Kabanata 328
Naikwento sakanya ng mga Darby na inatake raw ni Darryl ang mga kapatid nito kaya ito itinakwil ng pamilya nito.

'Ang lakas nga naman ng loob ng demonyong yan na sumali pa sa kumpetisyong 'to bilang assistant!'

Sobrang nakakahiya 'to para sa management ng Elixir Competition!

Napakuyumos ng kamay si Abbess Mother Serendipity sa sobrang galit. Gusto niyang patayin si Darryl!

Siya ang panganay na anak ng Emei family kaya matapang siya at hindi niya kayang matiis na makakita ng isang taong kasing sama ng demonyo na kagaya ni Darryl!

Maguumpisa na ang kumpitesyon at kung papatayin niya ngayon mismo si Darryl, masisira ang buong event.

Kaya pinilit niyang magtimpi at kimkimin nalang sa loob niya ang galit na nararamdaman niya.

"Okay! Contestants, lumapit na kayo sa kanya-kanya niyong mga kaldero." Magiliw na sabi ng host.

Kagaya ng ibang mga contestant, sinundan ni Darryl si Isabella papunta sa kaldero na may nakasulat na number 13.

Dinala ng mga staff ang mga materyales na
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter