Extra Chapter 1: Kanda-takbo si Lyzza papasok ng Vesarius Airlines dahil late na siya para sa unang flight niya nang umagang iyon. Hahabol-habol sa kanya si Kuya Emer at ang isa pa nitong kasamahan na walang kilay na Paul pala ang pangalan. “Ma’am, huwag po kayong tumakbo,” parang tatay na nakukunsumisyon si Kuya Emer dahil pasaway ang anak na kasama. Pasaway siya. “Dito na lang kayo. Ba-bye!” sigaw niya at nakuha pang kawayan ang dalawa habang hila-hila ang maleta niya. “Sabihin niyo kay Gideon, lagot siya sa akin.” Humagikhik siya nang maiwan sa labas ang dalawang gwardiya na kakamot-kamot pa sa ulo dahil hindi na pwedeng pumasok ang mga ito sa loob ng boarding gate. Simula nang ikasal ulit sila ni Gideon, ay para siyang reyna na palaging may gwardiya kahit saan pumunta. Kung hindi si Kuya Emer at Kuya Paul ang gwardiya niya, ay asawa naman niya ang palaging nakabuntot na para bang tatakas siya. Saan naman siya pupunt
Last Updated : 2022-05-08 Read more