Kabanata 8
Tatlong segundo lang ang inabot ni Ashton para sagutin ang tawag.

Agad na pinindot ni Lily ang Loudspeaker button.

Napangiti naman si Samantha na nakatayo sa tabi matapos makita ang screen ng cellphone ni Lily “Mahal kong anak, so si Ashton pala ang nagbigay ng Worship of Crystal sa iyo. Mabait siyang lalaki kaya siguruin mong maaapreciate mo ang mga nagawa niya sa iyo dear.

Sadyang nilakasan ni Samantha ang kaniyang pagsasalita at hindi rin nakalimot magbigay ng tingin kay Darryl. Kung ikukumpara kay Ashton, walang kahit na anong naging kuwenta si Darryl. Nabanggit din ni Ashton noon na nakahanda itong magbayad ng 20 milyong dolyar bilang dote kung magagawa niyang mapakasalan si Lily.

Maririnig naman sa kabilang linya si Ashton na kasalukuyang nakaupo sa bangketa. Kanikanina lang ay nakatanggap ito ng isang tawag na bumabawi sa lahat ng suportang ibinigay ng mga Darby sa kaniya!

Halos malusaw si Ashton sa kaniyang kinatatayuan nang marinig niya ang balitang ito. Siguradong magiging wala na siyang kahit na anong silbi sa sandaling mawala ang suportang ibinibigay ng mga Darby! Sinabi rin sa tawag na ang dahil ito sa pambabastos niya sa isang tao na may malakas na impluwensya at hindi dapat bastusin ng kahit na sino.

Pero hindi pa rin maisip ni Ashton kung sino ang tao na nagawa niyang bastusin!

“Ashton, magagawa mo ba akong makuhanan ng isa pang pares ng Worship of Crystal?” Tanong ni Lily sa kabilang linya.

Kahit na nasa gitna si Ashton ng pinakamasaklap na pangyayari sa kaniyang buhay, nagawa pa rin niyang ngumiti matapos marinig ang boses ni lily na siyang tumawag sa kaniya. “Iyong replica na ibinigay ko s aiyo ang tinutukoy mo hindi ba?”

“Replica?”

Nagpalitan ng tingin sina Lily at Yvonne. Hindi nila magagawang magkamali sa kung ano ang imitation at orihinal na Worship of Crystal.

“Oo, hindi ba’t binigyan kita ng isang pares ng mga replica ng Worship of Crystal na nagkakahalaga ng 300,000?” nagpatuloy sa pagsasalita si Ashton “Pero hindi ba’t itinapon ito ng walang kuwenta mong asawa? Nasa bahay pa ang mga iyon ngayon, kaya sabihin mo lang para maibigay ko na ang mga ito sa iyo.”

Napuno nang pagtataka ang nakapagandang mukha ni Lily matapos marinig ang mga salitang ito!

Hindi si Ashton ang nagregalo sa kaniya ng orihinal na Worship of Crystal na kaniyang suot ngayon? Maliban sa kaniya, sino pa bang magbibigay sa kaniya ng isang regalo na nagkakahalaga ng 30 million dollars?!

Ibinaba na ni Lily ang tawag at naalala ang mga sinabi ni Darryl na bibilhan siya nito ng orihinal na pares ng Worship of Crystal noong ihatid siya nito sa trabaho.

Habang iniisip, hindi mapigilang mapatingin ni Lily kay Darryl.

Kasalukuyan nang may hawak na chopsticks si Darryl para ubusin ang ikalawa niyang cup ng kanin habang ang iba ay hindi pa nagagawang magsimula sa pagkain. Namumuhi siyang tiningnan ng mga tao sa kaniyang paligid na umupo sa pinakamalayong upuan mula kay Darryl na magagawa nilang maupuan.

Nagbuntong hininga rito si Lily. Ano ba ang iniisip niya ngayon, paano siya mareregaluhan ni Darryl ng orihinal na pares ng Worship of Crystal? Napakaimposible.

