Kabanata 4
Isang buwan ng hinahanap ni Sebastian si Sabrina.

Nung naisip niya na nagkamali siya ng akala at si Sabrina pala ay hindi naman ganun karumi at wasak katulad ng imbestigasyon niya, bigla niya itong nakita bilang isang waitress sa labas ng kwarto na nakareserve para sa kanya.

Minaliit niya talaga si Sabrina.

"Director Ford... ano po, ano pong meron?" Nanginig ang restaurant manager na kasama ni Sebastian habang nakatingin ito sa kanya.

"Gaano na siya katagal dito?" Seryosong tumingin si Sebastian sa manager.

"Isa...Isang buwan," sagot ng manager, nanginig ang boses niya.!

Isang buwan!

Ito ang oras na nakalipas simula ng tumakas siya sa Ford family.

Hindi niya talaga sinusubukan tumakas-- gusto niya lang tumaas ang halaga niya.

Damn!!

Nayamot si Sabrina at dismayado siyang tumingin kay Sebastian.

Ganito pala talaga kaliit ang mundo?

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, bitawan mo 'ko! Sige, tatawag ako ng pulis." Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak ni Sebastian sa kanya, pero hindi siya talaga makagalaw.

Sobra nang nasasaktan si Sabrina at nagsimula na siyang pawisan sa noo niya.

Pinagalitan ng manager si Sabrina sa takot, "Layla Young, sumosobra ka na!"

Ngumiti si Sebastian. "Layla Young? Pinalitan mo ang pangalan mo ng Layla Young para maitago mo ang katotohanan na kakalabas mo lang ng kulungan?"

Sa oras na 'yun, yung leader ng general floor--na siya ding humingi ng pabor kay Sabrina na palitan muna siya ay nagmadali agad pumunta pero masyado itong natakot magsalita.

Para bang nanlumo si Sabrina.

Dalawang araw na lang sana para mukuha niya ang sweldo niya ngayong buwan.

Pero, nawala na naman ang lahat sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo kong lubayan at iwanan mag-isa? Bakit?!" Napahamak na naman siya. Nagsimula agad na tumulo ang luha niya dahil sa galit. Tinaas niya ang kamay niya at kinagat ang balikat ni Sebastian. Nasaktan agad si Sebastian, kaya nabitawan niya na si Sabrina.

Tumalikod si Sabrina at tumakbo.

Hindi niya kayang lumaban sa kahit sino, kaya pagtakbo na lang ang nagawa niya.

Nung kumilos na si Sebastian, nakalabas na agad si Sabrina ng restaurant at nagmadaling sumakay ng bus. Bumaba siya pagkatapos ng ilang bus stop.

Nung naglalakad siya sa daan, bigla siyang humagulgol at hindi niya ito mapigilan.

Pumasok siya sa kulungan ng isang buwan para maging kapalit ni Selene, isang patay na lalaki ang gumalaw sa kanya sa unang pagkakataon, nahirapan pa siyang makalabas ng kulungan pero hindi niya na pala ulit makikita ang nanay niya.

Hindi pa ba tapos ang kamalasan niya?

Ano bang klase ng demonyo ang lalaking 'to na may pangalang Ford? Bakit ba ayaw talaga siyang lubayan nito?

Bakit?!

Dahil ba kakalabas niya lang sa kulungan at wala siyang mapuntahan, kaya ang sarap niyang asarin at apihin?

Humagulgol si Sabrina hanggang sa sumakit ang sikmura niya. Pagkatapos niyang umiyak, napaupo na siya sa gilid ng daan at sumuka nang tuloy tuloy. Pero, kulay green na acidic liquid lang ang naisuka niya dahil wala pa siyang kinakain.

Isang babae ang napadaan sa kanya, tinapik siya nito at sinabi, "Huy, buntis ka ba kaya ka nagsusuka ng ganito?"

"Buntis?" nanginig si Sabrina.

Nitong mga nakaraang araw parang lagi siya naduduwal, pero hindi pumasok sa isip niya na baka buntis siya. Pagkatapos siyang sabihan nung babae, naalala niya bigla na isang buwan na pala ang nakalipas simula nung nangyari ang gabing 'yun.

Pumunta siya sa ospital dahil sa panic at ilang sampung dolyar lang ang meron siya. Hindi pa nga ito sapat para makabayad siya sa kahit anong test.

Binigyan ng doctor si Sabrina ng isang test strip para makapag urine test.

Sampung minuto ang nakalipas, at siguradong sinabi sa kanya ng doctor, "Buntis ka."

Parang nahilo sa gulat si Sabrina. "Hindi. Hindi ako pwedeng mabuntis."

"Pwede mo naman yan ipa-abort." sagot ng doctor at tumingin ito sa labas. "Pasok na yung sunod."

Lumabas si Sabrina ng kwarto, umupo nang mag-isa sa bench ng ospital at hindi niya alam ang gagawin.

"Wag ka iyak... Wag ka iyak-- punas luha." Isang maliit at nabubulol na boses ang sumulpot sa harap ni Sabrina. Tumingala siya at nakita ang batang babae na nakasuot pa ng diaper at nakatayo sa harap niya.

Tinaas ng batang babae ang mataba at maliit niyang kamay dahil gusto niyang punasan ang luha ni Sabrina. Dahil hindi niya ito maabot, tinapik niya na lang ang hita ni Sabrina para patahanin siya.

Napalambot agad ng batang babae ang puso ni Sabrina.

"Pasensya na, mahilig kasi lumapit sa kahit sino ang baby ko." Isang batang ina ang tumayo sa tapat ni Sabrina at ngumiti sa kanya.

"Sobrang cute naman ng baby mo," sagot ni Sabrina.

Nainggit siya sa mag-ina habang lumalakad sila palayo. Hindi niya napigilan na hawakan ang ibabang parte ng tiyan niya. Wala na siyang pamilya ngayon. Yung bata sa tiyan na lang ang nag-iisa niyang kadugo.

Bigla siyang nakaramdam ng tuwa dahil magiging ina na rin siya.

Pero, ano naman kaya ang ipapakain niya sa bata at paano niya ito palalakihin?

Hindi niya nga rin kayang bayaran ang abortion surgery.

Nung kinaumagahan kinabukasan, si Sabrina, na nagkaroon ng pag-asa, ay pumunta sa kulungan at nagmakaawa sa gwardya. "Pwede ko po bang makita si Auntie Grace?"

Nung unang nakulong si Sabrina, matagal tagal na sa loob ng kulungan si Grace Summer at mga ilang taon na din ito. Inalagaan ni Grace si Sabrina at niligtas siya sa maraming gulo. Hindi niya alam kung anong buhay ni Grace sa labas, pero halata niyang mayaman si Grace.

Kada buwan, lagi siyang may mga bisita na may dalang maraming pagkain pati pera para sa kanya. Nung nakalabas si Sabrina, yung ilang daang dolyar na meron siya ay binigay sa kanya ni Grace nung nasa kulungan pa sila.

"Isang buwan mahigit ng nakalabas si Grace Summer," sabi ng gwardya habang iniisip kung ilang araw na ang lumipas.

"Ano po?" nagulat sa Sabrina.

"Siguro ikaw si Sabrina Scott, tama ba?" biglang nagtanong ang gwardya.

Tumango si Sabrina. "Opo ako nga."

"May iniwang number para sayo si Grace nung nakalaya siya. Nung nakalaya ka nung araw na yun, isang mamahaling kotse ang dumating at dinala ka paalis. Sumigaw ako para tawagin ka, pero hindi ka na sumagot." binigay ng gwardya ang phone number kay Sabrina.

"Salamat po."

Makalipas ang dalawang oras, nasa VIP ward na si Sabrina ng pinakamamahaling pribadong ospital sa South City. Nakipagkita siya sa kasamahan niya sa kulungan na si Grace Summer.

Medyo mapungay ang mga mata ni Grace habang nakahiga siya sa kama at may sakit. Pero, maganda ang pagkaayos ng puti niyang mga buhok.

Halata ni Sabrina na maganda talaga siya lalo nung bata pa, pero hindi alam ni Sabrina kung bakit siya nakulong.

"Auntie Grace?" tinawag niya ito nang mahina.

Dinilat ni Grace ang mga mata niya. Nang makita niya si Sabrina, natuwa siya masyado na bigla siyang inubo, tumigil din ito at sinabi, "Sabrina, sa wakas nagkita rin tayo ulit. Sinabi ko sa pasaway na yun na dalhin ka dito, pero lagi niyang sinasabi sakin na umuwi ka na daw sa inyo. Buti nakabalik ka na ngayon. Masaya akong bumalik ka na."

"Kakabalik ko lang galing sa lugar namin Auntie Grace," pinagtakpan pa ni Sabrina ang kasinungalingan.

Alam niyang yung pasaway na sinasabi ni Grace ay yung anak niya.

Naintindihan na rin ni Sabrina kung bakit siya nakalaya nang maaga. Ito ay dahil ginawa lahat ng anak niya para mapalabas siya ng kulungan.

Yung katotohanan na gusto talaga ng pamilya niya na mapalabas siya ng kulungan ay kahanga hanga na. Paano na sila papayag ngayon na magkaroon si Grace ng isang kaibigan na katulad ni Sabrina kung ganito pala kayaman ang pamilya niya?

Hindi naman masyadong malala ang pagsisinungaling niya kay Grace na galing siya sa lugar nila.

"Kung hindi dahil sa pag-aalaga mo, hindi ako makakatagal sa kulungan ng ganito, at hindi ko na rin makikita ang ulit ang anak ko. Hindi ko makakalimutan yun." Naging emosyonal si Grace at napaiyak ito.

Umiling si Sabrina, "Wag mo naman sabihin yan, Auntie Grace. Hindi naman ako naghihintay ng kapalit nung inalagaan kita dati..."

Naisip niya tuloy, 'Paano kaya ako mangungutang kung ganito kalubha ang sakit ni Grace?'

Kinagat niya ang labi niya at naglakas loob na nagsalita, "Auntie Grace, alam ko hindi ko dapat sinasabi 'to ngayon, pero wala talaga akong ibang maisip na paraan, Gusto..."

"Anong nangyari? Nandito ka na ngayon sa tabi ko-- kung meron kang problema, pwede mong sabihin sakin," tanong ni Grace.

"Auntie Grace,, pwede mo ba kong... pautangin ng pera?" Tumungo si Sabrina ng sobrang baba-- at nahihiya siyang tumingin sa kanya.

"Magkano ba ang kailangan mo? Bibigyan kita." Isang mahinang boses ang narinig niya sa likod.

Lumingon agad si Sabrina, nagulat siya at hindi na siya makapagsalita nang maayos. "Ikaw na naman?"

Related Chapters

Latest Chapter