Kabanata 7
"Jade, tigilan mo na yan," mahinang bulong ni Lily matapos marinig ang pagsaway ni Jade kay Darryl.

Kahapon, sa taunang pagtitipon ay ipininagyabang ni William ang kanyang suit, ngunit si Darryl pa rin ang tumayo at tumulong kay Lily para mapawi ang kaniyang kahihiyan.

“Lily, masyadong malambot ang puso mo. Kung ako lang sa iyo, hihiwalayan ko na siya, ”malamig na sinabi ni Jade. "Matagal ka nang kasal sa kanya, pero hindi niyo pa nasusulit ang iinyong pagsasama. Hindi ko alam kung paano mo natitiis makasama ang  basura na ito araw-araw,"

"Jade," tawag ni Darryl habang tumititig nang malalim. Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at agad nang gumawa ng sarili niyang hakbang.

Masasabi nating maganda si Jade, nakasuot siya ng isang maikli at masikip na palda na nagpapakita sa kayumanggi niyang mga binti.

"Nangangailangan ng limang milyon ang kumpanya ng aking asawa, kaya paano mo nasabing hindi ako makakatulong sa kaniya?" nakangiting sinabi ni Darryl. "At kung tama ang aking alaala sinabi mo na kung makakapaglabas ako ng limang milyon, tatawagin mo akong daddy hindi ba?"

"Oo, sinabi ko nga iyon." Dahan-dahang tumayo si Jade. "Tingnan nga natin, at kung wala kang mailalabas, tatawagin mo naman akong mommy?"

"Paraan," walang pakialam na umupo si Darryl sa isang upuan. Itinaas niya ang kanyang maruming sako at ibinaliktad. Dito na bumuhos ang mga laman nito sa mesa.

Sa mga sandaling ito, ang buong bahay ay naging kasing tahimik ng libingan!

Parang waterfalls na bumuhos ang mga kulay pula at nagniningning na bungkos ng mga pera na umabot sa punto kung saan nagsilaglag ang ilang mga bulto ng pera sa sahig dahil sa sobrang dami.

(TN: Ibinuhos niya sa lamesa ang orighinal na RAW translation nito, at pagkatapos ay biglang naging sofa ang sinasabing pinagbuhusan ng pera.)

 "Ito ... ito..."

Napatitig si Jade sa sobrang pagkamangha na umabot sa punto na kung saan ay hindi na niya nagawa pang makapagsalita.

"Five Million ba talaga ang halaga ng mga cash na ito ?!" Naglakad din palapit sa kanila si Samantha, medyo humupa na ang galit na naramdaman nito kanina.

Nanginig dito ang mga binti ng mga matatalik na kaibigan ni Lily na sina Jade at Phoebe. Talagang mapapatigil ang kahit na sino sa kanila sa sandaling makakita sila ng limang milyong dolyar na halaga ng pera na nakakalat sa kanilang harapan.

"Tawagin mo na akong daddy, nakikinig ako.”  sabi ni Darryl habang hinahawakan ang kaniyang buhok.

Hindi nagtagal ay nagising na rin si Jade sa kaniyang pagkagulat.

Tumingin siya kay Darryl at ngumisi, “Darryl, akala mo ay hindi ko alam na 200 dollars lang ang  ibinibigay na allowance ni Lily sa iyo araw-araw. kaya sigurado akong madumi ang pera na dinala mo rito ngayon tama?”

Nangingig ang katawan ni Lily sa mga sinabing ito ni Jade, mabilis siyang lumakad papunta kay Darryl para hawakan ito sa braso at dalhin sa kanilang kuwarto.

Pagkasara ng pinto, bumulong sa kaniya si Lily, "Saan nanggaling ang pera na iyon, Darrly?  galing ba ito sa maruming gawain?"

"Malinis ang perang iyon Lily, hiniram ko lang yun sa kaibigan kong mayaman kaya huwag ka nang magalala at gamitin mo na ito para maibangon ang inyong kumpanya" paliwanag ni Darryl pagkahinga na niya ng malalim.

Si Darryl ang bagong  Presidente ng Platinum Corporation, pero ayaw niyang ipaalam ang tungkol dito kay Lily nang ganito kaaga dahil iisipin lang nito na sinuwerte lang siya sa pagkakataong ito.

“Kaibigan? Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan? " sabi ni Lily habang hindi mapakali niyang idinadabog ang kaniyang mga paa "Matagal na tayong kasal, kaya bakit hindi ko alam na mayroon ka pa palang kaibigan?"

Nasaktan si Darryl sa mga sinabing ito ni Lily. Sa totoo lang, parang salot na siyang iniwasan ng kaniyang mga kaibigan mula noong itakwil siya sa kaniyang pinagmulang angkan.

Maaaring nasaktan nga rito ang kaniyang pride, kaya tumalikod na lang si Darryl at naglakad sa pintuan para umalis. “Isa sa mga kaklase ko ang yumaman matapos magsimula ng isang maliit na negosyo noon, siya ang nagpahiram sa akin ng pera na iyan. Kaya gamitin mo na muna iyan bago ka pa magtanong nang magtanong sa akin.” sabi ni Darryl.

