Home / All / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 19 Alagaan Siya
Kabanata 19 Alagaan Siya
Author: Lemon Flavored Cat
"Gising ka na?" Sinara ni Mark Tremont ang laptop niya at tumingin siya kay Arianne.

"Mm…" Gusto sanang tumayo ni Arianne, pero sumakit ang sugat sa kanan niyang braso kapag gumagalaw siya. Doon niya lang natandaan kung anong nangyari.

Lumapit sa kanya si Mark Tremont para tingnan ang sugat niya. "Teka, 'wag kang gumalaw."

Sumunod si Arianne sa kanya. Sa isang iglap, biglang naramdaman ni Arianne na kailangan niyang pumunta sa kubeta.

Gusto niyang pumunta sa kubeta pero si Mark Tremont lang ang nandoon at hirap pa siyang gumalaw… sumasakit ang sugat niya tuwing gumagalaw siya.

Napansin ni Mark Tremont na hindi mapakali si Arianne kaya tinanong niya ang dalaga, "Gusto mo bang pumunta sa kubeta?"

"Oo…" namula ang mga pisngi ni Arianne.

Tahimik lang si Mark Tremont habang tinutulungan niyang tumayo si Arianne, kakaiba ang pagka-maingat ng lalaking ito kumpara sa normal niyang ugali.

Pinagpapawisan pa rin si Arianne sa sobrang sakit, kahit na tinulungan na siyang tumayo. Makikita na nabasa ng dugo ang bandage mula sa kanyang sugat.

Nakaakbay ang isang braso ni Arianne kay Mark Tremont hanggang sa makarating sila sa banyo. Hinawakan ng lalaki ang pambaba ni Arianne, kaya bigla niyang sinabi, "Ako na!"

Tinitigan ni Mark Tremont si Arianne dahil pinigilan siya nito, kaya biglang kinabahan si Arianne. "Pwede bang… lumayo ka ng konti?"

Ang 'lumayo ka' para kay Mark Tremont ay 'tumalikod ka.'

Dahil alam ni Arianne na hindi aalis ang lalaking ito, nainis siya ng saglit at ginamit niya ang maayos niyang kamay para tulungan ang kanyang sarili.

Naramdaman niya ang sakit sa kanang braso sa bawat galaw niya, lalo na noong sinubukan niyang umupo.

Kahit ang maliit na bagay ay hindi niya kayang gawin. Nabasa ng dugo mula sa kanyang sugat ang patient gown na suot niya.

Napansin ni Mark Tremont na walang kahit anong tunog mula sa loob ng kubeta. Tumayo siya at sumimangot nang makita niya ang duguang damit ni Arianne.

Binaba niya ang pambaba ni Arianne at tumalikod ulit siya.

Nahihiya si Arianne habang nakaupo sa toilet, hindi siya maka ihi ng mapayapa kahit na ihing-ihi na siya.

Kung may butas lang sa lapag, papasok siya sa loob nito dahil sobrang kahihiyan ang nararamdaman niya…

Pagkalipas ng twenty minutes, nawala na ng tuluyan ang kahihiyan na naramdaman ni Arianne kanina.

Bumalik siya sa higaan at nagtago siya sa loob ng kumot. Tinawag ni Mark Tremont ang doktor para linisin ang sugat niya na parang walang nangyari kanina.

Seven na ng gabi, pumunta ang dalawang bodyguard para ibigay ang pagkain nila. Dinala ni Mark Tremont ang lugaw sa higaan at tinulungan niyang kumain si Arianne.

Sinigurado niyang nakaupo ng maayos si Arianne bago niya kunin ang lugaw para pakainin ang dalaga.

Hindi na tumanggi si Arianne at dahan-dahan siyang kumain. Nangibabaw ang lasa ng tonic sa lugaw kaya malayo na ito sa normal nitong lasa, pero hindi naman masama ang lasa. Napansin niya na rin na si Mary ang nagluto nito.

Hindi mapakali si Arianne dahil hindi siya sanay na biglang naging maalaga si Mark Tremont. "Kahit… kahit ako na lang, gusto mo?"

