Kabanata 12 Itapon mo
Author: Lemon Flavored Cat
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Madalas itong nangyayari nung bata palang si Arianne, pero hindi niya masyadong matandaan ito dahil awkward ito para sa kanya.

Dahil malapit siya kay Mark Tremont, naamoy ni Arianne ang tobacco na bumabalot sa kanyang katawan at naamoy niya rin ang bakas ng… alak– nakainom na naman siya!

"Wala na si Will Sivan, sino na naman 'to? Hanggang sa huli, magkasama tayong tatanda… sabihin mo sa akin kung sino ang nagbigay nito sayo." Nakakasindak na sinabi ni Mark Tremont.

Hindi makasagot si Arianne Wynn sa sobrang takot.

Si Mark Tremont mismo ang dahilan kung bakit umalis si Will Sivan. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kung sasabihin ni Arianne na galing kay Will Sivan ang regalo?

Kaya naisip ni Arianne na hindi sabihin kay Mark Tremont na si Will Sivan ang nagbigay nito sa kanya.

"Hin… hindi ko alam…"

"Hindi mo alam? Bakit mo tinatago kung hindi mo alam? Ari… pasaway ka na naman…" Nakahawak ang kamay ni Mark Tremont sa balakang ni Arianne at humigpit ang hawak niya dito nang magsalita siya.

Kinakabahan si Arianne Wynn at hindi niya alam kung hanggang kailan siya magsisinungaling. "Hindi ko talaga alam…"

Hindi na nangulit si Mark Tremont, binaon niya ang kanyang ulo sa leeg ni Arianne at inamoy niya ito. "Alam mo na ang mangyayari kapag nangyari ulit 'to."

Hindi niya pinaalis si Arianne, maingat niyang pinadaan ang malambot niyang mga labi sa leeg at braso ni Arianne.

Nabulabog ang isip ni Arianne. Para sa kanya, mangyayari lamang ito kapag gusto mo ang isang tao.

Galit si Mark Tremont sa kanya, pero bakit niya ito ginagawa?

Gayunpaman, nanatiling walang kibo si Arianne at sumusunod lamang siya kay Mark Tremont. Hindi niya sinubukang sumuway sa lalaking ito.

Akala ni Arianne ay ipapagpatuloy ni Mark Tremont ang ginagawa niya, pero bigla siya nitong tinulak.

Hinahabol ng lalaki ang kanyang hininga na parang pinipigilan niya ang kanyang sarili.

Nagtatakang nakatingin sa kanya si Arianne. Hinihintay niya kung anong susunod na gagawin sa kanya ni Mark Tremont.

Kinuha ni Mark Tremont ang mga regalo at inabot niya ito kag Arianne. Maririnig ang boses niyang nakakatakot, "Itapon mo 'yan."

Sumimangot si Arianne. Gusto ba ni Mark Tremont na itapon niya ang mga ito gamit ang sarili niyang mga kamay?

"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?" Sumimangot si Mark Tremont, makikita sa kanyang mga mata na sasabog na siya.

Hindi na nagdalawang isip pa si Arianne. Mabilis niyang kinuha ang regalo at tinapon niya ito sa basurahan.

Pagkatingin niya sa kanyang likuran, nabigla siya sa nakita niyang ngiti sa gilid ng labi ni Mark Tremont.

Kinabukasan, late nang nagising si Arianne nang dahil kay Mark Tremont.

Kagabi, walang nangyari sa kanila ni Mark Tremont. Maliban na lang ang paghalik niya sa leeg ng dalaga. Sobrang nagtaka si Arianne sa pangyayari na iyon.

Naghihintay sa may pintuan si Butler Henry. "Miss, ako ang maghahatid sayo sa school. Tinapon na ni sir ang… bisikleta mo."

Walang sinabi si Arianne. Masisira na rin naman ang bisikleta niya at oras para itapon ito.

Malapit na sa campus ang kotse, kaya sinabi ni Arianne kay Butler Henry na ihinto ang kotse.

