Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig
Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig
Author: Suzie
Kabanata 1
Nakalabas galing sa kulungan si Sabrina Scott bago dumilim.

Pansamantala muna siyang pinalaya sa kulungan ng isang araw.

May hawak siyang address sa kamay at pumasok sa kotse sa may entrance. Gabing-gabi na nung dumating siya sa isang lumang mansyon na malapit sa taas ng bundok. Dinala siya ng tagabantay sa isang kwarto.

Sobrang dilim ng kwarto, at umalingasaw ang makapal na amoy ng dugo pagpasok niya dito. Bago pa siya nasanay sa pagkadilim ng kwarto, bigla na lang may yumakap sa kanya nang mahigpit.

Isang mainit na hininga ang bumungad sa kanya. "So, ikaw pala ang pinadala sa akin para pasayahin ako bago mamatay, ang... call girl?"

'Call... girl?'

Tumulo ang luha galing sa mga mata ni Sabrina.

Bigla siyang nakaramdam ng takot, at nanginig na ang boses niya. "Malapit ka na bang... Mamatay?"

"Oo! Pinagsisisihan mo ba ang ginagawa mo sakin?" ngumiti nang bahagya ang lalaki.

"Hindi ako nagsisisi," sagot ni Sabrina.

Wala na siyang oras para pagsisihan ito dahil umaasa ang nanay niya na maliligtas siya nito.

Sobrang dilim ng kwarto. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki. Alam niya lang na wala sa itsura ng lalaki na malapit na itong mamatay. At pagkatapos ng dalawa o tatlong oras, nakatulog na din ang lalaki.

'Patay na ba siya?'

Wala na siyang oras para matakot, at nagmadali na siyang tumakas ng mansyon.

Malakas at malamig ang ulan nung gabing yun. Tumakbo siya sa ulan papunta sa Lynn Residence.

Alas onse na ng gabi at naka-lock na ang pinto papunta sa Lynn Residence. Pero, narinig pa rin ni Sabrina ang masayang ingay sa loob ng bahay na para bang meron silang ipinagdiriwang.

"Buksan niyo ang pinto! Bilis, buksan niyo ang pinto at ibigay niyo na sakin ang pera. Kailangan ko na iligtas ang mama ko... Buksan niyo ang pinto! Buksan niyo ang pinto!"

Naka-lock pa rin ang pinto.

Habang naghihintay siya ng bus sa maulang gabi, hilong hilo at parang babagsak na si Sabrina, pero kailangan niyang ipunin ang lakas niya para sipain ang pinto hanggang sa marinig nila ang malakas na kalabog. "Buksan niyo ang pinto! Buksan niyo na 'to! Ibigay niyo na sakin ang pera, kailangan ko ng iligtas ang mama ko..."

'Bang!' Bumukas na ang pinto, at biglang nawala ang pagka desperado ni Sabrina.

Tumingin kay Sabrina na parang nandiri at nainis ang taong nasa likod ng pinto.

Alam ni Sabrina na mukhang mas marumi pa siya sa pulubi ngayon.

Pero, wala na siyang pake sa itsura niya ngayon. Lumapit siya agad sa harap ng taong yun at nagmakaawa ito. "Nagawa ko na yung gusto mo, ibigay mo na sakin yung pera ngayon, hindi na makakahintay nang matagal ang mama ko, parang awa mo na..."

"Patay na ang nanay mo, kaya hindi mo na kailangan ang pera." Naghagis ng litrato na nasa itim na frame ang taong nagbukas ng pinto, at walang awa nitong sinara ang pinto.

"Ano?" nagulat si Sabrina at nasa gitna pa rin siya ng ulan.

Ilang saglit pa, umiyak ito ng sobrang lakas, "Mama..."

"Mama, nahuli po ba ako? Hindi ko na ba talaga nasalba ang buhay mo? Patay na ang mama ko... Patay na ang mama ko..." niyakap ni Sabrina ang litrato ng mama niya, umupo sa gitna ng ulan, at kinausap ang sarili niya.

