Kabanata 9
Mabilis na ipinaliwanag ni Gerald ang sitwasyon kay Zack at mabilis na tumango si Zack.

“Nga pala, Brother Zack, may kakilala ka bang Nigel Fisher ang pangalan? Narinig ko na ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang restaurant sa Mayberry Commercial Street.”

Sa mga sandaling iyon, nakakunot ang noo ni Gerald.

Hindi siya isang taong na mapanakit o masama ang budhi.

Gayunpaman, si Nigel ang nagbigay kay Yuri ng ideya na agawin ang kasintahan ni Gerald na si Xavia, mula sa kanya. Si Nigel ang dahilan kung bakit siya nakaranas ng matinding kahihiyan.

Samakatuwid, gusto lang malaman ni Gerald kung ano ang mangyayari kung mawala ang lahat ng pera sina Nigel at kanyang pamilya.

“Nigel? Oo, nagtatrabaho para sakin ang kanyang ama. At saka, ang restaurant na pinapatakbo ng kanyang pamilya ay nakarehistro sa iyong pangalan. May nagawa ba siyang hindi kaaya-aya sayo?”

Naging maingat si Zack sa mga sandaling iyon.

Makalipas ang ilang sandali, mabilis na sumagot si Zack, "Alam ko ang dapat kong gawin, Gerald. Huwag kang mag alala! Ipaubaya mo ang lahat sakin."

***

Sa katunayan, hindi alam ni Gerald ang gagawin ni Zack.

Ito ay dahil hindi alam ni Gerald kung ano ang posibleng magawa ni Zack para sa kanya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginamit ni Gerald ang kanyang pagkakakilanlan at kapangyarihan dahil sa ibang tao. Kahit na kinamumuhian niya si Nigel, nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam matapos magbigay ng utos kay Zack.

Nagpasya si Gerald na huwag na lang masyadong pag-isipan ito.

Matapos matapos ang tawag sa telepono, lumabas si Gerald ng banyo at dumeretso siya sa private room.

Gayunpaman, nagkaroon ng isang malaking pagbabago sa loob ng private room sa mga sandaling iyon.

Sa mga sandaling iyon, sina Alice, Naomi at iba pa ay sinusubukan lahat na tumawag sa lahat ng kakilala nila upang malutas nila ang pangyayaring ito. Kailangan nilang makahanap ng isang solusyon.

Sa mga sandaling iyon, biglang pumasok si Flynn sa private room, saka yumuko sa harap nila bago siya agad na humingi ng patawad.

At agad niyang sinabi niya sa kanila na hindi na nila kinakailangang magbayad para sa mga pinsala sa arowana fish tank.

Labis na nalito ang bawat isa sa mga sandaling iyon.

Nang biglang lumakad si Nigel papasok, biglang napagtanto ng lahat ang nangyayari.

"Brother Nigel, ikaw ba iyon?"

Tumingin ang lahat ng babae kay Nigel at kita ang paghanga sa kanilang mga mukha.

Pinag Iisipan pa rin ni Nigel kung ano ang posibleng gawin nila upang solusyonan ang mga pangyayari. Sa katunayan, tumakbo siya kanina sa private room dahil gusto niyang magtago. Gayunpaman, nagpasya siyang magtungo sa private room nang makita niyang nagmamadali si Flynn patungo sa private room ng may gulat sa kanyang pagmumukha.

Tila lumalabas na nalutas na ang mga pangyayari.

Hindi ipinagtapat ni Nigel na hindi siya ang nagresolba sa mga nangyari.

Sa halip ay ngumiti lang siya at sinabi, “Si Brother Flynn at ang aking ama ay mabuting magkaibigan! Maliit na bagay lang ‘to. ”

“Wow! Brother Nigel, talagang hindi kapani-paniwala! ”

"Brother Nigel, ikaw ang pinakamahusay!"

Ang lahat ng mga babae ay agad na humanga kay Nigel.

Si Alice ay nakatingin din kay Nigel sa mga sandaling iyon at nagsisimula na siyang mahulog kay Nigel.

Pagkatapos ng lahat, siya ang may-ari ng Grand Marshall Restaurant sa Mayberry Commercial Street. Tunay na siya ay kahanga-hanga at nagmula siya sa isang mayamang pamilya.