"Pwede mo na akong ibaba dito, Tito. Ilang metro na lang naman ang layo nito sa campus. Maglalakad na lang ako." Nag-park sa gilid si Butler Henry.

"Mag-ingat ka pala. Tawagan mo ako kapag tapos na ang klase mo. Susunduin kita."

Napaisip si Arianne. "Dito mo ako hihintayin pagkatapos ng klase ko. 'Wag kang mag-park malapit sa campus gate."

Ayaw niyang malaman ng kahit sino ang relasyon nila ni Mark Tremont. Malaking kahihiyan ito para kay Mark Tremont.

Pagkarating ni Arianne sa gate, nakita niya si Tiffany na naghinihintay sa gate, ugali na niyang hintayin ang kayang kaibigan araw-araw. "Bakit ka late?"

"Late na ako nagising," simple lang ang sagot ni Arianne. Pinatong ni Tiffany ang kanyang braso kay Arianne, tulad ng lagi niyang ginagawa, at sinabayan niyang maglakad ang kanyang kaibigan.

"Parang ngayon ka lang na-late magising. Na-late din tuloy ako kakahintay sayo." Sabi ni Tiffany.

Magsasalita na sana si Arianne Wynn nang biglang sumakit ang kanyang tiyan.

Nakita ni Tiffany na may nangyari kay Arianne kaya hinila niya ito sa kanya. "Anong problema?"

"Wala." Umiling si Arianne.

"Sure ka? Gusto mong ipa-check ‘yan sa clinic?"

"Wag na, late na rin tayo, eh. Bilisan na natin, tara." Umiling na lamang si Arianne at nagmadali siyang pumunta sa studio habang hinihila niya si Tiffany.

Pagkarating nila sa studio, basang-basa ng pawis si Arianne dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang tiyan.

Tiningnan siya ng masama ng tutor. "Alam niyong may klase pero late kayo. Tumayo muna kayo diyan."

Related Chapters

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 13 Ang Pagtatagpo

    Nanatiling tahimik si Arianne. Pumatong siya sa pader dahil nahihirapan siya sa masakit niyang tiyan. Masama ang loob ni Tiffany Lane, pero hindi siya pwedeng mag rason dahil kasalanan niya din naman kung bakit sila pinarusahan. Tumayo siya sa tabi ni Arianne at tiningnan niya ang dorm building na under construction pa. "Alam mo ba na pinagawa ni Mark Tremont ang dorm na 'yon? Ang garbo kamo. Sobrang yaman niya. Wala ang pamilya namin kumpara sa kanya. Ari, nabalitaan ko na bibisita siya ngayong araw sa campus…"Wala siyang nakuhang sagot kay Arianne. Parang impyerno ang sakit na nararamdaman ni Arianne sa kanyang tiyan. Sa isang saglit, lumabas ang instructor nila. "Ang kapal talaga ng mukha niyong dalawa! Pinarusahan ko na kayo pero nagdadaldalan pa kayo? Ilabas niyo ang drawing board niyo at sa corridor kayo mag-drawing! Tingnan niyo kung kaya niyong ipasa ang pinapagawa ko pagkatapos ng klase!"Nakaangat ang baba ni Tiffany Lane nang magmartsa siya papunta sa classroom p

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 14 Ang Pinagdaanan ni Arianne Wynn

    Kinilabutan ang dean."Mr. Tremont… siya lang ang ganoon… bukod tangi na siya lang ang may ganoong ugali. Temporary worker ang tutor. Ako na mismo ang magtatanggal sa kanya!" Walang sinabi si Mark Tremont. Makikita lamang ang apoy sa kanyang mga mata mula sa galit na namumuo sa kanyang puso.Biglang sumabad si Tiffany. "Anong temporary worker?" Walang masabi ang dean. "Miss Lane, 'wag kang mangialam. Hindi pwedeng mangialam ang estudyante sa problema ng school!"Sumimangot si Tiffany, sasagot na sana siya nang biglang lumabas ang doktor. "Nasaan ang pamilya ng pasyente?""Ako." sabay na sinabi ni Tiffany Lane at Mark Tremont.Nabigla si Tiffany sa boses ni Mark Tremont.Sinabi ni Tiffany na ka-pamilya niya si Arianne dahil hindi niya ma-contact ang kuya nito. Nakakapagtaka, bakit sumagot rin si Mark Tremont?Tama lang na kinausap ng doktor si Mark Tremont, mas mapagkakatiwalaan na sa kanya ipaliwanag ang sitwasyon. "Nasa maayos na kalagayan na ang pasyente. May gastritis siy

