Kabanata 16
Hindi sinasadyang tamaan ni Gerald ang paa ng babae gamit ang walis.

May suot siyang puting sapatos at napakaputi ng kanyang mga binti. Nakikinig siya ng mabuti kay Victor habang nagpapaliwanag tungkol sa kanyang sasakyan, na kay Victor ang kanyang buong atensyon.

Sa di inaasahang pangyayari, tinamaan ni Gerald ang kanyang sapatos gamit ang maduming walis at nadumihan at napuno ng alikabok ang kanyang puting sapatos.

Hindi niya nagawang pigilan na sumigaw ng mapagtanto ang mga nangyari.

Napukaw ang atensyon nina Whitney, Victor, at ibang pang nasa auditorium dahil sa sigaw ni Mila.

“Anong problema Mila?”

Dahil sa matinding pag-aalala, agad na nilapitan ni Whitney si Mila.

Agad din lumapit si Victor kay Mila.

“Wala, wala, okay lang ako. Walang problema.”

Hinawi ni Mila Smith ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga at pagkatapos ay naglabas ng wet wipes bago yumuko para punasan ang dumi sa kanyang sapatos.

Ngunit lalong kumalat ang dumi ng punasan niya ang kanyang sapatos.

Obsessed si Mila sa kalinisan. Kaya hindi niya mapigilan na mapasimangot ng makita ang dumi sa kanyang puting sapatos.

“Gerald, anong ginawa mo sa sapatos ni Mila?” Tanong ni Mila habang nakatitig kay Gerald.

Kita na nanggagalaiti sa galit si Whitney base sa ekspresyon sa kanyang mukha.

Bukod dito, makikita din ang matinding galit ni Viktor sa mga sandaling iyon.

“Bwisit na kang pobre ka! Alam mo ba kung magkano yang sapatos ni Mila? Hindi mo kailanman maa-afford na bayarad ‘yan!”

Pagkatapos ay lumapit si Victor at hinawakan si Gerald sa collar ng kanyang damit.

“Hindi, Hindi, wala siyang kasalanan!”

Nang makita ni Mila na bubugbugin na ni Victor si Gerald, agad siyang humarang sa pagitan ng dalawa upang pigilan si Victor.

Sa katotohanan, matagal ng napapansin ni Mila si Gerald. Naramdaman niya na namumukod tangi si Gerald kumpara sa iba.

Bukod dito, alam niyang hindi nagmula si Gerald sa isang mayamang pamilya.

Siguro ay iyon ang dahilan kung bakit madalas bullyhin nina Victor at iba pa si Gerald.

Ngunit kahit na palagi siyang binubully at pinapahiya, hindi kailanman nakita ni Mila ang kahinaan o pagkawala ng respeto sa sarili sa mga mata ni Gerald. Hindi niya binigyan pansin ang mga nangyayari at hindi niya minasama ang pagiging mahirap.

Nanatiling magpagkumbaba at taos-puso si Gerald sa kabila ng lahat.

Kahit na gustong magwala ni Mila, hindi niya magawang magalit dahil dito.

Kaya agad na pinagtanggol ni Mila si Gerald ng makita niyang bubugbugin na ni Victor si Gerald.

“‘Wag kang mag-alala Mila! Kailangan lang natin na masiguro na babayaran ng pobreng ‘to ‘yang sapatos mo!” Sagot ni Victor habang nagbabalak ng masama.

Si Mila ay hindi taga Language Department, ngunit isa siyang estudyante mula sa Broadcasting and Media Department.

Gayunpaman, naging kaibigan niya si Whitney simula palang ng pagkabata nila at ang rason kung bakit siya nagpunta sa auditorium ngayong araw ay dahil gusto niyang magsaya.

Kahit na nagkakagusto si Victor kay Whitney, mas nagkaroon siya ng interes sa matalik na kaibigan ni Whitney na si Mila.

“Hindi na! Hindi na niya kailangan magbayad sakin para sa sapatos ko. Babalik nalang ako sa dorm at magpapalit nalang ako ng sapatos!” Agad na sinabi ni Mila.

Tumango din siya kay Gerald.

“Sineswerte ka ngayon boy!” Sabi ni Victor habang tinititigan ng masama si Gerald. Sa katotohanan, masaya si Victor na nagkaroon siya ng pagkakataon na maging bida sa harapan ng dalawang magandang dalaga ngayong araw.

Nang makita niya na paalis na si Mila, agad niyang nilapitan si Mila.

“Oo nga pala Mila, bakit hindi tayo lumabas para kumain pagkatapos mong magpalit ng sapatos? Siguradong napagod ang lahat sa rehearsal ngayong araw. Ililibre ko ang lahat para kumain sa Orchard Gardens!”

Wow! Orchard Gardens? Narinig ko na napakasarap ng fruit salad at ng steak doon pero sabi nila napakamahal din kumain doon!”

“Brother Victor, baka naman pwede akong sumama!”

Agad na nasabik ang mga kababaihan ng sabihin ni Victor na ililibre niya si Mila na kumain sa Orchard Gardens.

“Sige!” Sagot ni Victor.

Sa mga oras na iyon, hinawakan ni Whitney ang mga kamay ni Mila bago ngumiti at sinabing, “Mila, hihintayin ka namin sa baba ng dorm mo!”

Sa katunayan, hindi napagtanto ni Gerald na hindi gusto sumama ni Mila.

Ngunit napansin ni Mila na nasabik ang lahat na magpunta doon at nagkaalitan sina Victor at Gerald ng dahil sa kanya.

Kaya hindi niya nagawang tanggihan ang imbitasyon ni Victor.

Napatango nalang si Mila.

“Okay, ako na ang magda-drive! Kita-kits nalang doon!”

