Kabanata 17
Hindi maipaliwanag ni Gerald ang nararamdaman niya para kay Alice.

Si ALice ay tunay na napakaganda at elegante.

Ngunit hindi talaga magawang matiis ni Gerald ang pag-uugali ni Alice dahil mayabang at bastos, mababa ang tingin niya sa mga mahihirap.

Hindi maintindihan ni Gerald kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Naomi. Paano niya naisip na ipakilala siya kay Alice?

Kaya pinili ni Gerald na hindi sumama sa kanila na kumain ng tanghalian dahil hindi niya gusto na maging awkward ang sitwasyon.

Subalit, hindi niya magawang tanggihan ang taos-pusong imbitasyon ni Harper dahil ayaw niyang mabigo ang kanyang mga kaibigan.

Ang lugar na napagdesisyunan nila na puntahan para manghalian ay isang western restaurant na nangngangalang Bludhaven.

Tulad ng inaasahan, walang kakayahan si Harper na manlibre sa isang five-star hotel katulad ng mga second-generation rich kids katulad ni Danny o Yuri.

Nagpunta ang anim na babae mula sa dormitory ni Alice ngayong araw,

Bukod dito, nagpunta din ang anim na lalaki mula sa dormitory ni Gerald kasama ni Naomi.

Ngunit dahil hindi sumama si Gerald sa mga kasama niya sa dormitoryo, hindi siya nagpunta kung saan sila manananghalian nina Harper at iba pa.

“Sa palagay ko Naomi, ang kailangan lang natin ay ang limang lalaki lang mula sa dorm ni Harper, ikaw, at anim sa dorm ko para maglunch! Sapat na tayong labingdalawa!” Sabi ni Alice habang nakaupo sa kanyang upuan habang umiinom ng juice.

Maliwanag namang ang kahuluhan ng mga sinabi niya.

Sa katunayan, maganda ang impresyon ni Alice kay Harper at sa tingin niya ay stable at mature si Harper.

Ngunit ordinaryong tao lang ang mga magulang ni Harper na mga guro sa isang middle school. Kaya hindi siya pasok sa standard ni Alice.

“Oo, sang-ayon ako kay Alice. Bakit kailangan sumama ni Gerald na kumain? Tuwing nakikita ko siya, naalala ko kaagad ang lahat ng ginawa niya kagabi! Nakakairita!” Pabirong sagot ni Hayley ng mga sandaling iyon.

“O sya, o sya, ‘wag na kayong mainis sa kanya Alice at Hayley. Malalaman niyo na mabuti siyang tao kung bibigyan niyo lang siya ng pagkakataon na makilala.” Sagot ni Naomi habang nakangiti.

“Oo, mabuting tao talaga si Gerald…” Agad na dugtong ni Harper.

“Kung talagang mabuti siyang tao, hindi niya magagawang paghintayin tayo dito, mali ba ako Hayley?” Sagot ni Alice pagtakapos ngumisi.

“Oh tingnan mo! Nandito na si Gerald!”

Sa mga sandaling iyon, agad na tumayo si Naomi habang kumakaway kay Gerald para senyasan siya na lumapit at sumama sa kanilang mesa.

“Pasensya na at na-late ako. Kinailangan ko kasi bumalik sa dorm dahil may tinawagan ako. May kinailangan akong gawin na importante.”

Sinabi ni Gerald kay Naomi habang Nakangiti

Nakaupo si Naomi sa tapat ni Alice ng mga sandaling iyon.

Nagtingin-tingin muna siya ng saglit bago tumayo at hinatak si Gerald sa kanyang upuan at sinabi, “Gerald, dito ka umupo!”

Alam ni Gerald kung ano ang binabalak gawin ni Naomi.

Hindi na siya nag-isip pa ng kung anu-ano at sinunod si Naomi at umupo nalang.

“Palit tayo ng upuan Jacelyn!”

Hindi inaasahan na magiging masungit si Alice ng tanungin niya ang isa sa kanyang mga kaibigan na makipagpalitan ng upuan sa sandaling maupo si Gerald sa harapan niya.

“Pasensya na Alice! Ayoko makipagpalitan ng upuan sayo. Kung makikita ng mga tao na nakaupo ako sa tapat ng pobre na yan, baka mapagkamalan pa na boyfriend ko siya!”

“Bakit? Hindi ka ba masaya na magiging boyfriend mo si Gerald? Mabibilhan ka niya ng isang Hermes bag na nagkakahalaga ng fifty-five thousand dollars! Hahaha!”

“Oo, oo, Jacelyn! Dapat ‘di mo sayangin yung pagkakataon na nasa harapan mo!”