Matapos ang kalahating minuto, ibinaba na rin sa wakas ni Darryl ang chopsticks na kaniyang hawak. Pinunasan niya ang kaniyang bibig habang nakatingin kay Yvonne.

Isang napakainteresanteng babae ni Yvonne. Napansin ni Darryl na mayroon itong suot na isang kulay puting bracelet sa kaniyang kamay, pero ilan lang ba sa kanila ang nakakaalam na isa itong antigo?

Napakalaki ng antique collection na pagmamayari ng mga Darby. Anim hanggang pitong taong gulang pa lang si Darryl nang magawa niyang makilala ang iba’t ibang uri ng mga antique.

Nang bumisita sa kanilang angkan ang nangungunang eksperto sa mga antiques na si Master Stellan Smith, nagawang matuto ni Darryl na manuri ng iba’t ibang uri ng mga antiques sa loob lang ng dalawang buwan.

Mukhang maselan at napakaganda ng bracelet na suot ni Yvonne, at siguradong isa itong handicraft na nagmula sa era ng dynastiyang Tang. Nagkakahalaga na ito ngayon ng hindi lalampas sa 20 million dollars sa merkado.

“Magsitahimik tayong lahat.”

Mukhang sabik na sabik na naglakad si Grandma Lyndon paakyat sa stage sa mga sandaling ito.

“Dali Lilybud, sabihin mo sa amin kung paano mo nagawang makipagnegosasyon sa Platinum Corporation,” hindi mapakaling tinanong ni Grandma Lyndon habang umuupo.

Naaawkward namang tumayo si Lily at matapos magisip nang malalim, sinabi niya na “Hi… hindi ako nagsabi o gumawa ng kahit anon ang makarating ako sa Platinum Corporation, pero agad nila akong sinabihan na maaari na tayong pumirma ng kontrata sa kanila.”

“Wow!”

Umingay nang husto ang paligid nang marinig ang mga sinabing ito ni Lily!

“Kung ganoon, wala pa lang ginawa na kahit ano si Lily pero nakuha niya ang kontrata?”

“Oo nga, habang nagiisip ako ngayon kung may kakayahan ba talaga siyang gawin ito, mukhang sinuwerte lang talaga siya.”

Matapos marinig ang usapan ng mga tao sa paligid, tumayo si William at sinabing “Grandma, nagawa nila akong paalisin sa Platinum Corporation pero nagawa ni Lily na makapasok dito. Naramdaman siguro nila ang ating sinseridad kaya napagdesisyunan nilang makipagpartner na sa atin! Kaya siguradong ganito pa rin ang magiging resulta kahit na hindi si Lily ang nagpunta roon kanina!”

Mahahalatang gusto rin ni William na purihin siya sa kaniyang ginawa.

Palaging pinapaboran ni Grandma Lyndon si William kaya hindi na kataka takang tumango ito at sumangayon sa mga sinabi nito “Hindi lang ikaw ang dapat na batiin sa nangyaring ito, ginawa rin ni William ang kaniyang parte para makuha natin ang tagupay na ipinagdiriwang natin ngayon.

Tuwang tuwa si William nang marinig ang niya ang mga sinabing ito ni Grandma Lyndon at agad na nag 90 degree na bow rito. “Nakahanda akong magsakripisyo bilang anak mula sa angkan ng mga Lyndon, Grandma! Nakarinig ako ng mga usap usapan na mayroon daw bagong artista ang Platinum Corporation na nagngangalang Giselle Lindt. Isa siyang babae na may kamanghamanghang ganda kaya naiisip kong pinaplano ng Platinum Corporation na pabanguhin pa ang pangalan ng artistang ito sa lahat. Siguradong malaki ang ating kikitain sa sandaling ibigay ng Platinum Corporation ang pagpapasikat kay Giselle sa atin! Magpupunta ako bilang kinatawan ng mga Lyndon sa Platinum Corporation bukas para makipagnegosasyon tungkol sa deal na ito!”