Tiningnan siya ng masama ni Mark Tremont. Tumingin sa baba at nanahimik si Arianne, makikita ang anino ng kanyang mahabang mga pilikmata sa kanyang mukha.

Hindi umalis si Mark Tremont sa tabi ni Arianne Wynn habang nagpapagaling ang dalaga sa ospital. Sinigurado niya na hindi siya aalis habang inaalagaan niya si Arianne.

Strikto at masama pa rin siya pero kahit papano, naramdaman ni Arianne na parang may nagbago sa kanya...

Guminhawa ang pakiramdam ni Arianne nang makabalik na sila sa Tremont Estate. Kahit papano, hindi na siya kailangang pakainin o dalhin sa kubeta ni Mark Tremont...

Grounded si Arianne para makapag pahinga pa siya. Hindi siya pwedeng pumunta sa school, nag-apply na siya para sa deferred exam dahil hindi makakapag mid-term exam.

Nakauwi na ng maaga si Mark Tremont bago pa ang bagong taon. May hawak na payong ang mga bodyguards para protektahan si Mark Tremont sa nahuhulog na snow.

Amoy malamig na hangin at frost si Mark Tremont, pagkapasok niya sa loob. Unti-unti itong natunaw dahil sa heater ng bahay.

Bumababa sa hagdan si Arianne nang magkatinginan silang dalawa, mabilis rin nilang nilayo ang tingin nila sa isa't-isa.

Nakahanda na sa hapag kainan ang pagkain nila, habang pababa ng hagdan ang bagong ligo na si Mark Tremont.

Maraming mga bagay ang bumubulabog sa isip ni Arianne habang nakaupo siya sa harap ng lamesa.

Ilang araw na silang hindi nagbabangayan ni Mark Tremont at pinapanatili rin ni Arianne ang katahimikan sa kanilang dalawa, maingat siya sa kanyang bawat galaw.

Natandaan ni Arianne ang huling away nila ni Mark Tremont, bago ang campus function. Nagpapasalamat siya dahil nangyari ito sa kanya. Kung hindi, siguro mas malala ang mangyayari sa kanya sa kamay ni Mark Tremont.

Makikita ang mga gamot na tonic sa lamesa. Nagsasawa na si Arianne sa lasa ng tonic, pero makikita na lalong umayos ang itsura niya dahil dito.

Masigla na rin ang itsura niya, dahil hindi siya babad sa malakas na hangin o sa sikat ng araw. May kulay rin ang mga pisngi niya, kaya lalo siyang nagmukhang fresh at glowing.

Hindi napansin ni Arianne na tinititigan siyang kumain ni Mark Tremont. Napansin niya na mas nagmukhang babae si Arianne, kumpara sa nangangayayat niyang itsura noon, kaya napangiti si Mark Tremont.

Tapos nang kumain si Mark Tremont at agad siyang tumayo, naghahandang umakyat sa hagdan papunta sa kanyang kwarto.

"Pagkatapos mo diyan, pumunta ka sa kwarto ko."

Related Chapters

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 20 Ayaw Ko

    Nanginig ang kamay ni Arianne na nakahawak sa kutsara. Tiningnan niya ang bowl at nakita niya na kalahati na lang ang soup. Nagdalawang isip muna siya bago niya sinabi, "Mary, bigyan mo pa ako ng soup..."Alam ni Mary kung anong ginagawa ni Arianne kaya malumanay siyang sumagot, "Ah, bakit ka ba takot kay sir? Hindi ka naman niya kakainin."Pagkatapos niyang kumain, naglakad si Arianne paakyat ng hagdan matapos linisin ni Mary ang lamesa.Nakabukas ng kaunti ang pintuan ng master's bedroom, kumatok pa rin siya bago pumasok.Binabasa ni Mark Tremont ang mga dokumento sa harap ng French Window habang may sigarilyo sa gitna ng kanyang mga daliri. Makikita ang kalahating wine glass na nakapatong sa maliit na lamesa sa tabi niya. Agad niyang pinatay ang sigarilyo na hawak niya dahil umubo si Arianne. "Pasok ka."Lumapit siya kay Arianne. "May kailangan ka ba?"Binaba ni Mark Tremont ang mga dokumento sa kanyang mga kamay. Sa isang saglit, hinila at niyakap niya si Arianne Wynn. "M