Si Jacelyn Leigh ay isang napakagandang dalaga na matindi ang interes sa fashion at makeup.

At dahil nagmula din siya sa isang mayamang pamilya, mababa din ang tingin niya kay Gerald.

Nang marinig ni Jacelyn na inaasar at pinagtatawanan siya ng kanyang mga roommate, agad siyang sumagot, “Kung sa tingin niyo na okay si Gerald, bakit hindi niyo siya tanungin na maging boyfriend niyo!”

“Ahh! Ayoko na. Suko na ako.”

Agad na tumigil na sa pagbibiro ang mga dalaga ng marining nila ang mga sinabi ni Jacelyn.

Nagging sensitibo sila na baka magkatotoo na maging boyfriend nila si Gerald at siguradong pagtatawan sila kapag nangyari yun!

Parehas na naasar sina Harper at Benjamin ng marining ang pinaguusapan ng mga dalaga. Ngunit wala silang magawa kundi magtiis at manahimik nalang.

Pagkatapos ay nagpasya si Gerald na hindi umupo katapat ni Alice.

“Halika Naomi! Dito ka na umupo. Doon nalang ako uupo sa tabi!”

Wala ng nagawa si Gerald kundi tumawa dahil tinatrato siya na parang isang salot ng mga magandang dalaga.

Kahit na isa siyang second-generation rich kid katulad ng iba, ibang-iba ang pagtrato na natatanggap niya mula sa mga magandang dalaga.

Maraming ari-arian ang nakapangalan sa kanya, ngunit bakit hindi siya pinapaboran ng mga magagandang dalaga?

Naisip ni Gerald na gumamit ng pera para makuha ang loob ng mga dalaga ngunit hindi niya mapilit ang sarili na gawin iyon.

Ahh!

Nagpasya nalang si Gerald na pumunta sa isang tabi.

Ninas ni Naomi na ayusing ang di pagkakaunawaan sa pagitan nina Alice at Gerald dahil pakiramdam niya bagay silang dalawa na magkatuluyan.

Bukod dito, parehas silang matalik niyang kaibigan!

“Alice?”

Sa mga sandaling iyon, isang boses ng lalaki ang kanilang narinig.

Isang matangkad at gwapong binata na may suot na magarang damit mula ulo hanggang paa ang lumapit sa kanilang lamesa habang gulat na tinignan si Alice.

“Ikaw si Quinton Ziegler?”

Laking gulat din ni Alice. Hinawi niya muna ang kanyang buhok bago siya tumayo at may matamis at nakakahumaling na ngiti sa kanyang labi.

“Oo, Alice. Mahigit na sa dalawang taon ng huli kitang makita at lalo kang gumaganda. Halos hindi na kita makilala,” sagot ni Quinton habang nakangiti.

“Oo nga pala Quinton, hindi ba’t pinadala ka sa abroad ng tatay mo para mag-aral? Kelan ka pa nakauwi?”

“Noong isang araw lang ako nakabalik at nagtatanong-tanong palang ako sa paligid para sa contact information mo! Siya nga pala, naresolba niyo ba yung insidente sa Emperor Karaoke Bar? Tinawagan ako n Desmond, yung kaklase natin noong high school, at sinabi niya sakin na nagkaproblema kayo doon!” Sabi ni Quinton habang kita ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Sa mga sandaling iyon, tinakpan ni Alice ang kanyang bibig sa pagkagulat.

Napagtanto din ng mga roommate ni Alice ang mga nangyari.

“Ahh! Ikaw ba yung tumulong samin na maresolba yung nangyari kagabi Quinton?”

Sobrang nabigla si Alice.

Sa katunayan, gusto ni Quinton na tulungan si Alice kagabit at nagawa niyang manghingi ng tulong sa kanyang tatay upang tawagan ang manager ng karaoker bar na si Flynn.

Ngunit hindi sinagot ni Flynn ang telepono.

Nang marinig ni Quinton na tinanong siya ni Alice kung siya ang nagresolba sa nangyar kagabi, hindi niya masyadong binigyan ng pansin ito.

Sa halip ay tumango lang siya at sinabi, "Nakiusap ako sa dad ko na tumulong sa nangyari kagabi.”

Nakaramdam ng labis na pagmamalaki at pagkasabik si Alice sa mga sandaling iyon.

Ang mga kakabihan ang madalas na mapagmalaki at puno ng karangyaan!

Sa mga oras na iyon, naramdaman ni Alice na nawala ang lahat ng kanyang pagdududa. Tila lumalabas na ang tumulong sa kanila na malutas ang problema ay hindi si Nigel o sino man na tinawagan nila kagabi. Kundi, ang kanyang kababatang kaibigan na si Quinton ang nakapag pakalma kay Brother Flynn at nagawang hindi na ipabayad ang mga pinsala.