Nasabik si Victor ng magtagumpay ang kanyang plano na yayain si Mila para lumabas. Kaya tinitigan niya muna si Gerald bago lumakad palabas ng auditorium.

Tumalikod si Whitney at tumingin kay Gerald bago sinabi, “Anong tini-tingin tingin mo Gerald? Akala mo ba invited ka na sumama samin para kumain? Ako na nagsasabi sayo, hindi pa confirmed ang subsidy mo! Kaya kung ako sayo manatili ka nalang dito at siguraduhin na linisin ang auditorium! Kung hindi, tuturuan kita ng leksyon pagbalik ko!”

Nanatiling tahimik si Gerald habang patuloy siyang inaasar nina Victor at Whitney.

Sa katunayan, nanggagalaiti na siya sa galit ng mga oras na iyon.

Ngunit alam niya na wala siyang mapapala kung hindi siya magtitimpi at bibigyan niya lang si Victor ng pagkakatapos para bugbugin siya.

Hindi masayang mabugbog. Kaya nagpasya nalang si Gerald na hayaang nalang ang mga nangyari.

“Tara Mila! Mag enjoy tayo mamaya sa bagong Audi A6 ni Victor!”

Agad na dinala ni Whitney si Mila palabas ng auditorium pagkatapos titigan ng masama si Gerald.

Nagsimula nadin isa-isang lumabas ng auditorium ang iba pa.

Siguradong hindi sila magkakasya sa isang sasakyan kaya hindi mapigilan ni Gerald na isipin kung paano sila makakarating sa pupuntahan nila.

Napa-isip si Gerald habang nililinis ang kalat na naiwan nila sa auditorium.

Dapat din ba na bumili siya ng sasakyan?

Patuloy siyang nagisip-isip.

Nang matapos linisin ni Gerald ang auditorium, halos magtatanghali na.

Sa mga sandaling iyon, nakatanggap ng isang tawag si Gerald sa kanyang telepono.

Isa itong tawag mula kay Harper, ang pinuno ng kanyang dormitoryo.

“Gerald, tapos ka na ba maglinis ng auditorium?”

Sumagot si Gerald, “Oo.”

“Siraulo ba si Whitney? Napag-usapan na namin ang bagay na ‘to at nakapagdesisyon kami na kung tatanggihan niya ang subsidy application mo, irereklamo namin ‘yun sa chancellor!”

Nakaramdam si Gerald ng kabutihan at sinabi niya, “Salamat sa pagtulong sa akin!”

“Kung wala kang ginagawa Gerald, sumama ka sakin para mag lunch!”

Inimbitihan ni Harper si Gerald upang kumain ng tanghalian ngunit narinig ni Gerald ang pagbabago ng tono ng pananalita ni Harper.

Tila nahihiya magsalita si Harper.

Malapit si Gerald kay Harper kaya alam niya na may kakaiba sa kinikilos ni Harper. Kadalasan ay matipuno si Harper kumilos kaya bakit parang hiyang-hiya siya ngayon?

“May iba ba tayong kasama ngayong araw?” Tanong ni Gerald habang di maiwasan na mapangiti.

“Bingo! Gerald, naalala mo ba yung babae na nangngangalang Hayley na kasama ni Alice sa birthday party ni Naomi kagabi?”

Pumunta sa pagdiriwang ng kaarawan ni Naomi kagabi ang lahat ng kasama ni Alice sa dormitoryo..

Mayroong impresyon si Gerald kay Hayley Ians. Maikli ang kanyang buhok at dahil dito kaya nagmukha siyang cute.

Ngunit ang kanyang karakter at personalidad ay katulad ng kay Alice.

Patuloy niyang iniirapan si Gerald kagabi kahit na wala siyang sinasabi.

“Oo, kilala ko siya. Bakit? Niyaya mo siya na lumabas?” Laking gulat ni Gerald.

“Ano kasi, pabalik nako ng dorm pagkatapos ng klase ngayong araw ng makasalubong ko siya. Nawala niya yung cell phone niya sa cafeteria kaya tinulungan ko siya maghanap. Buti nalang, kilala ko yung ilan sa mga trabahador sa cafeteria. Pagkatapos tignan yung CCTV at magtingin-tingin sa cafeteria, nakita din namin yung cell phone niya!”

“Pakiramdam ko kagagawan yun ng kapalaran kasi nagka-interes ako sa kanya ng makilala siya kagabi. Kaya naglakas loob ako na yayain siya kumain ng lunch kasama mga kaibigan ngayon araw. Pumayag siya kaagad!”

Labis na nasasabik si Harper ng mga sandaling iyon.

Sa katunayan, masayang masaya si Gerald para kay Harper ng marinig ang mga sinabi niya.

Ngunit, hindi gusto ni Gerald na lumabas kasama sina Alice at mga kaibigan niya.

Hindi niya magawang matiis ang pag-irap nila sa kanya!

“Mabuti para sayo brader! Good luck sayo! Sa tingin ko di nalang ako sasama kasi ayoko maging parang isang bumbilya!” Sagot ni Gerald habang tumatawa.

“Lintik na yan! Seryoso ka ba Gerald? Pumayag na ang lahat ng tropa natin na sumama! At saka, magpupunta din si Naomi mamaya! Pagkakaalam ko may impotanteng ipapakilala sayo si Naomi mamaya. Kung di mo sasayangin ang pagkakataon, malay mo mabaliktad mo ang buhay mo sa isang iglap!”

Matindi din ang pag-aalala ni Harper kay Gerald.

“Isang importanteng tao?”

Hindi mapigilan ni Gerald na mapaisip,”Lintik na ‘yan.’Wag mo sabihin na magpupunta din si Alice mamaya?”

Related Chapters

Latest Chapter