“Magaling!”

Tumango si Grandma Lyndon habang binabati ang paborito niyang miyembro ng angkan. “Kaya ka gustong gusto ng Grandma iho.”

Nagtinginan sina Lily at Samantha at nakaramdam nang hindi maganda rito. Para dapat sa tagumpay ni Lily ang selebrasyong ito pero agad naman itong inagaw ni William sa kaniya. Ngayong pumayad na ang Platinum Corporation na makipagpartner sa mga Lyndon, siguradong magtatagumpay din ang gagawing pakikipagnegosasyon ni William bukas. At mula rito ay aangkinin na niya ang lahat ng pagbati mula sa mga miyembro ng kanilang angkan.

Nanatili pa ring tahimik si Lily kahit na hindi siya natuwa sa kaniyang mga nakita, sabagay, si William pa rin ang paborito ng kanilang grandma.

“Haha, kumain lang kayo nang kumain, ako ang sasagot sa handaang ito!” tuwang tuwa na sinabi ni William.

“Waiter, ilabas niyo na ang mga wine!” sabi ni William.

Matapos ang isang sandali, dalawang mga waiter na nakasuot ng qipao ang nagdala ng menu kay William.

“Magandang gabi sir, ito na po ang menu ng aming mga wine, alin po ba sa mga ito ang gusto ninyo?”

Ikinaway ni William ang kaniyang kamay, punong puno ito ng sigla at pagkasabik habang nasa pinakamasayang okasyon ng kaniyang buhay. “Hindi niyo na ako kailangan pang papiliit sa menu! Magserve kayo ng pinakamahal niyong wine sa bawat table! Tandaan ninyo na tanging ang pinakamahal na wine lang ang iseserve ninyo!”

Matapos ng isang maiksing sandali, isang linya ng mga waiters ang lumabas at nagdala ng mga wine sa bawat table. Buong ngiti na itinaas ni William ang kaniyang wine glass at sinabing “Iinom tayong lahat hanggang tumumba na tayo sa sobrang kalasingan, cheers para sa ating lahat!”

Si William ang may pinakapinapaboran at may pinakamataas na katayuan sa buo nilang angkan ngayong gabi kaya ginawa ng lahat ang kanilang makakaya para mapalapit sa kaniya at agad na nakipagtoast gamit ang kanikanilang mga wineglass.

Sunod sunod na nagserve ng pagkain at wine ang mga waiter sa bawat lamesa ng mga dumalong bisita sa pagdiriwang. Napansin na ng lasing na si William ang paglalim ng gabi kaya ikinaway nito ang kaniyang kamay para tawagin ang waiter.

“Akin na ang bill. Gagamit ako ng card sa pagbayad!”

Kasalukuyang nakaupo si William sa tabi ni Yvonne. Nilabas niya ang kaniyang bank card na parang walang makakapigil sa anumang gagawin niya habang sinasadya ang pagpapalakas sa kaniyang boses para marinig ito ng iba. Nakatitig siya kay Yvonne habang malakas na nagsasalita. Mayroon bang kahit na sinong ayaw maimpress ang isang napakagandang babae?

Napanganga ang lahat matapos makita ang bank card ni William.

Isa itong kulay amethyst Bank platinum card!

Ang sinumang magmamayari ng isang kulay amethyst na bank card ay mangangailangan ng net worth na hindi bababa sa 1 million dollars. Mangangailangan naman sila ng hindi bababa sa 5 million dollars para magkaroon ng kulay gold na bank card at para maging isang platinum cardholder, kakailanganin muna ng isang tao na magkaroon ng net worth na hindi bababa sa 10 million dollars!

Nasa kulang kulang 30 million dollars ang kabuohang net worth ni William. Pero bilang isang businessman, hindi nangangahulugang pantay ang halaga ng kanilang net worth sa halagang laman ng kanilang bangko dahil agad nilang iniinvest ang karamihan sa kanilang kayamanan kaya madalang lang ito makita bilang pera.

