All Chapters of Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Chapter 121 - Chapter 130
3175 chapters
Kabanata 121
Binaba ni Avery ang kanyang telepono sa lamesa. Agad na nanuyo ang kanyang bibig kaya kinuha niya ang mangkok ng sabaw na pinasa sa kanya ni Ben. Kinatok ni Ben ang lamesa at sinabi, "Hoy! Pa-sikreto ba kayong nagpapadala ng mensahe ngayon?"Natatakot si Avery na may ibulalas na nakakagulat si Elliot ang, kaya agad niyang sinabi, "Busog na kami pareho, kaya uuwi na kami!""Sige! Busog na rin kami," panunuya ni Ben. "Napuno kakanood ng PDA niyo!"...Narinig ni Rosalie ang pagtangkang pagpatay na balita kay Elliot at agad na nagmadali sa buong kagabi papunta sa mansyon ng mga Foster. Nanlamig ang mukha niya nang makita si Avery. "Nang muntik nang masagasaan ng kotse si Mr.Foster kanina, tumalon si Miss Avery sa kanya at niyakap niya sa kanyang bisig!"Nakita ng gwardiya ang buong pangyayari at naramdaman na obliga siyang i-ulat ang kung anong nakita niya kay Rosalie. "Kung hindi ko binaril ang mga gulong, babangga ang kotse diretso sa kanila. Malamang ay mapipisa si Miss
Read more
Kabanata 122
"Ako lang mag-isa," sagot ni Elliot nang may mahinahon na tono, "Pero, pwede mo akong tulungan kung nag-aalala ka."Pakiramdam ni Avery na binungkal niya ang sarili niyang hukay. Syempre, mag-aalala siya kung inaalagaan ba ni Elliot ang sarili niyang kalinisan, pero anong pinagkaiba sa pagitan ng pagpapaligo sa kanya, at ang pagsabay nilang pagligo?Pumasok sila sa kwarto, at sinarado ni Avery ang pintuan sa likuran niya. "Pwede mo bang ibigay sa akin ang tungkod ko, pakiusap?" tanong ni Elliot na may malalim at mababang boses. Tatanungin na sana ni Avery kung saan nakalagay ang tungkod niya nang nakita niya ito at binigay ito sa kanya. Kinuha ni Elliot ang tungkod at ginamit ito bilang suporta habang nahihirapan siyang tumayo sa kanyang wheelchair. "Ayos ka lang?" natatarantang tanong ni Avery. "Ayos lang ako. Naliligo ako mag-isa ng ilang araw," sagot ni Elliot nang may himig ng kapilyuhan sa kanyang boses. "Tinakot ba kita?"Namula si Avery tapos ay sinabi, "Inaasar m
Read more
Kabanata 123
Muling pumasok si Avery sa kwarto dala ang pang-unang lunas sa kanyang kamay. Lumuhod siya sa paa ni Elliot at sinimulang hubarin ang benda sa mga sugat niya. Malala pa kaysa sa inaasahan niya ang mga natamo niyang pinsala. Ang malaking piraso ng balat ay nawawala mula sa kanyang paa, pinapakita ang madugong laman nito. Labis siguro ang paghihirap niya!Halos hindi kumibot si Elliot habang ginagamot at binibihisan ni Avery ang sugat. Napansin niyang naging mabigat ang kanyang hininga. "Mukha lang 'yang malala. Hindi 'yan masakit," sinabi niya, ang boses niya ay gumuhit sa katahimikan. Gusto niyang bumuti ang pakiramdam ni Avery, pero hindi niya gusto ang maling kaaliwan ni Elliot. Sinundot ni Avery ang sugat niya gamit ang kanyang darili, dahilan kung bakit napaigtad si Elliot. "Sabihin mo ulit sa akin na hindi masakit," sinabi niya habang namumula ang kanyang matang nakatitig kay Elliot. Nilagay ni Elliot ang kanyang mga braso sa likod niya, tapos ay pinasingkit a
Read more
Kabanata 124