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 21 Ang Party ni Will Sivan

    Kinabukasan, umalis ng maaga si Mark Tremont.Sobrang gulo ng damitan ni Arianne Wynn dahil wala siyang mahanap na susuoting damit para sa party. Ito ang unang pagkakataon na naisipan niyang mag-shopping. Niyaya niya si Tiffany Lane na samahan siyang bumili ng damit, kaya magkasama silang pumunta ng mall. Noong oras na para magbayad, napanganga si Tiffany nang makita niya ang halaga ng ginastos ni Arianne mula sa online bank ng kanyang phone. “Ari, sobra naman yata ‘yan. Akala ko mahirap ka, pero mukhang nagkukunwari ka lang na mahirap, huh! Mayaman ka pala!”Nagdalawang isip si Arianne na sabihin kay Tiffany na galing kay Mark Tremont ang pera niya, kaya simple lang ang sagot niya, “Loka, Tara na.” Ginanap ng gabi ang party sa family beach villa ni Will Sivan. Marami nang tao noong nakarating si Arianne Wynn at Tiffany Lane sa party. Hindi kilala ni Arianne ang halos lahat ng mga bisita na nandoon. Napukaw ang atensyon niya kay Will SIvan na talagang bukod tangi kumpara sa lah

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 22 Dugyot

    Mabilis na inikot ni Brian Pearce ang kotse, siguro may nangyaring masama na nag-udyok ng galit ni Mark Tremont.May kinalaman si Arianne Wynn sa tuwing sumasabog sa galit si Mark Tremont. Nagpapalit palang si Arianne ang bigla niyang narinig ang malakas na “bang” ng bumukas na pintuan. Nagulat siya pagkatalikod niya, nakita niya ang galit na mga mata ni Mark Tremont. Hinila niya ang jacket para takpan ang kanyang katawan, dahil wala siyang damit. Nanginig ang boses niya nang magtanong siya, “Bakit ka umuwi…”Lalong humilab ang apoy sa mga mata ni Mark Tremont noong nakita niya na jacket ng lalaki ang hawak ni Arianne. “Tanggalin mo ‘yan!”Alam ni Arianne kung ano ang tinutukoy ni Mark Tremont, pero wala siyang damit dahil kakatapos niya lang maligo. Kapag tinanggal niya ito...Malaking problema ito at nasa harap niya pa si Mark Tremont. Hinawakan ng lalaki ang kanyang baba, “Tatanggalin mo o ako na?”Mahigpit pa rin ang hawak ni Arianne Wynn sa jacket, dahil ayaw niyang pum

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 23 Gagawin ang Lahat

    Tumayo at umalis si Mark Tremont, nadugyotan ang lalaki sa kanya. "Wala kang karapatan para makipag negosasyon sa akin!" Humampas ng malakas ang pintuan, kinilabutan ang buong katawan ni Arianne. Sa loob ng sampung taon, ngayon niya naramdaman na gumuho ang kanyang mundo.Takot na takot siya, umalingawngaw sa utak niya ang galit na boses ni Mark Tremont.Buong hapon na sinubukang tawagan ni Arianne si Tiffany, pero parating busy ang linya nito. Nataranta si Arianne. Pilit ba silang pinaalis ni Mark Tremont?Kumuha ng lakas si Arianne na pumasok sa kwarto ni Mark Tremont. Ito ang unang pagkakataon na pumasok siya nang hindi kumakatok.Mausok ang kwarto. Nakaupo si Mark Tremont sa upuan na nakaharap sa French window. Sa pagkakataon na ito, nakaharap ang likod niya sa dalaga. Puno ng abo at sigarilyo ang ashtray sa tabi niya. Nakabitin ang kanyang likuran at makikita ang lungkot sa kanyang postura. "Please… 'wag mo silang saktan. Kasalanan ko 'to. Alam ko na nagkamali ako…"