Napakaraming taon na inipon ni William ang 10 million na laman ng kaniyang bangko. Katatanggap niya lang ng platinum car na ito kaya natural lang na ipagmayabang niya ang bago niyang card sa harap ng iba.

At sigurado ring maging si Yvonne Young ay mapapatingin ng isa pang beses sa card na kaniyang hawak.

Nasa 2 bilyong dolyar na ang halaga ng antique collection na pagmamayari ng mga Young, pero, pera pa rin ito ng tatay ni Yvonne. Kahit na kilala bilang isang mayaman at magandang binibili ni Yvonne, hindi pa rin aabot sa 10 milyong dolyar ang laman ng kaniyang bank account. Kaya sa sandaling magkaroon man siya ng pagkakataon para mabili ang Worship of Crystal, siguradong magrerequest ito sa kaniyang ama na magbenta ng dalawang antique sa kanilang koleksyon para magawang bilhin ang mamahaling pares ng heels na iyon.

Punong puno ng pagkamangha ang mukha ni William nang makita ang mga pagtingin ni Yvonne sa kaniya, dito na nasabik nang husto ang kaniyang dibdib.

Tumingin si William sa waiter at sinabing “Ako ang magbabayad sa bill ng bawat table maliban sa isang ito!”

Pagkatapos niyang magsalita, tinuro ni William ang table na kinaroroonan ni Darryl. Kasama niya ang ilan pang mga miyembro ng Lyndon na may napakababang mga katayuan sak anilang angkan kaya ok lang kay William na bastusin at ipahiya ang mga ito.

“Alam mo ba kung hindi ko sasagutin ang bill mo, Darryl?” sabi ni William habang tumatayo at nakatingin kay Darryl. “Ito ay dahil sa hindi mo pagbibigay ng upuan kay Ms. Yvonne kanina! Masyado ka nang nasanay sa kakapalan ng mukha mo! Paano mo nagawang umupo sa unahan na lalong nakapagpababa sa tingin naming sa iyo? Hindi natuwa si Ms. Yvonne sa ginawa mo kaya dapat ka lang turuan ng leksyon.”

Pagkatapos niyang magsalita, tumingin si William pabalik kay Yvonne “Huwag kang magalala, Ms. Yvonne, tuturuan ko siya ng leksyon para s aiyo! Hindi bababa sa 10,000 dollars ang magiging bill ng bawat table kaya sigurado ako na hindi niya ito magagawang bayaran.”

Hindi na nagsalita si Yvonne at ngumiti na lang ng bahagya.

Kinuha ng waiter ang card ni William habang nagpapatuloy ito sa pagkikipagusap kay Yvonne “Huwag kang magalala, Ms. Yvonne, gusto mo ng Worship of Crystal hindi ba? Marami akong mga kaibigan, sasabihan ko silang magtanong tanong at bilhin ang unang orihinal na heels para sa iyo!”

Marami ngang mga kaibigan si William, pero puro mga suwail lang ang mga ito. Kaya magigign isang kalokohan kung iisiping magagawa ng kahit isa sa mga ito na makahawak ng isang pares ng orihinal na Worship of Crystal.

“Salamat.” Sabi ng tumatangong si Yvonne habang nagbibigay ng isang mabait na ngiti kay William.

Sa mga sandaling ito, mabilis na naglakad at yumuko ang dalawang waiter papunta kay William.

“Paumanhin na po sir, pero kulang po ang laman ng inyong card para mabayaran ang inyong bill.”

Dito na nagalit nang husto si William. “Pinagloloko niyo ba akong dalawa? Mayroon akong 11 million dollars sa aking account kaya paano niyo nasabing kulang ang laman nito para sa bill?”

“Pasensya na po sir, pero ang total bill niyo po ay umaabot sa 38.26 million dollars.”

Related Chapters

Latest Chapter