pero dahil ibabato ko lang naman, hinubad ko na kaagad 'yung uniform at pumunta sa vlocker para magpalit. Sinundan ako ni kuya Alex, at doon na nga niya ako pinilit na sumalio ng baseball. Ngunit, napaisip din ako, at bigla ko na lang napagtanto kung bakit niya ako dinala dito,"Jacob, sumali ka na! 'Yung bato mo, pang-player talaga. Pati—""Kuya, pasensiya na, pero ayaw ko talaga. Gustuhin ko man, 'di ako marunong, pati 'di ako bagay mag-baseball, pagtatawanan lang ako. So, salamat sa offer, pero pass ako." Sagot ko habang isinusuot ko ang aking t-shirt.Bumuntong hiniga si kuya dahil na-disappoint siya. Pero wala, eh, ayaw ko talaga, hihingi na lang ulit ako ng dispensa dahil nag-abala pa siya na ipakita sa'kin kung ano ang baseball. Ganunman, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko an
Last Updated : 2022-10-10 Read more