Ang balita sa pagkamatay ni Cassandra ay umabot ng bandang ala-siyete ng umaga. Tumalon siya sa bintana ng kanyang silid sa hotel kung saan siya nanatili at namatay mula sa pagkahulog. Nabalik ng mga pulisya ang contact na impormasyon ni Avery mula sa pagkakakilanlan na iniwan ni Cassandra sa kanyang silid. Patay na si Jack at nasa ibang bansa naman si Wanda. Ang tanging tao lang na makakakilala sa katawan ni Cassandra ay si Avery. Halos tulog pa rin si Avery nang sinagot niya ang tawag. Kahit pagkatapos niyang ibaba ito, akala niya ay nananaginip pa rin siya. Hanggang sa bumalik ang ulirat niya at tiningnan ang kanyang phone call history at doon niya napagtanto na hindi siya nananginip. Bumangon siya sa kama, kinaligtaan ang almusal, at nagmadali sa hotel kung saan nangyari ang insidente. ..."Tumalon siya, Sir. Nang binuksan namin ang pinto, tumakbo siya sa bintana at tumalon bago pa kami may magawa. Halata na punong-puno siya ng pagsisisi."Inulat ng tauhan ni El
Read more
Kabanata 125
Kinuha ni Avery ang kanyang telepono at tinawagan si Cole."Hello? Avery?" sagot ni Cole. "Patay na si Cassandra. Alam mo ba 'yon?""Ano?! Anong ibig mong sabihin na patay na siya?! Nasa ospital ako ngayon para magpatingin...Maayos lang siya kanina nang nakausap siya sa telepono kagabi-""Nag-away ba kayo?""Hindi!" sigaw ni Cole.Ilang segundo ang lumipas, halos may naalala siyang kung ano, dagdag niya, "Naalala ko na. Nandito si Cassandra nang umuwi si Tito Elliot sa bahay para maghapunan 'nong nakaraan. Hindi naging maganda ang gabi 'non. Sinabihan siya ni Tito Elliot na wala na siyang oras para mabuhay, at natatakot siya simula 'nong pag-uusap na iyon-""Imposible! Kasama ko si Elliot buong gabi. Wala siyang ginawa na kahit ano!"Bumuntong hininga si Cole, tapos ay sinabi, "Bakit ba nawawala ang lahat ng rason mo sa tuwing kasali si Tito Elliot dito? Sinasabi ko lang ang alam ko. Ikaw lang ang sinabihan ko nito. Kung tatanungin ako ng mga pulis, hindi ko ito babanggitin...
Read more
Kabanata 126
Ang tensyon sa pagitan nina Elliot at Avery ay lumaki ng husto. Nakaupo sila tabi ang isa't-isa pero mukhang nasa bingit sila ng giyera. Takot na mag-away sila, agad na nagdala si Mrs.Cooper isang buong plato ng sariwang prutas."Kumain na ba kayo ng tanghalian, Madam? Nag-iwan ako ng pagkain para sa'yo."Tinapak ni Avery ang kanyang mga paa at nagmartsa papunta sa kusina. Pinanood siya ni Elliot umalis. Hindi niya matukoy ang mga iniisip ni Avery. Kung galit na galit siya, malamang ay hindi siya mananatili para mag-tanghalian. Pero, ang galit sa mga mata ang imposibleng itanggo na galit siya. Kinaligtaan ni Avery ang kanyang almusal at tanghalian, kaya nagsisimula nang manakit ang tiyan niya sa gutom. Inabot siya ng halos isang oras bago matapos ang kanyang pagkain dahil ang pagkagutom sa kanyang tiyan ang magiging dahilan ng hindi pagkatunaw ng pagkain at ang magdadagdag sa kanya sa kasalukuyang kahirapan. Nang naglakad siya sa kusina, wala na si Elliot sa sala. "
Read more
Kabanata 127
Kung natuluyan nga kagabi si Elliot, masisiguro bang mapaparusahan ang may salarin?Kahit na binayaran ng isang mamamatay tao ang kanyang mga krimen, maibabalik ba nito ang buhay ni Elliot?Syempre hindi. "Hindi kita sinisisi, Elliot...Hindi ko lang agad matanggap kung paano panghawakan ang mga bagay bagay..." sinabi ni Avery sa tono na kasing lambot ng bulak. "Hindi mo kailangang tanggapin. Kailangan mo lang malaman na hindi ako mananakit ng inosente.""Okay.""Magpahinga ka na," sinabi ni Elliot, tapos ay dahan-dahan niyang hinaplos ang likod ni Avery para makatulog. Balot sa kanyang mga bisig at pinalibutan ng kanyang kakaibang amoy, agad na nakatulong ng mahimbing si Avery. Ala-singko ng hapon, nakatanggap ng tawag si Avery sa pulis para hingin ang kanyang presensya sa istasyon agad agad. Binaba niya ang kanyang telepono at nagmadaling lumabas ng bahay nang hindi sinasabihan si Elliot. Nang makarating siya sa istasyon, agad na bumaling ang tingin niya sa mapulang ma
