Kabanata 8
Ngumisi si Danny bago niya sinabi, "Oo, siya yun!"

Makikita ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Nigel at mabilis niyang binawi ang kamay na inabot kay Gerald.

Pagkatapos nito, tinapik niya sa balikat si Gerald bago niya sinabi, “Brother Gerald, matagal ko nang narinig ang pangalan mo. Nakilala ko rin ang dating kasintahan mong si Xavia. Napakaganda niya talaga. Gusto kong humingi ng tawad sa iyo dahil ninakaw ng brother ko ang girlfriend mo!"

"Nga pala, kung nais mong magikot-ikot sa magsaya dito sa Mayberry Commercial Street, sabihin mo lang ang pangalan ko at makakakuha kaagad ng thirty percent discount!"

Humihingi ng paumanhin si Nigel sa magaan na pamamaraan.

"Brother, walang silbi na banggitin niya ang pangalan mo dahil wala siyang maa-afford na kahit ano dito!"

Sa mga sandaling iyon, hindi mapigilan ni Alice at ng kanyang mga roommate ang kanilang sarilii na tumawa ng malakas.

"Pasensya na! Nang sinabi ni Yuri na nainlove siya sa isang kasintahan ng isang mahihirap, hindi ko inisip na kagandahan yung babae. Ngunit ng nasulyapan ko yung babae noong nagpunta ako sa iyong unibersidad noong isang araw. Nang makita ko kung gaano kaganda si Xavia, naisip ko na siguro mayaman ka talaga! ” Sagot ni Nigel habang tumatawa.

“Paano mangyayari ‘yon? Hahaha ... ”Tumawa si Danny. “At saka Brother Nigel, ikaw ang nagbigay ng ideya kay Yuri na i-text si Xavia at gastusan siya ng pera para maagaw siya kay Gerald! Wala pang kalahating oras ng i-text ni Yuri si Xavia at pumayag na siya na makipaghiwalay kay Gerald!"

Hindi na mapigilan ni Harper na magalit sa mga sandaling iyon at maging si Naomi ay nagalit ng marinig ang sinabi ni Nigel.

"Anong ibig niyong sabihin? Napakagaling ba ninyo dahil lang mayaman kayo? ” Tumayo si Harper at sumigaw kay Nigel.

Bahagyang kumibot ang mga pilikmata ni Nigel bago niya sinabi, “Mga kaibigan, hindi ito tungkol sa pera. Kung sino ang pinakamagmamahal at magbibigay ng affection sa babe ay siyang magiging karapat-dapat sa magandang babae! Bakit hindi mo tanungin ang napakagandang si Alice kung tama ang sinasabi ko?"

Naramdaman ni Alice, na matagal ng pinapansin ang lahat ng mga galaw ni Nigel sa mga oras na iyon, na si Nigel ay may itsura at maganda ang pag-uugali.

Bukod dito, dahil nagkaroon siya ng hindi magandang impression kay Gerald, tumango si Alice nang marinig niya ang sinabi ni Nigel.

Nakilala na niya si Xavia noon at talagang naramdaman niya na hindi nararapat si Gerald para kay Xavia.

"Sa palagay mo ba na nararapat na mamatay ang isang tao dahil lang sa mahirap sila? Sa tingin mo ba ang mga mahihirap ay walang nararamdaman? Porket ba mahirap ay maaari mo ng paglaruan ang damdamin ng iba kung kelan mo gustuhin dahil lang mas mayaman ka sa kanila?”

Sa oras na ito, si Gerald, na tahimik na nakaupo sa kabuuan ng mga pangyayari, ay biglang tumayo.

Namumula ang kanyang mga mata at nakakuyom ang mga kamao habang nakatitig kay Nigel sa galit.

Pinaglalaruan at ginagawa siyang katatawan at ginulo ang kanyang buhay dahil lang sa kagustuhan ni Nigel.

Sa una, plano ni Gerald na tiisin ang lahat ng kahihiyan at pang-iinsulto dahil nagdiriwang sila ng kaarawan ni Naomi.

Gayunpaman, hindi na napigilan ni Gerald ang kanyang galit!

Hindi mapigilan ni Alice na mandiri kay Gerald. Hindi lang mahirap ang taong ito, ngunit hindi rin siya makapagtimpi. Hindi ba niya kayang tiisin ang isang taong may konting sinasabing masama tungkol sa kanya?

Konti-konting na ding nagagalit si Blondie.

“Gerald, sino ka ba sa tingin mo? Sino ka para magsalita kay Brother Nigel sa ganyang pamamaraan? Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?”

Upang mapatunayan ang kanyang sarili sa harap ni Nigel, kinuha ni Blondie ang isang bote ng wine bago niya ito ihagis kay Gerald.

Hindi ito ang kanyang kauna-unahang pagkakataon na saktan si Gerald.

Bukod dito, kailangan niyang gawin ito dahil nais niyang ipakita ang kanyang katapatan at dedikasyon kay Nigel.

"Gerald, mag-ingat ka!"

Si Harper, na mabilis ang mga mata at kamay ay dali-dali na hinila si Gerald sa tabi.

Lumipad ang bote ng hindi tinatamaan si Gerald.

Boom!

Agad na nabasag ang fish tank na nasa loob ng private room.

Wow!

Napatingin ang lahat sa nabasag na fish tank.

Ah…

Napatigil si Blondie.

Agad na namutla ang kanyang mukha.

Kahit na sina Danny at Nigel ay nagulat sa mga sandaling iyon.

"Damn it! Napakamahal ng arowana na ito!” Sigaw ni Danny habang nakatitig kay Blondie sa sobrang takot.

Hindi makapagsalita si Blondie at napalunok nalang ng kanyang laway.

“Brother Danny, Brother Nigel, hindi ko ‘yon sinasadya. Hindi ko inasahan na maiiwasan ni Gerald ang bote ng wine. Hindi ko talaga sinasadya na gawin ‘yon! ”

Pagkatapos nito, tinitigan ni Blondie si Gerald na may galit na galit na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Tama. Hindi natin dapat sisihin si Blondie sa nangyari! Hindi dapat iniwasan ni Gerald ang bote ng wine. Ano naman kung siya ay tinamaan, dapat lang niya itong tanggapin dahil isa siyang lalaki. Ano naman kung masasaktan ka? Bakit mo iniwasan?"

Kahit na takot na takot ang mga babae, sinisisi nilang lahat si Gerald sa pag-iwas sa bote ng wine!

"Anong nangyari dito?"

Sa mga sandaling iyon, ang isa sa mga waiter na narinig ang malakas na tunog ay sumugod sa private room kasama ang ilang mga security guard.

Ang fish tank na may mga arowana sa private room ay nabasag.

Tinignan ng pinuno ng security ang lahat ng nasa loob bago siya nagtanong, "Sino ang gumawa nito?"

Napakahalaga ng arowana na ito na na-import mula sa Malaysia at hindi magagawang mabili ng salapi!

Paanong nabasag ang fish tank habang siya ay naka-duty?

Napatulala ang pinuno ng security team.

“Brother Barry, misunderstanding lang ang lahat ng ito! Sa palagay mo maitatago mo ba ang bagay na ito kay Brother Flynn?”

Mabilis na naglabas ng sigarilyo si Nigel bago niya ito ibigay kay Barry.

Agad na itinaas ni Barry ang kanyang kamay upang tanggihan ang sigarilyo.

“Nigel, huwag mo sanang masamain pero dapat mong maunawaan na ito ay isang napakamahal na isda at fish tank. Wala akong kakayahan na matulungan ka sa bagay na ‘to. Wala akong magagawa kundi tawagan agad ang manager.”

Pagkatapos nito, nagsalita kaagad si Barry sa kanyang walkie talkie.

Makalipas ang ilang sandali, isang lalaki na nasa kanyang thirties ang lumapit kasama ang isang grupo ng mga tao.

Siya ay walang iba kundi ang manager ng Emperor Karaoke Bar, si Flynn Lexington.

"Brother Flynn!" Sinalubong siya ni Nigel na may ngiti sa kanyang labi.

Tiningnan ni Flynn ang nangyari sa private room.

Pagkatapos nito, napasimangot siya bago sinabi na, “Nigel, anong nangyari? Bakit binasag ninyo ang fish tank?"

"Hindi, wala kaming lakas ng loob na gawin iyon, Brother Flynn! Hindi sinasadyang mabasag ng isa sa mga brother ko ang fish tank dahil sa sobrang inis.”

Napaka-galang ni Nigel nang kausapin niya si Flynn.

Kahit na si Flynn ang manager ng Emperor Karaoke Bar, alam ng lahat na nagtatrabaho siya para kay Zack Lyle.

Kahit na ang sariling ama ni Flynn ay kailangan maging magalang kapag kinakausap si Zack Lyle!

Napalunok ni Blondie bago siya tumayo at sinabi, “Brother Flynn, kasalanan ko ang lahat ng ‘to. Nadala ako ng galit kaya binato ko siya ng isang bote ng wine. Kaya iniwasan niya ang bote ng wine at tinamaan ng bote ng wine ang fish tank!”

Nanlilisik ang mga mata ni Flynn habang tinititigan si Blondie at makikita ang matinding galit sa kanyang mukha.

Pagkatapos nito ay sinipa niya sa tiyan si Blondie bago siya kumuha ng isa pang bote ng wine at hinampas ito sa ulo ni Blondie.

"Dahil nagalit ka? Ako, galit ako ngayon!”

"Ano!"

Matinding pagkatakot ang naramdaman ng mga babae sa mga sandaling iyon.

