Kabanata 5
Kung hindi si Sebastian ang lalaking nakatayo sa likod niya, sino pa nga ba?

Tumingin ang lalaki kay Sabrina at nakangiti ito ng konti. Malambing at malamig ang boses ng lalaki na parang nakakaakit ito sa tenga ni Sabrina. "May sakit si Mama at kailangan niyang magpahinga. May mga problema ka ba na hindi ko kayang solusyunan? Bakit kailangan mo pang abalahin si Mama?"

Natigilan si Sabrina at wala siyang nasabi.

Hinawakan siya ng lalaki at dinala palabas ng kwarto bago pa ito pumalag.

"Anak, mag-usap kayo ng maayos tungkol sa kasal niyo ni Sabrina. Dapat alagaan mo si Sabrina nang mabuti," sumigaw si Grace sa likod nila.

"Wag kang mag-alala, Ma." sumagot ang lalaki nang isara ang pinto papunta sa ward.

Hinila ni Sebastian si Sabrina at naglakad sila ng malayo.

Nang makarating sila sa dulo ng corridor, ang malambing niyang mukha ay napalitan ng pagiging suplado, at may nakakatakot na tingin.

Sinakal agad ng lalaki ang leeg ni Sabrina at sinandal siya sa dingding. Parang espada ang tingin niya dito. "Babaeng preso! Paulit ulit mong sinubok ang pasensya ko, at ngayon naglakas loob ka pang magpakita sa harap ng nanay ko-- ang kapal ng mukha mo! Pag may nangyaring masama sa nanay ko, mas matindi pa sa kamatayan ang ipaparanas ko sayo!"

Namula ang mukha ni Sabrina sa pagsakal sa kanya. Nagsalita ito nang nahihirapan, "Hindi...ko...alam...na...si..Auntie Grace...ang nanay mo."

Ngayon naintindihan niya na kung bakit nandidiri sa kanya si Sebastian, pero pinilit niya pa rin na makakuha sila ng marriage certificate. Dati sa kulungan, Nabanggit ni Grace na gusto niyang manugangin si Sabrina pagkatapos nila lumabas sa kulungan.

Akala ni Sabrina nagbibiro lang si Grace nung oras na yun.

Yun pala seryoso si Grace sa mga sinabi niya..

Lalo pa siyang sinakal ng lalaki. "Akala mo ba maniniwala ako sayo? Paulit ulit mo akong pinapahabol sayo, hindi ba yun para tumaas ang halaga mo? Matagal mo na bang gustong maging mayaman na asawa sa isang mayamang pamilya katulad ng mga Ford?"

Hindi niya na sinubukan lumaban pa, kaya ipinikit niya na lang mga mata niya.

Hayaan na lang natin sakalin siya hanggang mamatay. Kung ganito, hindi na siya mahihiwalay sa anak na nasa tiyan niya at makakasama niya na din ulit ang mama niya.

Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata niya.

Pero, tumigil na rin sa pananakal ang lalaki. Kumalma na siya ulit.

Ang tono ng boses niya ay malakas at nakakatakot pa rin. "Dalawang buwan na lang ang natitira sa buhay ng nanay ko. Kailangan kong matupad ang hiling niya na pakasalan ka, pero hindi kita gagalawin! Pagkatapos ng dalawang buwan, ididivorce kita dahil kung hindi, gagawin kong impyerno ang buhay mo!"

'Dalawang buwan na lang ang itatagal ni Auntie Grace?'

Nakaramdam si Sabrina ng kirot sa puso niya.

Ilang beses siyang huminga nang malalim. Ilang saglit pa, kalmado siyang nagtanong, "Gusto mong gumawa tayo ng pekeng kasal?"

"Ano pa nga ba? Gusto mo na bang maging totoong asawa ko?" Tiningnan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa nang may pandidiri.

Naalala bigla ni Sabrina yung araw na nasa kwarto siya at nakita ng lalaki ang harap na parte ng katawan niya. Napuno ng hickey ang katawan niya galing sa patay na lalaki nung araw na yun.

Syempre, pandidirihan siya nito dahil sa sobrang dumi niya.

Kinagat ni Sabrina ang labi niya at sinabi, "Papayag ako sa gusto mo, pero may isa akong hiling."

"Sabihin mo na!"

"Gumawa ka ng account para sakin sa isang malaking city-- kahit saan ayos lang."

Kung dadalhin niya ang anak niya sa lugar nila balang araw, mamaliitin ng mga tao doon ang anak niya dahil wala itong tatay.

Ayaw niya namang maranasan ng anak niya ang diskriminasyon balang araw.

Gusto niyang dalhin ang anak niya malayo sa lugar nila.

Tiningan siya ni Sebastian na parang hindi ito naniniwala. "Yun lang?"

Nilakasan niya ang loob niya at nagsalita ulit, "Gusto ko ng 30,000 USD in cash ngayon na para sa allowance ko."

Sapat na ang 30,000 USD para sa pagpapa check-up niya sa ospital, gastusin sa pagbubuntis, at pwede pa siyang bumalik sa lugar nila para dalawin ang yumao niyang nanay.

Ngumiti nang bahagya si Sebastian.

Totoo nga, mukhang pera pa rin talaga ang babaeng 'to sagad hanggang buto niya.

Sinabi niya dati sa kanya na merong divorce settlement fee, pero humihingi pa rin siya ngayon ng 30,000 USD isang bigayan.

Kung ibigay niya ang 30,000 USD ngayon sa kanya, edi bukas hihingi naman siya ng 50,000 USD?

Kung isang araw hindi siya pumayag sa gusto niya, pwede siyang maglaho na lang at mang-blackmail para taasan pa ang halaga niya, di ba?

Para kang nagpupuno ng isang lagayan na butas naman ang ilalim. Ang sakit nito sa ulo!

Ilang tao na ba ang pinatay ni Sebastian dahil lang hinahadlangan siya sa mga plano niya nung nakaraang ilang taon? Hindi na siya magdadalawang isip na pumatay pa ng isang taong katulad ni Sabrina.

Pero, hindi na makakahintay ng matagal ang nanay niya.

Nilabas ni Sebastian ang cellphone niya at may tinawagan ito. Pagkatapos ng limang minuto, dumating ang assistant niyang si Kingston Yates na may dalang envelope.

Kinuha ni Sebastian ang 5,000 USD sa envelope, at inabot ito kay Sabrina, matapang itong nagsalita, "Kaya kitang bigyan ng 30,000 USD pero hulugan lang pwede. Kung magiging mabait ka sa harap ng nanay ko, itutuloy ko lang ang pagbibigay sayo nung natitira pa."

5,000 USD?

Kailangan niya magpacheck-up nang madalas, magrenta ng bagong lugar na titirhan niya, at humanap ulit ng trabaho. Paano magkakasya ang 5,000 USD?

“10…10,000! Hindi na pwedeng bumaba dun."

"2,000!" Sobrang lamig ng boses ng lalaki at nakakanginig siya hanggang buto.

"5,000, 5,000 nalang ang ibigay mo." pinalitan agad ni Sabrina ang sagot niya.

"1,000!"

Kinagat ng malakas ni Sabrina ang labi niya para lang hindi siya maiyak. Naisip niya na baka pag nakipagtalo pa siya, lalong bawasan ng lalaki ang ibibigay niya.

Kung may 1,000 USD siya, sapat na yun para makapag pacheck-up siya.

"1,000." Napalunok na lang si Sabrina at inabot ang pera para makuha niya na ito.

Tinapon ni Sebastian sa sahig ang pera.

Matapang na nagbabala ang lalaki, "Basta ginawa mo nang maayos ang trabaho mo, aayusin ko ang kontrata para sa dalawang buwang pagiging kasal natin at ipapadala ko yun sayo. Kapag nagawa na yung kontrata, mababayaran ng buo yung komisyon mo. Para naman sa allowance, makukuha mo lang yun kapag nagpakabait ka."

Nakatutok lang sa pagpulot ng pera sa sahig si Sabrina, kaya hindi narinig yung mga sinabi ni Sebastian sa kanya.

Importante sa kanya yung 1,000 USD at isinantabi niya muna ang dignidad niya para dito. Mas okay na to kesa tumanggap ng limos galing sa Lynn family.

"Ano ulit yung sinabi mo?" Tumalikod si Sabrina at tinanong si Sebastian pagkatapos niyang pulutin lahat ng pera.

Pokpok ka talaga!

Parang naghihinala sa kanya si Sebastian nang tingnan niya ito. "Sumama ka na sakin! Wag mong kalimutan ayusin ang parte mo! Kapag may nasabi kang mali..."

"Wala akong sasabihin na hindi dapat," sabi ni Sabrina.

Hindi naman sa gusto niyang makisama kay Sebastian, talagang naaawa lang din siya kay Grace.

Sa kulungan, para sila mag-ina kung mag turingan.

Ngayon, malapit nang mawala ang buhay ni Grace. Gagawin niya pa rin yung parte niya kahit wala silang pinag-usapan ni Sebastian.

Pumasok silang dalawa sa kwarto nang magkasama, at malaki ang ngiti ni Sabrina sa mukha niya. "Auntie Grace, ngayon lang namin pinag-usapan ni Sebastian ang pagkuha ng marriage certificate, hindi mo naman ako sisisihin dahil di kita sinamahan, di ba?".

"Ikaw talaga, iniisip ko nga na sana ikasal na kayo nang mas maaga, para mapanatag na ang puso ko." Hinawakan ni Grace ang kamay ni Sabrina at hinila niya ito papalapit sa kanya, tapos ay bumulong ito, "Sabrina, kuntento ka na ba sa anak ko?"

Nahihiyang ngumiti si Sabrina at sinabi, "Sobrang kuntento."

"Sige na kumuha na kayo ni Sebastian ng certificate, ha? Gusto ko na agad marinig na tawagin mo na rin akong mama."

Dahan-dahang pinatong ni Sabrina ang kamay niya sa kamay ni Grace. "Opo naman, Auntie Grace."

Nung hapong yun, pumunta na sila Sabrina at Sebastian sa munisipyo.

Nagpakuha na sila ng litrato nang magkasama, tinatak ang mga fingerprint nila at sinabi ang mga pangako nila sa isa't isa. Pero, kahit na may tatak na ang marriage certificate nila at nakuha na nila ito, hindi pa rin makapaniwala si Sabrina na totoo nga ito.

Kasal na nga talaga siya.

Related Chapters

Latest Chapter