Kabanata 9
Haha! Halos matawa nang sobrang lakas ni Darryl nang marinig niya ang halaga ng bill. Isa talagang mangmang ang William na ito! Walang sinuman sa party ang nakakaalam sa wine na inorder ni William para sa lahat, maliban na lang kay Darryl. Ito ay ang Romanée-Conti, na mayroong retail price na umaabot sa higit 1 million dollars, at higit 30 bote nito ang inorder ni William para sa lahat!

“Pinaglololoko mo ba ako?” Nagpapanic na sinabi ni William. Tumayo sya at sinabi sa waiter na “Nasa 30 million dollars ang halaga ng nakain ng higit 300 miyembro ng mga Lyndon na dumalo rito? Kung ganoon, nasa 100,000 ang average na bill ng bawat isang bisita tama? Sige, gusto kong makausap ang manager ninyo.”

Napatingin na lang ang dalawang waiter ng hotel sa isa’t isa, wala na silang nagawa kundi tawagin ang kanilang manager.

Ang kanilang manager ay isang 30 year old na lalaking nakasuot ng isang malinis na suit.

“Gusto niyo pa bang ipagpatuloy ang pagooperate ng hotel na ito?” Umabante si William at nakaturong sumisigaw sa manager ng hotel. “Nasa 100,000 ang bill ng bawat isang bisita namin? Sa maniwala ka man o sa hindi, irereport ko ang hotel na ito sa Consumers Association.”

Hindi manlang nagalala ang manager ng hotel sa mga sinabing ito ni William at tumayo lamang sa kaniyang harapan at sinabing. “Excuse me, sir. Ang wine na inyong inorder ay ang limited edition na Romanée-Conti. 800 bote lang nito ang minamanufacture taon taon sa buong mundo kaya nasa 1.63 million dollars ang market price ng bawat isang bote nito. Binigyan ka pa po naming ng discount matapos ninyong umorder ng 30 bote ng wine na ito sa amin.”

Agad na nagliyab sa galit si William at kinuwelyuhan ang manager ng hotel na nakatayo sa kaniyang harapan. “Isa itong limited edition na wine pero nagkaroon kayo ng 30 bote nito dito?! Sino bang mangmang na oorder ng wine na ito sa inyo? ha?”

Gumawa na lang ng pekeng ngiti ang manager ng hotel. Bilang isang managers sa loob ng lima hanggang anim na taon, marami na siyang mga nakita na importanteng tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Donghai City. Pero, ito ang unang beses niyang nakakita ng isang walang kakayahang tao na umaarte na parang isang mayaman.

Kinontrol ni manager ang kaniyang emosyon at sinabing “Sir, may tatlong bagay lang po akong lilinawin sa inyo. Una, sinabi niyo po kanina na gusto ninyong orderin ang pinakamahal naming wine, at nakuhanan po video ng aming cctv. Ikalawa, sinisiguro po naming na authentic at certified ang mga wine na sineserve namin dito, hindi ko rin po alam kung bakit nagkaroon ng ganito karaming bote ng mga limited edition na wine ang aming boss. At huli po sa lahat, ayusin po ninyo ang pakikipagusap sa amin.”

Thud!

Pagkatapos nitong magsalita, nasa sampung mga maskuladong lalaki ang pumasok mula sa pinto. Nakasuot ang mga ito ng mga kulay itim na short sleeved shirt na nagpakita sa mga naglalakihan nitong mga tattoo.

Sila ang mga security guard ng Oriental Pearl Hotel. Bilang pinakamarangyang hotel sa buong Donghai City, walang sinuman ang nagtangkang gumawa ng gulo sa loob ng hotel. Alam ng lahat na hindi naging maganda ang pinagmulan ng nagpapatakbo sa Oriental Pearl Hotel. Walang sinuman ang nagpakamangmang at nagsimula ng anumang gulo rito.

Makikita sa gitna ng mga ito ang isang lalaking nakasuot ng isang Chinese tunic suit habang may hawak hawak na tungkod sa isa niyang kamay. Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang boos ng Oriental Pearl na si Wayne Woodall.