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 15 Isang Kahihiyan

    Sa isang saglit, bumalik ang manhid na tingin ni Mark Tremont. Totoo ba ang lungkot na nasa mga mata ni Mark Tremont kanina habang nakatingin siya kay Arianne?"May masakit pa ba sayo?" Manhid na sinabi ni Mark Tremont.Umiling si Arianne Wynn. Uminit ang mukha ni Arianne nang makita niya ang mainit kamay ni Mark Tremont na nakahawak sa kanya. "Okay lang ako… hindi ko alam na pupunta ka pala sa campus. Naging pasakit pa ako sayo."Naging pasakit sa kanya? Sumimangot si Mark Tremont. "Ayaw mong maging pasakit sa akin, pero okay lang na maging pasakit ka sa iba? Arianne Wynn, hindi mo kailangang mag mukhang nakakaawa sa harap ng ibang tao. Kailangan mo pa bang mamatay bago ka manghingi ng tulong sa akin?!"Kinagat ni Arianne Wynn ang kanyang labi dahil natakot siya. Galit na naman si Mark Tremont…Pagkalipas ng ilang saglit, tumayo si Mark Tremont nang makita niyang paubos na ang drip, kaya tumawag siya ng nurse para tanggalin ito kay Arianne.Hindi niya tiningnan si Arianne at m

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 16 Masyadong Mabait

    Hinawakan ni Mark Tremont ang kanyang baba. Walang bahid ng malasakit ang boses ni Mark Tremont at ang tono ng pananalita niya ay pautos."Babalik ka sa school kapag maayos at malakas na ang katawan mo. 'Wag kang nagmumukhang kawawa sa harap ng ibang tao!"Nainis si Arianne Wynn at bigla siyang tumayo. "Hindi…"Tahimik si Mark Tremont habang nakatitig siya ng masama sa dalaga.Napakagat si Arianne sa kanyang labi at nanginig ang kanyang boses, "Mag-aaral ako ng mabuti at ibabalik ko sayo lahat ng pera na ginastos mo para sa akin. Nagpapasalamat ako dahil inalagaan mo ako ng sampung taon. Aalis na ako kapag nakapasok na ako sa internship."Lumabas na ang katotohanan. Hindi naniniwala si Arianne na buong buhay siyang dedepende kay Mark Tremont. Malaki ang utang na loob niya dito at ayaw niya na patuloy siyang tutulungan ng lalaking ito. Tumawa ng malakas si Mark Tremont. Ang ngiti niya ay tulad ng malayong buwan, malayo, hindi makakamit at hindi kanais-nais."Ako na mismo ang

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 17 Handang Isakripisyo ang Sarili para sa Kanya

    Ngayon lang natandaan ni Arianne Wynn na ngayon pala ang campus function event at darating din ngayon si Mark Tremont…Hindi pa siya umuwi simula noong araw na iyon. Anong mararamdaman niya kapag nakita niya ngayon si Mark Tremont?Sa isang saglit, binalot ng emosyon ang puso ni Arianne."May… sinabi ka ba sa kanya?"Hindi napansin ni Tiffany Lane ang tuliro niyang kaibigan. "Wala naman. Pero nagreklamo ako sa kanya tungkol sa kuya mo. Epal kasi yung kuya mo, eh!"Walang masabi si Arianne. Kaya pala ang galit ni Mark Tremont sa kanya ay parang sumabog na bulkan – este, parang iceberg na sumira sa titanic… Sumama siguro ang loob ni Mark Tremont habang sinusumpa siya ng harap-harapan ni Tiffany. Sa isang saglit, umalingawngaw ang mga sigaw at tili mula sa baba. Sumabog ang adrenaline ni Tiffany, kaya hinila niya si Arianne at tumakbo sila papunta sa baba ng school. "Nandito na si Mark Tremont! Puntahan natin siya!"Kinabahan si Arianne dahil hindi niya alam kung paano haha