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 24 Tatlong Taon

    Naramdaman ni Arianne ang sakit ng sugat niya.Tatayo na sana siya nang bigla niyang nakita ang pares ng high-quality custom-made leather shoes. Mula sa taas, narinig niya ang manhid na boses ni Mark Tremont. "May dalawang minuto ka para magpaliwanag."Tiningnan ni Arianne ang maliwanag niyang mga mata at maingat na nagtanong ang dalaga. "Pumapayag ka ba na… wala kang gagawin sa kanila?"Hindi niya napansin ang dismaya sa mga mata ni Mark Tremont. Hindi ito ang gusto niyang marinig mula sa bibig ni Arianne. "Sinasayang mo ang oras ko kung ayan lang ang gusto mong sabihin pagkatapos mong habulin ang kotse ko."Pagkatapos niyang mag-isip ng saglti, mabilis na bumalik si Mark Tremont sa kanyang kotse. Natakot si Brian dahil hinampas ni Mark Tremont ang pinto ng kotse."Paki-cancel ang return ticket 'ko next week. Ako na ang bahala sa overseas branch."Nagdalawang isip si Brian Pearce. "Sir… tatlong taon kang mawawala kapag tutuloy ka sa ibang bansa… sigurado ka na ika-cancel mo

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 25 Ang magiging Asal mo

    Lalong kinabahan si Arianne Wynn ngayon kumpara sa usapan nila kanina ni Mark Tremont. Mabilis siyang bumaba ng hagdan."Nay Mary, paki-linis ng maayos yung bahay…"Nagulat si Mary kay Arianne dahil madalas na hindi nangingialam si Arianne sa mga ganitong bagay. "Anong meron, Ari?"Hindi maintindihan ni Arianne kung masaya o natatakot ba siya. "Babalik na siya…" Nagtaka muna si Mary bago niya maintindihan kung sino ang tinutukoy ni Arianne. Makikita ang saya sa mga mata ni Mary nang malaman niya kung sino ito, "Talaga? Babalik na si sir? Aba, magandang balita. Tatlong taon na kayong kasal pero hindi pa kayo nagkikita. Ipapalinis ko ng maigi ang bahay. 'Wag kang mag-alala." Pumunta si Arianne sa kwarto niya at nilinis niya ang mga nakakalat na mga drawing.Nagtatrabaho si Arianne sa isang fashion design company, nakapasa siya sa kanyang probation. Madalas na busy si Arianne at kitang-kita ito sa kanyang kwarto. Hindi na sinubukang linisin ni Mary ang kwarto niya, dahil wala

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 26 Mag-asawa

    Napatahimik si Arianne sa sinabi ni Mark Tremont.Alam niyang kayang ihinto ni MarkTremont ang operasyon ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho...Nanatiling tahimik si Arianne, mas pinili niya na lang na umakyat sa kanyang kwarto. Humiga siya sa higaan habang blangko ang kanyang isip. Sa dining table, binaba ni Mark Tremont ang kanyang phone at wala siyang emosyon habang ang buong atensyon niya ay nasa kanyang pagkain. Hindi na niya pinansin ang sunod-sunod na text message na natatanggap niya. "Mary, ilipat mo siya sa kwarto ko."Napaisip si Mary, "Tama nga naman… tatlong taon kang nawala at si Ari ay natutulog pa rin sa kwarto niya. Pero dahil nandito ka na, kailangan niyong magsama sa isang kwarto. Sige, ako nang bahala."Sinabihan siya ni Mark Tremont. "Ayusin mo ang form of address mo kay Arianne.""Ay, oo nga pala. Nasanay kasi ako. Simula ngayon, madam na ang tawag ko sa kanya," nakangiting sumagot si Mary.Nililipat na ni Mary ang mga gamit ni Arianne, pero nagtaka

  • Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont   Kabanata 27 Ano naman kung lasing ako?