Naging makaluma ang style ng suot ni Mr. Wayne, kaya napagkakamalan siya ng iba bilang isang 70 year old na lalaki. Pero 30 years old pa lang ang tunay niyang edad sa kasalukuyan.

At natural lang na nagpanic ang mga Lyndon at agad na humingi ng tawad nang dalhin ni Wayne ang mga masukuladong lalaki na ito.

Dito na tumulo ang kasing laki ng mga balang pawis ni William sa kaniyang mukha. Si Wayne Woodall ang nakatayo sa kaniyang harapan! Ang boss ng Oriental Pearl Hotel at isa sa mga kilalang tao sa larangan ng mga underground business sa Donghai City!

Matapos makita ang kanilang boss, buong loob na muling nagsalita ang manager. “Kayong mga Lyndon ay isa talagang second class na angkan. Ikaw na mismo ang nagsabi na gusto mo ng pinakamahal na wine pero nagawa mo pa ring hindi magbayad?”

“Hindi, hindi!” Sigaw ni William habang napapaatras sa kaniyang kinatatayuan.” Magbabayad kami, magbabayad kami…” Tumingin siya sa kaniyang Grandma Lyndon habang sinasabi ang mga salitang ito.

Saan ba siya makakahanap ng 30 milyong dolyar! Siguradong lalabas nang naka stretcher si William sa sandaling hindi niya mabayaran ang kaniyang bill!

“Mr. Woodall.” Hindi na nakapaghintay pa si Grandma Lyndon at nagpatulong sa ilang mga tao para makatayo, makapunta kay Wayne at yumuko sa harapan nito.

Kung edad ang paguusapan, mas matanda nang husto si Grandma Lyndon kaysa kay Wayne, pero kung paguusapan ang kanilang mga katayuan, hinding hindi magagawang mabastos ni Grandma Lyndon ang isang tao na kagaya ni Wayne.

“Nagkamali ang angkan naming mga Lyndon.” Nakayukong humingi ng tawad si Grandma Lyndon. “Masyado pang bata at padalos dalos ang aking apo kaya ako na ang humihingi ng tawad sa kaniyang mga nagawa. Babayaran na rin naming ang bill ngayundin.”

Matapos makita ang pagyuko ni Grandma Lyndon, hindi na napakali ang mga nakababatang Lyndon. Ano ba ang nagawa nila rito? Wala namang nagsabi kay William na gawin niya ang bagay na iyon, at wala rin sa kanila ang may gustong uminom ng pinakamahal na wine!

Nagawa ring isearch sa online ng ilang mga batang Lyndon ang tungkol sa bote ng wine na nasa kanilang table, at dito nila nadiskubre na nagkakahalaga nga ng higit sa isang milyon ang bawat isang bote nito.

Walang tigil na humingi ng tawad si William matapos makita ang ginawa ng kaniyang Grandma Lyndon. Dito na agad nagmadaling nagsibigay ng nagagandahang mga papuri bilang suporta ang iba pang mga miyembro ng pamilya Lyndon.

Tanging si Darryl lang ang tumayo at naglakad palabas, hindi dahil sa sitwasyong kinakaharap ng mga Lyndon, kundi dahil si Wayne ay matagal na niyang kaibigan!

Nang nagsisimula pa lang si Wayne sa kaniyang negosyo, bumisita ito sa angkan ng mga Darby para gumawa ng deal. Wala pa itong pera o kapangyarihan noong mga panahong iyon kaya walang sinuman sa mga Darby ang tumanggap sa kaniya.

Noong mga panahon din na iyon, 14 years old pa lang ang batang si Darryl, pero naramdaman na niya ang pagpupursige na ginawa ni Wayne kaya nagawa niyang maginvest ng 300,000 dollars dito na nagpaiyak kay Wayne sa sobrang pagpapasalamat.

Sa totoo lang, mas maituturing bilang sponsorship at hindi investment ang ginawa ni Darryl dahil hindi ito nanghingi ng kahit na anong shares sa mga negosyo ni Wayne. Sa sobrang tagal ay halos makalimutan na ito ni Darryl. Pero siya makapaniwalang makikita niyang muli si Wayne sa araw na ito, na nagtagumpay sa pagsisimula ng kaniyang negosyo at naging boss ng Oriental Pearl Hotel.