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 18 Ang Kanyang Guardian

    Nangutya lamang si Mark Tremont. Kinilabutan at napatahimik ang dean dahil sa mapanglait na sagot ng katabi niya. Ilang oras ang lumipas, ilang mga bodyguard na may suot na black suits ang nagmamadaling pumunta kay Mark Tremont. "Sir, inimbestigahan na namin kung sino ang kriminal. Mentally challenged ang taong iyon. Twenty-one years old ang edad niya at anak siya ng tindera sa cafeteria. Madalas siyang runner ng cafeteria. Walang rason ang pananaksak niya at hindi niya kayang sumagot nung tinanong na siya kung bakit niya ginawa 'yon. Malaki ang posibilidad na hindi siya makukulong dahil sa kondisyon niya.""Dalhin niyo siya sa mental institution! Dapat ba pakalat kalat lang ang isang aggressive lunatic sa campus, para makapanakit pa siya ng ibang tao?" Galit na galit si Mark Tremont. Umalingawngaw ang nakakatakot niyang boses sa buong corridor. "Yes, sir!" Mabilis na umalis ang mga bodyguard.Makikita sa mukha ng dean na nag aalala at siya ay nangangambang magsalita. Tiningnan

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 19 Alagaan Siya

    "Gising ka na?" Sinara ni Mark Tremont ang laptop niya at tumingin siya kay Arianne. "Mm…" Gusto sanang tumayo ni Arianne, pero sumakit ang sugat sa kanan niyang braso kapag gumagalaw siya. Doon niya lang natandaan kung anong nangyari. Lumapit sa kanya si Mark Tremont para tingnan ang sugat niya. "Teka, 'wag kang gumalaw."Sumunod si Arianne sa kanya. Sa isang iglap, biglang naramdaman ni Arianne na kailangan niyang pumunta sa kubeta. Gusto niyang pumunta sa kubeta pero si Mark Tremont lang ang nandoon at hirap pa siyang gumalaw… sumasakit ang sugat niya tuwing gumagalaw siya. Napansin ni Mark Tremont na hindi mapakali si Arianne kaya tinanong niya ang dalaga, "Gusto mo bang pumunta sa kubeta?""Oo…" namula ang mga pisngi ni Arianne.Tahimik lang si Mark Tremont habang tinutulungan niyang tumayo si Arianne, kakaiba ang pagka-maingat ng lalaking ito kumpara sa normal niyang ugali. Pinagpapawisan pa rin si Arianne sa sobrang sakit, kahit na tinulungan na siyang tumayo. Makik

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 20 Ayaw Ko

    Nanginig ang kamay ni Arianne na nakahawak sa kutsara. Tiningnan niya ang bowl at nakita niya na kalahati na lang ang soup. Nagdalawang isip muna siya bago niya sinabi, "Mary, bigyan mo pa ako ng soup..."Alam ni Mary kung anong ginagawa ni Arianne kaya malumanay siyang sumagot, "Ah, bakit ka ba takot kay sir? Hindi ka naman niya kakainin."Pagkatapos niyang kumain, naglakad si Arianne paakyat ng hagdan matapos linisin ni Mary ang lamesa.Nakabukas ng kaunti ang pintuan ng master's bedroom, kumatok pa rin siya bago pumasok.Binabasa ni Mark Tremont ang mga dokumento sa harap ng French Window habang may sigarilyo sa gitna ng kanyang mga daliri. Makikita ang kalahating wine glass na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi niya. Agad niyang pinatay ang sigarilyo na hawak niya dahil umubo si Arianne. "Pasok ka."Lumapit siya kay Arianne. "May kailangan ka ba?"Binaba ni Mark Tremont ang mga dokumento sa kanyang mga kamay. Sa isang saglit, hinila at niyakap niya si Arianne Wynn. "M