    Narinig sa kabilang linya ang boses ng isang lalaki na hindi niya kilala. "Hello? Hipag? Nakarami ng inom si Mark. Kaya mo ba siyang sunduin dito?"Hipag?Nagulat siya sa tawag ng lalaking ito sa kanya. Noong una, akala ni Arianne na nagkamali lang ang taong tumatawag sa kanya. Gulong-gulo ang isip niya."Ano? Saan ko siya susunduin?"Nahirapan si Arianne na malaman ang lokasyon ng bar kung nasaan sila, dahil maingay ang kabilang linya. Binaba niya ang tawag, kinuha niya ang kanyang coat at ginising niya si Henry. Walang driver's license si Arianne at hindi niya rin kayang buhatin si Mark Tremont. Pagkarating nila sa bar, bumaba siya sa kotse at nakita niya ang dalawang lalaki sa sa right side ng bar entrance. May dalawang lalaki na kasama si Mark Tremont. 'Birds of a feather flock together' – ayan ang naisip ni Arianne. Matangkad at gwapo ang dalawang lalaki na kasama ni Mark Tremont.Ngayon niya lang nakita ang mga ito, hindi siya nakakuha ang oportunidad na makilala

Latest Chapter

  • Kabanata 1901 Ang Ilaw Sa WAKAS Ng Walang Hanggan

    Matagal nang hindi narinig ni Arianne ang pangalang iyon, ilang segundo siyang napaatras sa pagkataranta bago tuluyang naalala ang kanyang mukha.Shelly-Ann Leigh... Siguradong ginugol niya ang lahat ng mga taon sa mental na institusyon, tama ba? Alam ng Diyos kung ang buhok ng babae ay kulay-abo na at puti na sa kabuuan.Kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay, ang isang tao ay maaaring tumayo upang patawarin ang lahat ng kasaysayan sa pagitan nila—kahit ang mga madilim, kahit na ang ledger ay punong-puno—para sa kabutihan. Kaya, sagot ni Arianne, “I’ll go with you. Kahit anong mangyari, nanay mo pa rin siya."Hindi inaasahan ni Mark ang sagot na iyon mula sa kanya. Sa gulat niya ay napayuko siya at nag-iwan ng halik sa labi nito. “Alam kong pinili ko ang tamang babae bilang asawa ko. Akala ko hindi ka papayag na samahan ko siya sa mga huling araw niya…”Walang sinagot si Arianne. Hindi siya masyadong makulit na susubukan niyang manalo sa isang babae na ang mga araw ay bilang

  • Kabanata 1900 Lumipad Papalayo Sa Dilim Ng Gabi Ang Uwak At Naiintindihan Na Hindi Siya Kailanman Nabibilang Sa Mga Puti At Ginto

    Ngumisi si Arianne. “Nakakaawa ka naman, parang isang basang sisiw. Hindi ako ganoon ka-tanga para galitin ang ina ng lalaking gusto ko kung ako ikaw, girl. Lalo na hindi ako magsasabi ng kahit anong kasing baba ng IQ niyan. Hayaan mo akong maging tapat sa iyo: walang sinumang may apelyido na Leigh ang makahihigit sa akin—nabigo lang ang huling sumubok. At Nabigo siya ng matindi. Nakakasiguro ako na iiwan mo kami sa loob ng tatlong araw. Kapag mali ako, pwede kang manatili dito magpakailanman. Gusto mong makipagpustahan? Hinahamon kita."Iniwan niya ang kanyang pananakot na nakabitin at ibinalik ang kanyang wheelchair, naiwan ang hinamak na dalaga.Ang galit ay lumabas kay Raven habang ang mga alon ng lindol sa kanyang buong katawan. Malapit na siyang mag-hyperventilation, ngunit bago pa man ito naging imposible, lumapit siya at pinilit ang sarili na kumalma. She had a feeling na kahit na himatayin siya doon at pagkatapos, walang makakadiskubre sa kanya, hindi ba?Ngayong bumalik si