"Ano ang dapat nating gawin? Ang arowana fish tank ay itinayo upang mag-compliment sa interior design ng private room na ito. Kung tutuusin, dapat magbayad ka ng doble sa presyo ng fish tank dahil nabasag mo ito pero Nigel, magbibigay galang ako alang-alang sa iyong ama at sisingilin ka lang ng orihinal na presyo ng fish tank na two hundred thousand dollars. Huwag mong sabihing hindi kita tinutulungan!”

Pagkatapos ay agad na lumabas si Flynn sa private room.

Dalawang bodyguard ang nagpatuloy na binantayan ang pintuan sa mga sandaling iyon

"Ano ang dapat nating gawin, Brother Danny? Meron lang akong five thousand dollars!" Sabi ni Danny habang nakaupo at may dumadaloy na dugo sa kanyang ulo.

Nagsalita si Danny at sumagot, "Meron akong fifty thousand dollars na dapat ay allowance ko para sa susunod na buwan."

Labis na nagalit si Naomi.

Gayunpaman, dahil narito ang lahat upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan, hindi naging makabuluhan na hindi niya bigyan pansin ang mga pangyayari.

Kaya sumagot si Naomi, "Meron akong halos ten thousand dollars."

Nagsimulang ipagsama-sama ng lahat ng nasa private room ang kanilang mga pera.

Kahit na si Alice ay nagpasya na magbigay ng sampung libong dolyar upang mabayaran ang pinsala.

Pagkalipas ng ilang oras, hindi umabot sa isang daang libong dolyar ang kanilang nalikom.

“Huwag kayong mag-aalala. Tatanungin ko si Brother Flynn kung mabibigyan niya pa tayo ng karagdagang discount,” sabi ni Nigel bago siya lumabas sa silid.

Paano iyon mangyayari?

Tiyak na malaking problema ang dadating sa mga taong nasa private room!

“Hindi dapat ako nagcelebrate ng aking birthday! Tatawagan ko na ang dad ko ngayon, ”sigaw ni Naomi habang dinadabog ang kanyang mga paa.

Pinigilan siya kaagad ni Alice bago niya sinabi, “Naomi, hindi namin magagawa na ipabayad sayo ang halagang ito. Sa palagay ko ang may responsibilidad na magbayad ng damages ay ang taong nagsimula ng away!”

Pagkatapos nito, tumingin si Alice kay Gerald.

“Gerald, lahat ng ito ay kasalanan mo! Ikaw ang nagsimulang galitin si Brother Nigel. Kung hindi dahil sa iyo, hindi magagalit si Blondie at hindi niya susubukang batuhin ka ng bote ng wine."

Malamig na sinabi ni Alice.

"Oo!"

Agad na sagot ng iba pang mga babae.

Sa sandaling iyon, muling nagsalita si Naomi. “Tumigil na kayo. Huwag niyong sisihin si Gerald sa lahat ng nangyari.Wala kayong dapat alalahanin tungkol sa pera. Dahil narito tayo para i-celebrate ang aking birthday, sisiguraduhin ko na ako ang magbabayad para sa mga damages kahit na ano ang kailangan kong gawin!"

Pagkatapos nito, sinubukan ni Naomi na tawagan ang kanyang ama.

Sa kabilang banda, ginusto din na tumulong nina Harper at iba pang mga roommate ni Gerald ngunit nagkakahalaga lang ng isang libong dolyar ang kanilang monthly allowance.

Sa katunayan, talagang galit na galit si Gerald.

Galit na galit siya kina Nigel, Danny at Blondie.

Gayunman, hindi kinaya ni Gerald na panoorin si Naomi na malagay sa isang mahirap na posisyon.

Kahit na pag-aari niya ang shop na ito, hindi alam ng manager na si Flynn, kung sino talaga siya.

Bukod dito, hindi magagawang tawagan ni Gerald si Zack sa loob ng private room.

Kaya sinabi niya nalang na, "Pupunta lang ako sa banyo."

Pagkatapos nito, umalis na siya sa private room.

Nanlaki ang mga mata ni Alice sa gulat nang makita niya na lumabas si Gerald sa silid.

"Oh my god. Marami akong nakilalang mga tao sa buhay ko pero ngayon lang ako nakakilala ng isang walang hiya tulad niya! Nagawa niyang tumakas habang nandito pa ang mga babae?"

Sa oras na ito, nasa loob na ng banyo na si Gerald.

Alam niya na mamagawa na niyang tumawag sa telepono dahil wala sasabihin ang mga security guard.

Sa loob ng banyo, tumawag si Gerald gamit ang kanyang telepono.

"Brother Zack."

“Gerald! Tawagin mo na lang akong Zack! Ano ang magagawa ko para sa iyo? "

"Nagkaroon ako ng kaunting problema ..."

Related Chapters

Latest Chapter