Read more
Kabanata 128
Marahas na inalis ni Avery ang hawak ni Wanda sa kanyang braso. Nakilala ni niya ang sasakyan ni Elliot at kung sino ang nagmamaneho. Nang bumukas ang pintuan ng sasakyan, lumabas ang gwardya at sumugod patungo kay Wanda. Natakot si Avery na halos paluin niya si Wanda. Nagmadali siya sa tabi ng gwardiya at hinila ito pabalik. "Huwag niyo siyang hawakan! Kakamatay lang ng anak niya. Natural lang na maging emosyonal siya.""Ha...Hula ko na hindi ka pa napapalayas ng pamilyang Foster! Ang galing mo ring mang-akit ng lalaki, 'no?" panunuya ni Wanda. Tinaas ng gwardya ang kanyang kamay at handa nang sampalin si Wanda sa mukha. Pinigilan siya ulit ni Avery at sinabi, "Bumalik ka na sa sasakyan. Papasok ako pagkatapos marinig ang sasabihin niya."Pumukol ng nakakatakot na tingin ang gwardiya kay Wanda, binalaan na huwag hawakan ni daliri si Avery. Nakaramdam ng panginginig si Wanda sa kanyang buto, pero hindi siya magpapagapi rito.Ngayon na patay na ang kanyang anak, kaila
Read more
Kabanata 129
"Opo, Ma. Ako po ito," sagot ni Elliot.Nabilaukan si Avery at nagsimulang umubo ng bayolente. Tinawag niya ng "Ma"! ang nanay niya!"Ito po ang problema. Sinabi ni Avery na parang gusto niyang kumain ng luto mo, pero hindi po madali sa akin na pumunta sa lugar niyo. Iniisip kong magpa-book sa malapit na restaurant, at iniisip ko po kung pwede ka pong pumunta at magluto roon," marahan na sabi ni Elliot sa kalmadong boses. "Sige ba! Ipadala mo lang sa akin kung saan at pupunta agad doon," tugon ni Laura. Gulat na gulat na nakatitig si Avery sa kanya, talagang nahibang sa mga kinikilos niya. "Nahihibang ka ba? Simple ko lang na sinasabi 'yon...Talagang tinawagan mo ang nanay ko para ipagluto ako?!" sigaw ni Avery. "Hindi mo naman siniseryoso talaga ang mga sinasabi ko ah. Anong nangyari sa'yo?""Se-seryosohin na kita mula ngayon," sinabi ni Elliot habang ang kanyang mga mata at boses ay naging seryoso. Isang alon ng init ay bumuhos kay Avery at namula ang kanyang mukha. Paki
Read more
Kabanata 130
Sa restaurant, nilapag ni Laura ang mga naluto nang mga ulam sa lamesa. "Halika muna rito sandali, Avery," tawag ni Laura sa kanyang anak. Sinunod ni Avery ang kanyang ina at naglakad patungo sa banyo. "Nag-away ba kayo ni Elliot?" tanong ni Laura."Halata po ba?" sagot ni Avery, walang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Ito ay dahil ilang beses na siyang nadismaya kaya namanhid na lang siya. "Oo. Mukha kayong mag-aswa na nasa dulo na ng diborsyo," sabi ni Laura. "Ang itsura ng iyong mukha ay eksakto sa iyong ama at mukhang ito yung panahon pumunta kami para pirmahan ang mga papeles sa diborsyo."Hindi mapigilan ni Avery ang mapait niyang tawa. "Hindi namin pinag-usapan ang paghihiwalay. Ito ay...Tungkol lamang sa pagkakaroon ng anak...Hindi naman mapag-usapan ang tungkol dito.""Sa tingin ko nga. Hindi pa rin ba siya handang magkaanak? Sinabi niya ba kung bakit?"Umiling si Avery at sinabi, "May depresyon siya. Sa tuwing iniisip ko ang tungkol doon, sinasabihan k
Read more