  • Kabanata 1899 Hindi Pala Ako Lumilipad Kasama Nila Bumabagsak Pala Ako Mag-isa

    Si Melissa ang tipo na palaging nagtutulak sa mga bagay na maging maligaya hangga't makatwiran. Tumalon siya sa kanyang mga paa at itinaas ang kanyang tasa, “Yo, everyone! Mag-toast tayo dahil magiging cousin-in-law ko na si Cindy!"Ang mga tao ay masigasig na sumagot sa kanilang mga tasa sa hangin at isang dagundong—maliban kay Raven, na nanatiling nakaupo. “Mayroon akong sickly constitution. hindi ako makainom. Ako ay humihingi ng paumanhin."Napaka-mechanical ng kanyang ngiti, masyadong mapula ang kanyang mukha. May kung anong kumislap sa mga mata ni Arianne bago siya sumagot, "Oo naman."Matapos mawala ang pagsasaya, inihatid ni Arianne ang kanyang wheelchair patungo sa courtyard. Ang panlabas na anyo ng Tremont Estate ay tila nagyelo sa oras, kung kaya't ang pagpunta rito ay nagparamdam sa kanya na... ligtas.Siyempre, iyon ay sa kabila ng pagpanaw nina Henry at Mary. Sa huli, lumipas ang oras at nagbago ang mga bagay, dumarating at umalis ang mga karakter at bagay, at lahat n

  • Kabanata 1898 Talagang Naiiba Na Parang Isang Uwak Sa Gitna Ng Mga Puting Sisne

    Hinawakan ni Arianne sa kamay ang dalawang dilag at ngumiti. "Salamat! Sus, para sa akin… para kayong dalawa ay tumanda sa isang kisap-mata! Ang ganda niyong dalawa! Cindy, nasaan ang kapatid mo? Hindi pa umuuwi si Plato?"Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang mahal na kapatid ay napa-pout si Cynthia. “Sabi niya uuwi siya kalahating buwan na ang nakalipas—yun ang sabi niya. Sino ang nakakaalam kung ano talaga ang kanyang ginagawa, bagaman? Anyway, who cares about that no-good. Palagi naman siyang ganito. Ah, medyo mainit ang panahon. Dapat siguro pumasok na tayo sa loob."Tumango si Arianne at binigyan ng maikling, hindi mapakali na tingin kay Aristotle. Ni minsan ay parang gusto niya itong kausapin... Hindi kaya binibilang ng bata ang kanyang mga hinaing sa kanyang isipan? Si Mark at Arianne ay nanatili sa Switzerland nang napakatagal; Mahirap siguro ang buhay para sa kanya nang mag-isa.Hanggang sa makarating siya sa sala ng mapansin niya si Raven. "Millie, ito ba ang iyong nakabab

  • Kabanata 1897 Ang Pagbabalik Ng Reyna

    Napatigil ang buong pagkatao ni Aristotle.Labing-siyam na taon niyang hinintay ang balitang ito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namatay ang mga apoy, lalong namamanhid ang puso, hanggang sa mismong pag-iisip ay wala na itong pinagkaiba sa panaginip na tubo. Ngunit ngayon, nakarating sa kanya ang balitang nagkatotoo at nagdulot sa kanya ng agos ng damdamin.Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay bumulong siya, "Kailan... Kailan sila babalik?"Isinara ni Jackson ang distansya sa pagitan nila at binigyan ang binata ng magaan, nakakaaliw na tapik sa mga balikat. “Not so soon, I bet; hindi kapag kakagising lang ng nanay mo at nangangailangan ng oras para gumaling. Labinsiyam na taon siyang natutulog, alam mo ba. So maybe after she’s recuperated enough for a while…” sagot niya. “Labinsiyam na taon na nating hinintay ito, di ba? Ano ang naghihintay para sa kaunti pa lamang kumpara doon? Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ay ang pamahalaan ang kumpanya sa abot ng iyong ka

  • Kabanata 1896 Nagising Na Ang Mama Mo

    Hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon si Cynthia kaya hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Gustung-gusto niya ang pakiramdam na kasama si Aristotle at kung paano siya pinrotektahan nito mula noong mga bata pa sila. Kahit na si Aristotle ay naging medyo dominante at "makulit", hindi siya nabigla sa kanya. Sa halip, nakaramdam pa siya ng kaunting paggalaw, na nakakamangha.Hindi alam kung paano sila napadpad sa kama, na magkasabay ang kanilang mga hininga. Bukod sa huling hakbang, nagawa na nila ang halos lahat ng maaaring gawin.Nang malapit na silang tumama sa huling hakbang, biglang huminto si Aristotle at tinulungang hilahin ang mga saplot sa ibabaw ni Cynthia. "Matulog na tayo, good night."Naliligaw pa rin si Cynthia kanina. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Aristotle, at hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. Matagal na siyang nagpumiglas bago niya nakumbinsi ang sarili na sumabay sa agos...Kinabuka