Latest Chapter

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1901 Ang Ilaw Sa WAKAS Ng Walang Hanggan

    Matagal nang hindi narinig ni Arianne ang pangalang iyon, ilang segundo siyang napaatras sa pagkataranta bago tuluyang naalala ang kanyang mukha.Shelly-Ann Leigh... Siguradong ginugol niya ang lahat ng mga taon sa mental na institusyon, tama ba? Alam ng Diyos kung ang buhok ng babae ay kulay-abo na at puti na sa kabuuan.Kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay, ang isang tao ay maaaring tumayo upang patawarin ang lahat ng kasaysayan sa pagitan nila—kahit ang mga madilim, kahit na ang ledger ay punong-puno—para sa kabutihan. Kaya, sagot ni Arianne, “I’ll go with you. Kahit anong mangyari, nanay mo pa rin siya."Hindi inaasahan ni Mark ang sagot na iyon mula sa kanya. Sa gulat niya ay napayuko siya at nag-iwan ng halik sa labi nito. “Alam kong pinili ko ang tamang babae bilang asawa ko. Akala ko hindi ka papayag na samahan ko siya sa mga huling araw niya…”Walang sinagot si Arianne. Hindi siya masyadong makulit na susubukan niyang manalo sa isang babae na ang mga araw ay bilang

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1900 Lumipad Papalayo Sa Dilim Ng Gabi Ang Uwak At Naiintindihan Na Hindi Siya Kailanman Nabibilang Sa Mga Puti At Ginto

    Ngumisi si Arianne. “Nakakaawa ka naman, parang isang basang sisiw. Hindi ako ganoon ka-tanga para galitin ang ina ng lalaking gusto ko kung ako ikaw, girl. Lalo na hindi ako magsasabi ng kahit anong kasing baba ng IQ niyan. Hayaan mo akong maging tapat sa iyo: walang sinumang may apelyido na Leigh ang makahihigit sa akin—nabigo lang ang huling sumubok. At Nabigo siya ng matindi. Nakakasiguro ako na iiwan mo kami sa loob ng tatlong araw. Kapag mali ako, pwede kang manatili dito magpakailanman. Gusto mong makipagpustahan? Hinahamon kita."Iniwan niya ang kanyang pananakot na nakabitin at ibinalik ang kanyang wheelchair, naiwan ang hinamak na dalaga.Ang galit ay lumabas kay Raven habang ang mga alon ng lindol sa kanyang buong katawan. Malapit na siyang mag-hyperventilation, ngunit bago pa man ito naging imposible, lumapit siya at pinilit ang sarili na kumalma. She had a feeling na kahit na himatayin siya doon at pagkatapos, walang makakadiskubre sa kanya, hindi ba?Ngayong bumalik si

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1899 Hindi Pala Ako Lumilipad Kasama Nila Bumabagsak Pala Ako Mag-isa

    Si Melissa ang tipo na palaging nagtutulak sa mga bagay na maging maligaya hangga't makatwiran. Tumalon siya sa kanyang mga paa at itinaas ang kanyang tasa, “Yo, everyone! Mag-toast tayo dahil magiging cousin-in-law ko na si Cindy!"Ang mga tao ay masigasig na sumagot sa kanilang mga tasa sa hangin at isang dagundong—maliban kay Raven, na nanatiling nakaupo. “Mayroon akong sickly constitution. hindi ako makainom. Ako ay humihingi ng paumanhin."Napaka-mechanical ng kanyang ngiti, masyadong mapula ang kanyang mukha. May kung anong kumislap sa mga mata ni Arianne bago siya sumagot, "Oo naman."Matapos mawala ang pagsasaya, inihatid ni Arianne ang kanyang wheelchair patungo sa courtyard. Ang panlabas na anyo ng Tremont Estate ay tila nagyelo sa oras, kung kaya't ang pagpunta rito ay nagparamdam sa kanya na... ligtas.Siyempre, iyon ay sa kabila ng pagpanaw nina Henry at Mary. Sa huli, lumipas ang oras at nagbago ang mga bagay, dumarating at umalis ang mga karakter at bagay, at lahat n