Kaya sigurado si Darryl na hindi siya nagkamali sa pagiinvest sa nagsisimulang si Wayne noon.

Nakayukong naglakad si Darryl palabas ng hotel, ginawa niya ang lahat para hindi siya makilala ng nakatayong si Wayne.

“Sandali lang kaibigan,” sabi ni Wayne habang naglalakad papunta kay Darryl.

Nagalit dito nang husto ang mga Lydnon. Nawawala na ba sa kaniyang sarili si Darryl? Isang simpleng paghingi ng tawad at pagbabayad lang ang kailangan nilang gawin para matapos na ang gulong ito, pero bakit pa niya maiisip na tumakas maging sa mga sandaling ito?

“Anong nangyayari sa asawa mong iyan, Lily? Gusto ba niyang tumakas?” Sabi ng ilang mga babaeng Lyndon.

“Oo nga, sinabihan ka na naming lahat na makipagdivorce ka na sa basurang iyan sa lalong madaling panahon, pero hindi mo kami pinakinggan!”

“At ngayon ay sinusubukan naman niyang tumanas, siguradong magagalit dito nang husto si Mr. Wayne, at sigurado rin ako na magdurusa tayo sa ginawa niyang iyan!” Sigaw ng mga babaeng Lyndon habang nakaturo kay Lily.

Pero wala nang nagawa pa si Lily kundi mapakagat sa kaniyang labi. Nawala na ang lahat ng natitirang pride sa kaniyang dibdib matapos makita ang pagtakas ni Darryl sa eksena, mas pipiliin pa niyang ilubog ang kaniyang ulo sa lupa sa mga sandaling ito.

“Mister Wayne!” Mabilis na tinawag ni William si Wayne at lumapit dito habang nakaturo kay Darryl. “Huwag ka po sanang magalit, Mr. Wayne, ang lalaking iyan ay ang manugang naming nakikitira lang sa bahay ng kaniyang asawa, at hindi niya kami binigo na bigyan kami ng kahihiyan sa harapan ng lahat at ipakita na isa lang talaga siyang basura. Wala nang kuneksyon ang aming angkan sa ginagawa niyang pagtakas sa harapan ninyo ngayon! Ito na po at magbabayad na kami ng aming bill…”

“Umalis ka sa harapan ko!” Sigaw ni Wayne habang nakaturo kay William.

Tinakot at pinanginig hanggang sa kaniyang mga buto si William ng dumadagundong na boses ni Wayne. Matapos nito ay hindi na niya nagawa pang gumawa ng kahit isang maliit na ingay at nakatulalang tumayo na lang sa harapan ni Wayne.

Hindi makapaniwala rito si Wayne! Hindi siya makapaniwala na makikita niyang muli ang binatang ito!

Pitong taon na ang nakalilipas, kulang na kulang ang perang hawak ni Wayne para simulan ang kaniyang negosyo. Walang sinuman ang tumulong sa kaniya sa mga panahong ito, sabagay, isa pa lang siyang sanggano noong mga panahong iyon. At tanging ang ikalawang young master ng mga Darby na isang 14 taong gulang na binata lang ang nagisponsor sa kaniya ng napakalaking halaga ng pera! Binigyan siya ni Darryl ng 300,000 nang walang hinihiling na anumang kapalit! Kaya habang buhay na itong utang na loob ni Wayne sa kanya, at kahit na kailan ay hinding hindi magagawang makalimutan ni Wayne ang ginawang ito sa kaniya ni Darryl!

Kung hindi lang sa 300,000 na ibinigay sa kaniya ni Darryl, siguradong pakalat kalat pa rin sa kalye si Wayne hanggang ngayon!

Nang tuluyang magtagumpay ang kaniyang negosyo nitong nakaraan, agad na nagpakalat ng mga tao si Wayne para hanapin ang binatang ito. At ang tanging balita lang na bumalik sa kaniya ay ang tungkol sa pagtatakwil na ginawa ng mga Darby sa binatang ito kaya wala nang kahit na sino ang nakakaalam ng kaniyang kinaroroonan.

At ngayong araw, sapat na ang bahagyang pagtingin ni Wayne sa likuran ni Darryl para tuluyan niya itong makilala!