Matapos maglakad ng ilang hakbang pagkalabas ng kanilang silid, narinig niyang bumulong si Lily na "Ibabalik ko rin ang perang ito sa iyo sa lalong madaling panahon."

Umalis na sa mga sandaling ito ang mga matatalik na kaibigan ni Lily na sina Phoebe at Jade.

"Hindi manlang niya ako tinawag na daddy? Mukhang hindi niya kayang makipaglaro sa sarili niyang laro." Bulong ni Darryl sa kaniyang sarili habang nakaupo sa sofa at pinaglalaruan ang kanilang telepono.

Tila naging mapayapa ang ilang araw na lumipas sa Donghai City matapos nito.

Alam ng lahat na ang pinakamalaking kumpanya ng aliwan sa Donghai City ay may bagong boss, kaya kasalukuyan itong dinudumog ng napakaraming mga advertising agencies para makipagnegosasyon sa isang partnership.

Pero naging kakaiba ang bagong boss na ito ng Platinum Company, dahil nagawa nitong tanggihan maging ang matatagal nang mga kasosyo ng kanilang kumpanya.

Hindi sumuko nang basta basta ang mga kumpanyang ito. Dahil na rin siguro sa hindi pakikipagnegosasyon ng Platinum Corporation sa kahit na sino sa mga sandaling ito, at siguradong magdodominate ang kanilang kumpanya sa sandaling magawa nilang makipagpartner sa Platinum Company!

Mga first class na angkan ang nagsipunta sa Platinum Corporation para makipagnegosasyon. Kaya hindi inaasahang magpupunta rin dito ang second class na pamilya ng Lyndon para makipagusap.

Naging usap usapan na ang dating pagpapadala ng Lyndon Family kay William at agad na pinaalis nang hindi manlang nakakapagsalita ng kahit na ano, pero hindi pa rin nila nagagawang sumuko kaya ipinadala naman nila sa pagkakataong ito si Lily, masyado na rin sigurong makapal ang kanilang mga mukha para magawa ito.

Nang hintayin nang lahat ang pagdating ni Lily upang pagtawanan ang kahihiyang sasapitin sana nito, isang balita ang gumulat sa lahat, sumangayon na ang Platinum Corporation na makipagpartner sa pamilya ng Lyndon.

Ginulat ng balitang ito ang buong Donghai City! Wala na ba talaga sila sa kanilang mga sarili! Nagawa nilang makipagpartner sa isang second class na pamilya?!

Tuwang tuwa na nasurpresa sa balitang ito si Lily, hindi pa niya nagagawang makilala ang presidente ng Platinum Corporation pero agad na siyang sinalubong ng secretary ng presidente para sa sabihing bumalik siya kinabukasan para pumirma ng kontrata

Oriental Pearl Hotel, Donghai City.

Ito ang pinakakilalang hotel sa buong Donghai City, hindi bababa sa ilang libong dolyar ang pangkaraniwang nagagastos ng bawat isang bisita nito! HIndi mapapantayan ang tuwa ni Granda Lyndon ngayong araw. Sa sobrang tuwa ay nagawa nitong ibook ang buong hotel para ipagdiwang ang magandang balita na hinatid sa kanila ng kadugo nilang si Lily, inimbita niya rin ang bawat isang miyembro ng angkan na pumunta para ipagdiwang ito! Hindi lang iyon, nagawa rin niyang magimbita ng napakaraming mga bisita dahil ang pagpirma ng kontrata sa Platinum Corporation ay isang bagay na dapat mo lang ipagmayabang sa lahat.

Sa loob ng hotel, naging sentro ng atensyon si Lily hapang papaupo sa unang table.

Sumunod naman si Darryl na nasa tabi ni Lily, hindi pa nagagawang uminit ng kanilang mga inuupuan nang makarinig nanaman sila ng isang reklamo.

“Tumayo ka nga riyan, dapat ka bang umupo sa puwesto na iyan? Dalian mo nang ibigay ang upuan mo kay Miss Yvonne!”

Kay William nagmula ang mga salitang ito pero sa sandaling ito, isang bata at napakagandang binibini ang nakatayo sa kanilang tabi.

Nang makita ang binibini, agad na napatayo si Samantha at sinabing “Dahilan mo nang tumayo sa upuan mo basura!”

SIguradong alam ni Samantha na hindi dapat mabastos ang babaeng ito dahil isa ito sa mga bisita ni Granda Lyndon, siya si Yvonne, ang batang mistress ng mga Young.

(TN: Ang salitang “mistress” na nabanggit dito ay isang tao na mayroong awtoridad sa isang grupo o angkan at hindi isang babae na nakikipagrelasyon sa isang lalaking mayroon nang asawa.)