Sa mga sandaling iyon, bumukas ang pinto at pumasok si Gerald sa loob ng private room.

"Oh tingnan mo! Bumalik laang siya sa ng malaman na nalutas na ang pangyayari."

Kita ang pandidiri ng mga babae habang nakatingin kay Gerald.

Sa mga sandaling iyon, lalong nandiri si Alice kay Gerald.

“Naomi, matanong ko lang. Bakit ka nakikipagkaibigan sa isang katulad niya?"

Pangising sinabi ni Alice.

Doon nalaman ni Gerald ang katotohanan, na inayos na ni Zack ang lahat para sa kanya.

Bukod dito, lumapit si Flynn upang humingi ng paumanhin at ipaalam sa kanila na hindi na nila kailangang magbayad para sa mga pinsala.

Siyempre, madali lang malulutasan ang mga pangyayari. Kung tutuusin, si Gerald ang may-ari ng lugar na iyon.

Gayunpaman, dahil sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lahat, napag-alaman ni Gerald na muli siyang hindi naunawaan at inisip nila na si Nigel ang may kagagawan kung bakit sila nakalusot!

Paliwanag?

Hahaha Naisip ni Gerald na hindi na ito kailangan.

Sa katunayan, inisip ni Gerald noong umpisa na maganda talaga si Alice.

Ngunit, pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayong gabi, wala nang interes si Gerald kay Alice.

Sa katunayan, ang tanging dahilan kung bakit niya pinili na lutasin ang bagay na ito ay dahil lamang kay Naomi.

Bukod dito, kahit na subukan niyang ipaliwanag ang kanyang sarili, alam ni Gerald na wala ring maniniwala sa kanya.

Ayaw ni Gerald na sayangin ang kanyang oras upang magpaliwanag.

"Sige! Dahil nalutas na namin ang problemang ito, bakit hindi tayo pumunta sa ibang lugar para ipagpatuloy ang pagcecelebrate? Sagot ko na ang lahat!”

Sa mga sandaling iyon, agad na sinubukan ni Nigel na baguhin ang usapan.

Tumingin siya kay Alice at kanyang mga roommate.

“Oo! Syempre!"

Agad na pumayag ang buong grupo at ngumiti si Alice kay Nigel.

Kung ikukumpara kay Danny, naramdaman ni Alice na si Nigel ay hindi lamang mas gwapo, mas mature at mas stable din siya. Bukod dito, naramdaman ni Alice na maraming koneksyon si Nigel at tiyak na magkakaroon ito ng pakinabang sa kinabukasan.

Tiyak na maraming kakilala si Nigel!

Walang pagbabago sa ekspresyon ni Naomi habang sinabi niya, “Bakit hindi nalang natin ipagpatuloy ang pagdidiwang bukas? Halos alas kwatro na ng umaga. Sa tingin ko dapat umuwi na muna tayo ngayon… ”

Wala na sa mood si Naomi na magsaya pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Sa mga sandaling iyon, tumango din si Harper at sinabi, “Oo, hindi na kami lalabas pa. Uuwi na din kami…”

Sa katunayan, medyo nakaramdam din ng pag-amot ang mga roommate ni Gerald.

Sa una, lahat sila ay nasasabik na makilala ang lahat ng magagandang batang babae sa dormitoryo ni Alice.

Gayunpaman, halata na ngayon na ang lahat ng mga lalaki mula sa dormitoryo ni Gerald ay hindi maikukumpara kina Danny at sa kanyang mga kaibigan.

“Hahaha, okay lang. Hindi din naman kayo makapasok sa susunod na pupuntahan namin. At saka, hindi ako pwede magsama ng masyadong marami. Kaya marahil ay mas mabuti kung pipiliin niyo na umuwi nalang!"

Malamig na napatingin si Nigel kina Gerald at Harper.

"Ahh? Saan ba tayo pupunta? Pupunta ba kami sa restaurant mo? " tanong ng mga dalaga habang nakatingin kay Nigel.

Inunat ni Nigel ang kanyang daliri bago niya ito winagayway sa harap nila. "Hindi, dadalhin ko kayo sa Wayfair Mountain Entertainment. Alam niyo ba ang lugar na ‘yon?"