Malapit si Alice kay Quinton sa nakaraan dahil sa relasyon ng kanilang mga ama.

Ngunit ng nagpatuloy na lumago ang negosyo ng pamilya ni Quinton, nagpasya ang kanyang tatay na ipadala siya sa abroad para mag-aral.

Pagkatapos ay nawalan na sila ng komunikasyon sa isa’t-isa pagkaalis ni Quinton.

Sa hindi inaasahang pangyayari, malaking pabor agad ang ibinigay sa kanya ni Quinton pagkabalik niya sa bansa.

Bukod dito, hindi nagduda si Alice na makakagawa ng paraan ang Ziegler Family na makausap ang isang tulad ni Flynn.

“Quinton, salamat ng marami sa pagtulong mo sa akin!”

Labis ang pasasalamat at saya na nararamdaman ni Alice ng mga sandaling iyon.

Nang makita ni Gerald kung gaano ang pasasalamat na binibigay ni Alice kay Quinton, hindi niya napigilan na makaramdam ng pagkabalisa.

Nagawa na niya na mawala si Nigel sa usapan ngunit ang mga kabutihang nagawa niya ay naagaw lang ni Quinton!

Gusto na sabihin sa kanila ni Gerald na siya ang tumulong sa kanila na maresolba ang insidente na nangyari kagabi. Siya ang tumulong sa kanila na makaalis sa matinik na sitwasyon!

Ngunit alam niya na lalo lang magagalit sa kanya si Alis at lalo lang bababa ang tingin sa kanya kung magsasalita siya sa oras na iyon.

Kaya nagpasya si Gerald na manahimik nalang dahil hindi niya ginusto na makipagtalo nanaman kay Alice.

Inisip niya na hayaan na lang ang mga nangyari.

“Nandito ako para pumunta sa birthday party ng isa sa mga kaibigan ko sa high school. Sa taas ipagdiriwang ang birthday party. Alice, bababa ulit ako para makipagusap sayo pagkatapos batiin ang kaibigan ko! Ipakilala mo din sakin mamaya ang mga kaibigan mo!”

Pagkatapos ay ngumiti si Quinton at yumuko ng bahagya habang nakatingin sa magagandang dalaga bago siya nagpaalam para umalis na animo’y isang tunay na maginoo.

“Wow! Napakagwapo naman niya!”

“Kilala mo ba siya Alice?”

“May girlfriend ba siya Alice?”

Napukaw ang atensyon nina Jacelyn at iba pang mga dalaga ng mga oras na iyon.

Agad na sumagot si Alice, “Napakagaling talaga ‘yung si Quiton! Alam niyo ba yung Southern Food Industries? Negosyo yun ng pamilya niya at isa silang tycoon sa food industry!”

“Wow! Isang public listed company ang Southern Food Industry at isa ito sa mga nangungunang kumpanya sa Mayberry City! Grabe! Hindi kapani-paniwala!”

Agad na nagdaldalan ang mga dalaga tungkol sa bagay na iyon.

“Hindi ba’t sinabi sa balita na ang Southern Food Industries ay may kinakaharap na isyung kapital at pinansyal?”

Tahimik na nakikinig si Gerald sa kanilang usapan ngunit ng marinig niya ang kanilang pinag uusapan, ginusto ni Gerald na mag-ambag tungkol sa pinag-uusapan nila.

Sa sandaling magsalita siya, agad na nag-iba ang ihip ng hangin at agad na nanahimik ang lahat.

Sa mga oras na iyon, tinitigan ng masama ni Alice si Gerald dahil sa matinding galit na naramdaman niya.

“Anong pinaparating mo ha? Hindi ba’t karaniwan naman para mga malalaking kumpanya at mga industriya ang magkaroon ng problema pagdating sa kapital at pinansyal? Bakit? Naiinggit ka ba?”

“Sadyang may ganyang klase lang talaga ng tao. Puno ng inggit at gagamitin ang lahat ng pagkakataon na mahanap ang kahinaan ng iba para ipagdidikan ito. Sobrang nakakadiri ng ganong klase ng tao!” Sagot ni Jacelyn habang nakaramdam ng matinding paghamak.

Dahil lang sa sinabi ni Gerald, halos magkaroon na ng gera....

“Alice!”

Sa kabutihang palad, pababa ng hagdanan si Quinton at isa niyang kaklase sa mga sandaling iyon...

Related Chapters

Latest Chapter