  • Kabanata 1895 Hindi Mo Ba Ako Mahal

    Narinig ni Cynthia ang sinabi ni Aristotle, ngunit hindi tumigil ang kanyang mga kamay sa ginagawa nila. Napakagulo ng ulo niya. “Wala... hindi na kailangan. Magagawa ko na ang mga ito ngayon. Sige na matulog ka na muna. Nga pala, saan ako matutulog ngayong gabi? Napakaraming kwarto dito, hihilingin ko kay Agnes na tulungan akong maglinis."Lumapit si Aristotle sa kanya at nag-squat. Hinawakan niya ang braso niya gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay isinara ang bagahe. "Dito ka na lang matulog at itigil mo na ang pag-aayos."Naghinala si Cynthia na baka nagkamali siya ng narinig. Napatulala siyang napatingin sa malaking kama sa likuran niya at biglang naramdaman ang pag-aapoy ng palad niya na hawak niya. “Y… Nagbibiro ka, di ba, Ares? Bagama't madalas kaming natutulog sa isa't isa noong mga bata pa kami, lahat kami ay malalaki na ngayon, kaya hindi ba iyon ay medyo hindi naaangkop?"Sinabi ni Aristotle na may tuwid na mukha, "Hindi ako nagbibiro."Bahagyang nataranta si Cy

  • Kabanata 1894 Nasa Iisang Kwarto Silang Dalawa

    Alam ni Melissa na hinalikan ni Aristotle si Cynthia, kaya alam niya kung ano ang nangyayari. Hence, she very naturally boasted, “Siyempre, engaged na sila sa isa’t isa since they were born. Kung nagkataon, pareho ang naramdaman nilang dalawa sa isa't isa sa kanilang paglaki, kaya hindi ba ito magpapaganda? From the way I see it, hindi na gagaling ang sakit mo sa buong buhay mo at malamang na maghihintay silang dalawa hanggang sa makapagtapos si Cindy bago sila ikasal. Kaya, mas mabuting bumalik ka sa France nang maaga hangga't maaari. Huwag kang mag-alala, nailigtas mo na ang buhay ni Aristotle noon, para hindi siya maging maramot sa iyo sa pananalapi."Gustong pigilan ni Raven ang kalungkutan na nasa puso niya, ngunit ayaw sundin ng kanyang emosyon ang kanyang kalooban. Kaya naman, pilit niyang pinilit na makawala sa pagkakahawak ni Melissa. Saglit na nagulat si Melissa. "Baliw ka ba?"Pagkatapos noon, bumalik sa katinuan si Raven at huminga ng malalim. “I’m sorry... medyo masama a

  • Kabanata 1893 Hindi Ba Magseselos Ang Fiance Mo

    ‘Hindi ka ba nag-aalala?’ Galit na galit si Melissa kaya natawa siya. "Ako lang ba ang nag-aalala sa wala? Akala ko ba mahal mo ang kapatid ko? Ang lalaking pinapangarap mo araw-araw ay bumalik mula sa France ngunit may dalang babae, ngunit hindi ka naman nag-aalala? Isantabi muna natin sandali ang intensyon ng iyong mga magulang. May lakas ng loob ka bang sabihin na hindi mo siya mahal? Tinutulungan lang kita dahil matalik kong kaibigan, kaya hindi ka ba masyadong maluwag, na para bang tinutulungan kita nang walang dahilan?"Umiling si Cynthia at hininaan ang volume habang sinasabi, “He... might have confessed to me. Kami rin… ginawa na rin namin iyon. Kaya, sa tingin ko hindi niya nararamdaman iyon kay Raven. It's purely because she saved his life once. Nagtitiwala ako na kakayanin ni Ares nang maayos ang sitwasyon."Nanlaki ang mga mata ni Melissa. "Ano? Ilang araw lang siyang bumalik, nag-sex na kayong dalawa? Ganun kabilis?! Hindi ko alam ito, ngunit talagang nakuha mo ito sa iy

Scan code to read on App