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1898 Talagang Naiiba Na Parang Isang Uwak Sa Gitna Ng Mga Puting Sisne

    Hinawakan ni Arianne sa kamay ang dalawang dilag at ngumiti. "Salamat! Sus, para sa akin… para kayong dalawa ay tumanda sa isang kisap-mata! Ang ganda niyong dalawa! Cindy, nasaan ang kapatid mo? Hindi pa umuuwi si Plato?"Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang mahal na kapatid ay napa-pout si Cynthia. “Sabi niya uuwi siya kalahating buwan na ang nakalipas—yun ang sabi niya. Sino ang nakakaalam kung ano talaga ang kanyang ginagawa, bagaman? Anyway, who cares about that no-good. Palagi naman siyang ganito. Ah, medyo mainit ang panahon. Dapat siguro pumasok na tayo sa loob."Tumango si Arianne at binigyan ng maikling, hindi mapakali na tingin kay Aristotle. Ni minsan ay parang gusto niya itong kausapin... Hindi kaya binibilang ng bata ang kanyang mga hinaing sa kanyang isipan? Si Mark at Arianne ay nanatili sa Switzerland nang napakatagal; Mahirap siguro ang buhay para sa kanya nang mag-isa.Hanggang sa makarating siya sa sala ng mapansin niya si Raven. "Millie, ito ba ang iyong nakabab

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1897 Ang Pagbabalik Ng Reyna

    Napatigil ang buong pagkatao ni Aristotle.Labing-siyam na taon niyang hinintay ang balitang ito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namatay ang mga apoy, lalong namamanhid ang puso, hanggang sa mismong pag-iisip ay wala na itong pinagkaiba sa panaginip na tubo. Ngunit ngayon, nakarating sa kanya ang balitang nagkatotoo at nagdulot sa kanya ng agos ng damdamin.Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay bumulong siya, "Kailan... Kailan sila babalik?"Isinara ni Jackson ang distansya sa pagitan nila at binigyan ang binata ng magaan, nakakaaliw na tapik sa mga balikat. “Not so soon, I bet; hindi kapag kakagising lang ng nanay mo at nangangailangan ng oras para gumaling. Labinsiyam na taon siyang natutulog, alam mo ba. So maybe after she’s recuperated enough for a while…” sagot niya. “Labinsiyam na taon na nating hinintay ito, di ba? Ano ang naghihintay para sa kaunti pa lamang kumpara doon? Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ay ang pamahalaan ang kumpanya sa abot ng iyong ka

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1896 Nagising Na Ang Mama Mo

    Hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon si Cynthia kaya hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Gustung-gusto niya ang pakiramdam na kasama si Aristotle at kung paano siya pinrotektahan nito mula noong mga bata pa sila. Kahit na si Aristotle ay naging medyo dominante at "makulit", hindi siya nabigla sa kanya. Sa halip, nakaramdam pa siya ng kaunting paggalaw, na nakakamangha.Hindi alam kung paano sila napadpad sa kama, na magkasabay ang kanilang mga hininga. Bukod sa huling hakbang, nagawa na nila ang halos lahat ng maaaring gawin.Nang malapit na silang tumama sa huling hakbang, biglang huminto si Aristotle at tinulungang hilahin ang mga saplot sa ibabaw ni Cynthia. "Matulog na tayo, good night."Naliligaw pa rin si Cynthia kanina. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Aristotle, at hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. Matagal na siyang nagpumiglas bago niya nakumbinsi ang sarili na sumabay sa agos...Kinabuka

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1895 Hindi Mo Ba Ako Mahal

    Narinig ni Cynthia ang sinabi ni Aristotle, ngunit hindi tumigil ang kanyang mga kamay sa ginagawa nila. Napakagulo ng ulo niya. “Wala... hindi na kailangan. Magagawa ko na ang mga ito ngayon. Sige na matulog ka na muna. Nga pala, saan ako matutulog ngayong gabi? Napakaraming kwarto dito, hihilingin ko kay Agnes na tulungan akong maglinis."Lumapit si Aristotle sa kanya at nag-squat. Hinawakan niya ang braso niya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay isinara ang bagahe. "Dito ka na lang matulog at itigil mo na ang pag-aayos."Naghinala si Cynthia na baka nagkamali siya ng narinig. Napatulala siyang napatingin sa malaking kama sa likuran niya at biglang naramdaman ang pag-aapoy ng palad niya na hawak niya. “Y… Nagbibiro ka, di ba, Ares? Bagama't madalas kaming natutulog sa isa't isa noong mga bata pa kami, lahat kami ay malalaki na ngayon, kaya hindi ba iyon ay medyo hindi naaangkop?"Sinabi ni Aristotle na may tuwid na mukha, "Hindi ako nagbibiro."Bahagyang nataranta si Cy

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1894 Nasa Iisang Kwarto Silang Dalawa

    Alam ni Melissa na hinalikan ni Aristotle si Cynthia, kaya alam niya kung ano ang nangyayari. Hence, she very naturally boasted, “Siyempre, engaged na sila sa isa’t isa since they were born. Kung nagkataon, pareho ang naramdaman nilang dalawa sa isa't isa sa kanilang paglaki, kaya hindi ba ito magpapaganda? From the way I see it, hindi na gagaling ang sakit mo sa buong buhay mo at malamang na maghihintay silang dalawa hanggang sa makapagtapos si Cindy bago sila ikasal. Kaya, mas mabuting bumalik ka sa France nang maaga hangga't maaari. Huwag kang mag-alala, nailigtas mo na ang buhay ni Aristotle noon, para hindi siya maging maramot sa iyo sa pananalapi."Gustong pigilan ni Raven ang kalungkutan na nasa puso niya, ngunit ayaw sundin ng kanyang emosyon ang kanyang kalooban. Kaya naman, pilit niyang pinilit na makawala sa pagkakahawak ni Melissa. Saglit na nagulat si Melissa. "Baliw ka ba?"Pagkatapos noon, bumalik sa katinuan si Raven at huminga ng malalim. “I’m sorry... medyo masama a

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   

    Kabanata 1893 Hindi Ba Magseselos Ang Fiance Mo

    ‘Hindi ka ba nag-aalala?’ Galit na galit si Melissa kaya natawa siya. "Ako lang ba ang nag-aalala sa wala? Akala ko ba mahal mo ang kapatid ko? Ang lalaking pinapangarap mo araw-araw ay bumalik mula sa France ngunit may dalang babae, ngunit hindi ka naman nag-aalala? Isantabi muna natin sandali ang intensyon ng iyong mga magulang. May lakas ng loob ka bang sabihin na hindi mo siya mahal? Tinutulungan lang kita dahil matalik kong kaibigan, kaya hindi ka ba masyadong maluwag, na para bang tinutulungan kita nang walang dahilan?"Umiling si Cynthia at hininaan ang volume habang sinasabi, “He... might have confessed to me. Kami rin… ginawa na rin namin iyon. Kaya, sa tingin ko hindi niya nararamdaman iyon kay Raven. It's purely because she saved his life once. Nagtitiwala ako na kakayanin ni Ares nang maayos ang sitwasyon."Nanlaki ang mga mata ni Melissa. "Ano? Ilang araw lang siyang bumalik, nag-sex na kayong dalawa? Ganun kabilis?! Hindi ko alam ito, ngunit talagang nakuha mo ito sa iy