Kilala ang mga Young sa kanilang antique business na nagawa nilang ingatan sa loob ng ilang henerasyon, nagkaroon din ng usap usapan na kung saan ang lahat ng mga antigong bagay sa kanilang koleksyon ay may kabuohang halaga na hindi bababa sa 2 billion dollars!

Inimbitahan si Yvonne ni Grandma Lyndon. Nagawa agad nitong mapansin si Lily sa una nitong tingin dahil sa suot nito na isang pares ng nagagandahang high heels. Hindi ba ito ang Worship of Crystal?

Alam ng lahat na matagal na ring gusto ni Yvonne na magkaroon ng Worship of Crystal pero hindi niya magawang magkaroon nito. Hindi naman sa hindi niya ito kayang bilhin, pero 99 pares lang nito ang ginawa sa buong mundo! Kaya isa itong klase ng heels na hindi magagawang bilhin ng kahit na sinong may pambili rito, dahil mangangailangan din sila ng nagtataaasang kuneksyon para magawang magkaaccess sa  pagbili ng mga ito.

“Tumabi ka, bulag ka ba? Hindi mo ba nakitang dadaan si Ms. Yvonne?” galit na sigaw ni William na hindi pinansin ni Darryl.

Parang walang narinig si  Darryl habang nagpapatuloy sa pagnguya ng mani.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni William? ” Galit na galit na sabi ni Samantha.

HIndi magiging sapat ang magiging kapalit kung magagawang maoffend ni Yvonne nang dahil lang kay Darryl. Kahit na nagawa na nitong pahiramin sila ng 5 milyong dolyar, basura pa rin si Darryl sa paningin ni Samantha. Sinuwerte lang ito na nagkaroon siya ng isang mayamang kaibigan.

"Paano kaya...kung ibigay mo na muna ang upuan mo sa ngayon..." sabi ni Lily habang nakatingin kay Darryl.

"Sige," masayang sinagot ni Darryl sa naging request ni Lily sa kaniya.  Tumayo siya at naglakad papunta sa isang lamesa na nasa likuran.

Tumawa si William at hinila ang upuan bago sabihing “Maupo ka na, Ms. Young. Ang lalaking iyon ay ang manugang naming nakikitira lang sa kaniyang asawa, nagagawa pa niyang umasta ng ganoon matapos niyang maging palamunin ng ilang taon sa aming angkan. Huwag mo na siyang isipin dahil isa lang siyang mangmang.

“Sige.” Mahinhing sagot ni Yvonne. Umupo siya at tumitig sa Worship of Crystal.

Napakaganda nito. Kaya siguradong tataas ng ilang beses ang level ng pagiging elegante ng sinumang babae na magsusuot nito.

“Miss Lily, gusto ko sanang itanong...” hindi na mapigilan pa ni Yvonne ang kaniyang sarili “Gusto ko sanang itanong kung saan mo nabili ang pares ng heels na iyan?”

Tuwang tuwa namang ngumiti si Lily nang marinig ang mga sinabing ito ni Yvonne. Alam ng lahat na kilala ng buong Donghai City sa pagiging maganda si Yvonne, pero punong puno ng inggit ang mga mata nito ngayon sa kaniya. Kaya natural lang na matuwa rito nang husto si Lily.

“Niregalo ito sa akin ng isang kaibigan.” mahinhing sinagot ni Lily.

“O..Okay lang ba sa iyo na kausapin ang kaibigan mong ito para matulungan niya rin akong bumili ng isang pares nito? Huwag kang magalala, nakahanda akong magbayad nang doble kapalit ng tulong na ibibigay sa akin ng kaibigan mong ito.”

Naging mahina lang ang magsasalitang ito ni Yvonne, pero agad na napatingin ang mga taong nakaupo malapit sa kanila matapos marinig ang kaniyang mga sinabi.

Ang Worship of Crystal ay nagkakahalagay ng 30 milyong dolyar! Kaya masasabi ng kahit na sinong mayaman ang angkan ng Young para magawang bilhin ang isang pares nito sa halagang doble ng orihinal nitong presyo.

Parehong hinahangaan sa kanilang mga kagandahan sina Yvonne at Lily, at siguradong magiging isang napakagandang tanawin ang makitang magkatabi ang dalawang ito. Nakasuot si Yvonne ng maiksing skirt na nagpakita sa mahahaba at balingkinitan niyang mga binti na kumuha sa atensyon ng maraming kalalakihan. Pareho silang may kaniya kaniyang mga asset na kumuha sa atensyon ng marami.

“Ano ba ang pinagiisipan mo riyan, anak? Dalian mo nang tumawag sa kaibigan mong ito.” hikayat ni Samantha habang iniisip ang mga biyayang darating sa kanila sa sandaling magkaroon ng kuneksyon ang kanilang pamilya sa pamilya ng mga Young sa pamamagitan ng bata nitong mistress.

Napakagat si Lily sa kaniyang labi at itinango ang kaniyang ulo. Nilabas niya ang kaniyang cellphone at tumawag kay Ashton Adagio.

 

Related Chapters

Latest Chapter