Home / Romance / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 18 Ang Kanyang Guardian
Kabanata 18 Ang Kanyang Guardian
Nangutya lamang si Mark Tremont. Kinilabutan at napatahimik ang dean dahil sa mapanglait na sagot ng katabi niya.

Ilang oras ang lumipas, ilang mga bodyguard na may suot na black suits ang nagmamadaling pumunta kay Mark Tremont.

"Sir, inimbestigahan na namin kung sino ang kriminal. Mentally challenged ang taong iyon. Twenty-one years old ang edad niya at anak siya ng tindera sa cafeteria. Madalas siyang runner ng cafeteria. Walang rason ang pananaksak niya at hindi niya kayang sumagot nung tinanong na siya kung bakit niya ginawa 'yon. Malaki ang posibilidad na hindi siya makukulong dahil sa kondisyon niya."

"Dalhin niyo siya sa mental institution! Dapat ba pakalat kalat lang ang isang aggressive lunatic sa campus, para makapanakit pa siya ng ibang tao?" Galit na galit si Mark Tremont. Umalingawngaw ang nakakatakot niyang boses sa buong corridor.

"Yes, sir!" Mabilis na umalis ang mga bodyguard.

Makikita sa mukha ng dean na nag aalala at siya ay nangangambang magsalita. Tiningnan at galit siyang kinausap ni Mark Tremont. "Ano 'yon? Ayaw mo ba ang desisyon ko?"

"Hindi, hindi kasi… baliw talaga siya, oo, pero hindi naman siya psychologically ill… Mabait at magalang ang batang yun. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun. Ang normal na tao nga ay mababaliw kapag nilagay sa mental institution, paano pa ang baliw na talaga, 'di ba?" Nagsalita ng mabilis ang dean.

Sumabad si Mark Tremont, "Ikaw na lang pala!"

Tumulo ang pawis sa noo ng dean. "Ay, hindi, hindi, tama ka. Susundin ko ang desisyon mo…"

Hindi niya naisip na si Mark Tremont, na mabait at mahinahon, ay nakakatakot pala.

Ang baliw lamang ang dapat sisihin sa pangyayaring ito. Ano ang nag udyok sa kanya para manakit ng ibang tao?

Hindi nila alam kung ilang oras silang naghintay, nang biglang bumukas ang pintuan ng emergency ward.

Ang lumabas na doktor ay ang doktor na gumamot kay Arianne noong hinimatay siya.

Lumapit siya kay Mark Tremont at sinabi, "Nabanggit ko noon na hindi healthy ang pasyente. Lumala ang anemia niya dahil maraming dugo ang nawala sa katawan niya. Siguraduhin mo na magpapalakas siya pag alis niya dito.

Medyo malalim ang sugat ng pasyente. Sarado na ang sugat, pero magkakaroon siya ng scar. Hindi na kritikal ang kondisyon ng pasyente at pwede na siyang lumipat sa normal ward. Ilang araw muna siyang magpapagaling under supervision. Kapag okay na, pwede na siyang umuwi."

Kahit hindi halata, nawala na ang kaba ni Mark Tremont at kalmado na siya ngayon.

Nakahinga na siya ng maayos, "Salamat."

Biglang nagtaka ang dean. Kahit na niligtas ni Arianne Wynn sa pagkakasaksak si Mark Tremont, hindi naman kailangang alalahanin ni Mark Tremont ang mga rekomendasyon ng doktor kay Arianne.

Naisip ng dean ang nangyari noong nakaraan, naisip niya na baka may kakaibang relasyon ang dalawang ito.

Nagtanong ang dean kay Mark Tremont. "Mr. Tremont, gusto mo subukan kong kontakin ulit yung mga magulang ni Miss Wynn? Nakakahiya na sayo at ikaw pa ang sumasagot kay Arianne para sa amin. Trabaho 'to ng school."

Nanatiling tahimik si Mark Tremont. Sumabay siyang maglakad sa nurse na tumutulak sa wheelchair kung saan nakaupo si Arinne Wynn.

"Pakihanap yung contact information ng mga magulang ni Miss Arianne Wynn. Oo, freshman, arts… Ha? Wala? Okay, sige yun lang," tinawagan ni dean ang school mula sa corridor.

"Uh, Mr. Tremont, hindi nilagay ni Miss Wynn ang contact number ng mga magulang niya sa school. Ang nakalagay doon ay ampon daw siya, mukhang wala rin siyang pamilya. Ang school na ang bahala sa bayarin sa ospital. Salamat sa tulong mo, Mr. Tremont," maingat na sinabi ng dean kay Mark Tremont, habang nakatayo siya sa entrance ng ward.

Tumagal ng ilang segundo ang katahimikan bago magsalita si Mark Tremont, "Ako ang ilagay mo."

"Ano?" Hindi ito inasahan ng dean.

"Yung contact number ng guardian niya. Ilagay mo ang number ko."

Malapit nang gumabi nang magising si Arianne.

Makikita sa bintana ng VIP ward ang neon lights at ang mga nahuhulog na snow. Dalawang magkaibang mundo ang init sa ward at ang malamig na mundo sa labas.

May narinig na tunog si Arianne sa loob ng kanyang kwarto. Dahan-dahan siyang tumingin kung saan ito nanggaling, nakita niya si Mark Tremont na nakaupo sa couch at nagtatrabaho sa harap ng kanyang laptop.

Ang mga kamay ng lalaking ito, na kita ang hubog ng mga buto, ay dahan-dahang pinipindot ang keyboard.

Sa sandaling iyon, nawala ang nakakasindak na mukha ng lalaking ito habang nakatuon siya sa kanyang ginagawa. Nakakapanghina ang mga labi niyang mahigpit na nakasara.

Related Chapters

Latest Chapter