Kabanata 329
Napabuntong hininga nalang si Darryl.

'Mukhang may alam naman talaga si Miss Isabella, pero sobrang tigas ng ulo niya.'

Mabilis na lumipas ang oras.

Isang oras lang ang kumpetisyon at halos limampung minuto na ang lumilipas kaya mahigit kalahati na sa mga contestant ang tapos na.

Bang!

Isang malakas na tunog ang gumulat sa lahat... Ito ay mula sa kaldero ni Isabella na sinundan pa ng sobrang tapang na amoy sunog.

Sunog na sunog ang kaldero at walang elixir na nagawa.

'Bakit?! Saan ako nagkamali?!!'

Sobrang namutla si Isabella. 'Anong nangyari?'

Ilang beses na siyang nakakagawa ng Energy Enhancer Pill, at kahit kailan, hindi naman siya nagkaroon ng problema kaya hindi niya maisip kung saan siya nagkamali.

Siguro yun na ang karma sa mga taong hindi marunong makinig sa iba.

Napabuntong hininga nalang si Darryl at sinabi, "Miss Isabella, sinabi ko na sainyo diba? Importante ang pagbabalanse ng init sa mga ganitong klase ng kaldero, pero hindi ka nakinig"

Iiyak na sa
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter