Kabanata 2
Author: Suzie
Hindi tumingin si Sebastian kay Sabrina. "Narinig mo 'ko."

Hinawakan ni Sabrina ang dulo ng marumi niyang damit at nagsalita ito ang mahina, "Sir, hindi po ito nakakatawang biro."

Ngumiti si Sebastian at sinabi, "Di ba matagal mo ng planong magpakasal sa akin?"

Tumingin nang deretso si Sebastian sa mukha ni Sabrina na mukhang lugmok and tumitig ito sa mga mata niya. Nanginig si Sabrina at umiwas ng tingin, pero hinawakan ni Sebastian ang baba niya at pinilit itong tumingin sa kanya.

Napansin ni Sabrina na yung mukha niya sa ilalim ng shades ay parang malamig at maganda. Talagang pinagpala siya ng Diyos dahil mukhang gwapo talaga siya. Bukod dito, yung mga maliliit niyang balbas ay mas nagpaganda pa sa pagkalalaki niya.

Yung suit niya ay talagang maganda ang pagkakagawa at mamahalin.

Masasabi ni Sabrina na talagang kilala itong taong 'to.

Samantala, siya naman ay nakasuot ng maruming damit na puro amag, magulo ang buhok, madungis na mukha, mabaho ang amoy, at hindi pa siya naliligo ng ilang araw.

Kukuha daw silang dalawa ng marriage certificate?

Tumungo si Sabrina at nagsalita nang mahina, "Sir, sa tingin niyo ba porket nakulong ako ng dalawang taon at hindi pa ulit nakakita ng kahit sinong lalaki, eh papayag na lang ako sumama sa kahit sinong lalaking pangit at hindi ko pa kakilala?"

Hindi napigilan ni Sebastian na tumingin ulit sa kanya.

Medyo bata pa siya, pero matalim ang dila niya at kalmado lang ito. Hindi niya napigilan na mas mandiri pa siya sa kanya, "Ginagamit mo ba 'tong paraan para galitin ako o para mas maging interesado ako sayo?"

Pagkatapos niyang magsalita, hindi niya na hinintay pang sumagot si Sabrina at inutos agad sa driver, "Sa munisipyo tayo!"

"Pakawalan mo na ko! Ni hindi nga kita kilala!" Natakot si Sabrina at gusto nang lumabas ng kotse.

Pinapirmi siya ni Sebastian gamit ang siko niya patalikod, at tinignan niya ito nang nakakatakot, malamig ang boses nang magsalita ito, "Ikaw babae, makinig ka--! Kung gusto mo nang mamatay, pwede na kita patayin ngayon."

Natakot si Sabrina. Tumulo ang luha sa mga mata niya, at nagsalita ito nang mahina, "Ayaw ko pang...mamatay."

"Dumeretso ka na sa munisipyo!" utos ulit ng lalaki.

"Young Master Sebastian, sa munisipyo na po ba talaga tayo dederetso?" tanong ng assistant niya na nakaupo sa harapan.

Parang napaisip si Sebastian.

Tumingin ang assistant kay Sabrina at sinabi, “Punit punit at luma na ang damit ni Young Mistress, at mukhang na rin siyang marumi..."

"Balik tayo sa Ford Residence!" nag-utos ulit ang lalaki.

"Opo, Master Sebastian." pinaandar na ng driver ang kotse.

Tumigil ang kotse pagtapos ng isa't kalahating oras.

Lumabas si Sabrina ng kotse at nakita ang Ford Residence na isang malaking mansyon. Makikita ito sa gitna ng bundok.

Malaki ang pagkakaiba nito kumpara sa lumang mansyon na nakita niya nung nakaraang tatlong araw sa kabilang gilid ng burol. Ito ay mukhang palasyo, pero yung isang mansyon naman nung isang araw ay parang lumang kulungan. Siguro isang preso na hahatulan ng kamatayan yung lalaking nagsamantala sa pagkababae niya.

Hindi pa rin siya makapaniwala nang biglang hinawakan ni Sebastian ang kamay niya.

Mas maliit si Sabrina sa kanya, at malalaki ang mga hakbang niya. Mukha siyang tutang gala na pinulot lang habang hinihila siya ni Sebastian at pilit siyang tumakbo sa likod nito.

Ang mga katulong sa mansyon ay magalang na tumungo pagkakita sa lalaki. "Welcome back po, Young Master Sebastian."

Dinala ng lalaki si Sabrina sa main house papunta sa mga mababang kwarto doon. Binilin niya si Sabrina sa mga katulong at sinabi, "Hanapan niyo siya ng malinis na damit, at paliguan niyo na din."

"Opo, Master Sebastian." Sumagot ang mga katulong at dinala si Sabrina sa banyo.

Dapat makatakas na siya dito.

Hindi siya pwedeng sumama sa lalaki na gusto siya sanang patayin pero gustong pa rin siyang pakasalan pagkalabas niya ng kulungan para magkaroon sila ng marriage certificate.

Malalim ang iniisip ni Sabrina at hindi niya na napansin na tinanggal na ng mga katulong ang lahat ng mga damit niya.

Huminga nang malalim ang mga katulong.

"Parang hickey yung mga pasa niya sa leeg ‘no?"

Nang bumalik na sa sarili niya si Sabrina, kinagat niya ang labi niya at sinabi, "Hindi ako sanay na may nagpapaligo saking ibang tao. Pwede na kayong umalis, ako na ang bahala dito."

Isa sa mga katulong ang nagtanong, "Ano ka ba ni Young Master Sebastian..."

Mabilis na sumagot si Sabrina at sinabi, "Katulong."

"Edi paliguan mo na ang sarili mo." Tumalikod ang mga katulong at umalis.

Nang makalabas sila, isa sa mga katulong ang nagsalita at bumulong ito, "Akala ko babae siya ni Young Master Sebastian. Yun pala katulong lang din siya. Mukhang nagalaw na siya ng maraming lalaki. Sino ba siya sa akala niya para paliguan pa natin siya?"

Nang tumingala ang katulong, nakita niya si Sebastian na nakatayo sa labas ng banyo. Tinikom agad ng katulong ang bibig niya sa takot.

Sa loob ng banyo, tinignan ni Sabrina ang sarili niya sa harap ng salamin at namumula ang mukha niya.

Nakuha na ng unang lalaki ang virginity niya at hindi niya pa ito kilala. Hindi niya na malalaman kung anong itsura niya.

Pinikit niya ang mata niya, at tumulo ang luha sa pisngi niya papunta sa leeg.

"Isa ka talagang maruming babae!" sabi ng isang boses ng lalaki.

Napadilat ang mata ni Sabrina dahil nag-panic ito.

Nakatingin si Sebastian sa leeg niya at nandidiri ito.

Nagmadaling tinakpan ni Sabrina ang katawan niya ng mga damit. Tumulo ang luha niya sa mukha dahil sa galit at hiya. "Kakalabas ko lang ng kulungan, at kinidnap mo ko dito. Hindi naman kita kilala. Kahit gaano ako karumi, wala ka na dapat pake dun, di ba? Lumabas ka na!"

Ang nandidiring tingin ni Sebastian ay napunta sa mukha ni Sabrina, pero hindi niya masabi kung nagdadrama lang ba siya.

Magaling talaga sa panloloko ang babaeng ito.

"Sumama ka na sakin para makakuha na tayo ng marriage certificate pagkatapos mong maligo. Pagkalipas ng tatlong buwan, ididivorce din kita, at ibibigay ko sayo ang hati mo. Pag dumating ang oras na yun, kung gustuhin mo pa sa tabi ko kahit isang segundo, hindi na pwede yun!" Pagkatapos niyang magsalita, sinara niya ang pinto at umalis.

Hindi na sinubukan pang huminga nang malakas ng mga katulong doon dahil nandun lang si Sebastian.

Pang-apat na lalaking anak siya ng tatay niya, at ang tatay naman niya ang panganay na anak ng Ford family. Magkaiba ang nanay ng tatlong lalaking kapatid niya sa kanya. Anak siya ng tatay niya sa ibang babae. Kahit daang taon nang kilala ang Ford family, ang isang bastardong anak na katulad ni Sebastian ay walang karapatan na magmana ng kahit maliit na parte sa mga ari-arian ng Ford family.

Mas inuuna pa nga ang mga kamag-anak nila na bigyan ng mana kaysa sa kanya.

Nung nagbibinata pa siya, pinatapon siya sa ibang bansa. Pero, lumaban ito para makauwi balang araw at nagawa niya ngang makabalik sa bansa niya, pero niloko ang nanay niya at pinakulong ito. Simula noon, pinagplanuhan niya na nang maigi ang bawat hakbang na gagawin niya at may mga ginawa siya para itago ang totoo niyang motibo na mapalayas ang mga kalaban niya.

Nitong huli, pineke niya ang pagkamatay niya tatlong araw na ang nakalipas at ginamit niya ito para lituhin at makaganti ng diretso. At ang resulta nito, napaalis niya ang mga kalaban niya at nagtagumpay na siya sa paghahari ng buong Ford family.

Sa Ford family ngayon, na kay Sebastian ang huling desisyon.

Hindi naman talaga ginusto ng nanay niya na maging kabit sa mag-asawa. Ginamit lang siya ng unang asawa ng tatay niya para hindi ito makipaghiwalay..

Nung nalaman ng nanay ni Sebastian na meron palang pamilya ang tatay niya, siyam na buwan na itong buntis.

Inapi nang matindi ang nanay niya, pero nagdusa ito nang tahimik. Pinagbintangan pa nga ito at kinulong nung hindi pa siya katandaan. Sa wakas nakamit na rin ni Sebastian na pagharian ang Ford family at napalaya niya na rin sa kulungan ang nanay niya, pero tatlong buwan na lang ang taling ng buhay nito..

Isa lang ang hiling ng nanay niya. Gusto niyang ipakasal kay Sebastian ang kasama niya sa kulungan na si Sabrina Scott.

Wala nang magawa si Sebastian kundi tuparin ang gusto ng nanay niya dahil nakikita niyang nauubos na ang oras nito sa mundo.

Nung gabi bago niya pinag desisyunan na palabasin si Sabrina sa kulungan, gumawa siya ng matinding imbestigasyon tungkol sa kanya.

Nakita sa imbestigasyon niya na ang babaeng ito ay may tinatagong motibo sa pagiging malapit sa nanay ni niya.

"Young Master Sebastian, may problema po!" Naabala ang pag-iisip niya nang biglang sumigaw ang katulong.

Biglang naging seryoso ang tingin ni Sebastian. "Bakit ka ba nagpapanic?"

"Yung babae po... tumalon sa bintana para makatakas," takot na sinabi ng katulong.

Related Chapters

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 3

    "Ano?" sumimangot bigla ang mukha ni Sebastian, at nagmadali itong pumunta.Wala nang tao sa banyo, may nakasulat na lang sa dingding gamit ang dugo. 'Mr. Ford, kahit na magkaibang magkaiba ang mundo natin, hindi ko gugustuhin pakasalan ka, paalam!'Malinis at madiin ang pagkakasulat dito gamit ang dugo, ibig sabihin hindi na mapigilan ng nagsulat ang matindi nitong galit.Natigilan si Sebastian sa nakita niya.Posible kayang mali ang pagkaka-iimbestiga niya kay Sabrina?Ilang segundo lang, nag-utos na siya,. "Hanapin niyo sa likod ng bundok!"Hindi niya pwedeng hayaang mamatay ang nanay niya nang di natutupad ang gusto nito.Lahat ng klase ng sanga at tinik sa likod ng bundok ay sumabit na sa damit ni Sabrina, pero kailangan niyang humawak sa mga sanga para makababa siya nang maayos at hindi siya mahulog nang tuluyan. Nagtago siya sa ilalim ng makapal na sanga at nagawang makatakas sa mga tauhan ng Ford family na pinaghahanap siya.Nagtigil siya doon hanggang dumilim at umikot

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 4

    Isang buwan ng hinahanap ni Sebastian si Sabrina.Nung naisip niya na nagkamali siya ng akala at si Sabrina pala ay hindi naman ganun karumi at wasak katulad ng imbestigasyon niya, bigla niya itong nakita bilang isang waitress sa labas ng kwarto na nakareserve para sa kanya. Minaliit niya talaga si Sabrina."Director Ford... ano po, ano pong meron?" Nanginig ang restaurant manager na kasama ni Sebastian habang nakatingin ito sa kanya."Gaano na siya katagal dito?" Seryosong tumingin si Sebastian sa manager."Isa...Isang buwan," sagot ng manager, nanginig ang boses niya.!Isang buwan!Ito ang oras na nakalipas simula ng tumakas siya sa Ford family.Hindi niya talaga sinusubukan tumakas-- gusto niya lang tumaas ang halaga niya.Damn!!Nayamot si Sabrina at dismayado siyang tumingin kay Sebastian.Ganito pala talaga kaliit ang mundo?"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, bitawan mo 'ko! Sige, tatawag ako ng pulis." Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak ni Sebastian sa

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 5

    Kung hindi si Sebastian ang lalaking nakatayo sa likod niya, sino pa nga ba?Tumingin ang lalaki kay Sabrina at nakangiti ito ng konti. Malambing at malamig ang boses ng lalaki na parang nakakaakit ito sa tenga ni Sabrina. "May sakit si Mama at kailangan niyang magpahinga. May mga problema ka ba na hindi ko kayang solusyunan? Bakit kailangan mo pang abalahin si Mama?"Natigilan si Sabrina at wala siyang nasabi.Hinawakan siya ng lalaki at dinala palabas ng kwarto bago pa ito pumalag."Anak, mag-usap kayo ng maayos tungkol sa kasal niyo ni Sabrina. Dapat alagaan mo si Sabrina nang mabuti," sumigaw si Grace sa likod nila."Wag kang mag-alala, Ma." sumagot ang lalaki nang isara ang pinto papunta sa ward.Hinila ni Sebastian si Sabrina at naglakad sila ng malayo.Nang makarating sila sa dulo ng corridor, ang malambing niyang mukha ay napalitan ng pagiging suplado, at may nakakatakot na tingin.Sinakal agad ng lalaki ang leeg ni Sabrina at sinandal siya sa dingding. Parang espada a

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 6

    Nang lumabas sila ng munisipyo, nagpaalam na si Sabrina kay Sebastian. "Mr. Ford, hindi na pwede ang mga bisita sa hapon sabi ng mga doctor, kaya hindi na ako susunod sayo. Bibisitahin ko na lang si Auntie Grace bukas ng umaga."Matino naman talaga siyang kausap.Kapag wala siya sa harap ni Auntie Grace, magkukusang na siyang ilayo ang sarili niya kay Sebastian."Ikaw ang bahala," kalmadong sagot ni Sebastian.Umalis na nang mag-isa si Sabrina.Sa loob ng kotse, nagtanong si Kingston, "Young Master Sebastian, hindi ka ba natatakot na baka tumakas siya?"Ngumiti si Sebastian na parang nang-iinsulto. "Tumakas? Kung gusto niya talagang tumakas, bakit siya magtatrabaho bilang waitress sa restaurant na lagi kong kinakainan? Bakit din siya pupunta sa nanay ko para mangutang? Kaya lang siya tumakas ng dalawang beses eh para tumaas ang halaga niya."Sabi ni Kingston, "Wala namang kumukontra...""Magmaneho ka na lang dyan," sabi ni Sebastian.Lumagpas ang kotse kay Sabrina, pero hindi

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 7

    Alam ni Selene na talagang ayaw sa kanya ni Sebastian.Pakiramdam niya 10,000 na karayom ang tumusok sa puso niya. Sobrang sakit, nakakahiya at nakakainis.Pero, takot din siya kay Sebastian.Magsasalita pa sana siya tungkol sa ibang bagay, pero biglang naputol ang tawag.Nadurog ang puso ni Selene."Anong problema, Selene?" nagtanong agad si Jade."Ma... Si Master Sebastian... Hindi siya pumayag na pag-usapan ang kasal namin... Hindi...naman niya yun malalaman, di ba?Nagsimula umiyak si Selene sa takot. "Hindi niya malalaman na nagpapanggap akong si Sabrina, di ba? Ma, ano bang dapat natin gawin? Marami nang pinatay na tao si Sebastian, natatakot ako..."Kahit si Jade at Lincoln ay natakot dahil sa mga ginawa nila.Buong hapon na nakakaramdam ng takot ang buong pamilya hanggang sa pumunta ang katulog at sinabi, "Sir, Madam, nandito po si Sabrina. Sabi niya pumunta siya dahil gusto niya kunin yung mga litrato nila ng mama niya.""Sabihin mo umalis na siya!" Binuhos agad ni S

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 8

    Natigilan din si Sebastian habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya.Walang saplot ang katawan ni Sabrina, at namula nang kaunti ang balat niya pagkatapos maligo. Magulo at basa pa ang maikli niyang buhok, at ang maliit niyang mukha ay basang basa pa rin ng tubig at steam.Makikita na agad ang buong katawan niya sa isang tingin palang habang nakatayo siya sa harap ni Sebastian. Nanginig siya at tinakpan na lang sarili niya dahil wala na siya nagawa.Wala rin masyadong suot na damit si Sebastian.Matangkad siya, maganda at malaki ang katawan na kita ang muscles nito, makinis na balat, makisig ang balikat, at maliit ang balakang. Ang kamay niyang matigas at parang bakal ay merong dalawang nakakatakot na peklat, pero dahil dito mas nakita ang pagkakalaki niya at malakas ang dating nito.Nung nakita ni Sabrina ang mga peklat niya, parang tumiklop ang puso niya at natakot ito.Pero, nahiya din siya dahil nakita na ni Sebastian ang buong katawan niya.Nagpanic siya at tinakpan ang

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 9

    Nasaktan nang kaunti ang puso ni Sabrina.Syempre, hindi mawawalan ng girlfriend ang isang lalaking katulad ni Sebastian na galing sa mayaman at marangal na pamilya. Kaya lang naman nagpakasal si Sebastian sa kanya ay para pagbigyan ang kagustuhan ng nanay niya na malapit nang mamatay.Pero, hindi talaga inakala ni Sabrina na ang girlfriend pala ni Sebastian ay si Selene.Para kay Sabrina, napakarami talagang nangyayari sa buhay na di inaasahan.Yung mga taong umapi sa kanya ay mas lalo pang sumasaya at nagiging marangal. Sa kabilang banda, si Sabrina naman sira na ang kinabukasan, buntis at hindi kasal, at hindi nga rin alam kung anong pangalan ng ama ng anak niya.Pakiramdam ni Sabrina ay para siyang payaso habang nakatingin siya sa dalawa na para bang itinadhana talaga para sa isa't isa.Para bang ginawa lang dahilan ni Selene ang pagsabi niya kay Sabrina na kunin ang mga litrato ng mama niya. Ang totoong intensyon ni Selene ay para harapan niyang ipagmalaki ang boyfriend niya

  • Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig   Kabanata 10

    Natigilan si Sabrina sa paglalakad.Narinig niya ang insulto ni Selene. Gusto niya sana kalmutin at sirain ang mukha ni Selene.Pero, hindi niya kayang gawin 'yun basta basta.Kung gagawa man siya ng kung ano, hindi siya makakapagpigil na maging matindi ang away. Natatakot siya na baka masaktan ang bata sa sinapupunan niya.Tumawa siya at nagtanong, "Interesado ka ba sa ganitong negosyo?""Tsk!" naasar na ngumiti si Selene. "Nag-alala lang ako sa kalusugan mo, wag ka sanang mahawaan ng kung anong maruming sakit! Dudumihan mo pa ang bahay ko at babaho ang amoy dito.""So bakit mo ko inimbitahan dito sa bahay mo, at pinilit mo pang dito ako maghapunan? Akala ko tuloy interado ka sa ganung klase ng negosyo," kalmadong nagsalita si Sabrina, pero sapat na yun para masakal ang buong Lynn family hanggang mamatay sila.Walang nakapansin nung oras na yun na nakatitig lang si Sebastian kay Sabrina at nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.Pagkatapos ng ilang saglit, kinuha ni Sebastian a