“Kayo po ba iyan, ikalawang young master…”

Maririnig ang bahagyang panginginig sa boses ni Wayne, hindi maiimagine ng kahit na sino na ang isang lalaki na halos nakaexperience na ng lahat ay magiingat na parang isang bata.

Buwisit! Hindi na ako makapagtatago pa!

Nagngitngit ang mga ngipin ni Darryl at tumalikod para humarap kay Wayne.

Thump!

Sa loob ng isang iglap, tuluyan nang tumigil ang mundo ni Wayne at agad na lumuhod sa sahig ng kaniyang hotel!

“Nahanap na rin kita, tatlong taon din kitang walang tigil na hinanap! Habang buhay akong magpapasalamat sa naging kabutihang loob mo sa akin!” nasasabik na sigaw ni Wayne habang bumubuhos ang luha mula sa kaniyang mga mata..

Dito na tuluyang napanganga ang bawat tao sa loob ng Oriental Pearl Hotel na nakasaksi sa mga pangyayaring ito.

Kagulat gulat!

Talagang kagulat gulat!

Kasalukuyang nakaluhod ang isang boss na may bilyon bilyong net worth habang sabik na sabik na parang isang bata!

Kalmadong tumayo lang doon si Darryl nang hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon! Hindi siya nagpakita ng kahit na anong saya o lungkot sa kaniyang mga nakita!

Anong ibig sabihin nito?!

“Ano pong nangyari, Mr. Wayne? Nadapa po ba kayo?” Mabilis na yumuko si Darryl para itayo ang nakaluhod na si Darryl habang walang tigil na kumikindat dito.

Ano bang klase ng tao si Wayne? Matapos niyang makita ang ginawa ni Darryl, agad niyang naintindihan na ayaw ni Darryl na ipakita sa pagkakataong ito ang tunay niyang pagkatao.

“Hindi lang ako nakatayo nang maayos…” mahinahong sumagot si Wayne at huminga nang napakalalim. “Pasensya ka na, napagkamalan lang pala kita…”

“Phew…”

Matapos marinig ang mga salitang ito, nakahinga na rin nang maluwag ang mga Lyndon.

Mukhang hindi lang pala nakatayo nang maayos si Wayne…

Tama, paano nga ba magiging kaibigan ni Mr. Wayne ang isang basurang kagaya ni Darryl.

“Makinig kayo sa akin.” Kinalaunan ay nagsalita na rin si Grandma Lyndon habang nakatingin sa buong dining hall.

“Nagkakahalaga ng higit 38 million dollars ang buong handaang ito, kaya hindi ito solong babayaran ni William.” Sabi ni Grandma Lyndon.

Dito na nagliwanag ang mukha ni William matapos marinig ang mga salitang iyon na nanggaling sa kaniyang lola, siguradong napakaganda nga nang ginagawa nitong pagtrato sa kaniya!

“Ang handaang ito ay nagkakahalaga ng nasa 100,000 dollars kada tao, at dapat lang ninyong bayaran ang inyong mga nakain.” Dagdag nito.

Dito na nagsitango ang mga dumalo sa selebrasyon ng mga Lyndon. Kahit na isa lang second class na pamilya ang mga Lyndon, maliit pa rin para sa mga ito ang 100,000 dollars.

Pero bumagsak ang mukha ng dalawa sa mga dumalong tao sa pagdiriwang!

Natural lang na ito ay sina Lily at Samantha. Nagkaroon ng malaking problema ang kanilang kumpanya nitong nakaraan at katatapos tapos lang nila sa 5 million dollars na problema nito, kaya ilang araw nang walang laman ang kanilang mga bank account.

“Mukhang hindi maganda ang itsura mo ngayon Lily. Huwag mo sabihing wala ka nang sapat na pera para bayaran ang mga nakain ninyo?” Tawa ni William. Siguradong alam niya na gipit ngayon si Lily kaya sinabi niya ito nang malakas para ipahiya ito.

“Hi…”

Nakatingin ang lahat sa kaniya habang namumula nan ang husto ang mukha ni Lily. Matapos nang isang sandali, saka lang ito nakasagot ng “Hi…Hindi ko nadala ang bank card ko.”

Related Chapters

Latest Chapter