"Ang sikat na Wayfair Mountain Entertainment?" Gulat na tinanong ni Alice. "Iyon ang highlight ng Mayberry Commercial Street! Hindi ba iyon ang manor kung saan nagpupunta ang lahat ng mayayaman at makapangyarihang para magsaya?”

Tama si Nigel. Hindi lahat ng tao may magagawang makapasok sa lugar na iyon sa kanilang buong buhay!

Si Alice ay nagmula sa isang mayaman na pamilya at nagkaroon siya ng pagkakataon na masulyapan ang manor dahil sa kanyang sobrang yaman na tiyuhin.

Sa hindi inaasahan, magagawang maipasok din sila ni Nigel sa manor.

“Dahil maraming magagandang babae, kukunin ko lang ang kotse. Hintayin niyo ako sa entrance! ”

Kinaway ni Nigel ang kamay niya bago siya lumabas ng private room.

Ngayon araw, talagang nabihag si Nigel sa kagandahang taglay ni Alice.

Sa katunayan, nais niyang gamitin ang pamamaraan na itinuro niya kay Yuri upang mapasagot si Alice.

Naniniwala siya na ang lahat ng babae ay madaling mabibili ng pera!

“Naomi, bakit hindi ka sumama sa amin? Birthday mo pa naman ngayon. Hindi ba’t sinabi mo na gusto mo talaga makita at maranasan ang Wayfair Mountain Entertainment? Ang pagkakataon ay nasa harapan na mo ngayon!"

Sinubukan ni Alice na akitin si Naomi na sumama sa kanila habang nakahawak siya sa mga kamay ni Naomi.

“Oo! Lahat tayo ay hindi pa nakakarating doon, kaya bakit hindi tayo magkakasamang pumunta doon ngayon? At saka, kasama natin si Brother Nigel na poprotektahan tayo ngayong gabi. Kilala siya dito at parang marami siyang koneksyon dito sa Mayberry Commercial Street. Wala tayong dapat ipag-alala dahil nandito si Brother Nigel kasama natin!”

Ngumiti din si Danny habang umaasa.

Sa mga sandaling iyon, nakasimangot si Naomi bago niya sinabi, “May isang bagay na hindi ko talaga maintindihan. Alice, hindi mo ba naisip na kakaiba ang mga nangyari ngayong gabi?”

Sumimangot si Alice bago siya nagtanong, “Kakaiba? Anong pinagsasabi mo? Tinutukoy mo ba ang nangyari tungkol sa arowana fish tank? "

"Oo," sagot ni Naomi habang nagpatuloy sa pagkakunot ng noo. "Malinaw niyong nakita at narinig kung paano pinilit ni Flynn na bayaran natin ang mga pinsala na nagkakahalagang two hundred thousand dollars. Sa oras na iyon, tila hindi siya nagpakita kay Nigel nang kahit anumang konsiderasyon, at kinailangan pa siyang purihin at bolahin ni Nigel para pasayahin siya.”

"Pero, wala pang ten minues, biglang nagbago ng husto ang pag-uugali ni Flynn. Pumunta pa siya para personal na humingi ng tawad sa bawat isa sa atin. Hindi mo ba napagtanto na kakaiba ang mga pangyayaring ‘yon?”

Mabilis na ipinaliwanag ni Naomi ang sitwasyon.

Agad na napatahimik ang lahat ng nasa private room.

Biglang sumagot si Harper, "Oo, naisip ko din na may kakaiba sa mga nangyari! Hindi mukhang madaling mapasaya si Flynn. Tiyak na hindi siya isang tao na madali mapapakiusapan ng kung sinuman. Kahit na gaano kahusay si Nigel sa pambobola, paano niya nagawang mabago ang isip ni Flynn sa loob lamang ng ilang minuto? "

"Ibig mo bang sabihin na may ibang tumulong sa atin?" Tanong ni Alice nang mapagtanto niya din na ang sitwasyon ay hindi tumutugma.

Masyado siyang naging abala sa paghanga kay Nigel at tuluyan niyang hindi binigyan ng pansin ang buong sitwasyon sa mga sandaling iyon...

Related Chapters

Latest Chapter