Latest Chapter

  • Kabanata 2077

    "Lahat kayo ay inakusahan ako! Ako, at si Ryan Poole, at iiyak na lang dito!"Sa sandaling iyon, wala kang mapapansing bahid ng pagkapiyok sa tinig ni Ryan. Alam ni Sabrina na nagmamalaki lang siya. Siya'y lubos na nagmamalaki."Dalhin mo kami agad kay Ruth! Kung hindi mo kami ipapakita ang daan, bubugbugin kita ng husto!" sabi ni Sabrina na puno ng inis."Sige ba! Aunt Sabrina!" Tumalikod si Ryan at tumungo papunta sa ward."Sandali, Ryan. Sandali!" Tawag muli ni Sabrina. Lumingon si Ryan at tumingin kay Sabrina. "Anong mayroon?""Sabihin mo muna sa akin, mayroon ka bang mga lalaki, babae, o kambal?""Hindi ko sasabihin! Hindi ko muna sasabihin! Hindi ko lang sasabihin sa iyo!" Sinabi ni Ryan na may walang katulad na bastos na ekspresyon.Napakayabang ni Ryan na nagawa pa niyang humini sa tono. Nainis doon si Sabrina at kahit ang grupo ng tao sa likod niya ay sobra rin nakaramdam ng galit at gulat. Gayunpaman, nang makitang naging ama lang si Ryan noong araw na iyon, hindi ni

  • Kabanata 2076

    Nakatayo mag-isa si Ryan sa labas ng delivery room at kakaiba ang kanyang ekspresyon. Takot na takot si Sabrina at sobra ang kalabog ng kanyang puso. Hinawakan niya si Ryan at nagtanong, "Nasaan si Ruth? Bakit hindi ko naririnig ang sigaw niya? Sabihin mo sa akin, kumusta si Ruth?"Tinaas ni Ryan ang mga kilay niya at tumingin kay Sabrina. "Alam mo ba, Aunt Sabrina?""Ano?" tanong ni Sabrina. "Si Ruth... pagkatapos niyang madala sa delivery room, inabot ng hindi aabot... hindi aabot ng isang oras at pinanganak niya ang dalawang bata!"Hindi nakapagsalita si Sabrina. Napatigil din si Sebastian."Walang sakit na naramdaman si Ruth, alam mo ba 'yon? Hindi pa ako kailanman nakakita nang ganoong kabilis na pagpapanganak, Aunt Sabrina. Talagang nirerespeto ko noon noong ikaw, si Aunt Jane, at ang asawa ni Zayn na si Hana, noong nanganak, lahat kayo ang pineke ang mahirap na proseso. Hahaha..."Walang masabi si Sabrina. Pagkatapos ng mahabang panahon, tinaas niya ang kanyang kamay at

  • Kabanata 2075

    Bago pa malaman ng kahit na sina, agad binuhat ni Ryan ang asawa niya at nagmadali palabas nang nagmamadali. Ang lahat sa kasal at masasabi na agad kung anong nangyayari. Tumabi sila nang sa dalawang grupo kasama ang isang grupo na umatras sa kasal ni Yvonne at ang iba ay sinundan si Ryan sa kasal. Doble ang saya ni Yvonne sa araw na iyon. Hindi dahil sa kasal niya lang, pero pati na rin dahil manganganak na ang kaibigan niya. Nadala pa rin ang kasal sa isang sobrang buhay kasiyahan. Pagkatapos matapos ang kasal at hinatid na nila si Yvonne at Marcus paalis para matapos na nila ang kasal pagkatapos ay si Sabrina at ang iba pang mga tao ay pumunta sa hospital. Hindi maikukumpara ang pag-alala ni Sabrina sa buong biyahe niya papuntang hospital. Dahil iyon din ang unang pagkakataon na manganganak si Ruth at kambal pa ito, hindi lang alam ni Sabrina kung magiging maayos ang magiging delivery ito at kung cesarean na seksyon ba ang kailangan. Sa buong paglalakbay, pinipilit ni Sabrina si

  • Kabanata 2074

    Hindi makapaniwalang tumingin si Old Master Shaw kay Yvonne. "Anak ko, pinag-isipan mo na ba ito nang mabuti? Hindi ka na ba... natatakot sa akin? Hindi ka na ba... galit sa akin?"Nakaramdam ng hiya si Yvonne. "Alam mo po 'yon?""Siyamnapung taon na ako. Magiging matandang halimaw na ako. Ano pa ba ang hindi ko malalaman? Inisip ko na ito. Kung ayaw mo sa akin, pupunta ako sa nursing na pabahay pagkatapos niyang makasal ni Marcus..." sabi ni Old Master Shaw. "Hindi..." Hindi ganoo'ng kawalang puso si Yvonne. "Pasensya na. Malapit ako kay Sabrina at natuklasan ko ang maraming tao na abusuhin at pahiyain siya. Mula nung mga impostora mo pong mga apo na patuloy siyang sini-set up para paulit-ulit na abusuhin si Sabrina. Talagang galit ako sayo nang sobra mula noon. Hindi mo maiisip kung paano tumakas si Sabrina at ang kanyang ina nang may ngipin sa mga balat nila. Sobrang nakakaawa sila. Kaya, sa mahabang panahon, natatakot po ako sa'yo dahil...""Simula ngayon, nag-iba na ang opinyon

  • Kabanata 2073

    Kahit na takot si Yvonne magpakasal, siya ang pinakamasaya sa lahat ng mga babae. Simula pagkabata, Parehas na minahal si Yvonne ng kanyang mama at papa, at kahit ang kanyang tito, tita, at pinsan ay minahal din siya ng sobra. Hindi kailanman nagdusa ng kahit anong paghihirap at pagdurusa si Yvonne sa paglaki niya. Lumaki siyang malambing na babae sa pamilya.Ang relasyon niya kay Marcus ang tanging nagparamdam sa kanya ng pagkagipit. Tulad ng naramdaman niya mula kay Old Master Shaw. Ito ay dahil nasaksihan niya kung paano malupit na tratuhin ni Old Master Shaw si Sabrina na siyang sobrang nakaramdam ng takot si Yvonne kay Old Master Shaw. Habang lumilipas ang panahon, kahit si Old Master Shaw ay naramdaman ang takot niya sa kanya. Sa isang pagkakataon, kumuha na ng inisyatibo si Old Master Shaw na tanungin si Yvonne, "Anak ko, para kang isang takot na maliit na uwak. Bakit sa tuwing nakikita mo ako ay lilingon ka sa iba at hindi makapagsalita kahit na isang katiting na salita sa a

  • Kabanata 2072

    Nagulat ang lahat sa sinabi ni Ryan.“Sa kasalukyan, buntis ang aking pinakamamahal na asawa ng kambal! Isipin niyo yun! Nabuo ang kambal namin habang sobrang abala siya sa pagdadraft ng architectural design! Ang galing ng asawa ko diba?” Masayang sabi ni Ryan. Dahil dito, biglang namula si Ruth. Siya ang bride kaya kung siya ang papapiliin, ayaw niya muna sanang iaannounce na buntis siya! Pero huli na ang lahat dahil saktong sakto ang sinabi ni Ryan para sindakin ang mga mayayabang na babaeng pinagtatawanan siya kanina. Sobrang laki ng benepisyo ng ginawa ni Ryan dahil may tradisyon sa KIdon City na sa araw ng kasal, ipapahiya ng mga bisita ang bride. Pero ngayong sinabi na ni Ryan na buntis siya, wala ng naglakas ng loob na gawin yun!Sobrang engrande ng kasal nina Ruth at Ryan, kaya sobrang nakatulong ito sa confidence ni Ruth. Alam niya na kumpara sa asawa nina Jane at Sabrina, hindi hamak na mas mababa si Ryan, pero dahil hindi naman nagkaroon ng engrandeng kasal ang mga ito