Tapos tumayo na ito ulit at sinimulang kalabugin ang pinto na parang baliw. "Sinungaling! Ginawa ko yung ipinangako ko sayo, pero hindi mo niligtas ang mama ko, ibalik mo sakin ang mama ko! Sinungaling! Mamamatay din ang buong pamilya mo... Sinungaling! Sinungaling! Sinungaling! Sinusumpa kong mamamatay din ang buong pamilya mo!"

Nahimatay si Sabrina sa labas ng pintuan ng Lynn Residence.

Nang magising siya, tatlong araw na ang nakalipas, at nasa kulungan na siya ulit.

Dinala siya sa isang medical care area nung na-coma siya dahil nagkaroon siya ng mataas na lagnat. Bumaba ang lagnat niya pagkatapos ng tatlong araw, at binalik na siya sa dating kulungan.

Lumapit ang ilang babaeng preso at pinalibutan siya.

"Kala ko pinalaya na siya at nakalabas na pagkatapos piyansahan, pero tatlong araw lang ang nakalipas nandito na naman siya?"

"Narinig ko na pinalabas lang siya para paglaruan ng isang gabi."

Hinila ng isang machong babaeng gang leader ang buhok ni Sabrina at tumawa ito nang malakas. "Ang saya naman ng buhay ng babaeng 'to! Panoorin niyo kong bugbugin siya ngayon hanggang mamatay!"

Wala man lang naging reaksyon si Sabrina.

Bugbugin na lang siya hanggang mamatay. Kapag ginawa nila ito, mas gugustuhin niya pa dahil makakasama niya na ulit ang mama niya.

Habang pinupunit ng mga babae ang damit ni Sabrina, may narinig silang boses galing sa pinto. "Anong ginagawa niyo?"

Napangiti nang bahagya ang babaeng gang leader at parang natakot ito. "May sakit si Sabrina. Gusto lang namin siyang kamustahin."

Hindi sumagot ang correctional officer pero sinigaw nito ang prison code ni Sabrina. "036, lumabas ka na!"

Lumabas si Sabrina at nagtanong dito, "Ano na namang ginawa kong mali?"

"Makakalaya ka na." sagot ng correctional officer.

"Ano?" Akala ni Sabrina ay hindi tama ang narinig niya. Saka lang siya naniwala na totoo ito noong nakalabas na siya sa pinto ng kulungan.

Napaiyak siya sa tuwa at bumulong, "Mama! Hindi na po kita naligtas, mapapatawad mo pa po ba ako? Pupuntahan na po kita ngayon. Saan ka nakalibing...?

"Ikaw ba si Miss Scott?" tanong ng isang lalaki.

Nakatayo sa harap ni Sabrina ang isang lalaking nakasuot ng suit, at isang itim na kotse ang nakaparada sa likod niya. May isa pang lalaking nakashades sa loob ng kotse at nakatingin sa kanya.

Tumango siya. "Oo, ako nga 'yun. Ikaw..."

Hindi sumagot ang lalaki pero tumalikod ito at magalang na nakipag-usap sa lalaking nakashades sa loob ng kotse. "Young Master Sebastian, siya nga po."

"Dalhin mo siya dito!" Utos ng lalaking nakashades.

Si Sabrina, na litong-lito pa din, ay pinilit na pumasok sa kotse at pinaupo sa tabi ng lalaking nakashades. Agad siyang nakaramdam ng malamig na aura na parang mamamatay tao ito.

Pakiramdam ni Sabrina ay hawak nito ang buhay niya ngayon.

"Ako si Sebastian Ford." nagpakilala ang lalaki ng sarili niya.

Hindi mapigilang manginig ni Sabrina at nagtanong ito, "Nakalaya na nga ako... Pero matutuloy pa din ang parusa kong kamatayan?

"Sinama kita para makakuha ng marriage certificate!" nag-aalangan pa si Sebastian na tumingin sa kanya ulit.

Naisip bigla ni Sabrina na parang pamilyar ang boses niya. Kaboses niya yung lalaking namatay nung isang gabi.

Pero, namatay na ang lalaking 'yun.

"Anong sinabi mo?" Akala niya mali ang pagkarinig niya.

Next Chapter

Related Chapters

Latest Chapter