  • Kabanata 2071

    ”Tamaaa! Pero ano pa nga bang magagawa natin. Siya ang type ng young prince kaya kahit na sumalampak pa tayo dito, wala na tayong magagawa.” “May naisip ako! Bakit kaya hindi natin batiin ng bagong kasal ng Spanish mamaya? Tignan natin kung anong magiging reaksyon niya.” “Uy, gusto ko yang ideya na yan.”“Haha! Gusto ko siyang makita na mamula sa kahihiyan.” “Eto nga… balita ko napaka baba daw ng self esteem niya.”“Haha! Tara batiin na natin siya..”Galing sa mga prominenteng pamilya ang grupo ng mga babae. Hindi sila maawat sa paguusap at pagtatawanan habang naglalakad papunta sa direksyon ni Ruth. Nang oras na yun, kasalukuyang nakikipag usap si Ruth sa mga Poole. Hindi naman siya nakakaramndam ng anumang kaba at takot dahil kagaya nga ng sinabi ni Sabrina, wedding niya yun at siya ang host kaya tama lang na kausapin niya ang mga bisita nila.Noong malapit na ang grupo ng mga magagandang babae kay Ruth, sakto namang may dumating na isang napaka gwapong foreigner na nakas

  • Kabanata 2070

    Ika-labing-apat ng Pebrero noon at malamig ang panahon. Subalit para sa Grand Enigma Hotel, ito ay tila nasa kalagitnaan ng tagsibol. Maraming magagandang babae at mga marilag na babae mula sa iba't ibang panig ng bansa ang nagtipon sa marilag na hotel na iyon. Ngunit ang pinakamagandang babae sa araw na iyon ay ang bungang-bisig na si Ruth.Normal na sobrang lamig tuwing February 14, pero pinainit ng mga nagagandahan at eleganteng kababaihan ang Grand Enigma Hotel. Siyempre, ang pinaka maganda sa lahat ay walang iba kundi ang bride na si Ruth. Ang wedding dress na suot niya ay nagkakahalaga ng mahigit one million dollar na personal na dinesign at pinatahi ni Sabrina sa ibang bansa. Sahill hindi nakasuot ng magandang wedding dress, gusto niyang maranasan ito ni Ruth. Habang nakaupo sa dressing room, hindi napigilan ni Ruth na humagulgol. “Sabrina, sobrang swerte ko talaga na nkilala ko kayo. Maaga akong nawalan ng mga magulang at pamilya kaya kung hindi dahil sainyo ni Yvonne, bak

  • Kabanata 2069

    Noong nine years old ako, sobrang hirap ng pamilya namin na hindi kami makabili ng sapatos. Nagkataon, isang araw nakita ko nag nagtapon ka ng sapatos sa basurahan. Hinintay kitang umalis bago ako lumapit, pero bumalik ka at kinuha mo sa akin yung sapatos. Ginawa mo akong katatawanan. Ang sabi mo sa akin, kumahol ako na parang aso, pagkatapos, naaliw ka at marami ka pang ibang pinagawa sa akin. Siyempre, bata pa ako nun at gustong gusto ko na magkaroon ng bagong sapatos kaya ginawa ko lahat ng mga pinagawa mo.”Hindi nakapag salita si Lily. Naalala niya yun. Noong mga panahon na yun, bilang anak ng isang mayamang pamilya, hindi niya naman kailangang personal na magtapon sa basurahan, pero nang makita niyang may nagkakalkal ng basura na kaedaran niya, naisip niya na mukhang masayang pag tripan ito kaya kumuha siya ng isang pares ng luma niyang sapatos bilang pain. Hindi naman ikinakaila ni Lily na sobrang natuwa siya sa ginawa niya at para sakanya wala lang yun. Sa totoo lang, ang bu

Scan code to read on App